Chapter 8

1202 Words
SOFIA Chase Khade Mondragon. 37 years old, single, and no girlfriend. He was from a well-off family. He became a billionaire at the age of 29 and he is currently the CEO of CM Power Corporation, as well as the owner of several other enterprises and corporations. Ilan lamang ito sa mga nabasa ko sa profile ni Chase Mondragon mula sa mahabang report na binigay ni Aidan kay Aryan. Wala akong nabasa na may babaeng dini-date at niligawan si Chase Mondragon sa loob ng dalawang taong lumipas dahil sobrang workaholic pala ng lalaking iyon. Pakiramdam ko ay nabunutan ako ng tinik sa dibdib ng mabasa ako ito dahil isipin ko pa lang na may asawa na siya ay nagi-guilty na ako na nakipag-one night stand ako sa isang married man. Sampung taon pala ang tanda niya sa akin. Twenty-seven pa lang ako pero hindi halatang ganito na ang edad ko dahil bukod sa angelic at innocent looks ko ay baby face pa ang mukha ko. Malaki nga ang age gap naming dalawa ng lalaking pinagmamasdan ko ang larawan sa harap ko, pero wala akong pakialam dahil he's not my ideal man. Ang akala ko dati ay baka kasing edad na siya ni daddy dahil mukha na siyang forties. Seryoso ang aura niya at mukhang hindi marunong ngumiti, kaya nagmukha tuloy siyang matanda sa paningin ko kumpara sa kaniyang edad, pero kahit gano'n siya ay hindi ko magawang alisin sa kaniya ang mga mata ko dahil tila ba may kakaiba sa paningin ko isang Chase Mondragon. Kahit hindi ko siya kaharap ngayon ay para bang totoong nakikipag-titigan rin sa akin ang mga mata ng lalaking pinagmamasdan ko. Pakiramdam ko ay may kung anong malakas na enerhiya ang humihigop sa akin habang nakatingin ako sa larawang kaharap ko. Napakalakas ng sèx appeal ng isang Chase Mondragon, na alam kong mabilis makakuha ng atensyon ng isang babae, kaya nakapagtataka kung bakit hanggang ngayon ay single pa siya at wala rin palang girlfriend. Hindi kaya bakla si Chase Mondragon, kaya wala siyang babaeng karelasyon? Ipiniling ko ang ulo ko para kalimutan kung ano'ng ideya ang pumasok sa isipan ko. Imposibleng bakla ang lalaking iyon dahil ilang araw sumakit ang buong katawan ko ng dahil sa kaniya. Mukhang hindi niya ako tinigilan magdamag, kaya bukod sa masakit ang kalamnan at katawan ko ay pagod na pagod rin ako at nanghihina nang makarating dito sa bahay. Maghapon at magdamag tuloy akong natulog para makabawi ng lakas. Inabot pa ng ilang araw bago tuluyang nawala ang pananakit ng buong katawan ko, gano'n rin ang pagkababaê ko. Isipin ko pa lang na makakaharap kong muli si Chase Mondragon ay nakakaramdam na ako ng kaba. Ito ang unang pagkakataon na nakaramdam ako ng ganito dahil kahit minsan ay hindi naging isyu sa akin kung ano ang trabahong gagawin ko. Ganito ang naging epekto sa akin ng isang gabing may nangyari sa pagitan naming dalawa ng lalaking iyon. Alam kong kailangan ko siyang harapin bukas, kaya ilang araw na pinagmamasdan ko ang mukha niya sa malapad na screen sa harap ko, para masanay na akong nakikita ko siya sa paligid ko. Nilagok ko ang wine na isinalin ko sa baso bago tumayo sa sofa at sumampa sa kama. Gaya ng ilang gabi ko ng ginagawa ay hinayaan kong nakabukas ang malaking screen sa tapat ng kamang hinihigaan ko habang naka-display ang mukha ni Chase Mondragon. I did this, para masanay ako sa presensya niya sa paligid ko. Kailangan ko itong gawin dahil alam kong mahihirapan ako kapag nagkaharap kaming dalawa kung patuloy ko siyang tatakbuhan. I'm Sofia Madrigal Suarez, and I'm not a coward. I faced my enemies, and I stood strong on a battleground, kaya hindi ko hahayaan na isang Chase Mondragon lang ang magpapahina sa akin dahil lamang sa nakuha niya ang virginity ko. Hindi ko alam kung anong oras na ako nakatulog kagabi. Nagising na lamang ako mula sa malakas na tunog ng alarm clock sa tabi ko, kaya kahit mabigat ang pakiramdam ko ay tumayo agad ako at pumasok sa banyo. Mabilis na hinubad ko ang nighties na suot ko at nilagay ito sa laundry basket. Inabot ko agad ang toothbrush at toothpaste para magsipilyo at nang matapos ay sinimulan ko nang maligo. Five o'clock pa lang ng umaga, pero hindi ako p'wedeng kumilos ng mabagal dahil kailangan na sharp eight o'clock ay nasa loob na ako ng kompanya ni Chase Mondragon para hindi ako ma-late sa interview. Five days ago, nag-send ako ng resume ko online right after kong mabasa ang job vacancy na posted ng kompanya niya sa website ng CM Power Corporation. Kahapon, nakatanggap ako ng email mula sa HR ng CM Power Corporation na selected daw ako for interview today by eight o'clock in a morning, kaya kailangan kong gumising ng maaga. Siniguro ko na maayos ang suot ko. Base kasi sa nabasa kong ugali ni Chase Mondragon ay maselan siya sa pananamit ng kaniyang mga babaeng tauhan. Ayaw niya na pakalat-kalat sa loob ng kompanya niya ang mga babaeng labas ang mga pribadong bahagi ng katawan, kaya simpleng damit lang ang sinuot ko, at light makeup lang din ang ginawa ko para hindi naman plain ang itsura ko. Ibang-iba ang ayos ko ngayon kumpara sa doctor na Sofia Suarez na pumapasok sa hospital. Nang makita ako ni Chase Mondragon noong isang linggo sa bar ay hindi man lang ako nakapag-suklay dahil nagmamadali akong puntahan si Danaya kasi nag-aalala ako ng marinig kong umiiyak siya. Mabuti na lang at hindi mabilis mabura ang favorite lipstick na gamit ko, kaya kahit paano ay kissable lips naman ako ng gabing iyon. This time, medyo pormal ang ayos ko, but I made sure na simple pa rin akong tingnan. Ayaw kong makuha ang atensyon ng lalaking iyon, mas mabuti kung papasok ako sa kompanya niya na hindi niya alam para malaya akong makakilos. Mabilis na inubos ko ang fruit shake na hinanda sa akin ni Ate Em. Tanging ito muna ang almusal ko ngayon dahil hindi ako sanay kumain ng marami sa umaga. “Bye, Ate Em,” nakangiting paalam ko sa kaniya nang ihatid niya ako sa tapat ng pintuan. “Sure ka ba talaga na magta-taxi ka lang, Sofie?” Tumango agad ako kay Ate Em bilang sagot. Alam kong nagtataka siya kung bakit nagpatawag ako sa kaniya ng taxi ng ganito kaaga gayong may kotse naman ako. “Maaga pa kasi, Ate Em. Napagod ako kagabi. Isa pa, importante ang lakad ko ngayon, kaya ayaw kong mapagod mag-drive,” mabilis na pagdadahilan ko. “Sige, mag-ingat ka, Sofie.” Mabilis akong sumakay sa naghihintay na taxi at kumaway kay Ate Em. Tahimik ang biyahe, hindi rin gaanong ma-traffic, pero daig ko pa ang hindi mapakali dito sa loob ng taxi. For the first time, hindi ako komportable sa trabahong gagawin ko. Siguro, malaking factor dito ay kilala ako ng target ko at may nangyari pa sa aming dalawa. Alam ko sa sarili ko na kinakabahan akong pumasok sa teritoryo ni Chase Mondragon dahil hindi malayong magkita kami doon, pero wala na akong magagawa ngayon kung ‘di ang gawin ang misyon ko para matapos ko agad ito at makabalik ako sa dati kong buhay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD