Chapter 7

2132 Words
SOFIA “Are you sure na ayaw mong ibigay kay Sabrina ang trabahong iyan, Draven?” hindi nakatiis na tanong ko sa pinsan ko, habang kaharap siya dito sa conference room, kung saan kasama namin ang iba pang Aces ng Magna El Cajon. “Why?” seryoso ang tinig na tanong ni Draven sa akin. “May problema ba tayo kung ikaw ang ipapadala ko sa kompanya niya para mag-imbestiga, Sofie?” Huminga ako ng malalim. Pinatigas ko ang ekspresyon ng mukha at taas noo na hinarap ang pinuno ng council. “Hindi ko puwedeng iwan ang mga pasyente ko sa hospital, Draven. Iba na lang ang ibigay mong trabaho sa akin,” walang emosyon na sagot ko. “As far as I know, maraming magagaling na doctor sa hospital ninyo, Sofia. Isa pa, hindi naman ito ang unang pagkakataon ka papasukin mo ang teritoryo ng kalaban natin, kaya madali lang para sa iyo na gawin iyan.” Narinig kong sabat ni Aidan, kaya sinamaan ko siya ng tingin dahil bida-bida na naman ang lalaking ito. “I'm sure, just like those previous works na nagawa mo, mabilis mo lang ‘yan matatapos.” Tinapunan ko siya ng masamang tingin at inis na inikutan ng mga mata. “Hindi ko hinihingi ang opinyon mo, Aidan,” mataray na sabi ko sa kaniya. “That's enough!” matigas na saway sa amin ni Draven. “Hindi puwede na si Sabrina at Aidan ang ipapadala ko doon kapalit mo, Sofie. Bukod sa iyo, silang dalawa lang ang trusted ko sa trabahong ito dahil lahat kayo ay magaling sa technology at fully trained rin. Parehong kilala na ang identity nila in public, kaya risky kung susugal tayo na pasukin nila ang teritoryo ng kampo ni Chase Mondragon.” Nauunawaan ko ang ibig sabihin ni Draven, kaya lang, alam ko sa sarili ko na hindi pa ako handa na makaharap at araw-araw na makita ang lalaking iyon. “Si Aryan na ang bahala para mabilis kang makapasok sa kompanya ni Mondragon, Sofie,” sabi pa ni Draven. “As in ako talaga, wala na bang iba?” nakasimangot na tanong ko sa mga kasama ko. “Marami naman tayong magagaling na tauhan na gagawin iyan, basta i-utos mo lang.” “Alam mo ang batas natin sa council, Sofia. Kapag mga bigtime at lider ng sindikato at mafia ang target natin, hindi natin p'wedeng ibigay sa mga tauhan natin ang trabahong iyan,” pormal at seryosong sabi ni Draven. Hindi ko nagawang magreklamo dahil alam kong totoo ang sinabi ni Draven. Kaya kami personal na pinadala ni Lord Sebastian sa academy sa London para mag-training at ihanda kami sa ganitong trabaho. Isa ito sa personal na trabaho naming mga Aces, kaya nanatiling matatag ang Magna El Cajon dahil walang nakakalabas na important details or any information. Tanging Aces lamang ang nakakaalam kapag may order galing sa head ng council at hindi rin ito nalalaman kahit pa ng mga pinuno ng iba't ibang mafia clan at members ng council. Matibay ang secrecy ng organisasyon dahil na rin sa mga naging problemang hinarap ng dating council head at his Aces, kaya ito ang naging counter measure ni Lord Sebastian na dating pinakamataas na pinuno ng organisasyon noon. “Hindi pwedeng si Aidan ang ipadala natin sa kampo ni Mondragon. Kilala na siya dahil sa trabaho niya,” sabi naman ni Aryan. “Also, gano'n rin si Sabrina. Hindi bagay sa kaniya ang maging karaniwang employee na sunod kay Mondragon dahil baka hindi pa tapos ang maghapon ay wala ng buhay ang lalaking iyon kapag nagalit siya dahil inutusan siyang gumawa ng kung ano-ano.” Sa mga naririnig ko ay wala na nga akong option kung ‘di tanggapin ang trabahong binigay ng Aces sa akin. “How about you, Jamilla?” mabilis na tanong ko sa kasamahan namin. “Baka p'wede mong kunin ang misyon na ‘yan.” Mabilis na umiling si Jamilla. “I can't take that job, Sofia. I'm leaving the country by tomorrow morning. Hindi ko rin alam kung kailan ako makabalik dito sa Pilipinas.” Napatingin ako kay Draven. Alam kong naghihintay siya sa isasagot ko. Base sa mga narinig ko sa mga kasama ko ay alam kong wala na nga akong ibang pagpipilian kung ‘di ang tanggapin na lang ang trabahong binigay niya sa akin. “Fine, I'll do it.” Kahit ayaw kong magkita ulit kami ng lalaking iyon ay tinanggap ko na lang. “Kailan ako magsisimula?” Natutuwang ngumiti si Draven.“As soon as possible,” mabilis na sagot ni Draven. “Gusto kong manmanan mo ang bawat kilos ni Chase Mondragon, maging kung sino-sino ang mga nakakausap niya at kung ano ang koneksyon niya sa taong lumalapit sa kaniya, pati na rin ang status ng kompanya niya, kasama na rin ang lahat ng transaction na connected sa kaniya.” Tumango ako habang hindi inaalis ang mga mata sa malaking screen kung saan nakikita ko ang larawan ni Chase Mondragon. “Sofie, bakit balot na balot ka yata ngayon?” Narinig kong tanong ng pakialamerong si Aidan. “It's none of your business.” Inirapan ko siya at mabilis na yumuko. Binuklat ko ang folder sa harap ko at nagkunwaring binabasa ko ang profile ni Chase Mondragon. “May sakit si Sofie, pero pumunta pa rin siya dito sa base, kaya huwag mo siyang kulitin, Aidan at baka magbago ang isip niya ngayon.” Narinig kong sabi ni Draven. Parang hindi high ranking army official ang isang ito. Masyadong madaldal at tsimoso. Akala ko'y nakinig siya sa sinabi ni Draven, pero narinig ko na naman siyang nagsalita. “Aba, himala, nagkakasakit na pala ang wonder woman ng Ace's.” Nag-angat ako ng ulo at sinamaan ko ng tingin si Aidan. “Will you shut up? Nag-iisip ako ng tamang approach sa target ko, ang ingay-ingay mo.” Nginisihan ako ni Aidan. “Madali lang sa iyo iyan, Sofie. Akitin mo lang, siguradong hindi ka tatanggihan n'yan ni Mondragon.” Biglang nag-init ang pakiramdam ko sa magkabilang pisngi ko. Kung bakit ba naman kasi ang ingay ng isang ito at kung ano-ano ang sinasabi. “Ew! Hindi kaya ng sikmura ni Sofie ang pumatol sa matandang iyan,” maarteng sabat ni Sabrina na parang nandidiri pa. “Kunwari lang nga, aakitin lang para matapos agad ang trabaho niya,” sabi na naman ni Aidan. “Tama na iyan,” utos ni Draven. Hindi ko alam kung aware ba ang pinsan ko na hindi talaga ako komportable na pinag-uusapan namin ngayon si Chase Mondragon. “Since tapos na ang meeting natin, you all can leave.” Pakiramdam ko ay biglang nawala ang bara sa lalamunan ko sa narinig kong sinabi ni Draven. Dinampot ko ang folder na nasa harap ko at agad tumayo, pero narinig kong tinawag ako ni Aryan. “Are you okay?” Tinaasan ko siya ng kilay. “Kailan ka pa nagkaroon ng concern sa akin?” Nginisihan ako ni Aryan at nagkibit-balikat. “Hindi mo na dapat tinatanong iyan, Sofia. You look different today. Mukhang bothered ka sa bagong misyon mo. Kinakabahan ka na yata.” Inikutan ko siya ng mga mata. “You know me, Miller. I don't need to explain anything to you pagdating sa trabaho ko.” “Fine, but make sure na hindi ka mai-inlove d'yan sa lalaking iyan,” naka-ngising sabi ni Aryan sa akin, kaya biglang nanliit ang mga mata ko sa kaniya. “Ano'ng sinabi mo?” “Wala, kakaiba kasi ang reaksyon mo kanina ng makita mo kung sino ang subject natin,” paliwanag ni Aryan. “Isa pa, I've seen something in your eyes na para bang nagkita na kayong dalawa, kaya ayaw mong tanggapin ang trabahong iyan dahil iniiwasan mo siya.” I didn't know na nakabantay pala sa akin ang lalaking ito kanina at pinagmamasdan ako. Alam kong matalas ang pakiramdam ni Aryan sa lahat ng bagay, kaya hindi na ako nagtataka na may napansin siyang kakaiba sa akin kanina, pero kahit anong mangyari ay hindi ako aamin sa kaniya, kahit tama naman ang sinabi niya. “Huwag ang trabaho ko ang pakialaman mo, Miller. Mag-pokus ka sa paghahanap mo sa asawa mo para mahanap mo na siya ng hindi kung sino-sino pinapakialaman mo.” Mabilis na tinalikuran ko si Aryan at naglakad palabas sa conference room. Alam kong ang asawa niya ang kahinaan ng lalaking iyon, kaya iyon ang ginamit ko para manahimik siya. “Hey, Sofie! May lakad ka ba mamaya?” tanong ni Sabrina ng abutan kong nakatayo sa harap ng elevator. “Why?” “May date kasi ako, eh.” Nangunot ang noo ko dahil wala naman akong nakikitang dahilan para tanungin niya ako kung may lakad ako. “Ano namang pakialam ko sa date mo, Sabrina?” “Look, kailangan ko lang talagang siputin ang lalaking iyon para manalo ako sa pustahan, kaya lang, ayaw ko namang pumunta sa hotel na walang kasama,” paliwanag ni Sabrina. Kahit hindi niya ako yayain ay alam ko na ang ibig niyang sabihin. “Hindi ako p’wedeng sumama ngayon, Sab, masama kasi pakiramdam ko. Isa pa, active ang allergy ko,” mabilis na pagdadahilan ko para hindi na niya ako kulitin pa. “Ew, kaya pala kahit mainit ang panahon ay balot na balot ka, Sofie. Sana, sinabi mo ng mas maaga para nakapag-wisik man lang ako ng alcohol,” maarting sabi ni Sabrina. Kahit kailan talaga, napakaselan ng babaeng ito. As if naman na mamamatay agad siya kapag nadapuan ng bacteria. Natatawang pumasok ako sa elevator ng bumukas ang pintuan. Akmang sasara na sana ang pinto ng pindutin ko ang hold dahil nakatayo pa rin sa labas si Sofia. “Ano, hindi ka pa ba sasabay sa akin pababa?” tanong ko sa kaniya. “Heto na.” Alam kong napilitang sumakay sa elevator si Sabrina kasama ko dahil ayaw niyang naghihintay ng matagal. Bukod sa maarte ang babaeng kasama ko ay ubod rin ng bugnutin, kaya sakit talaga siya ng ulo noong mga panahong nagta-training pa lang kami, kasama si Aidan na hindi marunong magseryoso sa buhay. “Sofie, sige na, baka p'wede mo akong samahan,” pangungulit na naman ni Sabrina. “Tigilan mo ako, Sab. Gusto mo bang magkalat ako ng bacteria doon?” Napa-ngiwi agad si Sabrina. “Huwag na nga lang. Ayaw kong mahawahan n'yan. Alam mo namang takot ako sa injection. Kaya nag-iingat talaga ako na ‘wag magkasakit kasi takot ako sa karayom.” Mabuti na lang at hindi na nagpumilit pa si Sabrina na isama ako. Agad na naghiwalay kaming dalawa ng tumigil ang elevator at bumukas ang pintuan sa tapat mismo ng car park. Mabilis na naglakad ako papuntang parking lot kung saan nakaparada ang sasakyan ko at pagkatapos ay pinaharurot ito palabas sa base. As expected, mahabang traffic ang sumalubong sa akin sa daan. Sanay na ako sa ganito, kaya mabagal ang usad ng sasakyan ko. Wala rin akong pakialam sa paligid ko, pero may isang sasakyan ang kumuha sa atensyon ko dahil nakita ko itong nabundol ng kasunod na itim na kotse sa likuran. Hindi ako mahilig sa tsismis, pero natigilan ako ng makita ko kung paano mabilis na bumaba sa kotseng nabangga ang lalaking pamilyar sa akin. Akala ko ay dinadaya lamang ako ng mga mata ko dahil palagi siyang laman ng isipan ko, kaya posibleng siya ang inaakala kong nakita ko sa unang tingin, pero kahit ilang ulit akong kumurap ay siya talaga ang nakikita ko. Bigla tuloy akong nakaramdam ng malakas na kabog sa dibdib ko. Pakiramdam ko ay para bang sasabog ang puso ko dahil napakabilis ng tîbok nito, kaya hindi ko na napansin na mahigpit na nakahawak pala ang mga kamay ko sa manibela habang nasa kaniya ang paningin ko. Dalawang sasakyan lang ang pagitan namin at nang gumalaw ang traffic ay natapat ako sa mismong kotse ni Chase Mondragon, kaya malinaw na siya nga ang nakikita ko ngayon. Hindi ko alam kung minamalas lang ba ako ngayon dahil kahit iniiwasan ko siyang makita ulit ay nagtagpo pa rin ang landas naming dalawa. Mabuti na lang at tinted ang salamin ng kotse ko. Hindi niya ako nakita kahit magkatabi lang ang kotse naming dalawa. Alam kong kahit iwasan ko siya ngayon, eventually ay magkikita pa rin kaming dalawa dahil kailangan kong magtrabaho sa kompanya niya para makalapit ako sa kaniya. For now, mas mabuting huwag muna akong makita ni Chase Mondragon. Kailangan ko munang pag-aralan ang profile niya, para alam ko kung paano magiging madali para sa akin na mapalapit sa kaniya. Kailangan ko munang kilalanin ang mga tao sa paligid niya, gano'n rin kung ano ang kaniyang lakas at kahinaan para sa susunod na magkita kaming dalawa ay handa na akong harapin siya…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD