Chapter 9

1516 Words
SOFIA Dahil maaga akong umalis sa bahay, kaya seven fifteen pa lang ay nakarating na ako sa tapat mismo ng malaki at mataas na building ng kompanyang pag-aari ni Chase Mondragon. Matapos magbayad sa driver ay bumaba agad ako sa taxi at naglakad papasok sa malaking front door ng building. “Good morning, I'm here for my job interview today,” magalang na sabi ko dalawang gwardya na bantay sa pintuan. Pinakita ko sa kanila ang confirmation email na natanggap ko mula sa HR Department, kaya agad nila akong pinapasok sa loob. “Miss, ipakita mo po itong confirmation letter sa receptionist. Sila na po ang bahala sa iyo,” magalang na sabi ng guard sa akin. Agad na humakbang naman ako palapit sa reception area at lumapit sa dalawang receptionist. Ipinakita ko sa kanila ang papel na hawak ko. Agad naman nila itong kinuha at pagkatapos ay may tinawagan. “Miss, pwede ka nang umakyat sa taas. Doon ka na lang maghintay sa waiting area para sa mga applicants.” Ibinalik sa akin ng receptionist ang papel na pinakita ko sa kaniya kanina at itinuro ang elevator. “Twenty-one floor, HR Department,” nakangiting sabi sa akin ng receptionist. Ngumiti rin ako sa kaniya. “Thank you, miss.” Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko bago pumasok sa elevator. Mabilis na pinindot ko ang button para sa floor na pupuntahan ko at pagkatapos ay sumandal sa wall dahil pakiramdam ko bigla akong kinabahan sa gagawin ko. “Kaya mo ‘yan, Sofia,”mahinang bulong ko habang nakatitig ang mga mata sa salamin sa harap ko. Dahil maaga pa, kaya kaunti pa lang ang taong nakita ko dito sa building. Wala pa palang ibang aplikante maliban sa akin, kaya marami pa ang bakanteng upuan. Pinili kong umupo. Mabilis na gumala ang mga mata ko sa paligid at sinuyod ang kabuuan ng lugar na naabot ng paningin ko. May nakita akong CCTV camera na nakatutok mismo dito sa lugar na kinauupuan ko. Yumuko ako at kunwari ay tiningnan ang cellphone ko, pero palihim na pinag-aaralan ko ang lahat sa paligid ko. Hindi ko alam kung gaano katagal akong naghihintay ng makita kong may dumating na magandang babae, kasama ang ilang kalalakihan na sa tingin ko ay employee rin dito sa kompanya ni Chase Mondragon dahil pare-pareho sila ng suot na damit. Tumigil sa harap ko ang babaeng unang nakita ko at ngumiti sa akin. “Bago ka dito, miss?” “No, for interview pa lang po ako, ma'am,” magalang na sagot ko habang may kiming ngiti sa labi. Nakita ko siyang tumango-tango. “Name?” “Sofie… Sofie Alcantara po,” mabilis na pakilala ko. Mabuti na lang at hindi ako nabulol dahil muntik ko tuloy makalimutan na iba nga pala ang pangalan na gamit ko ngayon. Ako ang pumili na Sofie na lang ang gagamitin kong pangalan pagpasok dito para in case man na may biglang makakita or makakilala sa akin sa labas ay hindi ito risk sa akin kung may iba akong kasama na employee dito sa kompanya ni Chase Mondragon dahil pareho pa rin naman ito ng nickname na gamit ko. “Since maaga kang dumating, Miss Alcantara, ikaw na muna ang unahin ko sa list.” Natuwa ako sa narinig ko. Ibig sabihin lang ay magiging mabilis ang interview ko dahil p'wede palang magsimula kahit hindi pa oras ng appointment ko dahil narito na ako. Saglit na iniwan ako ng babaeng kausap ko at hindi nagtagal ay lumabas siya sa pintuan na pinasukan at sinabing ready na daw ang mag-i-interview sa akin. Base sa first impression ko sa kompanya ni Chase Mondragon, mukhang mababait at respectful ang mga employee niya mula sa security guard, receptionist at pati na rin dito sa HR department. “Come, p'wede ka nang pasok sa loob, Miss Alcantara.” Mabilis akong tumayo at sumunod sa babaeng tumawag sa pangalan ko. Sumulyap muna ako sa relo sa braso ko para tingnan ang oras. Seven forty-five pa lang pala. Maaga pa, pero pinapasok na ako at magsisimula na rin ang interview ko. Dalawang babae ang naghihintay sa akin dito sa loob ng silid nang buksan ko ang pintuan at pumasok ako. Pareho silang nakaupo at may hawak na papel at ballpen. “Good morning po,” magalang na bati ko sa dalawang babaeng kaharap ko nang umupo ako sa harap nila. “How are you, Miss Alcantara?” pormal na tanong sa akin ng babaeng nakaupo sa kanan sa kaharap ko. Ngumiti ako sa kaniya at magalang na sumagot. Nagsimula silang magtanong sa akin tungkol sa background ko, kasama na doon ang pekeng school na pinasukan ko. Dahil memorize ko na ang bawat information na sinulat ko sa application at resume ko, kaya mabilis at confident na nasagot ko ang tanong nila. Tumagal rin ng halos labing-limang minuto ang interview bago ito natapos. “Hintayin mo na lang sa labas si Miss Devoran,” sabi sa akin ng babaeng malimit ay magtanong sa akin dahil tahimik lamang ang katabi niya, pero nakikita kong nagsusulat siya sa papel kapag sumasagot ako. Matapos magpasalamat ay lumabas agad ako ng silid at bumalik sa dati kong upuan. May nadatnan akong mga babaeng nakaupo dito sa waiting area kung saan ako naghintay kanina at mukhang naghihintay rin para ma-interview sila. “Tapos ka na, miss?” agad na tanong sa akin ng babaeng katabi ko nang maka-upo na ako. “Oo,” tipid na sagot ko. “Mahirap ba ang interview nila sa loob? Masungit ba sila?” magkasunod na tanong niya ulit sa akin. “Hindi naman,” tipid na sagot ko. I won't share any details dahil gusto kong makuha ang trabahong ina-aplayan ko. I need to secure the job, para mabilis na matapos ang trabaho ko. “Ano pa ang mga tinanong nila sa iyo sa loob, miss?” muling tanong sa akin ng babaeng kumausap sa akin. “It's all about me lang,” tipid na sagot ko. “Ah, kayang-kaya ko pala ‘yan.” Narinig kong sabi ng babaeng katabi ko. “Huwag kang assuming. High standard ang hanap nila dito, hindi mga galing lang sa pipitsugin na mga university sa probinsya!” mataray na sabat ng isang babae sa sulok. “Mismo! Ang alam ko, ang lahat ng applicants na pumasa sa first interview ay mismong CEO daw ang final na mag-i- interview, kasi gusto niyang makita kong worthy ba na tanggapin ang applicant sa kompanya niya at iyon ang pinakamahirap sa lahat, kasi strict at masungit daw yung may-ari ng kompanya,” sabi naman ng isang magandang babae na para bang pupunta sa isang modeling agency at mag-a-apply bilang modelo. Tahimik na pinakikinggan ko ang usapan ng mga kasama ko dito sa waiting area. Nakikita ko ang pag-aalala sa mukha ng ibang babaeng kasama ko, pero may isa akong nakikitang paulit-ulit na nagre-retouch ng makapal na makeup. “Hoy, ikaw na!” kalabit sa babaeng pinagmamasdan ko ng katabi niya. Taas noo na pumasok ito sa loob, pero wala pang limang minuto ay lumabas na itong umiiyak at pagkatapos ay mabilis na umalis. Naiwan tuloy kaming nagkatinginan ng mga babaeng kasama ko. “Ayaw yata nila ng applicant na may makapal na makeup,” natatawang sabi ng isa sa mga babaeng kasama ko. Hindi ako sumali sa usapan nila. Tahimik na nakaupo lamang ako sa upuan ko at naghihintay na matapos ang interview ng huling babaeng tinawag na pumasok sa loob. Almost fifteen minutes rin kaming naghintay matapos lumabas ng huling babaeng pumasok sa loob para ma-interview bago lumabas si Miss Devoran hawak ang puting papel. Si Miss Devoran ang babaeng nakausap ko kanina at nagpapasok agad sa akin sa loob ng silid para maaga akong ma-interview. “Miss Ira Romero, Miss Magie Salvation, Miss Raquel Murillo, I'm sorry, pero makakauwi na kayo.” Kita ako ang lungkot sa mukha ng tatlong babaeng tinawag. Agad nilang kinuha ang kanilang mga gamit at walang lingon-likod na umalis. May mga pangalang tinawag si Miss Devoran at sinabing maghintay daw ulit dito sa waiting area para sa next interview pero hindi ako kasama. “Miss, ako po?” kinakabahan na tanong ko dahil baka hindi ako nakapasa sa interview kaya wala ang pangalan ko sa list. “Oh, yeah! I'm sorry, nakalimutan kita,” nakangiting sagot ni Miss Devoran. “Halika na, sumunod ka sa akin, Miss Alcantara.” Agad akong tumayo at sumunod sa kaniya. Pumasok kami sa isang elevator at pinindot ni Miss Devoran ang thirty floor. “Huwag kang kabahan. Strict si boss, pero mabait siya.” Narinig kong sabi ni Miss Devoran, kaya pilit ang ngiti sa labi na nagpasalamat ako ako sa kaniya. Nang bumukas ang pintuan ay agad kaming lumabas sa elevator. Mula sa kinatatayuan ko ay kitang-kita ng mga mata ko kung saan kami pupunta, kaya bigla akong nakaramdam ng kaba sa dibdib ko. OFFICE OF THE CEO Ang laki ng pagkakasulat nito sa wall, kaya kahit hindi pa bumubukas ang pintuan ay alam ko na kung sino ang susunod na makakaharap ko. It's him again, Chase Mondragon…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD