SOFIA
“Miss Alcantara, p'wede ka nang pumasok sa loob. Hinihintay ka na ni boss,” nakangiting sabi sa akin ni Miss Devoran.
“Salamat.” Kahit kinakabahan ay nagawa kong ngumiti ng matamis sa kaniya.
Muling ngumiti sa akin si Miss Devoran at marahan akong tinapik sa balikat.
“Good luck!”
Magkasunod na lunok muna ang ginawa ko bago humakbang papasok sa bumukas na pintuan.
Malamig ang temperatura ng silid mula sa bukas na air-condition ang sumalubong sa akin pagpasok ko. Pakiramdam ko ay biglang nanginig ang katawan ko, but I immediately composed myself at confident na naglakad palapit sa lalaking nakaupo sa harap ng mesa habang nakayuko at mukhang binabasa ang resume ko.
“Good morning, sir,” mahinang bati ko sa lalaking ilang gabi ng laman ng isipan ko.
Nag-angat siya ng ulo at tiningnan ako. Bigla tuloy nagtama ang aming mga mata, kaya agad akong yumuko para makaiwas ng tingin dahil pakiramdam ko ay tila sinusuri niya ang buong pagkatao ko.
“Sit down, Miss Alcantara.” Narinig kong pormal na utos sa akin ni Chase Mondragon.
Walang kibo na umupo ako sa bakanteng upuan sa harap niya. Nanatili akong nakayuko dahil ayaw kong makita ang kakaibang emosyon na nakita ko sa mga mata niya kanina ng tingnan niya ako.
Tahimik na hinintay ko siyang magtanong habang nakaupo sa kinauupuan ko.
“How are you, Miss Alcantara?” pormal na tanong ni Chase Mondragon sa akin.
“Mabuti po,” maikli at tipid na sagot ko.
“Dinatnan ka na ba ngayon buwan?” Narinig kong tanong ng lalaking kaharap ko.
Bigla akong nag-angat ng mukha at napatingin sa kaniya.
“Why are you asking me that, sir?” maang na tanong ko kay Chase Mondragon.
“You know very well why I'm asking that of you, Miss Alcantara,” mabilis niyang sagot.
Napapikit ako sabay hugot ng malalim na buntong-hininga. I didn't expect him na ito ang unang-una niyang itatanong sa akin ngayong nagkita kaming dalawa.
Ako ang kusang nag-iwas ng tingin dahil hindi ko kayang salubungin ang mainit na titig ng lalaking kaharap ko. Binaling ko sa pader sa sulok ang mga mata ko at sinagot ang tanong ni Chase Mondragon.
“I'm sorry, but I'm here for a job interview, sir, not for any personal matter.”
“Hmm, interesting.”
Hindi na ako sumagot kahit narinig ko siyang nagsalita. Ilang sandaling katahimikan ang namagitan sa aming dalawa habang naghihintay ako sa itatanong ng lalaking kaharap ko sa akin.
“You're hired, Miss Alcantara. You can start working with me today as my personal assistant.”
Biglang nangunot ang noo ko. Hindi ko tuloy nagawang iwasan na huwag mag-angat ng ulo para tingnan si Chase Mondragon.
“Are you sure of that, Mr. Mondragon… I mean, sir,” naguguluhan na tanong ko.
Nakita kong gumalaw ang kaniyang kilay habang nakatitig sa akin.
“It's Chase for you, Miss Alcantara,” sabi niya sa akin habang hindi inaalis ang seryosong mga matang nakatitig sa mukha ko.
“Why?” confused na tanong ko sa kaniya.
“May problema ba sa sinabi ko, Miss Alcantara?”
Napalunok tuloy ako. “I'm just surprised that I'm hired, sir. I'm here for an interview, pero hindi mo naman ako tinanong ng kahit ano, tapos hired na agad ako,” mabilis na sagot ko.
“Well, you have a very impressive credentials. Besides, approved na rin naman ng HR ko ang application mo,” paliwanag niya sa akin pero hindi ako satisfied sa sagot na narinig ko.
Alam kong maganda ang mga information na sinulat ko sa resume ko, pero expected ko na tatanungin niya ako about that at hindi ang tungkol sa kung dumating ba ang menstruation ko ngayong buwan.
“My secretary will help you to familiarize everything you need to know,” sabi pa ni Chase Mondragon.
“May secretary ka na pala, bakit iha-hire mo pa ako?” mabilis na tanong ko dahil hindi ito ang posisyon na inaplayan ko sa kompanya niya.
“Why? Ayaw mo ba akong makatrabaho, Miss Alcantara?” seryoso at pormal ang tinig na tanong ni Chase Mondragon sa akin.
“May hidden agenda ka ba, kaya mo ako kinuha bilang personal assistant mo, Mr. Mondragon?” taas noo na tanong ko.
Imbes na sagutin niya ang tanong ko ay nakita kong gumalaw ang gilid ng mga labi ni Chase Mondragon at nginisihan ako.
“Ano sa palagay mo, Miss Alcantara?”
Hindi ko napigilan ang sarili ko. Inikutan ko siya mga mata, bagay na huli ko na napagtanto kung ano ang ginawa ko.
Hindi nga pala ako pwedeng maging si Sofia sa paningin niya, kaya kiming ngumiti ako sa kaharap ko dahil ayaw kong mapansin niya ang pabago-bagong mood ko.
“May choice po ba ako, sir?” Hindi ko alam kung mukhang sarcastic ang tanong ko, pero sinikap ko naman na sabihin ito na malumanay ang tinig ko.
“No! Not unless na ayaw mong magtrabaho sa kompanya ko, then that is your only choice, Miss Alcantara.”
Napabuntong-hininga na lang ako. Mas pabor sa akin ang gusto niyang mangyari dahil mas malapit ako sa kaniya at mas mababantayan ko ang bawat kilos niya at makikita ko rin kung sino ang mga taong makakausap niya at lalapit sa kaniya.
“Sige, tinatanggap ko po ang offer mo, sir,” malumanay na sagot ko.
“What makes you change your mind, Miss Alcantara?” tila curious na tanong ni Chase Mondragon sa akin.
“I need a job, sir,” mabilis na sagot ko
“May mga bills po akong kailangang bayaran monthly, kaya magandang opportunity po sa akin ang matanggap bilang isa sa mga employee dito sa kompanya mo.”
Nakita ko kung paano bahagyang tumango-tango ang kaharap ko. Mukhang naniwala naman siya sa sinabi ko, kaya hindi na siya nagtanong pa sa akin.
“Okay, ang HR na ang bahala sa kontrata mo, Miss Alcantara. Kung may hindi ka maunawaan at may tanong ka, you can ask them directly.”
“Thank you, sir,” maikling sagot ko.
Tanging ito lamang ang nasabi ko. Minabuti kong manahimik at hinatayin na lamang kung ano ang susunod na instructions niya sa akin.
Nakita kong pinindot ni Chase Mondragon ang intercom at may tinawagan siya. Hindi nagtagal ay narinig kong may lalaking nagsalita sa kabilang linya at sumagot sa tawag niya.
“I hired a personal assistant today. Ikaw na ang bahala sa kaniya, Skye,” utos ni Chase Mondragon sa kausap
“Copy, boss!”
Tanging ito lamang ang naririnig ko bago naputol ang tawag. Segundo lang ang lumipas ay bumukas na ang pintuan at pumasok ang isang matangkad na lalaki at mabilis na lumapit sa amin.
“Good morning, boss,” bati agad nito sa lalaking kaharap ko.
“She’s my new personal assistant started today, Skye. Ikaw na ang bahala sa kaniya,” pakilala sa akin ni Chase sa kaniyang secretary.
“Okay, boss,” sagot agad ng lalaking dumating.
Tumayo na ako dahil wala ng dahilan para manatili ako sa harap ni Chase Mondragon. Ngumiti naman sa akin ang kaniyang secretary at sinabing sumunod raw ako sa kaniya.
Walang lingon-likod na naglakad ako palayo sa table ng lalaking alam kong nakasunod pa rin ang tingin sa akin dahil kahit hindi ako lumingon ay ramdam ko kung paano niya ako tingnan.
“Bilang personal assistant ni boss, dito ang magiging table mo, Miss Alcantara,” sabi ni Secretary Skye.
Itinuro niya sa akin ang empty space malapit sa pintuan.
“Wala pang table dito para maging working area mo dahil unexpected ang biglang pag-hire ni boss ng personal assistant niya, pero magpapalagay tayo agad para komportable ka habang nagta-trabaho,” paliwanag pa nito.
Hindi ako nagbigay ng kahit anong komento. Tahimik na nakikinig lamang ako sa kaniya hanggang nakalabas kami sa opisina ni Chase Mondragon at dinala niya ako sa table niya.
“Dito ka muna magtatrabaho ngayong araw kasama ko. Bukas, kapag ready na ang working table mo at na setup na rin ang computer na gagamitin mo, puwede ka ng lumipat sa loob,” sabi pa ni Secretary Skye, kaya nakahinga ako ng maluwag habang nakikinig sa sinasabi niya.
At least, hindi ko makakasama ang lalaking iyon sa loob ng office niya ngayong araw. Knowing na doon din kasi ako magtatrabaho kasama niya ay nakaramdam ako ng awkwardness sa gano'ng setup.
“May experience ka na ba bilang personal assistant?” tanong sa akin ni Secretary Skye.
“Wala pa po, sir,” tipid na sagot ko.
“Mukhang kaga-graduate mo pa lang. Maswerte ka, natanggap ka agad dito,” sabi pa ni Secretary Skye sa akin. “Taga saang probinsya ka ba?”
Mukhang napaghinalaan pa yata akong probinsyana ng kaharap ko at bagong graduate pa lang, kaya sinabi ko na lang na Bicol ang probinsya ko.
Iyon kasi ang lugar na alam ko at pamilyar ako dahil taga roon ang grandmother ko at doon kami malimit magbakasyon.
“Alam mo, sa tagal kong nagta-trabaho kay boss, ngayon lang siya kumuha ng personal assistant, tapos babae pa.” Narinig kong sabi ni ni Secretary Skye habang binabasa ko ang papel na binigay niya sa akin.
Napa-ngiwi tuloy ako. “Hindi ko rin po alam kung bakit niya ako tinanggap na maging employee niya dito sa kompanya, sir,” mabilis na sagot ko para huwag na siyang magtanong sa akin ng kung ano-ano.
“I'm sure, nakitaan ka ni boss ng potential, kaya ka natanggap,” sabi pa ng kasama ko. “Pagbutihan mo ang trabaho mo para magtagal ka rin dito sa kompanya.”
Ngumiti ako kay Secretary Skye. Mukhang mabait rin siya at very accommodating, kaya kahit paano ay komportable akong kausap siya.
“Heto ang note book at ballpen, isulat mo ang mga sasabihin ko, para hindi mo makalimutan.”
Mabilis na inabot ko ang notebook at binuksan. Nagsimula siyang magbigay ng instructions sa akin mula sa mga do's and don't na policy ni Chase Mondragon sa loob ng opisina niya, hanggang sa kung ano at saang ang role ko bilang personal assistant.
“Thank you, sir,” nakangiting sabi ko kay Secretary Skye ng matapos niyang sabihin sa akin kung ano ang mga dapat kong gawin araw-araw.
May inabot siyang folder sa akin at sinabing tingnan ko daw kung paano ang tamang arrangements ng schedule ng boss namin.
Hindi ito ang nakasanayan kong trabaho dahil doktor ako at iba rin ang line of duties ko sa mga kompanyang pag-aari ng mga magulang ko, kaya bago sa akin ang mga task na ginagawa ng isang personal assistant.
Tahimik na binabasa ko ang mga nakasulat sa papel na binigay ni Secretary Skye ng marinig kong nag-ring ang telepono sa tabi niya.
Biglang kumabog ng malakas ang dibdib ko ng makita kong bumaling sa akin si Secretary Skye.
“Gusto ni boss ng black coffee, no sugar, Sofie,” sabi niya sa akin.
“Ngayon na ba?” napalunok na tanong ko.
“Yes.”
Sapat na ang narinig ko para makaramdam ako ng kaba, knowing na makakaharap ko na naman si Chase Mondragon.
“Sige.”
Kahit kinakabahan ay tumayo ako at agad lumapit sa coffee maker. Mabilis na inabot ko ang tasa at nagsalin ng kape.
“Mabuti at marunong kang gumamit n'yan.” Narinig kong sabi ni Secretary Skye mula sa likuran ko.
Nakatingin pala siya sa akin at pinanood ang ginawa ko. Tipid na ngumiti ako sa kaniya at agad humakbang papasok sa loob ng opisina ni Chase Mondragon para ihatid sa lalaking iyon ang isang tasa ng kapeng hawak ko.