SOFIA Nakita kong naghihintay sa gilid ng kalsada si Liberty. Tumigil ako sa tapat niya at mabilis na ibinaba ang bintana ng minamaneho kong sasakyan. “Get in!” malakas na utos ko sa kaniya. Agad namang lumapit sa kotse ko si Liberty at mabilis na sumakay at sinara ang pintuan. “Fasten your seatbelt, Liberty.” Ginawa naman agad niya ang utos ko. Pinasibad ko na ang sasakyan ko at mabilis na nagmaneho palayo sa lugar kung saan ko sinundo si Liberty. Dahil madaling araw na ngayon, kaya maluwag ang kalsada at walang traffic sa daan. Mabilis rin ang patakbo ko habang alerto na nakatutok ang mga mata ko sa kalsada at nakikiramdam kung may sasakyan ba ang nakasunod sa likuran ng sasakyan ko. “Saan tayo pupunta, miss?” bakas ang kaba na tanong ni Liberty sa akin habang binabagtas ko ang ka