SOFIA “Finally, your back, Sofie!” malakas at masayang sabi ni daddy ng makita niyang pumasok ako sa pintuan at naglalakad palapit sa kanila, habang pareho silang nakaupo ni mommy sa sofa dito sa malawak na bulwagan ng aming bahay. Sumilay ang matamis na ngiti sa labi ko at malaki ang hakbang na lumapit sa aking ama. “I missed you, Dad!” Niyakap ko nang mahigpit si daddy gaya ng nakasanayan ko dahil kahit lagi ko siyang nakakausap ay namimiss ko pa rin siya. “If you missed your father so much, bakit ngayon ka lang umuwi, Sofie?” masungit na tanong sa akin ni mommy. Mukhang nagseselos na naman siya dahil mas malapit talaga ako sa aking ama. “Marami po kasi akong trabaho ngayon, Mom,” magalang na paliwanag ko sa aking ina nang humalik ako sa pisngi niya pero kinunutan niya ako ng n