SOFIA Walang paalam na inabot ko ang nakapatong na cellphone at bag ko sa ibabaw ng mesa at walang lingon-likod na naglakad palabas sa opisina ni Chase. Past nine o'clock na, kaya gusto ko ng makauwi sa apartment na tinutuluyan ko. Dapat, ganitong oras ay tapos na ang trabaho ko at nagpapahinga na sana ako sa bahay pero ng dahil sa bruhang sister-in-law ni Chase ay hindi agad ako nakauwi. I didn't expect na susundan pa ako ni Chase dahil ang akala ko ay hindi na niya ako ihahatid. Kasabay ko siyang pumasok ng elevator pero hindi ko siya kinibo. “I know your upset right now, pero hindi naman yata tama na pati sa akin ay magalit ka, Sofie.” Narinig kong sabi ni Chase habang pababa ang elevator na sinasakyan namin at nakatayo siya sa tabi ko. Gustong-gusto ko siyang bulyawan pero nag