SOFIA
“Your coffee, sir.” Inilapag ko sa ibabaw ng working table ni Chase Mondragon ang tasa ng kapeng dala ko.
“How's your training with Skye?” tanong niya sa akin habang nakayuko at may binabasang dokumento sa harap niya.
“Everything is fine, sir,” mabilis na sagot ko.
Hindi na ulit siya nagtanong sa akin. Inabot niya ang tasa ng kape at dinala sa labi para tikman.
“Who makes this coffee?” tanong na naman ni Chase Mondragon sa akin.
“Ako po,” nakayukong sagot ko.
“Look at me while I'm talking to you, Miss Alcantara,” pormal na utos sa akin ng lalaking kaharap ko.
Dahan-dahan akong nag-angat ng ulo at walang emosyon na tumingin sa kaniya.
Ilang sandali kaming nagtitigan. Hindi siya nagbawi ng tingin, kaya ako na lang ang kusang umiwas dahil hindi ko kayang makipag-titigan sa kaniya ng matagal.
“Are you not comfortable working with me, Miss Alcantara?” tanong ng bagong boss ko.
Kung kanina ay mabilis ang tîbok ng puso ko, ngayon ay napakabilis na at malakas itong pumipintig na para bang tumakbo ako ng malayo, kaya ganito ang nararamdaman ko ngayon.
Hindi ako sumagot. Nanatiling nakatingin lamang ang mga mata ko sa ibabaw ng mesa ng boss ko habang nakayuko.
“Answer my question, Miss Alcantara,” utos ni Chase Mondragon, kaya humugot ako ng malalim na buntong-hininga, para lumuwag ang daluyan ng hangin sa baga ko bago sagutin ang tanong niya.
“Ang totoo, nahihiya po ako sa iyo, sir,” kiming sagot ko.
“Why? Dahil ba may nangyari sa ating dalawa?” magkasunod na tanong na naman ni Chase Mondragon sa akin.
Hindi talaga ako komportableng pag-usapan namin ang tungkol sa nangyari sa aming dalawa. Ginagawa ko ang lahat para makaiwas at nagkukunwaring ayos lang ako, pero kanina pa siya kung ano-ano ang tinanong sa akin, kaya bigla akong nawawalan ng kontrol sa emosyon ko.
Pakiramdam ko ay biglang nag-init ang magkabilang pisngi ko. Napapikit tuloy ako, sabay lunok na naman dahil nawiwindang kasi ako sa pagiging straight forward ng lalaking kaharap ko.
Tanging siya lamang ang nakakagawa sa akin ng ganito. Strong ang personality ko at hindi ako nakakaramdam ng takot at kaba kahit iba't ibang uri ng tao ang nakaharap ko, pero iba si Chase Mondragon.
Napatayo ako ng tuwid ng makita kong tumayo siya mula sa swivel chair at humakbang palapit sa akin. Tumigil siya sa harap ko at sumandal sa kaniyang working table at harapan na pinaka-titigan ako.
I hate his guts. Kung ako lang si Sofia at hindi ang mukhang inosente na si Sofie ang nasa harap niya ay baka nabalian ko na siya ng binti dahil walang pakundangan kung titigan niya ako.
“May kailangan pa po ba kayo sa akin, sir?” mahinang tanong ko ng makita kong pinag-salikop niya ang mga braso sa tapat ng dibdib habang nakatingin pa rin sa akin.
“Yes,” sagot ni Chase Mondragon.
“Ano po iyon, sir?” magalang na tanong ko.
“Why did you choose to work in my company knowing that you might see me, and obviously, we will see each other again?” tanong na naman niya sa akin.
“Hindi ko po alam na ikaw ang boss dito, kasi hindi ko naman alam kahit pangalan mo. Kailangan ko ng trabaho dahil may mga bills po akong kailangang bayaran buwan-buwan, kaya ako nag-apply dito,” mabilis na sagot ko.
“Kung alam mo ba na ako ang may-ari ng kompanya na ito, mag-a-apply ka pa rin ba ng trabaho?” muling tanong niya sa akin.
Alam kong kailangan kong sagutin ang tanong niya. Mukhang gustong alamin ni Chase Mondragon kung ano ang tunay na intensyon ko sa magiging sagot ko, kaya kung ano-ano ang tinatanong niya sa akin.
“Ang totoo, baka hindi po.” Yumuko ako at nakapikit na kinagat ang pang-ibabang labi ko dahil nakakaramdam ako ng awkwardness sa pagitan naming dalawa.
Ang akala ko ay tapos na siyang magtanong sa akin, pero may narinig ulit akong tanong mula sa kaniya.
“Why? For what reason, Ms. Alcantara?”
Nag-iwas ako ng tingin dahil pakiramdam ko ay napapaso ako sa init ng kaniyang mga mata habang nakatitig sa akin.
“Kailangan ko pa po bang sagutin iyan, sir?” napabuntong-hininga na tanong ko sa lalaking kaharap ko.
“Of course,” mabilis niyang sagot.
“After what happened between us, hindi po ako komportable na makatrabaho ka, sir,” mabilis na sagot ko.
“Well, that is my concern too, Miss Alcantara.” Narinig kong sabi ni Chase Mondragon. “But I'm fine working with you. Actually, I'm even delighted that we crossed paths again.”
Pakiramdam ko ay parang nasusunog na ang mukha ko dahil ramdam ko ang init na kumalat sa pisngi ko habang pinag-uusapan naming dalawa ni Chase Mondragon ang tungkol sa nangyari sa aming dalawa.
Napatayo ako ng tuwid nang tumayo si Chance Mondragon at bigla niya akong hinawakan sa mga braso.
“Did you miss me?”
Nanlaki ang mga mata ko sa tanong niya. Hindi pa ako nakaka-sagot ng bigla na lang ay sinapo ng isang kamay niya ang batok ko, kasabay ng pagpulupot ng isang braso niya sa bewang ko at mabilis akong kinabig palapit sa kaniya.
Isang malakas na singhap ang nakulong sa lalamunan ko ng bigla na lang ay siniil niya ako ng halik sa labi.
Halik na mapangahas at mapaghanap. Nalasahan ko tuloy ang kape sa labi at dila niya habang parang sabik na sabik kung paano niya ako siilin ng halik sa mga labi.
Pakiramdam ko ay nawalan ako ng lakas para mag-protesta. Hindi ko nagawang itulak para pigilan si Chase Mondragon habang parang gutom na sinisipsip at dinidilaan ang mga labi ko.
Natagpuan ko na lang ang sarili ko na nakapikit at mahigpit na nakakapit ang mga kamay sa braso niya dahil pakiramdam ko ay nanghihina at nanginginig na mga tuhod at binti ko, habang walang habas na ginagalugad ng dila niya ang loob ng bibig ko.
“Hmmm, Chase, stop,” humihingal na bulong ko habang nakapikit at mabilis na nagtataas-baba ang dibdib, matapos niyang tigilan ang pang-hahalik sa labi ko para sumagap ng hangin.
“That's right, call me by my name, kapag tayong dalawa lang, Sofie,” humihingal na bulong ni Chase Mondragon sa akin.
Ramdam ko ang pagtama ng hininga niya sa pisngi ko habang nagsasalita siya. Nanuot rin sa ilong ko ang amoy ng pinaghalong mouthwash at nang ininom niyang kape, na dinala ko kanina, kaya narito ako sa loob ng opisina niya.
Bahagya ko siyang tinulak para makalayo sa kaniya pero masyadong mahigpit ang nakapulupot na braso niya sa bewang ko, gano'n rin ang pagkakahawak niya sa batok ko.
Isang impit na ungol ang kumawala sa lalamunan ko ng muling tinawid ni Chase ang pagitan naming dalawa at siniil ako ng halik sa labi.
Pakiramdam ko ay saglit na nawala ako sa sarili kong katinuan at nagawa kong hayaan si Chase Mondragon na halikan na naman ako dahil tanging siya ang may kontrol sa sitwasyon naming dalawa ngayon.
Kung hindi pa nag-ring ang telepono sa ibabaw ng kaniyang mesa ay hindi niya titigilan ang pang-hahalik sa labi ko.
Nakita ko siyang pumikit at nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga at pagkatapos ay mabilis na sinagot ang nagri-ring na telepono sa ibabaw ng kaniyang mesa.
“Boss, nasa conference room na po ang team ni Mr. Lim,” narinig kong sabi ni Secretary Skye mula sa kabilang linya.
“Okay, mauna ka na doon, susunod ako,” utos ng lalaking nakapulupot pa rin ang mga braso sa bewang ko.
“Noted, boss,” mabilis na sagot ni Secretary Skye.
Matapos maputol ang tawag ay biglang yumuko si Chase Mondragon at sumubsok ang mukha sa pagitan ng leeg at balikat ko.
Bigla niyang hinalikan ang leeg ko at pagkatapos ay mabagal at sensual na dinilaan ang balat ko, kaya napasinghap ako at napakapit ng mahigpit sa braso niya.
Ramdam ko kung paano nanginig ang buong katawan ko dahil sa ginawa ni Chase Mondragon. Bubuka-sara ang mga labi ko nang lumuwag ang nakapulupot na mga braso niya sa katawan ko at sa wakas ay pinakawalan na niya ako.
“Siguro naman after this, hindi ka na maiilang sa akin, Sofie,” may ngiti sa labi na sabi ni Chase Mondragon sa akin.
Napa-iling na humakbang ako paatras para makalayo sa kaniya. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa ako nakakabawi ng lakas, kaya speechless pa rin ako dahil sa nangyari na naman sa pagitan naming dalawa.
“Stay here, may meeting ako.” Tumayo na siya ng tuwid at mabilis na inabot ang nakapatong na cellphone sa ibabaw ng kaniyang working table.
Nanatili akong disoriented na nakatayo sa kinatatayuan ko habang nakatingin pa rin sa lalaking basta na lang humalik sa akin.
“If you need some drinks, meron sa fridge. You can take anything you want,” sabi pa niya ng tumapat sa akin.
Ang akala ko ay aalis na siya pero basta na lang hinawakan ng mga kamay niya ang mukha ko at mabilis na hinalikan na naman ako sa labi.
“Good luck kiss,” nakangiting sabi ni Chase Mondragon bago ako tinalikuran at parang walang nangyari na iniwan ako dito sa loob ng opisina niya.
Naiwan akong tulala habang nakasunod ang mga mata ko sa palabas na pigura ni Chase Mondragon. Saka lang ako natauhan at nakahinga ng sumara ang pintuan at nawala siya sa paningin ko.
“What just happened earlier, Sofie?” maang na tanong ko sa sarili ko.
Mariin akong napapikit para kumalma habang hinihintay na bumalik ako sa tamang katinuan. Disappointed na napa-iling ako sa sarili ko. I can't believe na sa pangalawang pagkakataon, I lost control in the same situation, kahit nasa tamang huwisyo naman ako.
That man is so dangerous to me. Masyadong malakas ang charisma niya na kaya akong lamunin ng buo, kaya nawawala ako sa katinuan ko kapag kaharap ko siya.
"Ganito ba talaga ang nangyayari kapag estranghero ang nakakuha ng virginìty ng isang babae tapos bigla silang nagkita?"
Napa-padyak na lang tuloy ako ng mga paa ko sa sahig.
"Oh, dear God! Ang awkward talaga sa pakiramdam."
Hindi man lang ako nakapag-reklamo kanina kahit ilang ulit niya akong hinalikan. Para bang normal na lang sa kaniya ang gawin iyon at kung umasta siya ay tila ba may relasyon kaming dalawa, kaya basta na lang niya ako hinalikan.
Tsk! Mukhang mali talaga na tinanggap ko ang trabahong ito. Kung bakit ba naman kasi ako pa ang napiling ipadala ni Draven dito, gayong marami naman ang puwedeng gumawa sana nito para sa kaniya.
Kung siguro katulad sa ibang naging misyon ko noon, na hindi ko pa nakakaharap ang target ko ay hindi sana ganito ang sitwasyon ko ngayon.
Daig ko pa tuloy ang kumuha ng bato na pinukpok sa sarili ko dahil sa ginawa ko, pero hindi ko na puwedeng baguhin pa ang sitwasyon.
Well, pabor din naman sa akin na nakuha ko ang interest ng lalaking iyon dahil mas lalo akong makakalapit sa kaniya, pero ang tanong, kaya ko bang panindigan na huwag akong mahulog kay Chase Mondragon kung sa bawat paglapit ko sa kaniya ay para akong gamo-gamo na nadadarang sa apoy?