Chapter 6 – Uncovering the book of Karim

2105 Words
Tumataas ang kuryosidad kong malaman kung anong tamang sangkap para sa portal na gusto kong gawin. Anong tamang orasyon ang dapat kong banggitin upang mabuksan ito hanggang sa bigla akong dinala ng aking imahinasyon sa lugar kung saan ang laboratoryo ng aking magulang. Madali akong tumungo sa lugar kung saan nakatirik ang aming tahanan at nakita ko rito ang mga abo sa lupa. Habang pinagmamasdan ko ang mga ito ay unti-unting bumabalik ang nakaraan.  Napasubsob ako sa lupa sabay pag sasapak ko dito. Lumabas ang malalakas na kidlat sa akin at tumama ito sa kalangitan hanggang sa kumalat ang mga kidlat sa paligid at natamaan ang isang malaking bato at nabasag ito. Napatingin ako sa batong ito at tumahan ako sa aking pagkakaiyak. Lumapit ako dito at tiningnan ito ng may nakita akong makinang na bagay sa gitna. Madali ko itong kinuha at nakita ko ang isang libro. Binuksan ko ito at nagbigay ito ng malakas sinag sa lugar kaya madali ko itong itinago sa damit ko at bumalik ako sa palasyo. Pag dating ko sa palasyo ay tumungo ako agad sa aking laboratory upang saliksikin at aralin ang nakita kong libro. Binuksan ko ito muli upang alamin kung anong nakasulat dito at sa pagbukas ko ay lumiwanag ang buong lugar dahil sa liwanag na binibigay nito. “Ano ‘to?” nagtatakang tanong ko sa sarili ko. Habang binubuklat ko ang libro na ito ay wala akong makitang anumang sulat bagkus ay nagbibigay lang ito ng liwanag sa silid. “Walang pakinabang!” Asar na sambit ko sabay hagis ng libro sa dingding. Pagbato ko ng libro na ito ay biglang nawala ang liwanag kaya lumapit muli ako sa libro upang silipin kung anong nangyari dito hanggang sa lumutang ang libro sa harapan ko at nag laglag muli ito sa sahig. “Anong meron dito?” Kataka-taka ang nangyayari ngunit hindi ako nagpabola sa majika na dala nitong libro na ito hanggang sa nakita kong nagkakaroon ng sulat ang bawat pahina. “Kamangha-mangha ang pagkakagawa sayo!” masaya kong sambit habang manghang nakatingin dito. Agad kong pinulot ang aklat mula sa sahig at inilagay ko ito sa la mesa. Patuloy ang pag-labas ng mga salita dito at nalaman ko na pagmamay-ari ito ng aking ama na si Karim. Habang binabasa ko ang nakasulat dito ay unti-unti kong nalalaman na mga iba’t-ibang uri pala ito ng halamang gamot at mga orasyon na kanyang inaaral. Binasa ko ang isang orasyon dito ngunit walang nakalagay na pangalan. “Am lau eh bum tah!” Sigaw ko. Pag basa ko dito ay wala naman akong naramdaman sa una ngunit ng naglakad ako sa loob ng laboratoryo ko ay bigla akong nakaramdam ng pagkahilo at nandilim ang paningin ko. “A-anong nangyayari?” tanong ko na lang habang pabagsak sa sahig. Ilang minuto ang lumipas bago ako bumalik sa ulirat at pag dilat na pag dilat ng aking mga mata ay agad akong tumayo sa kinahihigaan ko. “Ano ba namang klaseng orasyon ‘yun?!” galit na sambit ko habang tumatayo. Pag tayo ko sa kinahihigaan ko ay bigla na lang naiba ang lugar. Wala na ako sa aking laboratory at para akong nasa ibang dimension. “Ano ito?” tanong ko na lang habang naglalakad-lakad. Dahan-dahan akong naglalakad sa aking laboratoryo ng bigla akong may nasangga na isang bagay. Napatingin ako dito agad ngunit wala akong makita ibang bagay kung ‘di ang madilim na kapaligiran na ito. “Anong klaseng orasyon ito? Bakit wala akong makita kung hindi ang dilim?” Inaalala ko ang orasyon na binasa ko at binigkas itong muli. “Am lau eh bum tah!” Unti-unti akong nakakita ng liwanag at bumalik na sa dati ang paningin ko. Kakaiba ang orasyon na ito hindi kaya’y sagot na ito sa kailangan ko? Ang portal na gusto kong malaman? Ngunit paano ko ito matatapos at paano ko ito magagamit ng maayos? Binasa ko lang at pinag aralan muna ang mga halamang gamot na nakalagay sa potion na ito hanggang sa sumubok ako muli ng ibang sangkap upang magawa ko ang gusto kong gawin. Habang hinahalo ko ang mga sangkap na nakalagay sa potion na ito upang ma-activate ko ang orasyon ay aksidente kong nasanggi ang berdeng gamot na ginawa ni ama para sa mga kalaban. Nag liwanag ito kaya’t sinalop ko ito at inilagay sa maliit na butilya. “Kapag ba nilanghap ko ang usok nito ay mawawala ako sa sarili ko? Ano kayang mangyayari kapag itinapon ko ito sa dingding?” mga tanong sa isip ko. Hindi ko malalaman kung anong mangyayari kapag hindi ko susubukan kaya itinapon ko ito sa dingding at sumabog ito at nag gumawa ng butas. Kasabay ng pag bigkas ko ng orasyon. “Am lau eh bum tah!” malakas na sambit ko. Hinawakan ko ito at ipinasok ang kamay ko sa butas ng bigla akong nakaramdam ng malamig. Nagulat ako dito kaya’t madali kong ibinalik ang aking kamay pabalik sa loob. Pag hila ko ng kamay ko sa butas na ito ay nakaramdam ako ng sobrang hapdi sa aking balat. May malamig na bagay sa aking braso na nagbibigay ng malakas na usok sa parteng ito. “Ano ito?” nagtatakang tanong ko sa sarili ko habang pinapagpag ang aking kamay upang mawala ito sa balat ko. Pag alis ng puting bagay sa aking braso ay unti-unti muling nag hilom ang aking sugat. Mabilis na natunaw ang puting bagay na ito at naging tubig sa sahig. Hinawakan ko ito agad at napag alaman kong isa itong tubig. “Tubig? Ang bagay na ‘yun ay isang tubig.” sambit ko na lang. Hindi pa rin ako masyadong nasiyahan sa ginawa ko kaya’t umulit muli ako ng gawa ng potion upang sa gayun ay magawa ko ang portal na inaasam-asam ko. Sa pangatlong beses ay hindi pa rin ako nagtagumpay kaya lumabas na lang ako sa aking laboratoryo upang doon na lang sa aking silid saliksikin kung ano pa ang kulang at ano pa ang kailangan kong gawin. Paglabas ko sa aking laboratoryo ay nakita ko ang punong tauhan ko sa loob ng bahay na si Kora. “May nalalaman ka ba sa lagusan patungo sa mundo ng mga tao?” tanong ko na lang bigla sa kanya. “Wala po akong nalalaman dito panginoon,” tugon niya sa akin. “Kung gayon gusto kong magsaliksik ka kung anong ginagawa ng mga Bulwa upang mapanatili nila ang kaligtasan sa lagusan ng mga tao,” Utos ko sa kanya. “Masusunod po,” “Gusto kong gawin mo ito ng patago dahil kapag nalaman nilang tinitiktikan mo sila sa kanilang ginawa ay baka mapahamak ka pa dito,” “Masusunod po.” Umalis sa harapan ko si Kora kaya’t bumalik na ako sa aking silid upang mag isip pa ng pwede kong gawin upang madagdagan pa ang aking lakas. “Wala pa sa isang daang porsyento ang lakas ko kaya nakakaramdam pa ako ng sakit sa sarili ko.” Seryosong sambit ko sa sarili ko. Umupo ako sa upuan dito sa silid ko at binasa ko ang libro ng ama kong si Karim at may natuklasan muli akong bago. Ang halamang oley ay nakakatulong upang magkaroon ng dagdag na lakas ang sinomang kakain nito ngunit ang halamang ito ay matatagpuan sa dagat ng apoy lamang. Ang halamang gamot na ito ay nararapat lang para sa mga malalakas na demonyo na malakas ang loob ng tumungo sa dagat ng apoy. Ang dagat ng apoy ay isang lugar kung saan tinatapon at sinusunog ang mga demonyo at mga taong masasama. Walang sinomang makakaligtas dito ngunit dahil sa nalaman kong halamang gamot ay kailangan ko itong makuha para madagdagan pa ang aking lakas. Habang wala pa ang aking tauhan na si Kora ay tumungo ako sa dagat ng apoy. Bago ka makapunta sa mismong dagat ng apoy ay meron ditong mga bantay. “Saan po kayo tutungo mahal na hari?” tanong ng bantay sa akin. “Gusto kong kumpirmahin ang halamang gamot na oley dito,” tugon ko sa kanya. “Ang halamang oley po ay isa lang pong alamat. Wala pa pong nakakakita ng halamang ito,” “Kung gayon ay hayaan mo akong makapasok sa dagat ng apoy upang makita ko kung anong nandito,” “Ngunit kayo po ay mapapahamak dahil walang sinoman ang nabubuhay kapag pumasok na dito sa dagat ng apoy,” “Kung mamamatay man ako dito ngayon ay ito ang ikabubuti niyong lahat ngunit malakas ang aking paniniwala na hindi ako malilipon ng apoy dito at mamamatay na lang ng ganun-ganun lang,” tugon ko sa kanya. “Kung ‘yan po ang inyong kagustuhan mahal na hari.” Sambit niya sa akin. Binuksan nila ang pintuan patungo sa dagat ng apoy at sa labas pa lang nito ay kumakaway na sa akin ang mga kamay ng apoy. Sobrang init! Nakakapaso at napaka hapdi ng aking katawan. Bago ako pumasok sa loob ay sinambit ko muna ang orasyon na nagawa ko kanina. “Am lau eh bum tah.” bulong ko sabay hagis ng butilya sa loob. Sinara na nila ang pintuan patungo sa dagat ng apoy at nakapasok na ako dito gamit ang orasyon na gawa ni ama. Wala akong naramdaman na sakit kahit na naglalakad ako sa apoy. Habang binabaybay ko ang dagat ng apoy ay may nakita akong pulang bulaklak sa gitna ng dagat. Nilakad ko ito agad at kinuha ko ang bulaklak na ito. Nakakaakit ang itsura niya na tusok-tusok. “Ito na ba ang tinatawag nilang halamang gamot ng oley?” nakangiting tanong ko sa sarili ko. Isinilid ko agad sa dala kong lalagyan ang bulaklak na ito at lumabas ako sa pintuan ng dagat ng apoy na wala man lang kagalos-galos. Nakatingin sa akin ang mga bantay dito at manghang kinausap ako. “Anong nangyari bakit hindi po kayo natupok ng apoy sa loob?” nagtatakang tanong nila sa akin. “Ito ang inyong hari! Sambahin niyo akong lahat at pagpapalain ko kayo ng buhay na walang hanggang!” Matapang na sambit ko sa kanilang lahat. Nagpatirapa silang lahat sa akin at sinamba ako. Naglakad na ako papalayo sa kanila at mabilis akong bumalik sa aking palasyo upang itago ang halamang ito sa aking laboratoryo. “Kamangha-mangha ang iyong itsura. Ikaw na ba ang hinahanap kong halaman o isa ka lang rin mas makapangyarihan na halamang gamot?” nakangiting sambit ko dito habang inilalagay ito sa malaking lagayan. Habang nakatingin ako dito at manghang nakatingin ay tumawag mula sa labas si Kora. Tumingin ako sa kanya mula sa loob at nakita ko siya sa labas ng aking silid na naghihintay sa akin habang tinatawag ako. Lumabas na ako sa aking laboratory at nagulat na lang sa akin si Kora kung saan ako nanggaling. “Saan kayo galing panginoon?” tanong niya sa akin. “Hindi na mahalaga kung saan ako nanggaling o saan ako pumunta. Kumusta ang pinapagawa ko sayo?” “Ayon sa aking pananaliksik panginoon ay ang lagusan ay nagmumula sa isang silid,” tugon niya sa akin. “Kung gayon ay walang tinatago sa akin ang pinunong Haram sa lagusan na ito,” sambit ko. “Anong mangyayari kapag nasira o nawala ang silid ng lagusan na ito?” tanong ko sa kanya. “Ang lagusan ng mga bulwa lang po ang nag iisang may ganito kaya kapag nawala o nasira po ito ay wala na pong makakapunta sa mundo ng mga tao at dito na po magsisimula ang kakulangan natin ng pagkain,” tugon niya. “Ganito pala ang mangyayari kapag nawala ang lagusan na ito,” sabi ko habang matalim na nakatingin sa hangin habang kinakalkula kung anong mangyayari kapag nga nangyari ang nasa isip ko. “Sige makakaalis ka na,” Utos ko sa kanya. “Masusunod po.” Kailangan kong maging eksperto pagdating sa mga halamang gamot gaya ng aking ama upang pag nagkaroon na ng kagipitan dito ay makakatakas ako ng matiwasay. Marami pa akong hindi nalalaman sa libro na isinulat ng ama kong si Karim dahil marami pa akong hindi nabubuksan dito. Marami pa akong dapat na matutunan sa libro niya at sinisiguro ko na kapag nabasa kong lahat ang gawa niyang orasyon ay magiging mahusay, nakakatakot at malakas na hari ako sa mundong ito. Kung dati ang pangarap ko lang ay makaganti sa ginawa nila sa angkan ko ngayon ay mas gusto kong maging malakas para sa ganun ay ako ang nag iisang tinitingala nilang lahat. Ang makapangyarihang si Leonon ay paparating na sa buong mundo! At huwag na huwag kang magtatangkang tumakas dahil mahahanap at mahahanap kita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD