Chapter 5 - Overruled

1877 Words
Makalipas ang ilang araw ng madugong pag sasanay ng mga Arneseo ay sinabak ko na sila sa laban. Ginulat namin ang isang bayan ng mga demonyo sa lugar namin at wala pang kalahating minuto ay nalipon na namin agad sila sapagkat ginamitan ko sila ng gamot na imbensyon ng aking angkan. Ako mismo ang pumatay sa kanilang hari na si Madok kaya ngayong patay na ang kanilang hari at nasa sasakupan ko na sila ay pinapili ko ang mga nakatira dito kung papatayin ba namin sila o sasanib sila sa aming pwersa. "Ngayong patay na ang inyong hari ay ako na ang bago ninyong pinuno! Iisa lang ang aming batas at iyong ay ako!" Sigaw ko sa kanila. "Ang sinomang hindi sumunod sa aking ipinag-uutos ay aking papatayin!" Tumatawa kong sigaw sa kanila. "Masusunod!" Sigaw nila sa akin sabay nag patirapa sa aking harapan. Walang kalaban-laban ang mga tauhan at nasasakupan ni haring Madok kundi ang sumunod sa akin sapagkat ang kaluluwa ng kanilang hari ay nasa akin na. Pagkatapos kong kainin ang kaluluwa ni haring Madok ay nakaramdam ako ng lakas sa aking katawan. Nanginig ang katawan ko at parang mas bumilis ang aking galaw. Napag sasabay ko na ngayon ang dagungdong sa langit habang kumikidlat ng malakas. Nakikita at nararamdaman ko ngayon ang kuryente na lumalabas sa aking katawan. Napapangiti ako dahil sa lakas na nararamdaman ko ngayon kaya't itinaas ko ang aking kamay sa langit at kumidlat ng malakas. Masaya ako ngayon dahil nakakuha kami ng mga demonyong bihasa sa gamot at sila ang ginamit ko para sa bagong eksperimento na gagawin ko. Kinuha ko ang mga pormula na gawa nila at ipinaturo ko kung paano gamitin ang mga sandata na meron sila. Ang mga kalalakihan sa kanilang lugar ay isinali ko sa hukbo ng Arnaseo upang mas lalong tumibay at lumakas ang aming hukbo. "Hindi dito matatapos ang aking pagsakop sa buong mundo dahil bukas na bukas rin ay makikipag digmaan muli tayo sa kabilang bayan upang sakupin at patayin ang kanilang pinuno," masaya kong sambit sa kanila. "Kayong mga bagong kabilang ng aming hukbo! Gamutin niyo ang aking kawal at gagantimpalaan ko kayo ng buhay na walang hanggang," "Kung totoo ang inyong pinapangako na buhay na walang hanggang ay hiwain niyo ang inyong braso at ipakita sa amin ito!" Sigaw ng isang demonyo. "Ipapakita ko sa inyo kung ano ang tinatawag na buhay na walang hanggang!" Sigaw ko sa kanila habang ipinapakita ang aking palad. Hiniwa ko ito ng malalim at kita nila sa aking mukha na nasaktan ako. Tumulo ang dugo sa aking palad ngunit kagulat-gulat na unti-unti itong naghihilom. Nagulat ako sa nangyari sapagkat hindi ko rin ito inaasahan kaya nung nakita ko na ang lahat ay namangha ay matapang kong ipinagmalaki sa kanila ang aking kamay. Nagpatirapa agad sila sa akin at sinamba ako dahil sa nasaksihan nilang lahat sa akin. "Ngayon nakita niyo na kung paano naghilom ang aking sugat sa palad ay naniniwala na kayo sa akin na may buhay na walang hanggang! Kaya kayong mga bago naming nasasakupan ay gagawin ang lahat ng aking pinag-uutos. Kayo ang gagawin kong mamamahala sa mga gamot at iba pang imbensyon dahil kayo na lang ang natitirang magaling sa ganitong larangan." Lahad ko sa kanila. Pagod man ang mga katawan ng aking mga kawal ay hindi sila pinaghinaan dahil pinangakuan ko sila ng masarap na hapunan dahil sa napakagandang performance na pinakita nila sa akin. Iniwanan ko ng mga kawal sa bayan ni haring Madok upang maging bantay sa magiging galaw ng mga naiwang demonyo doon.  Takot ang bumabalot sa kanilang bayan ngayon dahil isa silang mahihinang nilalang. Kayang-kaya namin silang pulbusin kung gugustuhin namin ngunit pinili ko na iwan ang iba nilang tauhan upang makadagdag sa aming hukbo. Kinuha ko ang isa sa pinaka magaling nila na manggagamot sa kanilang bayan at dinala ito sa palasyo. Pagkatapos kong magbilin sa mga natirang kawal doon ay mabilis kaming bumalik ng palasyo para mag pahinga. Nakaupo ako nito sa aking upuan matulis at madugong upuan ng kinausap ko ang magaling na manggagamot sa kabilang bayan. "Anong mga gamot na ang naging imbensyon niyo sa inyong bayan?" tanong ko sa kanya. "Walang bagong imbensyon ngunit may pinapalakas akong gamot," tugon niya sa akin. "Anong gamot ang sinasabi mo?" Pinakita niya sa akin ang isang maliit na hibla ng tali at inilagay ito sa aking palad. "Ang tawag namin dito ay insen na kung saan ay kapag nadikitan ka nito ay makakaramdam ka ng pagkapaso sa iyong katawan dahil naglalaman ito ng banal na tubig," "Kung nakakapaso ito bakit hindi niyo ito ginamit sa amin nung sumalakay kami sa inyo kanina?" tanong ko sa kanya. "Dahil ito ang pinakatatago naming sandata na ayaw na ayaw naming gamitin sa iba," lahad niya sa akin. "Bakit? Bakit ayaw niyong gamitin ito?" "Dahil nakalimutan kong sabihin sayo na ang hibla na ito ay hindi lang nakakapaso bagkus ay sumasabog ito kapag tumagal na sa iyong balat." nakangiting niyang  tugon sa akin.  Madali kong inihagis ang hibla sa kanya at namangha ako na pagdikit sa balat nito ay sumabog siya bigla. "Hindi mo ako mapag-mumukhang tanga! Hunghang! Ang hari na katulad ko ay hindi man mauuto ninoman!" tumatawa kong sambit habang nakatingin ako lumulutang na kaluluwa ng demonyong ito. "Hindi lang ikaw ang manggagamot ng bayan na 'yun kaya hindi sayang ang pag-paslang ko sayo!" Mula sa silid ko ay tinawag ko ang pinunong kasambahay upang linisin ang kalat sa aking silid. Humiling rin ako sa kanya ng sariwang dugo sapagkat nakakaramdam ako ng gutom ng sariwang mabuting kaluluwa ng mga mortal. Gustohin ko mang tumungo sa mundo ng mga tao ay hindi ko pa magawa dahil may kailangan pa akong matutunan dito sa mundo namin kung saan ay wala ng makakatalo pa sa akin. Malalim ang iniisip ko nito ng biglang dumating ang aking kanang kamay sa bahay. Dala niya ang hiniling kong inumin at pagkatapos ay nag-focus na ito sa paglinis ng kalat sa aking silid. Mabilis kong inubos itong inumin na ito at tumayo ako sa aking kinauupuan at tumungo ako sa silid kung nasaan ang aking mga ginagawang bagong imbensyon. Habang naglalakad ako sa loob nito ay napapatitig ako sa aking palad na hiniwaan ko ng espada kani-kanina lang. Hanggang ngayon ay manghang-mangha pa rin akong nakatingin dito. Parang isang majika ang nangyari sa akin sapagkat sa hindi ko inaakala ay maghihilom agad ang sugat ko. Para subukin muli ang aking sarili ay kinuha ko ang aking espada dito at hiniwa ang aking braso. Tumalsik ang dugo sa aking mukha at tumulo ito sa sahig ng dahan-dahan itong naghilom. "Totoong-totoo nga na naghihilom ang aking sugat!" Masaya kong sambit sa sarili ko habang nakangiting pinagmamasdan ang paghilom ng aking sugat. Madami pa akong hindi natututunan sa aking sarili ngunit naniniwala ako na kaya ako nagiging ganito dahil na rin sa pagkain ko ng malalakas na kaluluwa ng mga demonyong nakakalaban rin namin. "Ano pa ba ang hindi ko natututunan na gawin?" tanong ko na lang sa sarili ko. Habang tahimik akong nag-iisip ng aking panibagong imbensyon ay mula sa silid na ito ay tanaw ko ang dalawa kong alipin na naglalakad sa hallway. Makatingin sila sa direksyon kung nasaan ako ngunit nanliliit lang ang kanilang mga mata na nakatingin dito. Ito ang ginamit kong kapangyarihan noong pinapatay na ang angkan ko ng mga tauhan ni Arneseo kay alam ko ang kani-kanilang pagmumukha ay dahil kitang-kita ko kung paano nila pinatay ang mga angkan ko. Dahil sa nangyaring itong ay minabuti kong aralin ang mga iba't-ibang gamot ngunit hindi pa rin sapat ang siyam na buwan kong pananaliksik ng mga ito. "Paano kaya gumawa ng isang lagusan papunta sa mundo ng mga tao? Ako na lang ba ang hindi nakakagawa nito?" tanong ko sa sarili ko. Dahil sa nababagabag ako dito ay tumungo ako sa tahanan ng pinuno ng mga bulwa na si Haram. "Anong maipaglilingkod ko sa'yo mahal na hari?" tanong niya agad sa akin. "Gusto kong malaman kung paano kayo nangongolekta ng kaluluwa sa mundo ng mga tao," tugon ko sa kanya. "Gusto niyo po bang sumama sa amin sa mundo ng mga tao?" tanong niya sa akin. "Sige! Isama mo ako upang makita ko kung paano kayo mag trabaho." Pumasok si Haram sa isang maliit ng silid at sa pagpasok namin doon ay nakapunta na agad kami sa mundo ng mga tao. "Ganyan lang kayo nakakapunta sa mundo ng mga tao?" nagtatakang tanong ko sa kanya. "Ang spell na ginamit dito ay mula pa sa aming kanuno-nunuan kaya ayos na ito agad sa isang silid upang hindi na kami gumawa pa ng orasyon," "Ibigay mo sa akin ang orasyon na ito," "Bakit mahal na hari?" "Gusto kong pumunta ng mundo ng mga tao upang makapag hasik ng maraming kasamaan," "Ngunit ang orasyon na ito ay walang nakakaalam,"  "Ano?!" galit na tanong ko sa kanya. "Kaya pinaka-iingatan namin ang silid na ito dahil kapag nasira ito ay hindi na kami makakapunta sa mundo ng mga tao at hindi na tayo makakakain ng mga kaluluwa," "Kung gayon ako ang gagawa ng orasyon para makapunta ako sa mundo ng mga tao ng hindi ako pumupunta dito sa inyong tahanan," "Sige po mahal na hari." Nasa mundo na kami ng mga tao at mula dito ay nakikita ko ang bawat tao na may kanya-kanyang masamang ginagawa. Napapahalakhak ako sa tuwa ng makita ang mga tao na malungkot at umiiyak. Habang nag gagala kami ni Haram sa mundo ng mga tao ay binulungan niya ang isang babaeng mortal na magpatiwakal kaya madaling nawala sa sarili ang babae at kumuha ito ng kutsilyo at isinaksak ito sa kanyang dibdib. Tumatawa kaming pareho ni Haram na nakikita ang babae na kinikitil ang sarili niya. Ilang sandali pa ay lumutang na ang kanyang kaluluwa at agad itong isinilid ni Haram sa bote. Hindi ako nasabihan ni Haram na may mga sugo pala ng Diyos dito sa lupa kaya nagulat ako ng may pumana sa aking kamay at natamaan ako nito. Pag tingin ko mula sa kalangitan ay nakita ko ang kukunang na puting anghel na pababa sa amin. "Kailangan na nating umalis panginoong Leonon!" Aya sa akin ni Haram. Madali kaming umalis sa harapan ng anghel at pumasok sa portal na pabalik sa aming mundo. Sinara agad ni Haram ang pintuan ng portal upang magsara ang lagusan sa mundo ng mga tao at hindi makasunod ang anghel dito sa aming lugar. Ganyan pala ang sinasabi mong lagusan patungo sa mundo ng mga tao. Naiintindihan ko na kaya gagawa ako ng paraan kung paano ko makukuha ang orasyon na 'yan. Madali akong umalis sa harapan ni Haram at bumalik na ako sa palasyo upang pumasok sa silid ko sa hide-out ko. Kumurot ako sa lahat ng mga halamang gamot doon at iniluto ko itong lahat sa aking dugo. Dahil sa wala pa akong sapat na kaalaman sa ganitong orasyon ay mali ang aking nagawa. Walang saysay ang pinagal kong oras sa pag gawa ng orasyon na ito dahil palpak ang gawa ko ngunit hindi ako pang hihinaan ng loob ng susubukan kong muli na gumawa nito hanggang sa maging perpekto ang lahat. Kapag natutunan kong gumawa nito ay may pagkakataon na akong makatakas sa mundong ito kapag nagkaroon ng problema.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD