Chapter 7 - The second bloody war

2169 Words
Lumalakas ang loob ko habang unti-unti kong natutuklasan ang kapangyarihan sa aklat na ito. Malaki na ang pagbabago ko hindi na ako nakakakaya ng sinoman dahil sa lakas na nakuha ko sa mga napaslang ko. Hindi pa din umaabot ng isang daang porsyente ang lakas ko ngunit nakakaramdam ako ng kakaiba sa katawan ko. Habang nakatanaw ako sa mga bago naming kawal na tinuturuan sa pakikipag digmaan ay tinawag ko ang pinuno ng mga Arnaseo na si Amain. Madaili siyang lumapit sa akin at tinanong ako. "Ano pong maipaglilingkod ko sa inyo mahal na hari?" tanong niya sa akin. "Maghanda kayo para sa banibagong digmaan dahil susugurin natin ang susunod na malapit na bayan sa atin. Katulad ng ginawa natin sa hukbo ni haring Madok ay kakamkamin natin ang kanilang kayamanan, mga halamang gamot at tauhan. Tanging bubuhayin niyo lang ay ang mga taong gustong mag paalipin sa atin!" "Hanggang kailan po natin ito gagawin?" tanong niya sa akin. Napatingin ako ng matalim sa kanya at bigla siyang napayuko sa akin. "Hanggang sa maging hari ako ng lahat!" Sigaw ko sa kanya. Hindi siya tumugon sa akin kaya't pinaalis ko na siya sa aking harapan. "Maaari ka ng umalis at laging maging handa kayo sa pagtawag ko dahil sosorpresahin ko kayo!" tumatawa kong sambit sa kanya. "Masusunod panginoon!" tugon niya sa akin sabay yuko sa harapan ko at alis. Sa mundo namin ay walang umaga tanging ang liwanag mula sa mga apoy ang nagbibigay liwanag sa aming lugar.  Napakalamya at walang kalatoy-latoy ang mga nakikita kong sinasanay na mga bagong kawal kaya tumungo ako mismo sa harapan ng palasyo upang silipin silang lahat doon. "Walang buhay! Walang kalatoy-latoy ang inyong pag hampas ng espada!" Galit na sigaw ko sa kanila.  Natigilan silang lahat sa sigaw ko at sabay biglang labas ng sigla nila ng paghampas ng espada. Tinawag ko si Kora at Amain upang sabihan sila na susugod kami sa palasyo ni haring Zeptta ngayon upang salain ang mga bagong salta na kawal. "Mag handa kayo at makikipag digmaan tayong gabi," seryosong sambit ko sa kanila. "Nakakabigla naman ang inyong pag dedesisyon mahal na hari?" tanong ni Amain sa akin. "Ang ating mga bagong kawal ay hindi pa ganun kasanay sa labanan," "Dito natin masusukat kung magaling ka ngang pinuno Amain," nakangiti kong sambit sa kanya. "Ang iyong nalalaman sa pamamahala si pinunong Azal ay dapat ma-apply mo sa sinasakupan mo ngayon dahil kayo ang mangangalaga ng kaligtasan ng ating lugar," "Ngunit panginoon ang mga ito ay kinuha lang natin sa mga angkan nila at talagang wala silang karanasan sa pakikipag laban," "Nasaan ang mga natirang hukbo ni haring Madok?" "Nasa kanilang palasyo po kasama ang natirang hukbo natin doon," "Kung gayon ay sunduin mong lahat sila dito upang masabihan sila sa plano nating pagsugod sa palasyo ni haring Zeptta," sambit ko.  "Masusunod po." Madaling umalis sa harapan ko sina Amain at Kora para tumungo sa kabilang kuta namin upang sunduin ang mga sundalo doon.  Nakatingin lang ako sa mga kawal dito ng bigla kong naisip ang gamot na ginawa ni ama.  "Ang hihina niyong lahat!" sigaw ko sa kanila. Lahat sila ay nag siyuko sa akin kayat bumaba ako sa pinag tatayuan ko at naglakad ako sa tabi nila. "Mga wala ba kayong kinain at ang hihina ng mga itsura niyo? Paano kayo magiging kanang kamay ko kung mahihina kayong lahat?" sabi ko sa kanila. Hindi sila tumitingin sa akin kaya't lumapit ako sa kanila isa-isa hanggang sa nakuha ng isa ang atensyon ko. "Anong pangalan mo?" tanong ko sa kanya. "Alessandro," tugon niya sa akin. "Pag igihan mo sa pag eensayo," sambit ko sa kanya. "Sige po." Nakatingin lang ako sa kanya nito at hindi mawala-wala ang mga mata ko sa kanya. Patuloy lang ako sa paglalakad sa harapan nilang lahat at dumating na sina Amain at Kora kasama ang hukbo ni haring Madok.  "Nandito na po kami panginoon," "Mabuti! Kayong mga kawal ni Madok! Ako na ang susundin niyo ngayon!" "Masusunod po mahal na hari," "Sino ang pinuno ng hukbo nyo?" tanong ko sa kanila. "Ako po!" tugon ng isa. "Halika dito. Anong pangalan mo?" tanong ko sa kanya habang papalapit siya sa akin. "Alzem," "Alzem, Satingin mo bakit mabilis namin kayong nalipon nung lumusob kami sa bayan niyo?" tanong ko sa kanya. "Hindi ko rin po alam kung anong nangyari mahal na hari. Napakabilis po ng pangyayari at namatay na lang po ang aming hari na si haring Madok," "Malalaman mo kung anong mangyayari sa pupuntahan natin ngayon kaya mag ayos kayong lahat! Lulusob tayo sa bayan ni haring Zeptta!" Nakangiting sigaw ko sa kanila. Tumayo ng matuwid ang aking mga kawal at itinaas ang kani-kanilang mga armas. Bago kami umalis sa palasyo ay tinapunan ko silang lahat ng aking gawang gamot. Nasa sangkap nito ang halamang oley kung saan sinasabi na nagbibigay at nag dadagdag ito ng lakas. Paglabas ng usok mula sa butilya na hinagis ko sa kanila ay para silang nabaliw. Nagsiupo sila at humahawak sa kanilang katawan. Katulad ng nangyari sa akin ay nawalan sila ng malay ngunit mabilis rin bumalik ang kanilang ulirat. "Kamusta ang inyong pakiramdam?" nakangiting tanong ko sa kanilang lahat. "Parang may pwersang pumasok sa aking katawan!" masayang tugon ni Amain sa akin. Tumawa ako ng malakas sa kanilang lahat at sabay mayabang na nagsalita sa kanila. "Ang gamot na 'yan ay gawa ko! Ngunit limitado lang ang nagawa ko at ito ay ipinagkaloob ko lang sa inyong lahat na mga kawal ko!" Lahad ko sa kanila. "Ngayong nakakaramdam kayo ng lakas sa inyong katawan ay dito natin masusubok kung anong dagdag kapangyarihan ang nakuha niyo sa gamot na ibinigay ko sa inyo!" Masasaya silang lahat dahil sa ibinigay kong lakas sa kanila. "Susubukan na natin ngayon ang inyong lakas" Tumatawa kong sigaw sa kanila. "Lulusob tayo sa kaharian ni haring Zeptta!" Nagbago na ako ng anyo at lumipad ako sa langit kaya sinundan din nila ako. Kahit ako ay lumanghap din ng usok ng gamot na ginawa ko at masasabi ko na totoo nga ang halamang gamot ng oley. Nag aalab ang puso ko sa kasiyahan kaya't ngayon pa lang ay naglalabasan na ang mga kidlat sa akin. Itinuro ko lang ang kamay ko sa malaking gate ng kaharian na ito at sumabog ito. Naglabasan ang mga kawal ni haring Zeptta at sinugod kami. Itinapon ko sa kanila ang butilyang berde at nag simula silang mabaliw kaya ang mga tauhan ko ay pumasok na sa loob upang patayin ang mga kawal na kakalaban sa amin.  Pinuntahan ko agad ang loob ng palasyo at hindi ko nakita si haring Zeptta doon. Kaya't nag madali akong lumabas ng palasyo at nakita ko sila na nagmamadaling lumipad papalayo sa amin. "Sinong nagsabi sa kanila ng paglusob natin!" Galit na sigaw ko. Mabilis akong lumipad sa lugar kung nasaan siya at nagulat na lang siya na nakita niya ako sa tabi niya. "Kumusta haring Zeptta?" nakangiting tanong ko sa kanya. "Kaawaan mo kami! Kami ng pamilya ko!" Pagmamakaawa niya sa akin. "Pasensya na ngunit huli na ang lahat." nakangiting sambit ko sa kanya. Madali kong itinusok ang espada ko sa katawan niya kaya nalaglag siya sa himpapawid. Sinundan ko kung saan siya babagsak at doon ako agad tumungo ngunit pag punta ko sa binagsakan niya ay wala siya. "Gusto mo bang makipaglaro haring Zeptta?" Tumatawa kong sambit sa kanya habang hinahanap siya. Habang hinahanap ko si haring Zeptta ay bigla siyang iwinasiwas ang kanyang espada sa akin. Nasugatan ako sa aking braso kaya napangisi siya sa akin. "Ito lang ba ang kaya mo?" Pagyayabang na tanong ko sa kanya. "Tingnan mo kung paanong maghihilom ang sugat na ginawa mo!" natatawang sambit ko sa kanya . Nanlaki ang mga mata niya na nakatingin sa sugat ko na nag hihilom. "P-paano? Paano mo nagawa 'yan?" tanong niya sa akin. "Kinakampihan ako ng kalangitan kaya naghihilom ito agad!" tumatawa kong tugon sa kanya. Napaluhod siya sa akin at yumuko. "Ibibigay ko ang lahat ng gusto mo wag mo lang akong patayin," Pakiusap niya sa akin. "Ngunit ang iyong kaluluwa ang kailangan ko." sambit ko sa kanya sabay s***h ng espada ko sa kanya. Bumagsak sa sahig si haring Zeptta. Napatingin ako sa paligid at nakita ko ang isang batang babae na nakatingin sa amin habang lumuluha. "Ama!" biglang sigaw niya.  Tinutukan ko ng espada ang batang ito kaya bigla siyang natigil sa pwesto niya. "Magtago ka na kung ayaw mong matulad sa ama mo." sambit ko sa kanya. Mabilis na tumakbo ang bata sa harapan ko kaya kinain ko na ang kaluluwa ng ama niya na si haring Zeptta. Pagkakain ko ng kaluluwa ni haring Zeptta ay biglang nanlamig ang buong katawan ko at nangisay ako. "A-anong n-nangyayari?" utal na tanong ko. Bigla akong natumba sa kinatatayuan ko at pagkatapos nito ay hindi ko na alam kung anong nangyari. Dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko at nakakita ako ng liwanag. Sobrang liwanag ng nakikita ko. Sumigaw ako nang sumigaw ng malakas habang nararamdaman ko ang pag pagpag ng aking pakpak. "Huminahon ka mahal na hari." Pampakalma sa akin. Napatingin ako sa gilid ko at nakita ko si Kora. "Anong nangyari?" tanong ko sa kanya habang bumabangon sa pagkahiga ko. "Nawalan po kayo ng malay." tugon niya sa akin. Hinipo-hipo ko ang katawan ko at tiningnan kung anong bago ngunit wala naman akong napansin kay tinanong ko agad si Kora na nakatayo sa tabi ko. "Saan mo ako nakita?" tanong ko sa kanya. "Nasa isang maliit na eskinita ka po mahal na hari," tugon niya sa akin. "Tapos ano pang nakita mo?" "Wala na po kinuha kita agad nung nakita kita na nakahandusay sa sahig upang hindi ka masaktan ninoman. Wala ka dapat pagkatiwalaan ngayon dito dahil baka patayin ka nila,"  "Ikaw? Bakit hindi mo ako pinaslang kahit na nakita mo akong walang malay? Bakit tinulungan mo pa rin ako," "Alam ko na mabuti ka," "Nagkakamali ka diyan," "Ginagawa mo lang 'yan dahil sa naghihiganti ka dahil sa nangyari sa angkan mo," seryosong tugon niya sa akin. "Pwede ka ng umalis Kora salamat sa pagligtas sa akin," malamyang tugon ko sa kanya. "Masusunod po." Umalis na si Kora sa harapan ko at naiwan na akong mag isa dito sa aking silid. Tumayo ako sa higaan ko at tiningnan ko ang sarili ko sa salamin.  "Anong nangyari Leonon?" tanong ko sa sarili ko. Sumilip ako sa bintana at nakita ko ang mga kawal naming nag eensayo sa labas habang nakatingin ako sa kanila ay bigla na lang akong nakarinig ng matinis na tunog sa akin tenga. Napahawak ako sa ulo ko habang tinatakpan ang tenga ko.  "Anong klaseng kapangyarihan ang meron siya?" tanong ko na lang sa sarili ko. Ilang sandali pa ang lumipas ay nawala na ang panting sa tenga ko kaya tumayo na muli ako. Pagkabalik ng lakas ko ay lumabas ako ng silid ko at tumungo ako sa harap ng palasyo upang silipin kung anong nangyari sa digmaan. Mula sa malayo ay nakita ako ni Amain kaya agad niya pinayuko ang mga tauhan niya. "Kumusta ka mahal na hari?" tanong niya sa akin. "Ok naman ako. Kumusta ang mga kawal natin?" "Marami pong nawalang tauhan natin mahal na hari," "Bakit? Nasugpo ko ang hari nilang si Zeptta," "Malakas po ang kanilang mga kawal," "Anong ibig mong sabihin? Hindi kayo nanalo sa labanan?" nagtatakang tanong ko sa kanya. "Hindi po," "Mga mahihina kayo! Ano pa't binigyan ko kayo ng lakas para lumaban kung hindi niyo rin maipapanalo!" Sigaw ko sa kanilang lahat. "Sinabi ko naman sa inyo panginoon na ang mga kawal natin ay bago pa lang at walang alam sa pakikipaglaban," Angal niya sa akin. "Nasaan ang mga kawal ni Madok?" "Ako lang ang nakaligtas sa aking hukbo," singit ni Alzem. "Ganito ba kahina ang mga tauhan ni Madok? Mga walang silbi!" "Hindi kami nakalaban ng maayos dahil sa gamot na ibinigay niyo sa amin panginoon," "Anong hindi? Hindi ba't nagkaroon kayo ng lakas dahil sa gamot na 'yun?" "Nakita ko kayo pagkatapos niyong patayin ang haring si Zeptta bigla kayong na nangisay na lang basta? Sa tingin niyo bakit kayo biglang nagkaganun?" Natigilan ako sa sinabi niyang ito.  "Hindi kaya sa gamot talaga ito o sa mahihinang nilalang talaga sila?" tanong ko na lang sa sarili ko. Habang nag iisip ako ay pinatagil ko na muna sila sa pag eensayo at pinatawag ko ang bagong mga Harim. Dumating ang mga babaeng nag aaral ng mga gamot dahil sila na ang pinangasiwa ko dito. Sila na ang magiging manggagamot ng aming lugar. Si Alessa na ang bagong pinuno ng mga harim. "Gamutin niyo ang mga sugatang kawal ngayon din!" Utos ko sa kanya. "Masusunod mahal na hari." Umupo muna ako sa upuan doon habang pinag mamasdan ang mga kawal habang ginagamot ng mga harim. Pakuya-kuyakoy lang ako nito habang inaalala 'yung mga nakasulat sa libro ng ama ko.  "Kailangan ko muling basahin ang nasa libro ni ama upang hindi ako makapahamak ng mga tauhan ko." seryosong sambit ko sa sarili ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD