Chapter 20 - New life

1295 Words
Makipot at madilim ang lagusan na pinasukan ko. Hindi ko alam kung saan ako mapupunta nito hanggang sa nagulat na lang ako na lumabas ako sa lagusan. Nakatingin ako sa babaeng naka suot ng puting damit habang nakatago ang kanyang mukha. Nagkatitigan kaming dalawa hanggang sa nakangiting pumalo siya sa akin. Napakalakas ng palo niyang 'yun kaya't umatungal ako sa kanya. "Nandito na ang napaka gwapong baby niyo!" masayang sambit niya habang may ginunguting sa akin. "Yare ka sakin tao ka! Makakatikim ka ng bagsik ng isang hari!" galit na sambit ko sa kanya. "Aba at talagang nakikipag usap na ang baby na ito," giliw na sambit niya sa akin habang inaabot ako sa isang babae. "Ang cute ng batang ito. Napaka amo ng mukha at talagang biyaya mula sa langit," "Anong biyaya sa langit? Galing ako sa kinalaliman ng mundo! Malakas ako at matapang hindi maamo! Kung ano-anong pinagsasabi niyo sa akin!" Galit na sigaw ko. Pinunasan niya ako sa aking mukha habang nakangiting nakatingin sa akin. "Sige na po baby na cute ibibigay na kita sa mommy mo," nakangiting sambit niya sa akin. "Wag kana umiyak mabait 'yan ooh," Pang aamo niya sa akin. "Anong mabait? Anong mommy?! Nakakain ba 'yan? Saan mo ako dadalhin!" Sigaw ko. Naguguluhan ako hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin bakit ako kinakausap ng ganito ng babaeng ito at bakit niya ako buhat-buhat. Malaking katanungan ang nasa utak ko ngayon bakit iba ang pakiramdam ko. Bakit parang napaka walang silbi ko na tila ba'y wala akong kalaban-laban sa mga mortal na ito. "Heto na ang mommy." panay na sambit ng babae sa akin. Pinipilit kong iniaabot ang kanyang mukha para masaktan ko siya ngunit hindi ko maaga hanggang sa iniabot niya ako sa isang babaeng nakaputi din. "Sige na mommy padedehin mo na ang baby mo at kanina pa siya umiiyak," nakangiting sambit ng babaeng ito sa isa pang babae. "Maraming salamat nurse!" sabik na sambit ng babaeng ito sa kanya. Mabilis at malakas ang kalabog ng dibdib ng babaeng ito habang buhat-buhat ako. "Ano bang nangyayari? Hindi ko na maintindihan? Ano bang itsura ko at bakit ganito na lang ang tingin niyo sa akin?" mga tanong sa isipan ko. Habang nakatingin ako sa mga mata ng babae na ito ay bigla niyang inilislis ang kanyang damit. "Gutom ka na ba Nathaniel ko?" tanong niya sa akin. "Huh? Nathaniel?" tanong ko. "Hindi Nathaniel ang pangalan ko! Leonon babae! Leonon!" Sigaw ko. "Aba at nagustuhan mo talaga ang pangalan mo huh?" "Anong sinasabi mong babae ka? T-teka? Nakikilala kita!" "Oo na! Sige na heto na at dedede ka na po," nakangiting sambit niya sa akin habang nilalapit niya sa akin ang isang bagay. "Ano 'yan? Bakit parang ang baho! Hindi ko gusto ang amoy!" Sigaw ko. Patuloy niyang inilalapit ang kanyang katawan sa mukha ko hanggang sa pinipilit niyang mapanganga ako dito. Binuksan ko ang bibig ko at agad kong kinagat ang maitim na bagay na ito. Napasigaw siya sa ginawa ko kaya't madali niya akong inilayo sa tabi niya. "Aray ko!" Sigaw niya nang pagkalakas-lakas. "Subukan mo pang gawin 'yan at papatayain na kita!" tumatawa kong sambit habang hinahawakan niya ito. "Talagang tinatawanan mo pa ako aah! Halika dito bata ka!" matapang na sambit niya sa akin. Ipinasok niya muli sa aking bibig ang maitim na parte ng katawan niya at nagulat na lang ako ng sinipsip ko ito at nakaramdam ako ng pagkapawi ng uhaw dahil sa ginawa niyang ito. "Anong klaseng inumin ito?" tanong ko sa sarili ko habang patuloy na sumisipsip sa kanya. Niyapos niya ang ulunan ko at maluha-luha niya akong kinausap. "Maraming salamat sa Diyos at dumating kana aking munting anghel. Ikaw ang bubuo ng pagkatao naming dalawa ng ama mo at tinitiyak ko na bibigyan kita ng marangya at magandang buhay habang nabubuhay ka. Ipagkakaloob kita sa Panginoon nating Diyos bilang pasasalamat sa pagdinig niya ng aking mga panalangin. Nathaniel. Oo Nathaniel ang ipapangalan ko sayo sapagkat binigay ka sa akin ng Diyos." sambit niya sa akin. Ito na ba ang katapusan ko? Ngayon ko lang napag tanto na sa katawan ako ng isang sanggol napunta sobrang nanlumo ako dahil sa dating naghahari ng ilang imperyo ngayon ay ni pakikipag usap ay hindi ko magawa. Kaya pala iba ang sinasabi nila sa sinasabi ko kanina pa at patuloy nila akong inaamo dahil pala sa itsura ko ngayon. "Ano bang kamalasan ang nangyayari sa akin bakit dito pa sa dami-dami ng pwede kong saniban!" Sigaw ko ng malakas. Nagpatay sindi ang ilaw ng sumigaw ako na kinatakot ng babaeng katabi hanggang sa niyakap niya muli ako ng mainit niya katawan. "Wag kang matatakot at poprotektahan kita." malambing na sambit niya sa akin. Isa akong sanggol! Isang sanggol na walang kalaban-laban paano ngayon ang buhay ko kung mananatili ako sa katawan ng taong ito? Paano ko mababalik ang mga lakas na nawala sa akin noon? Madami pang katanungan ang naglalaro sa aking isipan ngunit habang patuloy ko itong pinoproblema ay nakatulog ako dahil sa pagod. Pag pikit ng aking mga mata ay hindi ko na maalala kung anong sunod na nangyari at umaasa ako na sa pag dilat ng aking mga mata ay makakalipat na ako ng ibang katawan at hindi na sa isang paslit na ito. Hindi ko alam kung anong oras na ngunit pag gising ko ay uhaw na uhaw ako kaya't nagsalita ako sa babaeng ito. "Babae! Nagugutom ako!" Sigaw ko. "Gutom ang baby ko?" tanong niya sa akin. Madali niyang inilabas muli ang maitim na parte ng katawan niyang ito at isinalpak sa aking bibig. Napapangiti ako ngayon sa kanya dahil naiintindihan niya ang sinasabi na akala kong naririnig niya ngunit hindi pala salita ang lumalabas sa bibig ko kung hindi ay isang atungal lang ng isang batang bagong panganak.  Nagmumukhang iyakin ako sa paningin niya sapagkat sa tuwing kinakausap ko siya ay pinapatahan niya muna ako at nilalambing bago niya ibigay ang gusto ko. "Hanggang kailan ba ako magiging ganito?" malungkot na tanong ko sa sarili ko. Lumipas ang mga oras ay dumating ang isang lalaki sa silid na ito. Kilalang-kilala ko ang mga taong ito. Ito 'yung dalawang tao na nakita kong nag uusap noong pumunta kami sa mundo ng mga tao para mangolekta ng bagong kaluluwa. Sila 'yung umiiyak at umaatungal na dalawa habang humihiling ng isang supling. Bakit sa kanila pa ako napunta kung saan ay ang mga taong ito ay kasuklam-suklam sa aking paningin?" Bakit sa inyo pa nasa kalaban ko sumasamba? Anong kaparusahan ba ito at kailangan kayo ang aking makatagpo? Masayang binuhat ako ng lalaking ito at nilaro-laro. "Napakagandang nilalang naman ang ibinigay ng Diyos sa amin," mangiyak-ngiyak na sambit niya sa akin. "Lubos talaga ang kagalakan ko ngayon dahil akala ko hindi ka na dadating sa amin maraming salamat Nathaniel kasi pinunan mo ang pagkukulang ng pamilyang ito. Totoo nga na kapag nanampalataya ka at inilapit mo sa Diyos ang iyong pangangailangan ay ibibigay niya ito sayo. Hayaan mo anak magiging mabuting magulang kami sa iyo," sambit niya. Nasusuka ako sa mga sinasabi niya sa akin. Pakiramdam ko sa tuwing sinasambit nila ang pangalan ng kaaway naming mga demonyo ay nanghihina ako.  "Ganito ba kalakas 'to sa mundo ng mga tao?" tanong ko na lang habang pinapanuod ang dalawa taong 'to na nag-iiyakan. Gaano ba kalaki ang tulong ng batang 'to sa kanila? Bakit sobra na lang talaga ang kanilang kagalakan ng dumating si Nathaniel sa kanila? Lumipas ang ilang araw mula ng maipanganak nila ang batang si Nathaniel at umuwi na kami sa kanilang tahanan. Mas marami ng ang mga tao dito at napakaraming mga magugulo. Ginawa na nila akong laruan dahil pinag papasa-pasahan nila akong lahat. Pakiramdam ko malalamog ang buong katawan ko sa ginagawa nila sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD