Chapter 19 - The betrayal

1902 Words
Kinabukasan. Ang lahat ay unti-unti ng nag titipon sa arena para sa paligsahan na mangyayari. Dahil sa sobrang lakas ko na ay paniguradong hindi ko sila mabibigyan ng magandang laban kaya dahil sa kahambugan ko ay binawasan ko ang lakas na meron ako. Mula sa isang daang pursyento ng lakas ko ay bumaba ito ng walompung pursyento. "Tama na siguro 'to." nakangiting sambit ko sa sarili ko. Lumabas na ako sa laboratoryo ko at tumungo na ako arena. Napakaraming namin at siksikan na nga dahil sa dami ng aming populasyon. Kinawayan ko si Alessandro at lumapit siya sa akin. "Mahal na hari?" tanong niya agad sa akin. "Tipunin mo na ang mga kalahok sa paligsahan at simulan na ang laban na ito," "Masusunod po mahal na hari." Umalis na si Alessandro sa harapan ko at tinipon na niya ang mga kalahok ng paligsahang ito. Umupo ako sa aking upuan at pinatabi ko ang apat na pinuno sa akin. Nasa kanan ko si Alzem na pinuno ng mga arnaseo at sa tabi nito si Abu Bapan na pinuno ng mga kaseleo. Sa kaliwa ko naman ay nakaupo si Jara ang pinuno ng mga harim at sa tabi naman niya ay si Haram n pinuno naman ng mga bulwa. Pumunta na sa gitna ng arena ang unang pares para sa unang laban ngunit bago pa magsimula ang laban ay nag iwan muna ako ng mensahe sa kanila. "Kung ano mang mangyari ngayon sa paligsahan natin ngayon ay ikinagagalak ko. May mamatay man o wala ngayon araw ay ok lang sa akin! Ngunit lagi niyong tatandaan na ang pag patay ay isang karangalan sa ating mga demonyo dahil dito ay lumalakas tayong lahat! Katulad ng ating naging kagawian nasa inyo ang desisyon kung gusto niyong kitilin ang buhay ng inyong kalaban o bibigyan niyo siya ng pagkakataon na mabuhay." sambit ko sa kanila.  Niyukuran nila akong lahat at pinuri. Sumenyas na ako sa kanila at nag simula na ang laban. Maganda ang mga pinapakita nilang laban ngayon dahil na rin sa naging mas bihasa na sila sa pakikipag laban at mas malakas na rin dahil sa mga nakakain nilang mga kaluluwa ng kapwa naming mga demonyo at ng mga kaluluwa sa mundo ng mga tao. Napapangiti ako sa tuwa dahil sa ganda ng laban. Napakalakas ng kanilang mga pwersa dahil sa gamot na pinainom ko sa kanila kahapon. Ang mahal na haring Baal ang may kagawan nito kaya ganito kaganda ang laban ngayon. Bawat laban ay binigyan ko lang ng ilang minutong palugit sapagkat marami silang sumali ngayon sa paligsahan.  Ang mga natirang demonyo nung unang laban ay malalakas na ngayon. Madaming dugo ang dumanak sa laban na ito. Walang may gustong matalo at mapaslang ngunit sa laban ay may isa talagang lalamang. Masigla ang kapulungan habang nanunuod ng laban ng mga magigiting kong mga kawal. Lumipas pa ang ilang oras ng laban ay heto na ang main event. Sumali sa laban si Alessandro at ang nanalo sa laban ng magigitin kong kawal ay si Beta. Pumwesto na sila sa arena na dalawa at nagsimula silang magsagupa sa gitna. Malakas na pwersa ang tumambad sa amin dahil pareho silang ayaw mag patalo katulad ng laban ni Alessandro dati ay sobrang lakas niya. Sobrang lakas ng pwersang nilalabas niya sa kanyang katawan. Nakakapagtaka lang ang lakas na ito kahit pa alam kong ang ama niya ay isang hari.   Mabilis na natapos ang laban at nanatiling nakatayo si Alessandro. Tumingin siya sa akin ng matalim na tila ba'y inaaya na akong makipag laban sa kanya. Ngumiti ako sa kanya at bumaba na ako sa aking upuan patungo sa arena. "Ito na ba ang pinakahihintay mong araw Alessandro?" tanong ko sa kanya. "Ito na nga Leonon," "Mabuti! Bigyan mo ako ng magandang laban ng sa gayon ay makuha mo ang iyong gusto," "Masusunod." Mabilis akong nilapitan ni Alessandro habang hindi pa ako nakakapag palit ng aking anyo. Pinag hahataw niya ako ng kanyang espada ngunit mabilis ko lang rin naman itong naiiwasan. Ang bawat wasiwas niya sa akin ay parang dumaang hangin lang sa akin dahil hindi ito ganun ka perpekto dahil sa mabilis niyang ikinikilos. Para lang akong nakikipaglaro sa batang paslit sa galaw niyang ito kaya ako na ang unang sumugat sa kanya. Itinusok ko ang aking espada sa kanyang braso at nasugatan siya dito. Tumalsik ang kanyang dugo sa sahig ngunit napatingin na lang at laking gulat ko ng bigla itong naghilom. "Bakit?" tanong ko na lang sa sarili ko habang iniiwasan ko ang mga pag lusob niya sa akin. Hindi ko na natiis pa ang ganito ka-boring na laban kaya nagpalit na rin ako ng anyo. Mas mabilis na ang kilos ko ngayon at hindi na ako kayang tapatan ni Alessandro.  Sinugatan ko siya nang sinugatan sa kanyang katawan ngunit nakakagulat lang na naghihilom lang din ito katulad ng akin. "Anong ginawa mo Alessandro?" tanong ko sa kanya. "Hindi ko nasabi sayo mahal na hari na ako ang mas naunang naging immortal sayo," tumatawa niyang sambit sa akin. "Sabi ko na nga ba," tugon ko sa kanya. "Anong gusto mong mangyari ngayon?" tanong ko sa kanya. "Babawiin ko ang trono na inagaw mo sa aking ama! Ang haring si Ezra ang aking ama!" Galit na sigaw niya sa akin. "Ooh? Alam mo naman pala kung sino ang mga magulang mo?" tanong ko sa kanya. "Sinabi ba ito ni Abu Bapan sayo?" tanong ko muli. "Ako na mismo ang nakatuklas nito dahil sa isang pagkakamali mo," tugon niya sa akin. "Sinadya ko talaga na marinig mo ang usapan namin ni Abu Bapan dahil tinitingnan ko ang iyong pagiging tapat na lingkod sa akin. Ngayon alam ko na ang iyong hangarin kung hindi ang makuha ang trono sa akin," seryosong sambit ko sa kanya. "Sa tingin mo ba makukuha mo ang trono ng ganun-ganun lang? Masyado ka pang mahina Alessandro!" Sigaw ko sa kanya. Sinugod ko muli si Alessandro at itinusok ko sa kanya ang aking espada. Tinapat ko ito sa kanyang puso upang manghina siya at bumagal ang pag galing ng mga sugat niya. Nanghina si Alessandro sa ginawa ko at napaluhod siya sa harapan ko. Tumawa ako ng malakas sa harapan niya na dahilan para kumulog ng malakas at magkaroon ng maraming kidlat. Namumula ang mga mata ko na nakatingin sa kanya dahil sa naging ugali niya sa akin. Habang nakatingin ako kay Alessandro ay nagulat na lang ako ng bigla siyang tumayo sa kinaluluhuran niya na parang walang nangyari. Alam ko na ang mga susunod na mangyayari dito ngunit minabuti ko na gumawa ng portal papunta sa mundo ng mga tao upang makasiguro sa mangyayari ngayon.  Binawasan ko ang aking lakas upang makagawa ako ng panibagong persona ko. Ang kalahati ng aking lakas ay napunta sa isa kong persona kung saan ay ang nakikipag laban kay Alessandro ngayon at ang tunay naman ay tumungo ako agad sa kuta ng mga Bulwa upang sirain ang kanilang portal patungo sa mundo ng mga tao. "Uunahan ko na kayo bago niyo akong traydurin na lahat! Sisirain ko muna ang iyong lagusan upang walang makakasunod sa akin sa mundo ng mga tao kapag nagkataon." sambit ko sa sarili ko habang lumilipad ako sa langit patungo sa kuta ng mga bulwa. Mabilis akong umalis sa arena upang magawa ko ang binabalak ko at minuto lang ang tinagal ko at nakabalik na ako sa palasyo sapagkat sa tabing palasyo lang nakatindig ang kuta ng mga bulwa. Sinira ko agad ang lagusan patungo sa mundo ng mga tao doon at wala na ni isa sa kanila ang makakaalis at makakabalik dito mula sa mundo ng mga tao. Sugatan na ang katawan ko na nakikipaglaban kay Alessandro kaya bumalik na ako sa katawan ko at nakipag laban na muli ako kay Alessandro.  Mahina na kaming pareho ni Alessandro ngunit mas malakas pa rin ang pwersa ko sa kanya dahil sa mas malakas ang mga kaluluwa na nasa akin.  Napabagsak ko muli si Alessandro at sa panahon na ito ay nanghihinghalo na siya dahil sa dami ng sugat na natamo niya sa akin. Hindi ko alam kung paano siya mapupuksa dahil taglay niya ang pagiging immortal hanggang sa naisipan kong putulin ang kanyang ulo. Nakaluhod siya sa aking harapan nito at papaamba na akong putulin ang kanyang ulo ng biglang humina ang pwersa ko. Parang napapako ang katawan ko at hindi ako makagalaw sa aking pwesto. "A-anong nangyayari?" tanong ko na lang bigla. "Hindi pa ba maliwanag sayo ang lahat?" tanong pabalik sa akin ni Alessandro habang nakayuko. "Anong ibig mong sabihin?" "Ang lahat ng mga narito ay hindi ka gusto! Isa kang masama at ganid na hari! Hindi ka nararapat na mamuno sa aming lahat!" Sigaw niya sa akin. "Sa tulong ng apat na pinuno na narito ay magagapi ka naming lahat! Ang lahat ng mga kaluluwang nakain mo ay magiging malaya na!" tumatawa niyang sambit sa akin. "Mga traydor! pagkatapos ko kayong palakasin lahat ay ito ang inyong gagawin sa akin?" galit na tanong niya sa akin. "Nararapat lang sayo 'yan dahil isa kang mahina at mapagpanggap na hari!" "Katulad ka lang ng ama mong mahina! Takot na maungusan! Tama nga ang sabi nila kung sino ang puno siya ring ang bunga!" Dahil sa hindi na ako makagalaw sa aking pwesto dahil sa mga malalaking haligi na dala ng pinuno na inilagay nila sa apat na sulok ng arena na 'to ay itinusok ni Alessandro ang kanyang espada sa aking puso at idiniin niya ito hanggang sa bumutas ng tuluyan sa aking katawan. Ang mga haligi na ito ay nilagyan nila ng mga orasyon kung saan ay para hindi ako makalaban kay Alessandro at magapi nila ako. "Hindi pa ito ang katapusan ko Alessandro!" Tumatawang sambit ko sa kanya. "Hindi pa dito nagtatapos ang aking pag ganti Leonon! Dahil puputilin ko ang lahat ng parte ng katawan mo!" Sigaw niya sa akin sabay bunot ng espada sa aking puso. Bumulwak ang napakaraming dugo sa sahig hanggang sa pinag hahampas niya ako ng kanyang espada. Wala akong laban sa kanya dahil sa para akong tuod sa aking pwesto. Planadong-plano ang nangyayari ngayon at talagang pinagkaisahan nila akong lahat. Ngunit hindi nila ako kayang labanan na mag-isa kaya nagtulong-tulong pa silang lahat para lang sa akin. Tama ang ginawa ko kanina at ang aking pakiramdam dahil ito na nga ang sinasabi kong posibleng mangyari. Ang pag tatraydor ng aking matalik na kaibigan na si Alessandro. Tinanggap ko siya na kaibigan ko kahit pa alam kong ang ama niya ang nagpapatay sa aking buong angkan at pamilya ngunit ito pa ang kanyang naging sukli sa akin sa kabila ng kabutihan na pinakita ko sa kanya. Lumagapak ang aking katawan sa sahig at ito na ang aking huling hininga. Kumidlat ng malakas sa aking kinahihigaan, kumulog at lumindol ang kalupaan. Lumabas na ang kaluluwa ko sa aking katawan at naghiyawan ang lahat sa sobrang saya. Madaming kaluluwa ang lumabas sa aking katawan ngunit bago pa man ako makain ni Alessandro ay madali akong lumipad patungo sa portal na ginawa ko. Ilang segundo pa ang lumipas bago ako tuluyang makapasok doon sapagkat nakipag laban pa ako sa kanya ng kaluluwa na lang ako. Dahil sa malakas pa rin ang aking pwersa ay hindi ako nahabol ni Alessandro at nakapasok ako sa portal na ginawa ko patungo sa mundo ng mga tao. Mabilis na nagsara ang portal na pinasukan ko at natagumpay akong nakalabas ng lagusan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD