Chapter 21 - Nathaniel's first school

2070 Words
Panay ang halik ng mga matatandang babae na 'to sa akin. Umaangal na ako sa kanila ngunit patuloy pa rin sila sa kani-kanilang ginagawa. Alam ko ang itsura ng isang pare dahil isa sila sa kalaban namin. Lumapit siya sa akin at masaya siyang bumati sa amin ng ina ng Nathaniel na 'to. "Ito na nga ang pinakahihintay niyong araw ang maisilang ang inyong anak na si Nathaniel," masayang sambit niya sa babae. "Maraming salamat sa patuloy na panalangin sa aming mag-asawa father Aeron," masayang sambit nito. "Hihintay ko ang paglaki ng batang ito upang makapag serve na siya sa simbahan,"  "Opo father Aeron ayun din po ang pangarap ko para kay Nathaniel ang magkaroon ng malalim na ugnayan sa Diyos at natitiyak ko na magugustuhan ni Nathaniel sa loob ng simbahan," "Huh? Anong simbahan ang sinasabi mo! Hinding-hindi ako tatapak sa loob ng simbahan na 'yun!" Sigaw ko sa kanila. "Nako father Aeron, ipasok ko lang saglit sa loob si Nathaniel baka nagugutom na siya," "Sige lang po sister." Pumasok na ang ina ko I mean ina ni Nathaniel sa loob ng bahay. Paano ko ba siya i-aaddress? Ina ko na rin ba siya kahit hindi naman? "Nagugutom na ba ang baby?" masayang tanong niya sa akin. Hindi naman ako nagugutom ng mga oras na 'to ngunit kapag ba umiiyak ang isang bata ay gutom na agad ang naiisip ng mga tao? Mahirap pala mabuhay sa isang sanggol kasi iba ang gusto kong mangyari pero iba ang pagkakaintindi nila. Wala na akong magawa pa ngayon dahil kahit pa hindi ako gutom ay isinumbit na niya ang kanyang bilugang dibdib sa akin. Sinipsip ko ang makatas at malinamnam na gatas na nagmumula sa aking inang si Amara. Nakakalunod pala ang patuloy na pag-inom ng gatas. Hindi ako makahinga dahil nakadagan ang malaking dibdib ng ina ko sa mukha ko.  Sumisipa-sipa ako nito dahil nahihirapan na akong makahinga hanggang sa dumating at tinulungan ako ng ina ni Amara. "Nako! Ang bata nadadaganan na ng dibdib mo! Hindi na makahinga ooh!" Angal ng aking lola kay mama. "Ayy! Hindi po alam mama," "Ang bata ay sumisipa na baka nalulunod na 'yan." Mabilis na tinanggal ni mama ang kanyang dibdib sa akin at pinaupo ako sa kanyang binti. Hinipo-hipo niya ang likuran ko upang mahabol ko ang aking hininga at pagkatapos ay alalang kinausap ako. "Sorry baby ko nalulunod ka na pala." malungkot na sambit niya sa akin. Napapangiti ako sa kanya ng hindi ko alam basta ang alam ko hindi para sa akin ang pag aalalang ito bagkus ay para kay Nathaniel ang batang may ari ng katawan na 'to. "Kailan ba ako makakaalis sa katawan 'to?" inis na tanong ko na lang. Lumabas na muli kami ng silid at nakipag halubilo na ulit siya sa mga kaibigan at kamag-anakan nila ng may lumapit na batang babae sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko at nakangiting kinausap ako. "Baby ang cute-cute mo naman! Ako na ang ate mo huh?" nakangiting sambit niya sa akin. Nakatingin lang ako sa kanya nito ng bigla niyang kinurot ang pisngi ko habang nanggigigil. "Bata!" Sigaw ko. Tiningnan ako agad ni Amara at pinatahan sa pag-iyak ko. Tiningnan niya ako at nakita niya ang maliit na pula sa aking mukha. "Nako ano 'to?" tanong niya habang tinitingnan ang mukha ko. "Kinurot ako ng batang 'to!" Sigaw ko. Gusto ko man bumawi sa batang 'to ngunit wala akong lakas at kapangyarihan. Gustuhin ko man silang pagmumurahing lahat ngunit hindi ko pa rin ito magawa tanging pag iyak lang ng malakas ang kapangyarihan ko para makuha ko ang atensyon nila. "Hala kinurot mo ba siya neng?" tanong ni mama sa bata. "Opo. Ang cute kasi niya!" tumatawang tugon ng batang ito. "Aba! Alam ko namang magandang lalaki ako pero wag mo naman ako panggigilan!" Sigaw ko sa kanya. "Sa susunod wag mo na kukurutin ang pisngi ni Nathaniel huh? Masakit kasi 'yun," sambit ni mama sa kanya. "Opo. Sorry po ang cute kasi ni baby Nathaniel," "Ok lang po basta sa susunod wag mo na lang kurutin huh? Nakakalawlaw kasi ng pisngi 'yun," "Sige po." nakangiting tugon nito kay mama sabay takbo paalis sa amin. Hinipo-hipo ni mama ang pisngi ko para mawala ang sakit nito dahil sa kurot ng batang 'yun. Namumula ito at nag iwan ng marka sa pisngi ko. "Ganito ba ang ugali ng mga tao? Nakakatakot rin pala kayo." sambit ko na lang sa sarili ko. Lumipas pa ang mga oras at mas lalong dumagsa ang mga tao dito sa bahay. Habang nakahiga ako sa higaan ko ay may lumapit sa akin na isang babae kasama ang kanyang anak din na bagong silang. "Ang ang pogi naman ng anak mo Amara," masayang sambit niya kay mama. "Oo nga Helen eeh. Mukang anghel 'tong bata na 'to ang hahaba ng kanyang pilik-mata," "Parang itong si Angelica ko lang ooh!" masayang sambit niya kay mama. "Ayy ang gaganda ng mga bata ngayon eeh noh!" tumatawang sambit ni mama. "Sinabi mo pa!"  Inaya ni mama ang ale sa kusina para kumuha ng makakain kaya iniwan na muna ito ang batang babae sa tabi ko.  Nakaupo ang batang ito sa stroller niya at nakatingin sa akin. Sinubukan ko siyang kausapin at nagulat ako na nagkakaintindihan kaming dalawa. "Hoy! Bata ano ngang pangalan mo?" tanong ko sa kanya. "Angelica ikaw ba?" tanong niya pabalik. Nagulat ako ng tumugon siya sa akin.  "Naiintindihan niya ba ako o nagkataon lang?" tanong ko na lang sa sarili ko. "Naiintindihan kita kaya wag kang tatanga-tanga diyan!" Sigaw niya sa akin. "Aba! Isa akong hari kaya magbigay ka ng galang sa akin!" "Wala akong pake kung hari ka o ano dahil dito iisa lang tayo!" "Ano ka ba demonyo ka rin ba katulad ko?" "Huh? Anong demonyo? Tao lang ako," "Huh?" nagtatakang tanong ko sa kanya. Piling ko ang mga bata talaga na katulad naming hindi pa nakakapagsalita ay nagkakaintindihan talaga. Akala ko isa rin siya demonyo na katulad ko isa pala siyang tao. Patuloy kaming nag usap na dalawa hanggang sa dumating na ang mga magulang namin. "Wow! Friends na kayong dalawa ni Nathaniel, Angelica?" tanong ng mama niya sa kanya. "Hindi ko kaibigan 'yan!" tugon ko. "Pake ko sayo?" tugon ni Angelica sa akin. "Ang ingay niyo namang dalawa na mga bata kayo! Talagang nag uusap pa kayo aah," masayang sambit ni mama sa aming dalawa. "Piling ko nagkakaintindihan silang dalawa," sambit ng mama niya. "Kaya nga mare eeh. Magiging matalik na magkaibigan itong dalawa na 'to." Tuwang-tuwa si mama dahil sa akala nila ay nagkakamabutihan kaming dalawa ni Angelica pero ang totoo ay naiinis ako sa batang 'to dahil bungangera lang siya at walang kwentang kausap. Lumipas ang apat na taon ay dito na ako nagsimulang mag aral sa iskwelahan. Laking gulat nilang lahat sa akin sapagkat sobrang advance na ng isip ko. Tinatawag nila akong genius dahil ang capacity ng utak ko ay hindi pang karaniwan lang. Sa edad kong apat na taon ay matalas na ang aking utak. Madami na akong nagagawa na hindi nagagawa ng kapwa kong bata. "Sige nga kung talagang matalino ka Nathaniel one plus one?" tanong ng ka-klase kong si Alvin. "Bakit hindi mo ba alam?" mataray na tanong ko sa kanya pabalik. "Bobo ka naman pala eeh! Syempre two ang sagot!" Maangas na sigaw niya sa akin. "Yan lang naman alam mong sagot tsaka bulol ka nga eeh!" "Sinong bulol? Hindi naman eeh!" Nakataray akong nakatingin sa kanya ng bigla kong naisip na itapat ang kamay ko sa kanya. "Lumabas ka apoy." sambit ko sa sarili ko. Para akong tanga na nakalapat ang kamay sa harapan niya na naghihintay na may lumabas na apoy mula sa mga kamay ko. Tinawanan nila akong lahat dahil nagmumuka akong tanga sa ginagawa ko.  Tinulak ako ni Alvin ng malakas at natumba ako sa sahig. Hindi ako umiyak dahil sa tulak niyang iyon hanggang sa sumigaw ng malakas ang kaklase naming babae. Umiyak ito habang nagsisigaw na dahilan para lumapit ang teacher namin. "Teacher! Nabali po ang kamay ni Nathaniel!" Sigaw ng iba. Agad na lumapit sa akin 'yung teacher namin at chineck ako. "Nako po! Bali ang braso mo Nathaniel!" Tarantang sambit niya sa akin. Walang reaksyon sa aking mukha nito dahil hindi ko nararamdaman ang sakit sa pagkabali ng braso ko. Agad akong inalalayan ni Ms. Jasmin sa nurse room at iniwan ang mga kaklase kong nagkakagulo dito. "Tatawagin ko ang mga magulang mo." takot na sambit niya sa akin.  Tumango lang ako sa kanya. Tahimik lang ako hanggang sa nakarating ako sa nurse room. Pag pasok na pag pasok pa lang namin ay agad na akong inasikaso ng mga nurse doon. Hindi nila ginalaw ang bale kong braso at madali nila akong idinala sa malapit na ospital. "Hindi ba masakit?" tanong ng nurse sa akin. "Hindi," tipid na tugon ko sa kanya. "Wag kang iiyak huh? Ayoko kasi na magpanic ka," "Ok." Ilag akong makipag usap sa kanya hanggang makarating kami sa hospital. Dinala nila ako sa emergency room at doon agad na kinausap ng doctor. "Anong nangyari dito?" tanong ng doctor sa akin. "Tinulak daw siya ng kanyang kaklase," tugon ni Ms.Jasmin sa kanya. "Hindi ko muna ito gagalawin ma'am at ipapa-xray ko muna 'to," "Ok sige po doc." Dinala agad ako sa xray room at icheck kung anong nangyari sa braso ko. Nabali ang buto ko dahil sa pagkakatukod ng kamay ko sa sahig. Naka cast na ako ng dumating sila mama at papa. "Anong nangyari?" tarangtang tanong ni mama kay Ms. Jasmin. "A-ano po ka-kasi mommy tinulak siya ng kaklase niya," "Paano nangyari 'yun? Nasaan ka?" "Nag aayos kasi ako ng mga activities nila ng nangyari ito. Asarang mga bata lang tapos itong si Alvin tinulak niya si Nathaniel." Paliwanag niya. Agad na tinuon ni mama ang atensyon niya sa akin at kinausap ako sa nangyari. "Anong nangyari?" tanong niya sa akin. Hindi ko siya kinibo kaya nagalit siya sa akin. Pinalo niya ako sa aking puwetan ng malakas ngunit hindi ako nagpakita ng kahinaan sa kanila. "Isa kang hari Leonon kaya hindi ka iiyak sa harapan nila kahit pa masakit ang palo ng mama ni Nathaniel." sambit ko na lang sa sarili ko. "Amara! Bakit pinapalo mo pa ang anak mo eeh siya na nga ang nasaktan!" galit na sambit ni papa kay mama. "Eto kasi hindi marunong sumagot! Nakakainis! Iniingatan kita tapos mababale lang ang braso mo!" galit na sambit niya sa akin. Niyakap ako ng mahigpit ni mama habang umiiyak siya sa harapan ko. Nakatingin lang ako kay papa na parang walang laman ang utak ko. Ano ba dapat ang tamang reaksyon ko kapag sinasaktan ako? Hindi ko kasi alam kung anong reaksyon ko. Nung bata pa ako umiiyak lang ako nang umiiyak dahil 'yun lang ang way of communication ko sa kanila dahil kahit pa mag ngawa-ngawa ako noon ay hindi nila ako maiintindihan. Simula ng natuto akong magsalita ay wala ng luha ang lumabas sa mga mata ko. Hindi ko rin alam kung paano maging masaya dahil sa mundo namin ay masasama ang kinatutuwaan ko.  Natutuwa ako sa ginawa ni Alvin na kasama ngunit hindi ko dapat nararanasan ito. Magkakampi dapat kami sa kasamaan at hindi magkaaway ngunit bakit parang ako ang binubully nila dito sa mundong ito. Pagkatapos kausapin si mama at papa ng doctor ay nagbayad na sila at umuwi na kami sa bahay. "Ano bang nangyari anak?" mahinahong tanong ni papa sa akin. Tumingin ako sa kanya at hindi ko na napigilan ang sarili ko at tumugon na ako sa kanya. "Tinulak lang niya ako ng walang dahilan," tugon ko sa kanya. "Ayun lang? May ginawa ka ba sa kanya?" "Niyayabangan niya ako sa math pero madali lang naman tanong niya tapos inaway na niya ako," "Sa susunod wag ka na lalapit kay Alvin huh? Baka sa susunod iba na ang gawin niya sayo nako kebata-bata pa lang sadista na," "Baka hukay na ang diretso niyan," sambit ko sa sarili ko habang nakangisi. "Opo papa hindi na ako lalapit sa kanya." Hinawakan ni papa ang buhok ko at nilambing-lambing ako. Pag dating namin sa bahay ay nilutuan na agad ako ni mama ng paborito kong pagkain at pagkatapos ay nag bonding na lang kaming tatlo. Mabuti silang tao kaya hindi ko sila gagawan ng masama pero sinasabi ko sa inyo na huling beses na akong mahahawakn ni Alvin dahil ako na ang babawi sa kanya.

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD