Chapter 18 - Fruit of evil

1846 Words
Walang sinuman ang makapagsabi sa akin kung ano ba talaga ang tamang sangkap para sa buhay na walang hanggang maski sila pa ang pinaka magaling na manggagamot ng kaseleo. Lumipas ang maraming araw ng pananaliksik ko sa gamot na ito at sa tulong na rin ng patay na puno sa akin ay nakuha ko na ang tamang formula sa gamot na kailangan ko. Ito na! Ito na ang pinakahihintay kong pagkakataon makalipas ang ilang taon na pananaliksik at pag lusob namin sa iba't-ibang kaharian ay nararamdaman ko na sa sarili ko na ako na ang pinakamalakas sa lahat. Ako na ang kinatatakutan na si haring Leonon ng level 1 at level 2 ng aming mundo. Mula sa aking paghahari ay natawag ko ang pansin ni Baal kung saan ay pinatawag niya ako sa kanyang mga kawal upang makapanayam ko siya. Bago ako tumungo sa kanilang kuta ay uminom na muna ako ng gamot na pampa-immortal. Wala akong ibang naramdaman katulad ng panginginig ng katawan at pagkahilo bagkus ay parang may kuryente sa aking katawan ng ininom ko ito. "Ito na!" Sigaw ko pagkatapos kong inumin ang gamot na ito sa aking laboratoryo. Kinuha ko ang espada sa tabi ko at agad ko itong itinusok sa aking katawan. Nakaramdam man ako ng sakit sa pagtusok ko ng espada sa katawan ko ngunit nang tinanggal ko ito ay mabilis lang itong naghilom at parang walang nangyari sa akin. Nagtatatalon ako sa tuwa dito dahil kahit anong mangyari sa akin ay mabubuhay pa rin ako at wala ng makakatalo pa sa akin kahit na sino. Lumabas na ako ng aking laboratoryo at nakita ko sa daan si Alessandro. Nagkakiskisan ang aming mga katawan ng hindi ko maintidihan at biglang may pumasok na senaryo sa utak ko. Napapikit ako ng mga mata ko nito habang pinapanuod ang mga nangyayari sa utak ko. Nakita ko si haring Ezra na may hawak-hawak na batang lalaki at pinangalanan niya itong Alessandro. Nanlaki ang mga mata kong nakatingin kay Alessandro habang nagtataka siyang nakatingin sa akin. "Sino nga ulit ang mga magulang mo?" tanong ko sa kanya. "Sina Weva at Karlon mahal na hari," tugon niya sa akin. "Sigurado ka ba na sila ang magulang mo?" tanong ko muli sa kanya. "Ito po ang sabi ni Abu Bapan sa akin," tugon niya. "Sige. Maraming salamat sa sagot mo akin."  Umalis ako sa harapan ni Alessandro at madali akong tumungo sa kuta ni Abu Bapan. Pumunta ako sa kaharian ni haring Zeptta sapagkat doon nakatindig ang kuta ni Abu Bapan. Pag dating na pag dating ko pa lang sa malaking gate nito ay agad akong pinapasok ng mga kawal na bantay doon. "Mahal na hari!" Bati nila sa akin. Nagsiluhuran sila sa akin at sabay yuko. "Si Abu Bapan?" tanong ko sa kanila. "Nasa kanyang tahanan po," tugon sa akin. "Salamat." Lumakad na ako papasok sa loob ng palasyo at tumungo ako agad sa silid ni Abu Bapan. "Abu Bapan!" tawag ko sa pangalan niya habang nanggagalaiti ako sa galit. "Ano po 'yun mahal na hari?" takot na tanong niya sa akin. "Alam mo kung anong gusto kong sabihin Abu Bapan kaya wag ka ng mag panggap pa diyan!" "H-hindi ko po alam kung anong gusto niyong sabihin," utal niyang tugon. "Si Alessandro ba ang anak ni haring Ezra? Sumagot ka!" Galit na sigaw ko sa kanya. "H-hindi p-po mah-al n-na h-ari," utal na tugon niya sa akin. "Kapag hindi ka pa rin umamin ay mapipilitan na akong patayin ka kaya umamin ka na ngayon pa lang!" Sigaw ko sa kanya habang nakatutok ang espada ko sa kanyang leeg. Yumuko sa akin si Abu Bapan at tumugon. "Patawad mahal na hari," tugon niya. "Paanong buhay pa siya?" tanong ko. "Nakita ko siya sa gilid ng palasyo habang pinapatay niyo ang kanyang magulang at pinag panggap kong magulang niya sina Weva at Karlon," tugon niya. "Alam niya ba na sina haring Ezra at Reyna Haraya ang kanyang mga magulang?" "W-wala po mahal na hari at wala po akong balak na sabihin ito sa kanya," "Mabuti dahil kapag nalaman niya ang katotohanan ay mapapatay ko rin siya at 'yun ang ayokong mangyari," "Kung maaari po mahal na hari ay itago na lang natin itong nangyari na ito para na rin sa ikapapalagay ninyo," "Malalaman at malalaman niya rin ito pero sige hangga't wala siyang alam sa nangyari ay mananatili siyang kanang kamay ko ngunit kapag nangyari na nalaman niya ay papatayin ko siya agad," "Masusunod po mahal na hari." Iwinasiwas ko ang aking suot na damit at tumalikod na ako sa kanya. Naglakad ako palabas ng palasyo at pagkatapos ay nagbago na ako ng anyo ko upang lumipad sa langit. Napunan na ang mga ilang taong katanungan sa aking utak ng mismong si Abu Bapan na ang umamin ng katauhan ni Alessandro. Ang pagkakaibigan naming dalawa ay unti-unting nagkakalamat dahil sa nakaraan ko at ng magulang niya. Pag balik ko sa palasyo ay agad akong pumasok sa aking laboratoryo at doon nagwala. Ibinuhos ko lahat ng galit ko sa pag labas ng aking isang daang porsyente ng lakas. "Kahit sino ay kaya ko ng patayin ngayon!" Galit na sambit ko.  Habang naglalabas ako ng galit ay bigla kong naalala ang imbitasyon ni haring Baal sa kanyang kaharian kaya't tinawag ko si Alessandro at tumungo kami sa kuta ni haring Baal. "Alessandro!" tawag ko sa kanya. "Ano po 'yun mahal na hari?" tanong niya sa akin. "Samahan mo ako kay haring Baal," "Masusunod." Lumabas na kami ng palasyo at agad na nagbago ng anyo upang tumungo sa kaharian ni haring Baal. Ibang-iba ang ayos ng kanyang kaharian at tiyak na ang lahat ay maiinggit sa kanyang kaharian sapagkat sobrang ganda nito. Napapalibutan ng mga bungo ang kanyang kaharian at naglalakihan ang kanyang mga bakuran at matutulis ito. Bumaba kami sa gate ng kaharian ni haring Baal at hinarang kami ng mga kawal nito. "Sino ka?" tanong niya sa akin. Napaismid ako sa kanya at matapang na tumugon sa kanyang tanong sa akin. "Ako si haring Leonon! Naparito ako dahil sa isang imbitasyon!" Sigaw ko sa kanya. Agad niyang binuksan ang gate at napayuko na lang siya habang pinapapasok kami ni Alessandro sa loob. Naglakad na kami papasok sa loob at sinalubong kami ng isang lalaki. "Haring Leonon!" Bati niya sa akin. Nakatingin lang kami sa kanya ni Alessandro ng bigla siyang tumawa ng malakas sa amin. "Nakalimutan kong ipakilala ang sarili ko. Ako nga pala si Medec ang kanang kamay ni haring Baal. Mangyari lamang na maghintay muna kayo sa bulwagan at tatawagin ko lang ang mahal na hari," sambit niya sa akin. "Sige." Umalis agad si Medec sa aming harapan at tumungo na kami ni Alessandro sa bulwagan upang hintayin si haring Baal doon. Ilang minuto lang ang lumipas ay dumating na si haring Baal. Tumayo kami ni Alessandro sa aming kinauupuan at nagbigay kami ng galang sa kanya. "Mahal na haring Baal," Bati ko sa kanya habang nakayuko. "Haring Leonon!" Bati niya pabalik. "Nais mo raw akong makausap?" "Tama! Gusto kitang makausap at makipag kaibigan sayo," "Salamat sa iyong pag alok sa akin mahal na hari," "Malakas ka na Leonon kaya hindi mo na kailangan pa ng kakampi ngunit dahil sa naging mainit ang pangalan mo sa lahat ay natutuwa ako na makipag partner sayo. Hindi na mga demonyo ang kalaban natin dito kung 'di ang mga tauhan na ng ating kaaway," "Anong gusto mong mangyari mahal na hari?" "Lulusob kami sa langit para kalabanin ang mga anghel, Sasama ba kayo sa aming laban?" "Hindi pa kaya ng aking mga kawal ang ganitong laban mahal na hari. Meron ba kayong maiaalok sa amin na mga gamot na pampalakas upang lumakas rin ang aking mga kawal?" tanong ko sa kanya. "Bibigyan kita ng gamot para sa lahat ng mga tauhan mo at sigurado akong lalakas sila dito,"  "Maraming salamat mahal na hari!" masayang sambit ko sa kanya. "Pag isipan mo ang aloko dahil sigurado ako na kapag nakain niyo ang kaluluwa nila ay mas lalakas kayo," alok niya sa akin. "Pag iisipan ko mahal na hari," "Sige. Kunin mo na itong gamot na sinasabi ko sayo at ihalo ito sa sariling dugo at ipainom mo sa kanila," "Maraming salamat haring Baal." Pasasalamat ko sa kanya sabay abot ng butilya. Itinago ko ito agad sa aking damit at nagpaalam na kaming dalawa ni Alessandro sa kanya. "Mauuna na kami mahal na Baal," sambit ko sa kanya. "Sige. Kapag kailangan mo ang tulong ko ay tawagin mo lang ako at dadating ang aking mga kawal sa inyo," "Masusunod." Nagpalit na kami ng anyo ni Alessandro at lumipad na kami pabalik sa paasyo. Ilang minuto lang ang lumipas ay nakarating na agad kami sa palasyo. Katulad ng sinabi ni haring Baal ay pinakuha ko ng sariwang dugo ang pinuno ng aking kasambahay na si Beka ng sariwang dugo mula sa mundo ng mga tao at ipinatawag ko ang lahat mga pinuno sa ilalim ni Alzem at pinapunta silang lahat sa arena. "Tawagin mong lahat ng mga pinuno sa ilalim ni Alzem, Alessandro," Utos ko sa kanya. "Masusunod mahal na hari." tugon niya sa akin. Ilang sandali lang ay dumating na si Beka dala-dala ang napadaming dugo mula sa mundo ng mga tao. "Talagang magaling na silang manguha ng ating pagkain," sambit ko kay Beka. "Totoo po 'yan mahal na hari. Napakagaling niyong mag patakbo ng inyong kaharian at talagang pinalakas niyo ang bawat isa upang hindi tayo matalo ng mga kalaban. Ang inyong lakas ay walang kapangtay!" "Maraming salamat Beka sa pagtulong mo sa akin," nakangiting tugon ko sa kanya. "Lahat po ay gagawin ko para sa inyo panginoon ko," "Sige na. Bumalik ka na sa iyong trabaho at iwan mo na dito 'yan," "Masusunod." Umalis na si Beka sa harapan ko at tumungo na ako sa pwesto kung nasaan ang mga dugo ng tao at ipinatak ko na dito ang gamot na ibinigay ni haring Baal at hinalo-halo ito. "Siguro naman lalakas na kayo dito." sambit ko sa sarili ko. Unti-unti ng dumating ang mga kawal ko at agad ko silang pinainom ng mga dugo. Walang nangyaring masaya sa kanila or hindi man lang sila nabaliw sa dugo na ito.  Pare-pareho kami ng reaksyon sa gamot at nagulat ako na mga reaksyon ng mga mukha nila. "Parang nagkaroon ngkuryente sa katawan ko!" masayang sambitni Alzem sa akin. Napatingin ako sa kanya at napaisip sa kanyang sinabi. "Bakit pareho kami ng reaksyon ng ininom ko ang gamot na nagbibigay buhay na walang hanggan?" tanong ko na ang sa sarili ko. "Tingnan natin kung anong magiging epekto nito sa katawan ninyo! Bukas na bukas ay magkakaroon tayo muli ng paligsahan at kung sinong manalo dito ay makakalaban ko!" nakangiting sambit ko sa kanila. Yumuko silang sa aking harapan at nag patirapa sa akin. "Maaari na kayong magsanay para sa kinabukasang laban," "Masusunod mahal na hari," "Alessandro at Alzem. Ibalita niyo ito sa lahat ng mga pinuno at magkakaroon tayo ng kasiyahan bukas," "Masusunod mahal na hari." Sinensyasan ko na silang lahat at pagkatapos nito ay umalis na ako sa kanilang harapan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD