Chapter 8 - Who's the strongest?

2095 Words
Akala ko dahil napatay ko na ang hari nila ay masasakop ko na ang lugar nila ngunit nagkamali ako dahil kahit pala napatay ko ang hari basta malakas ang kawal niya ay hindi agad sila mapapatumba. Kaya babalikan namin ang lugar nila haring Zeptta at sa pagkakataon na 'to ay ipapanalo namin ang laban ngunit ngayon ay sisiguraduhin ko munang nasa tamang kondisyon ang aking mga kawal upang sa gayon ay hindi sila mabilis na malulupig ng kalaban. Tinawag ko sina Kora at Amain upang bilangin ang mga natirang mga kawal nila. "Ilan na lang ang natira sa inyo?" tanong ko kay Amain. "Nasa dalawang daan pa po kami mahal na hari," tugon niya. "Ganun kadami ang namatay sa inyo?" galit na tanong ko sa kanya. "Halos kalahati rin po panginoong Leonon," "Tingnan natin kung gaano sila kabagal tumakbo. Papilahin mo sila sa dulo ng palasyo at orasan kung gaano sila katagal makarating dito. Ang sinumang mandadaya ay papatayin ko agad dahil ayoko sa mga mandaraya!" "Masusunod." Umalis sa harapan ko si Amain at agad na sinunod ang utos ko sa kanya. "Gusto ko pagkatapos ng pagsusulit na 'yan ay magkaroon ng dwelo ang lahat. Ang sinumang matitira na nakatayo ay makakalaban niyo ni Amain," sambit ko kay Kora. "Masusunod po maha na hari." tugon niya sa akin sabay alis sa harapan ko. Tumungo si Kora kung nasaan si Amain at ang mga kawal upang simulan ang pagsusulit na ipapagawa ko sa kanila. Umupo na akong muli sa upuan ko at pinag masdan silang lahat hanggang sa nag simula na silang magtakbuhan na lahat. Mabilis ang pangyayari at natatanaw ko na nasa unahan na ang isang baguhan namin. Lumapit ako sa kanya at tinanong siya. "Hindi ka ba gumamit ng kapangyarihan mo?" tanong ko sa kanya. "Hindi po," tugon niya sa akin. "Kung gayon mag hintay ka sa pag dating ng mga kasama mo," "Masusunod po mahal na hari." Nakatingin lang ako sa kanya nito at tinititigan siya dahil parang may nakikita ako sa itsura niya na hindi ko alam kung saan ko siya nakita. Lumipas ang mga oras at nakakuha na kami ng dalawampu na mabibilis na tumakbo upang ilagay sa high rank ng hukbo na tatawagin kong alpha. "Kayong dalawampu na nakuha ay tatawagin kong alpha. Kayo ang pinaka mataas na position sa inyong mga kawal," "Salamat mahal na hari!" masayang sambit nila sa akin. "Wag muna kayo mag bunyi dahil meron pa akong mga pagsusulit na gagawin sa inyo," "Ano po 'yun mahal na hari?" tanong sa akin ni Kora sa akin. "Magkakaroon ng isang dwelo sa pagitan ng dalawampu at kung sino ang natirang sampu ang siyang tutuloy sa susunod na pagsusulit. Wag kayong mag alala sapagkat walang dugong dadanak sa dwelong ito. Ngunit kung ang kalaban mo ay pinili kang patayin wala na akong magagawa pa dito sapagkat bibigyan ko kayo ng kalayaan sa gusto niyo," nakangiting sambit ko sa kanila. "Kailan naman po magsisimula ang pagsusulit na ito mahal na hari?"  "Ngayon din," "Ngunit?" "Ipatawag mo ang lahat ng mga angkan upang saksihan ang dwelo sa pangatan ng dalampu! At kayong mga hindi napili ay patuloy pa rin ang inyong ensayo upang makatapak kayo sa mas mataas na ranko! Hindi ba kayo naghahangad na maging malakas? Ayaw niyo bang maging pinuno ng mga angkan niyo?" tanong ko sa kanila. Malungkot ang mga mukha ng mga ito kaya't pinaikot ko muli sila sa arena upang makita rin sila ng mga pinuno ng bawat angkan. Isinama sila ni Kora sa arena upang doon magsimulang tumakbo upang mas lumakas pa ang endurance nila ng sa gayon ay hindi agad sila hingalin kapag nakikipag laban na sila sa mga lugar na sasakupin namin. "Kayong dalawampu ay mag pahinga kayo at mamaya ay pipili kayo ng mga kapareha niyo. Galingan nyo dahil ang mananalo sa patimpalak na ito ay makakatanggap ng isang bago at mabuting kaluluwa!" Nag ngitian ang dalawampu sa sinabi ko at umalis na silang lahat. Pagkatapos kong magbilin sa kanila ay umalis na ako at tumungo na ako sa laboratoryo ko upang aralin muli ang aklat na isinulat ni ama. Pumasok na agad ako sa loob nito at kinuha ko ang libro. Noon ay hirap na hirap pa akong gamitin ito ngunit ngayon ay hindi na ako nahihirapan na buksan ang libro ngunit ang mahirap lang dito ay hindi ko pa talaga gamay ang mga nakasulat dito. Habang binabasa ko ang mga nakasaad sa gamot para sa pampalakas ng kapangyarihan ay tumawag mula sa labas ang alagad kong si Kora.  Patingin-tingin lang siya sa paligid dahil wala sinoman ang makakakita ng aking laboratoryo kung di ako lang ngunit habang nakatingin ako kay Kora ay dumating ang isa sa mga baguhang alagad. Lumapit ito kay Kora at napatingin sa akin. Nakatingin lang siya sa akin na tila ba'y nakikita ako mula sa loob ng aking laboratoryo. "Nakikita kaya niya ako?" tanong ko na lang sa sarili ko habang nakatingin din ako sa kanya. "Ngunit paano niya ako makikita samantalang ako lang ang nakakakita ng laboratoryo ko dahil may spell akong nilagay dito." nagtatakang sambit. Inaya na siya ni Kora na lumabas ng palasyo sapagkat hindi ako mahagilap ni Kora at tumingin na siya sa ibang parte ng palasyo. "Akala ko nakikita niya ako." sambit ko muli. Ngunit biglang kumabog ang aking dibdib ng bigla siya muling tumingin kung nasaan ako at ngumiti sa akin. Napatingin ako ng matalim sa kanya habang pailing-iling na nakatingin sa kanya. "Mukang sinusubok ako nito aah!" inis na sambit ko. Itinuon ko na ang atensyon ko sa pagbabasa hanggang sa sinubukan ko muling gawin ang gamot na ito. Marami-rami naman ang nakuha kong halamang gamot ng oley kaya marami akong magagawa nito kaya't sinimulan ko itong gawin ulit at sinunod ko ang lahat ng mga halamang gamot na kailangan at kung ano ang tamang paraan paano ito gawin at nagulat na lang ako ng nagkulay pula ito. Parang umaapoy ang itsura niya kaya't agad ko itong inilagay sa maliit na butilya at itinapon ko sa sahig upang ang usok nito ay malanghap ko. "Bakit ba kailangang usok? Hindi ba pwedeng inumin ito?" tanong ko na lang. Habang umaakyat ang usok sa akin ay nararamdaman ko ang pag pasok nito sa akin. Hindi ko maintindihan ang pakiramdam na ito. Hindi ito kagaya ng mga nangyari sa akin nung una sapagkat parang nababanat ang mga ugat ko sa katawan at tumitibok ang mga ito. Lumalaki ang mga braso ko at napunit ang aking damit. "Wow!" manghang sambit ko sa sarili ko. Pagkatapos na magbago ang katawan ko ay bumalik ito sa dati ngunit ang damit na suot ko ay gula-gulanit na kaya't nagmadali akong lumabas sa laboratoryo ko at nag hanap ako ng panibagong damit. Habang isinusuot ko ang damit ko ay napapatingin na lang ako sa salamin upang tingnan ang pagbabago sa aking katawan. "Ito na siguro ang gamot na sinasabi ko! Ang magpapalakas sa akin ng sobra!" masayang sambit ko. Kumuha lang ako ng kaunting sample na ito at pinalanghap ko agad ito sa dalawa kong tauhan na sina Amain at Kora. Ipinatawag ko sina Amain at Kora sa aking punong kasambahay at madali naman silang sumunod dito. Nakatayo ako sa aking terrace nito at ng nakita kong papalapit na silang dalawa ay agad kong inihagis sa kanila ang ginawa kong gamot.  Agad na umakyat sa kanilang katawan ang usok at gaya ng nangyari sa akin kanin ay parang napapaunat ang kanilang mga kamay sa langit at unti-unting napupunit ang kanilang mga damit. "A-anong ginawa mo sa amin mahal na hari?" utal na tanong ni Kora sa akin. "Gusto ko lang ibalik ang katapatan niyong dalawa sa akin kaya inihahandog ko sa inyo ang imbensyon kong gamot!" masaya kong sambit sa kanila. "P-parang mapuputol ang mga kamay ko! Tumitibok ang utak ko!" Sigaw ni Amain. "Mabuti!" Napunit ang kanilang mga damit sa aking harapan kaya bago ko pa sila ipatawag ay nagpahanda na ako ng dalawang damit para sa kanila. Gulat na gulat ang dalawa na nakatingin sa katawan nila habang lumalaki ito. "A-anong nangyayari?" gulat na tanong ni Amain. "Nakuha ko na ang tamang paraan at pagkakasunod-sunod sa gamot na inimbensyon ko. Ako ang unang nakasubok nito at nararamdaman ko sa sarili ko na lumakas ako!" Napunit na nang tuluyan ang mga damit nila kaya'y agad silang umupo sa sahig upang matago ang kanilang katawan. Inihagis ko sa kanila ang pares ng damit na pinahanda ko at pinasuot ko ito sa kanila. "Kamusta ang inyong mga pakiramdam?" tanong ko sa kanila. Tumayo sa mula sa pagkakaupo sa sahig si Amain at inunat-unat ang kanyang mga braso. "Hindi ko alam kung anong pakiramdam ito ngunit parang may mga kuryenteng dumadaloy sa katawan ko ngayon!" masayang tugon niya sa akin. "Ikaw ba Kora?"  "Katulad din ng kay Amain mahal na hari hindi ko rin po alam kung anong pakiramdam ito ngunit sobrang sarap ng pakiramdam ko! Akala ko tuluyan ng lalaki ang katawan ko ngunit bigla itong bumalik sa bago," "Ayun din ang akala ko ngunit maganda naman ang pakiramdam ko ngayon. Kaya para masubok natin ang lakas na nagmula sa gamot na ito ay maglalaban kayong dalawa sa arena mamaya pagkatapos ng dalawampu. Galingan niyong dalawa dahil ang mananalo sa inyo ay makakatanggap muli ng panibagong butilya nito." Ngumiti ang dalawa sa akin at masayang tumugon sa akin. "Gagalingan po namin mahal na hari!"  "Mabuti! Bigyan niyo ako ng magandang laban upang ang mga manunuod din ay masiyahan sa inyong dalawa," "Masusunod po!" "Sige na pwede na kayong umalis na dalawa at maghanda para sa laban niyo. Maya-maya rin ay lalabas na rin ako upang masimulan na ang labanan," "Mauuna na po kami." Ikinumpas ko na ang kamay ko sa kanilang dalawa at madali silang umalis sa aking harapan. Pag alis nila Amain at Kora sa aking harapan ay napaupo na lang ako sa upuan dahil sa nangyari. Sobrang nanlambot ang mga tuhod ko sa tuwa at kasabikan sa susunod na mangyayari. "Sino kaya ang mananalo sa dalawampu at sino ang mapagkakalooban ko ng panibagong lakas?" nakangiting tanong ko. Nakaupo lang ako sa upuan nito sa kwarto ko hanggang sa naisipan ko ng pumunta sa arena. Maingay na ang lahat at nagkakasiyahan na sila. Ramdam ko talaga na lumakas ako pero hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag ito. Sinubukan kong lumipad patungo sa arena at kamangha-mangha lang na mabilis akong nakarating dito parang isang kisapmata lang. Hindi ko alam kung lipad pa ba ito o kung ano na ang nangyari asa akin. Nakakapagtaka kasi na nasa silid pa ako at napunta na ako dito sa arena. Nakita ako ni Abu Bapan sa gilid kaya tinawag niya ang atensyon ng lahat at nagsiyuko silang lahat sa akin bilang respeto sa akin. Naglakad ako sa harapan nila at umupo ako ngayon sa aking upuan. Itinaas ko ang aking kanang kamay at pinaupo ko na silang lahat sa kanilang mga upuan. Pagkaupo na pagkaupo ko pa lang ay nagsimula na agad ang dwelo sa pagitan ng dalawampu kong bagong kawal. Puwesto na ang unang pares sa gitna at sinenyasan na sila ni Amain upang magsimulang mag laban. Sa laban na ito ay hindi ko pinagamit ang kanilang mga kapangyarihan upang makita ko ang lakas nila. Walang magbabago ng anyo sa kanila dahil tangin lakas at galing nila sa pakikipaglaban ang labanan dito. Matapos ang ilang minuto ay natapos na ang unang pares at katulad ng sabi ko ay karapatan nilang mamili ng gusto nilang mangyari kung may mabubuhay sa isa sa kanila o pareho silang mabubuhay. "Ang nanalo si Redo!" Sigaw ni Amain. Nagpalakpakan ang lahat ng mga nanunuod dahil magandang laban ang ipinakita nilang dalawa. "Pasok ka na sa susunod na pagsusulit Redo!" Bati sa kanya ni Amain. Tumingin siya sa akin at itinaas ang kanyang espada. Ngumiti naman ako sa kanya at itinaas ang kanang kamay ko sabay tiklop ng apat na dalawa at taas ng hinlalaki. "Magaling!" Sigaw ko sa kanya habang pinapalakpakan siya. Yumuko naman siya sa akin at umalis na sa arena upang mag pahinga. Pagkatapos ng unang laban ay agad ring tinawag ang susunod. Hindi katulad ng unang manlalaro ay dito ay gumamit sila ng dahas madugo ang laban na ito dahil buhay ang kapalit sa laban nila. Natutuwa ako ngayon sapagkat nakikita ko na angpupursigi ang mga bagong kawal namin na maging magaling sa pakikipaglaban. At heto na nga pinatay ng pangalang manlalaro namin ang kalaban niya at dahil sa patay na ang kalaban niya ay lumitaw na ang kaluluwa nito at pagkatapos ay pinakain ko ito sa kanya bilang premyo niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD