Chapter 11- The rise of King Leonon

2020 Words
Hindi pa namin lubusang inangkin ang lahat ng mga natira sa kaharian ni haring Zeptta.  Nagsagawa muna ako ng pagpupulong sa pagitan ng dalawang pinuno.  Sina Abu Bapan at Haram muna ang kausap ko ngayon dahil sa wala na si Amain na siyang pinuno ng mga Arnaseo. Habang nag uusap kaming tatlo ay dumating si Alzem na pinuno ng hukbo ni haring Madok. "Pinatawag niyo daw ako mahal na hari?" tanong niya agad sa akin. "Mapagkakatiwalaan ba kita?" tanong ko sa kanya pabalik. "P-po?" nagtatakang tugon niya sa akin. "Mapagkakatiwalaan ba kita?" tanong ko muli sa kanya. "Nasa inyo ang katapatan ko mahal na haring Leonon!" matapang na tugon niya. "Mabuti," "Bakit niyo po natanong mahal na hari?" "Dahil wala na si Amain ay gusto kong ikaw na ang mamuno sa hukbo ng mga Arnaseo," Utos ko sa kanya. "Masusunod mahal na hari," tugon niya sa akin sabay yuko. "Gawin mo sa kanila kung paano ang pag-eensayo niyo sa hukbo mo ng sa gayon ay lumakas-lakas naman ang mga bagong hukbo ko," "Gagawin ko po ang lahat upang mapalakas ang hukbo na ito mahal na hari," "Yan ang gusto kong pinuno! Gagawin ang lahat ng makakaya niya para mapaayos at mapalakas ang kanyang pinamumunuan," "Maaari na po ba akong umalis mahal na Leonon?" tanong niya sa akin. "Hindi pa. Isasama kita sa pag pupulong ngayon lalo na't kabilang ka na sa aking mga pinuno," "Masusunod po mahal na hari/" Umupo siya sa aking tabi kaya sinimulan ko na ang pag uusap naming apat. "Anong nga ulit problema sa inyong hukbo Abu Bapan?" tanong ko sa kanya. "Nahihirapan na kaming mangolekta ng mga kaluluwang mabuti sa mundo ng mga tao sapagkat binabantayan na sila ng mga anghel sa langit," "Ilan pa ang kaluluwa na nakaimbak sa inyo Haram?" tanong ko naman kay Haram. "Nasa isang libo pa po mahal na hari," tugon niya sa akin. "Kung gayon ay pabalikin mong lahat ang iyong mga tauhan dito sa atin at magkakaroon tayo ng pang malawakan na pagsasanay," "Ngunit," Pamimigil niya sa akin. "Gusto niyo pa bang mabuhay? Dito pa lang sa mga kapwa natin na demonyo ang hihina niyo na! Paano pa kaya kapag nakasagupa niyo na sa lupa ang mga anghel ng langit edi patay na kayong lahat?!" galit na sambit ko sa kanya. "Ngunit magkakaroon tayo ng kakulangan sa bilang ng kaluluwa kapag titigil tayo sa pangongolekta mahal na hari," Paliwanag niya sa akin. "Turuan niyo ang mga Arnaseo kung paano gawin ang ginagawa niyo sa mga tao at ituturo nila sa inyo kung paano makipag laban!" "Ngunit ibang-iba ang ginagawa namin sa ginagawa ng mga Arnaseo!" Angal ni Abu Bapan.  "Gusto mo bang mamatay na lang ng walang kalaban-laban ang mga tauhan mo dahil lang sa kamang-mangan mo?" galit na tanong ko sa kanya. "Ang mga Kaseleo ay Kaseleo! Kahit kailan may ay hindi sila magiging Arnaseo!" Sigaw niya sa akin. "Ako ang batas Abu Bapan!" Sigaw ko sa kanya. "Ang batas ko ang dapat masusunod!" galit na sigaw ko sa kanya. Tumayo sa kinauupuan si Abu Bapan at akmang aalis sa aming harapan ngunit agad kong ginamit ang kapangyarihan ko sa kanya kaya hindi siya nakagalaw sa kanyang kinatatayuan. "Ganyan ka ba gumalang sa hari mo? Abu Bapan?" tanong ko sa kanya. "Ang iyong kagustuhan ay hindi maaaring mangyari sa amin dahil hindi tayo pare-pareho ng kinabibilangan!" galit na sambit niya sa akin. "Gusto mo na bang mag retiro na Abu Bapan?" maangas na tanong ko sa kanya. Hindi siya makasagot sa tanong ko at tila ba'y nag hihintay na lang sa susunod na hakbang ko. Tumayo ako sa kinauupuan ko at nakayuko lang sa akin sina Alzem at Haram. Naglakad ako sa harapan ni Abu Bapan at tinitingnan siya sa kanyang mga mata. "Sundin mo ang pinag uutos ko kung gusto mo pang mabuhay Abu Bapan dahil alam ko kung anong makakabuti para sa kaharian na 'to! Ang mga bagay na hinding-hindi kayang gawin ni Ezra noong siya pa ay nabubuhay ay pupunan ko dahil isa siyang mahinang hari na namulat sa inggit!" galit na sambit ko sa kanya. "Masusunod," mahinang tugon niya sa akin. "Anong sabi mo?" maangas na tanong ko sa kanya. "Ang inyong mga utos ang siyang masunod mahal na hari," tugon niya "Mabuti at nagkakaintindihan na tayo Abu Bapan," sambit ko sa kanya. "Iniisip ko lang naman ang kakahinatnan ng mga padalos-dalos na desisyon niyo mahal na hari," "Sa tingin mo ba ay ipapahamak ko ang mga nasasakupan ko?" "Kayo na po ang masusunod," "Mabuti! Dahil ano mang oras ay kaya kitang tapusin Abu Bapan. Mabuti at nagkakaintindihan na tayo ditong dalawa." sambit ko sa kanya sabay tapik ng kanyang balikat. Tinanggal ko ang pagkakastatwa ni Abu Bapan at naka galaw na siyang muli. Napaupo siya sa sahig kaya't agad siyang tinulungan ni Haram na makatayo. "Ang Abu Bapan ay matanda na mahal na hari kaya minsan ay hindi niya nalalaman ang kanyang sinasabi," sambit ni Haram sa akin. "Bibigyan muli kita ng pagkakataon Abu Bapan upang ayusin ang iyong isip. Mabuti pa akong hari ngayon dahil ang kapakanan niyo ang isinasaalang-alang ko ngunit kapag tumaliwas pa muli kayo sa kagustuhan ko ay tiyak na sa dagat ng apoy ang diretso niyo!" "Masusunod mahal na hari!" sambit niya sa akin sabay yuko. Umupo muli sila sa upuan at dininig ko naman ngayon ang problema ni Haram na katulad lang ng kay Abu Bapan sapagkat magkasama sila sa misyon lagi. "Sinasabi ko sa inyo ito Haram at Abu Bapan na ang mga Arnaseo ang tutulong sa inyo upang magampan niyo ng maayos ang inyong mga trabaho ngunit bago muli kayo magpapunta sa mundo ng mga tao ay dadaan muna sila sa matinding pag sasanay upang sa gayon ay hindi kayo kaagad matalo ng mga anghel sa langit," "Masusunod po." tugon nila sa akin. Habang masinsinan kaming nag uusap na apat ay may bigla na lang sumugod sa palasyo at nag sisisigaw.  Agad na lumabas si Alzem upang silipin ito at nakita niya ang isang katulad namin na takot na takot at sugatan na humihingi ng tulong. "Anong nangyari?" tanong ni Alzem sa kanya. "Sinugod kami ng mga anghel!" tarantang tugon niya. "Kamusta ang mga kasamahan mo?" tanong ko sa kanya. "Mahal na hari! Mahal na hari!" Tawag niya sa akin habang lumalapit. Napatingin siya sa aking likuran at biglang lumapit kay Abu Bapan. "Ang mga kasamahan ko ay patay ng lahat!" Sigaw niya habang humahawak sa laylayan ni Abu Bapan. "Tumayo ka!" Galit na sigaw ni Abu Bapan sa kanya. Pinigilan ko si Abu Bapan at agad na binalingan siya. "Ito na ang sinasabi ko sayo Abu Bapan! Ngayon nakita mo na ang mga tauhan mo ay nagsisimatayan na dahil sa kamangmangan mo sa pakikipag laban! Wala ka bang alam na marami ng anghel sa mundo ng mga tao? Hindi ba sinabi sayo ni Haram ang nangyayari dito ngayon?" "A-alam ko ngunit naniniwala ako sa mga kakayahan ng aking mga tauhan!" "Hindi! Kung naniniwala ka sa kanilang kakayahan ay ipapasok mo sila sa pagsasanay!" "Nasaan na ang iba mong kasamahan? Pauwiin mo silang lahat dito!" galit na sambit niya sa tauhan niya. "Patay na po silang lahat pinunong Abu Bapan." Nanlumo si Abu Bapan sa narinig niya sa tauhan niya kaya't pinilit na niyang umuwi si Haram sa kanilang mga kuta. "Alzem! Simulan muna ang pagsasanay ng mga tauhan mo dahil naubos na ang tauhan ni Abu Bapan na nangongolekta ng mga kaluluwa sa lupa," "Masusunod mahal na hari." tugon niya sa akin. Madaling umalis si Alzem sa aking harapan at naiwan na lang sina Haram at Abu Bapan. Tinawag ko ang punong kasambahay ko upang ipahatid itong tauhan ni Abu Bapan sa mga harim upang mabigyan ng paunang lunas ang kanyang mga sugat. "Simula ngayon ay wala na kayong karapatang tumanggi kapag pa kayo ang pinuno ng hukbo niyo! Dahil sa kahinaan mo at kamngmangan mo Abu Bapan ay napahamak ang iyong hukbo sa mundo ng mga lupa," "Masusunod." Kinumpasan ko na silang dalawa at umalis na sina sa harapan ko. Pumasok na muli ako sa loob ng palasyo at tumungo ako sa silid ko. "Kailangan ko ng dagdag na hukbo." sambit ko sa sarili ko habang nag iisip. Habang nag iisip ako ng malalim nito ay bigla kong naalala ang mga natirang tauhan ni haring Zeptta. "Tama! Si Zeptta ang sagot sa aming krisis ngayon!" masayang sambit ko. Tumayo ako sa kinauupuan ko at sumilip ako sa veranda sabay tawag ko sa aking pinunong tauhan na si Beka. "Beka! Halika dito!" malakas na tawag ko. Mabilis na dumating si Beka sa aking harapan at tinanong ako. "Ano pong maipaglilingkod ko sa inyo mahal na hari?" tanong niya sa akin. "Tawagin mo si Alzem at may pag uusapan kaming dalawa," "Masusunod po!" Madali siyang umalis sa aking harapan at pinuntahan niya agad si Alzem sa labas ng palasyo na sinasanay ang kanyang mga tauhan. Tumingin si Alzem sa akin at agad na nagbago ang anyo niya at lumipad patungo sa akin. "Tawag niyo daw po ako mahal na hari?" tanong niya sa akin. "Oo! Ihanda mo ang iyong hukbo at tutungo tayo sa kaharian ni haring Zeptta," "Masusunod po mahal na hari." tugon niya sa akin. Madaling umalis sa harapan ko si Alzem upang ihanda ang kanyang mga tauhan para sa pagpunta namin sa kaharian ni haring Zeptta. Bago ako lumabas ng palasyo ay tumungo na muna ako sa aking laboratoryo upang kunin ang mga nagawa kong gamot para sa kalaban. Sisiguraduhin ko lang na maayos ang aming pag pasok sa kaharian ni haring Zeptta upang hindi masaktan ang aking mga tauhan. Pagkatapos nito ay tumungo na ako sa labas ng palasyo kung saan ay nag hihintay sina Alzem at ang kayang hukbo. "Halika na!" Sigaw ko sa kanya. Nagpalit kaming lahat ng anyo at lumipad na kami sa langit patungo sa kaharian ni haring Zeptta. Pag pasok namin sa loob ng kaharian ay wala ng mga bantay sa labas kaya pumasok na kami sa loob. "Wag niyong ibaba ang inyong mga bantay dahil hindi natin kung anong mangyayari ngayon dito," Utos ko sa kanila. "Masusunod mahal na hari." Dahan-dahan kaming nag lakad sa loob ng nasasakupan ni haring Zeptta at nakakita ako ng mga batang naglalaro sa gilid. "Nandyan na sila!" Sigaw ng isang bata na nakatingin sa akin. Agad na nagtakbuhan ang mga ito sa kani-kanilang mga tahanan at nagkubli sa amin.  "Ilabas mo ang lahat ng mga nakatira dito," Utos ko kay Alzem. "Masusunod po." Agad na nagbago ng anyo si Alzem at gumawa sila ng apoy at tinupok nila ng apoy ang mga kabahayan dito. Naglabasan ang mga nakatira dito kaya agad silang pinapila ni Alzem sa gitna. "Marami pa ang wala kaya halughugin mo ang bawat bahay dito at ilabas ang mga nagkukubli sa loob," "Masusunod po." Nakatayo lang ako sa harapan ng mga ito at tinanong ko sila. "Nasaan ang inyong mga hukbo?" tanong ko sa isa. "W-wala na po silang lahat," malungkot na tugon niya sa akin. "Anong nangyari?" "Namatay po silang lahat sa laban," "Aaaah ayun na ba ang lahat ng mga kawal niyo?" tanong ko sa kanila. "Kung ganun ay sumama kayong lahat sa akin upang makapag simula muli kayo. Ang lahat ng lalaki ay mapupunta sa hukbo ng mga arnaseo."  Nag palit na ako ng anyo at lumipad na ako sa langit. Sumunod silang lahat sa akin at lumipad din sila sa langit sabay sunod sa akin. Napapangiti na ako ng mga oras na ito dahil sa nakakuha na kami ng panibagong mga tauhan na tutuong sa amin na mapanatili ang buhay ng bawat isa. Pag balik namin sa kaharian ay agad silang inihiwalay ni Alzem sa isa't-isa. Ang dating isang libong kaluluwa na imbak ni Haram ay nadagdagan ito ng limang libo kaya ngayon ay hindi na kami makakaramdam ng crisis. Ang mga halamang gamot namin na dati ay nasa limang daan ay nasa dalawang libo na dahil sa dami ng stock ni Zeptta sa kanilang kaharian. Nagkaroon ako ngayon ng magaling na manggamot dahil sa kaharian ni Zeptta at agad ko siyang inilagay sa Harim upang makatulong sa aking mga tauhan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD