Chapter 10- King Zeptta's downfall

1830 Words
Pagkatapos ng paligsahan ay bumalik na ako sa palasyo upang pag isipan ang susunod na hakbang na gagawin namin para tuluyan na naming maangkin ang kaharian ni Zeptta. Malaki ang pinsala ng mga kawal na kinuha ko dahil sa paligsahan na nangyari sa palasyo ngunit kahit pa walang matira sa kanila ay ok lang sa akin. Hindi naman sila kawalan sa aking paghahari dahil kaya ko naman ang sarili ko sa digmaan. Isa lang silang pabigat sa akin katulad na lang sa laban namin sa kaharian ni Zeptta.  Pagbalik ko sa palasyo ay tumungo na ako agad sa aking laboratoryo upang gumawa muli ng panibagong batch ng gamot ng oley upang ang mga mahihina kong mga tauhan ay lumakas kahit paano at hindi agad tatablan sa anumang atake ng mga kalaban. "Napaka hirap ng ganito! kailangan pang ihagis sa sahig para lang malanghap ang usok. Ano kayang pwede kong gawin para mas mapadali ang paglanghap ng mga gamot na aking gagawin o di kaya'y pwedeng inumin na lang ito?" mga tanong sa aking utak. Gusto ko ng mas mapadali ang mga bagay-bagay at hindi na ito mahirapin pa. Kinuha ko muli ang libro na gawa ni ama at kumuha ako ng panibagong sulatan upang doon ko ilalagay ang mga pagbabago sa gagawin kong gamot. Pursigido ako na ma-master ang libro ng aking ama at makagawa ng sarili ko nang sa gayon ay wala ng makakatalo pa sa akin at makakaapi dahil ibabawi ko ang karangalan ng aking angkan at gagawa ako ng panibagong angkan ko kung saan ay malalakas at matatalino lang ang maaaring maging miyembro. Habang nasa kalagitnaan ako ng pananaliksik ko ay biglang nagkaroon ng malakas na pagsabog sa labas.  Mula sa labas ng aking laboratoryo ay nakita ko ang pinakamataas na kasambahay na tarantang naghahanap sa akin. "Mahal na hari!" tawag nito sa akin. "Mahal na hari!" "Mahal na hari!" paulit-ulit na tawag niya sa akin. Lumabas ako mula sa aking laboratoryo at tumugon ako sa kanya. "Anong problema?" tanong ko sa kanya. "Ang hukbo ni haring Zeptta ay nakikipag laban sa labas ngayon ng ating palasyo, Mahal na hari!"  "Sige." Tumakbo na ang alalay ko palayo sa akin kaya't naglakad na ako palabas ng palasyo ngunit bago pa man ako makalabas ay may lumapit na sa aking isang kawal ni Zeptta. Inilabas niya agad ang espada niya at tinutukan ako. "Bago tayo maglaban na dalawa bibigyan pa kita ng pagkakataon na mabuhay," nakangiting sambit ko sa kanya. "Ito na ba ang sinabi nilang wicked king? Napakahina!" Galit na sigaw niya sa akin. "Binigyan na kita ng pagkakataon na mabuhay pero minaliit mo pa ako kaya wawakasan ko na ang buhay mo at kakain ko ang kaluluwa mo!" tumatawa kong sambit sa kanya. Nagbago siya ng anyo sa harapan ko kaya pinanuod ko muna siya hanggang sa papasugot siya sa akin ngunit bago pa siya makalapit sa akin ay nagiliitan ko na siya. Napatingin siya sa akin sabay tanong. "B-bakit?" tanong niya sa akin habang nanginginig. "Binigyan na kita ng pagkakataon na mabuhay ngunit tinanggihan mo ako!" inis na sambit ko sa kanya. Sumubsob siya sa sahig at bumulwag ang kanyang mga dugo. Lumipas lang ang ilang segundo ay lumabas na ang kanyang kaluluwa kaya kinain ko na ito. Pagkatapos kong kainin ang kaluluwa niya ay naging abo na ang kanyang katawan. Lumabas na ako sa palasyo at nakita ko na dehado ang aking mga kawal dahil sa paligsahan na nangyari kani-kanilang. Ngayon dahil sa nangyayari sa aking palasyo ay dito ko masusukat ang lakas na nakuha ko mula sa gamot na gawa ng aking ama. Sinisipat-sipat ko ang mga nakikipag laban ngunit ni isa wala akong nakitang tauhan nila Abu Bapan at Haram. "Talagang nilalaglag ako ng mga matatandang pinuno na ito!" galit na sambit ko. Sobrang nag init ang ulo ko dahil sa nakikita ko. "Mahihina!" galit na sambit ko habang pinag mamasdan ang mga kawal ko. Nagbago ako ng anyo at sinimulan ko ng unti-untiin ang mga kalaban. Sobrang bilis ko lang silang napatay na lahat parang kidlat ang bilis ko at sobrang nakakapagtaka ito para sa akin. "Ito na ba ang lakas na nakuha ko sa gamot na iyon?" tanong ko sa sarili ko habang nakatingin sa mga kawal ni Zeptta na hirap na hirap kumilos. Gulat na nakatingin sa akin ang mga kawal ko dahil sa nangyari. Sobrang manghang-manghang sila sa ginawa ko kaya't napaluhod na lang silang lahat sa akin sabay yuko sa akin. "Mabuhay ang mahal na haring si Leonon!" Sigaw nila sa akin. Tumayo ako sa kalagitnaan nila at pinarangalan silang lahat. "Sinasabi ko sa inyong lahat na gusto ko ng malalakas na kawal at ang bawat malalakas na kawal ay merong matatanggap na gatimpala sa akin!" sambit ko sa kanila. Unti-unti ng lumalabas ang mga kaluluwa ng mga kawal ni Zeptta ngunit may nag iisang hindi gumagalaw ngunit hindi rin lumalabas ang kaluluwa kaya't pinalapitan ko ito sa isa sa mga kawal ko. "Tingnan mo 'yung isang nakahigang kawal diyan sa gitna baka buhay pa 'yan," Utos ko sa isa sa kawal ko. "Masusunod mahal na hari." tugon niya. Madali siyang umalis sa harapan ko at tumungo sa kawal na nakahiga sa gitna. Katulad ng nasa isip ko ay nag papanggap lang itong patay kaya pag lapit ng kawal ko sa kanya ay agad niya itong sinaksak ng kanyang espada. "Ayan na ba ang pinaka maganda at matalinong ginawa mo sa buhay mo bilang kawal ni Zeptta?" nakangisi kong tanong sa kanya. "Lapastangan!" Sigaw niya sa akin. Kumilos ang aking mga kawal at akmang susugod sa kanya ngunit pinigilan ko sila. "Mahina ang inyong hari kaya nararapat lang sa kanya na mamatay," maangas na sambit ko sa kanya. "Hindi! Hindi totoo 'yan! Dahil ang tunay na malakas na hari ay 'yung may pakealam sa kanyang nasasakupan! Ang iyong paghahari ay isa lamang kahibangan at paghihiganti!" Madali akong lumapit sa kanya at tinutukan siya ng espada. "Bibigyan kita ng pagkakataon na mabuhay. Sasanib ka ba sa akin o mananatili kang mahina katulad ng hari mo?" seryosong tanong ko sa kanya. "Pi-" putol na tugon niya. Bago pa siya makasagot sa akin ay tinapos ko na ang hininga niya kapag kasi nakakarinig ako ng mga ganyang salita ay nag papanting ang aking taenga at nag-iinit ang aking dugo. "Kayong mga narito at buhay! Kainin niyo ang mga kaluluwa na nasa inyong harapan upang gatimpala sa katapangan na inyong pinakita sa akin!" Sigaw ko sa kanilang lahat. Nagbunyi at madali nag sikain ng kaluluwa ang mga kawal na natira sa labanan at pagkatapos ay umalis na akong agad sa kanilang harapan. Nandidilim ang aking paningin dahil sa galit kaya imbis na sa palasyo ako tumungo ay sinugod ko ang lugar ni Abu Bapan.  Sinilaban ko ang mga tirahan doon at pinalabas ang lahat ng mga angkan niya. "Kumusta Abu Bapan?" tanong ko sa pinuno ng mga kaseleo. "Ano ito! Mahal na hari!?" galit na tanong niya sa akin. "Hindi mo ba nakikita? Lilipulin ko ang angkan mo!" tumatawa kong sambit sa kanya. "Ano bang problema at padalos-dalos ka na lang sa ginagawa mo?" tanong niya sa akin. "Wag kang mag mamaang-maangan diyan Abu Bapan! Alam kong ikaw ang nagbigay ng signal sa mga kawal ni Zeptta na sumugod sa palasyo." Tumawa siya ng malakas sa aking harapan at tinapik-tapik ang balikat ko. "Isa ka ngang magaling at malakas na hari! Simula ngayon ay nasa iyo na ang katapatan ko!" tumatawa niyang sambit sa akin. Pinag masdan namin kung paano tinupok ng apoy ang kanilang lugar ngunit masaya pa rin ang matandang pinuno na ito. "Paano ako makakasiguro na nasa akin na ang iyong katapatan?" tanong ko sa kanya. "Saksakin mo ako sa aking katawan at ibibigay ko ang aking kaluluwa sayo," "Bakit? Bakit bigla mong ipagkakaloob sa akin ang iyong kaluluwa?" "Dahil ito ang nakikita kong paraan para ipakita sayo na nasa iyo na ang aking katapatan, Mahal na hari." sambit niya sa akin sabay luhod sa harapan ko at nagpatirapa. Sumunod na nagpatirapa sa akin ang kanyang nasasakupan kaya't itinigil ko ang apoy na tumutupok sa kanilang lugar. Pagkatapos ng ingkwentro naming dalawa ni Abu Bapan ay inimbitahan ko siya na sumama sa palasyo upang pag-usapan na ang naudlot na usapan namin sa paligsahan kanina. Habang nalalakad kami patungo sa palasyo ay napatanong ako sa kanya. "Kumusta ang alaga mong si Alessandro?" tanong ko sa kanya. "Nasa mabuting kundisyon na siya ngayon. Ang lahat ng mga sumali sa paligsahan kanina na napuruhan sa laban ay idinala namin sa bagong kuta ng mga harim upang doon ay bigyan ng mga paunang lunas at hanggang gumaling sila," tugon niya sa akin. "Mabuti ang inyong naisip," "Maganda ang naging desisyon niyo na mga babae ang humawak sa inyong angkan sapagkat likas sa kanila ang maalaga," "Kumusta ang mga bagong gamot na pinapagawa ko?" "Wala akong alam sa gamot na pinapagawa niyo ang mabuti pa ay tumungo na muna tayo sa kanila upang alamin ang nangyayari doon," "Mabuti pa nga."  Lumihis kami ng daan ni Abu Bapan at tumungo kami sa bagong kuta ng mga harim. Mula sa bungad ay agad na sumalubong sa amin ang bagong pinuno nito na si Lea. "Lea, mahal na hari," Pakilala niya sa akin sabay yuko sa harapan ko. "Ikaw ba ang namumuno ngayon dito?" tanong ko sa kanya. "Opo mahal na hari," "Kumusta ang mga pinapagawa kong gamot sa inyo? meron bang pagbabago?" "Sa ngayon mahal na hari ay hindi pa namin nakikita ang progression nito dahil nasa trial and error pa lang po kami. Marami na pong mga halamang gamot ang nasayang dahil sa maling pagkakahalo-halo ng mga sangkap," "Alam mo hindi tayo lalakas ditong lahat dahil sa kamangmangan niyong lahat! Gusto niyo bang maging malakas o gusto niyong manatili sa ilalim na lang?" galit na tanong ko sa kanya. "Patawarin mo kami mahal na hari kung wala pa rin kaming makuhang tamang sangkap para sa kahilingan niyo. Hayaan niyo po na gagawin namin ang lahat ng makakaya namin upang maibigay ito sa inyo sa madaling panahon," "Hindi na!" "P-pero mahal na hari," Pakiusap niya sa akin. "Sa susunod na pagbabalik ko dito siguraduhin mong meron na kayong maipapakita sa akin na gamot dahil kung hindi ay papaslangin ko kayo!" Sigaw ko sa kanila. "Masusunod mahal na hari." sambit niya sa akin sabay yuko. Umalis na kami ni Abu Bapan at tumungo na kami sa palasyo ng bigla siyang nagsalita sa akin. "Hindi ba natin pupuntahan ang mga bulwa?" tanong niya sa akin. "Para saan?" tanong ko pabalik sa kanya. "Naaalala ko na may pag uusapan tayong tatlo ngunit napigil ito dahil sa paligsahan," "Aaaahhh.. Ipapasundo ko na lang siya sa isa sa aking mga tauhan," "Sige po mahal na hari." Naglakad lang kami ni Abu Bapan patungo sa palasyo at simula ng umalis kami sa kuta ng mga bagong harim ay tahimik na kaming naglakbay. Walang lumabas na anumang salita sa aming mga bibig at seryoso lang kaming naglakad ni Abu Bapan patungo sa palasyo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD