Chapter 12- Into the human world

1794 Words
Napunan na ng kaharian ni haring Zeptta ang pagkukulang ng kahariang ito ngayon. Kinausap ko agad ang bagong pinuno ng Harim na si Jara. "Ikaw ba ang sinasabi nilang magaling sa mga gamot sa inyong kaharian?" tanong ko sa kanya. "Opo mahal na hari!" tugon niya sa akin. "Kung gayon ikaw na ang gagawin kong pinuno ng mga Harim at ikaw na ang mamamahala sa mga gamot. Gusto ko sabihin mo lahat sa akin ang mga gamot na naimbento mo sa inyong kaharian na makakatulong sa atin ngayon," "Isusulat ko pong lahat ito mahal na hari at ibibigay ko sa inyo agad," "Mabuti." Tumingin ako sa mga natirang mga demonyo na nasa kaharian pa ni Zeptta at ipinag utos na lilipat silang lahat sa aming kaharian upang palitan ang mga napatay na mga kasapi namin. Sumunod silang lahat sa aking pinag uutos at hindi umangal sa mga ito kaya natuwa ako sa kanilang lahat. "Kayong lahat na nabubuhay dito ay magkakaroon ng payapang pamumuhay sa aming kaharian basta't sumunod lang kayo sa aking mga pinag uutos!" Sigaw ko sa kanila. "Masusunod mahal na hari!" tugon nila sa akin sabay yuko. Nagpatirapa silang lahat sa akin at sinamba ako.  "Ihahatid kayo ni Alzem sa mga hukbo na kinabibilangan ninyo. Ang mga babaeng may anak na sanggol at ang mga ina na may anak na bata lalaki man o babae ay mag sasama-sama sa Harim. At ang lahat ng mga kalalakihan ay mapupunta sa Arnaseo upang magsanay para sa darating na digmaan," "Masusunod po mahal na hari." Iniwan ko na sila Alzem at ang mga bagong miyembro ng aming kaharian at pumunta na ako sa palasyo. Pumasok na ako sa palasyo at dumiretso ako agad sa aking silid upang mag pahinga. Humiga ako sa aking kama upang bawiin ang mga gabing wala akong tulog dahil sa takot ko na balikan ako ng aking mga tauhan at patayin ako habang ako ay natutulog. Habang nagpapahinga ako ay bigla na lang may pumasok sa isip ko. "Paano kaya ako makakagawa ng kawangis ko?" tanong ko na lang sa sarili ko. Ito na ang susunod na gusto kong matuklasan dahil alam ko darating ang panahon na may mag ta-traydor sa akin at aangkinin ang lahat ng mga pinaghirapan ko dito sa kaharian na 'to. Unti-unting bumibigat ang aking mga talukap at unti-unting pumipikit ang aking mga mata. Hindi na talaga nakayanan ng aking katawan na gumising pa nito kaya't sa ayaw man o sa gusto kong matulog ay nakatulog na ako. Hindi ko na alam kung anong nangyari ng natulog ako ngunit nagulat na lang ako ng pag gising ko.  Minulat ko ang aking mga mata at bumangon ako sa aking higaan at naglakad-lakad ako sa loob ng palasyo ng gulat na nakatingin sa akin ang mga tauhan ko. "Anong meron bakit ganyan kayo makatingin sa inyong hari?" tanong ko sa kanila. "Masaya lang po kami na gising na kayo mahal na hari," "Bakit kayo masaya na nagising ako? May nangyari bang masama sa palasyo ng tulog ako?" "Wala naman pong masamang nangyari mahal na hari sadyang napahaba lang po ang inyong tulog," "Hindi kita maintidihan? Anong meron! Diretsyahin mo ako!" Galit na sigaw ko sa kanya. "Ilang araw na po kasi kayong hindi gumigising mahal na hari kaya nagulat lang po kami sa pag gising niyo," takot na tugon niya sa akin. "Ilang araw na ba?" tanong ko sa kanila. "Mga pitumpu't pitong araw na po mahal na hari," tugon niya sa akin. "Huh? Parang kahapon lang ako natulog bakit naman ganyan ang sagot mo sa akin!" galit na sambit ko sa kanya sabay alis sa harapan nila. Lumabas ako ng palasyo at tumungo ako kay Alzem na abalang sinasanay ang kanyang mga tauhan. "Mahal na haring Leonon," Bati niya sa akin sabay yuko. "Alzem," seryosong sambit ko sa kanya. "Ano po 'yun mahal na hari?" tanong niya sa akin. "Anong nangyari sa akin?" tanong ko sa kanya pabalik. "Paano pong nangyari mahal na hari?" "Totoo ba na makalipas ang pitumpu't pitong araw ay ngayon lang ako nagising?" "Totoo po 'yan mahal na hari," tugon niya sa akin. "B-bakit? A-anong nangyari?" utal na tanong ko sa kanya. "Hindi ko rin po alam kung anong nangyari mahal na hari ngunit makakaasa po kayo na walang anumang nangyaring masama noong kayo ay natutulog," "Kumusta ang matatanda ng ating kaharian? Sila Abu Bapan?" "Mabuti naman po ang lahat dito sa atin. Wala pong nakakalabas ng lagusan papunta sa mundo ng mga tao ngayon dahil wala pa rin pong utos na nagmula sa inyo at maisusuguro ko po sa inyo mahal na hari na ang lahat ng mga hukbo at mga tauhan ng bawat pinuno ay nakapagsanay na," "Mabuti! Kumusta ang ating mga naka imbak na kaluluwa sa mga bulwa?" "Dahil po sa walang makalabas ng lagusan patungo sa mundo ng mga tao ay ang mga nakaimbak na kaluluwa ay paunti na nang paunti dahil na rin sa dumadami na ang mga demonyo na kailangan nating pakainin ngayon," tugon niya sa akin. "Kung gayon ay mag handa ka ng dalawampu na kawal upang sumugod sa mundo ng mga tao," "Masusunod po mahal na hari." Tumungo kami ni Alzem sa kuta ni Haram upang sunduin siya pati ang hukbo niya upang tumungo sa mundo ng mga tao para makalikom kami ng mga bago at sariwang kaluluwa para sa aming ikabubuhay na mga demonyo. Mula sa malayo ay natanaw ko na si Haram kaya lumuhod na siya agad sa kanyang kinatatauhan at nag bigay galang sa akin. "Kumusta Haram?" tanong ko agad sa kanya. "Mabuti naman mahal na hari. Kumusta kayo?" tanong niya pabalik sa akin. "Mabuti naman ako at wala namang nag traydor sa akin na tauhan ko." nakangiti kong tugon sa kanya. Ngumiti pabalik sa akin si Haram at sabay tugon sa akin. "May pag-aalinlangan pa rin ba kayo sa mga nasasakupan niyo? Natatakot ba kayo na baka ay traydorin namin kayo?" tanong niya sa akin. "Tanggap ko naman na may mangta-traydor sa akin dito ngunit iniisip ko kung ikaw ba 'yun o si Abu Bapan para naman mahanda ko na ang inyong himpalayan," natatawa kong tugon sa kanya. "Kung tatraydorin lang rin naman namin ikaw mahal na hari bakit hindi pa namin ginawa noong kasarap ng tulog niyo? Hindi ba kayo nagtataka na umabot kayo ng pitumpu't pitong araw bago kayo nagising?" Maangas na tanong niya sa akin. "Aaminin ko hindi ko rin alam kung bakit ganun ang nangyari ang pakiramdam ko parang kahapon lang ako natulog ngunit nagulat na lang ako sa aking mga kasambahay na matagal na pala akong tulog," sambit ko sa kanya. "Ngayong gising na ako at nalaman ko kay Alzem na nasa tamang kondisyon na ang mga tauhan mo ay ngayon ang simula na susugurin natin ang sinumang anghel na nangangalaga sa mga tao sa lupa. Papatayin natin silang lahat para makuha natin ang panibagong imbak natin ng mga kaluluwa," Utos ko sa kanya. "Masusunod po mahal na hari." Binuksan ni Haram ang pintuan kung nasaan ang lagusan. "Nakabukas na po ang lagusan mahal na hari,"  "Mauna kayo sa mundo ng mga tao at susunod kami," "Masusunod." Pumasok na sila ng hukbo niya sa lagusan patungo sa mundo ng mga tao at agad kaming sumunod sa kanila. Pagdating namin sa mundo ng mga tao ay napakapayapa ng kapaligiran. "Walang bantay. Mag dahan-dahan kayo at maging mapag matiyag upang wala kayong magawang mali," Utos ko sa kanila. "Masusunod mahal na hari." mahinang tugon nila sa akin. Nag simula na kaming maghanap ng mga masasamang tao dito sa lupa at mula sa madilim at liblib na lugar ay nakita ko ang dalawang tao na kinakausap ang isang lalaki. Umiiyak ang lalaking ito habang inaabot ang bag niya sa dalawang lalaki. Dinasalan na ni Haram ang lalaking ito upang manlaban sa dalawang lalaki at nangyari nga ang gusto naming mangyari. Nanlaban ang lalaking ito kaya nabaril siya ng isa sa dalawang lalaking nangingikil sa kanya. Bumagsak ito sa lupa at madaling binawian ng buhay. Umangat ang kaluluwa niya kaya agad itong hinuli ng tauhan ni Haram at inilagay ito sa garapon nila. "Magaling!" masayang sambit ko sa kanila. "Simulan na ninyo ang pangongolekta ng mga masasama at mabubuting kaluluwa ngayon at babantayan ko kayo nang sa gayon ay hindi kayo masaktan ng mga anghel sa langit," nakangiting sambit ko sa kanila. "Maraming salamat mahal na haring Leonon! Mauuna na po kami upang makarami kami ng pangongolekta!" masayang tugon ni Haram sa akin. "Mabuti!" Umalis na silang lahat sa aking harapan at naiwan na ako dito mag-isa. Nag lalakad-lakad ako nito sa daan ng may nakita akong mag-asawang nakaupo sa isang upuan. Masaya silang nag uusap na dalawa ng bigla na lang umiyak ang babae sa lalaki. Napahinto ako sa kanilang dalawa habang nag uusap sila ng dahil sa sinabi ng babae sa lalaki. "Bakit hindi pa rin tayo binibigyan ng anak ng Diyos?" umiiyak na tanong ng babae sa lalaki. "Wag kang mawalan ng pag-asa dahil alam kong dinidinig niya ang mga panalangin natin." Habang pinapakinggan ko ang usapan nilang dalawa ay parang nasusuka ako dahil patuloy na kino-comfort ng lalaki ang babae at naniniwala silang mabibiyayaan sila ng anak basta maniwala lang sila sa Diyos nila. "Tawagin niyo ako at ipagkakaloob ko ang inyong hiling na mabiyayaan ng anak." bulong ko sa babae. Napatindig ang babae at napatingin sa direksyon kung nasaan ako. "Hindi siya ang sagot sa ating dalawa!" Sigaw na lang niya bigla sa lalaki. "Anong sinasabi mo?" nagtatakang tanong ng lalaki sa kanya. "Ayoko na sa kanya! Kinamumuhian ko siya dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nabibigyan ng supling! Hindi na ako maniniwala sa kanya!" "Wag mong sabihin 'yan! Napaka-makapangyarihan ng ating Diyos at alam kong dinidinig niya ang ating mga panalangin. Maniwala ka lang sa kanya at mag hintay sa tamang panahon." Umiyak ng malakas ang babae at biglang nag patirapa sa lupa. Tatlong beses siyang nagpatirapa kaya napaiwas na lang ako sa kanya. "Hindi ko kayang tingnan kung anong ginagawa ng babaeng ito kaya mabuti pa'y lilipat na lang ako ng lugar kung saan ay marami akong mauuto na tao." sambit ko sa sarili ko. Nakakatamad at nakakaburyo rin ang pag hihintay sa mga tauhan ko kaya't umupo na lang ako sa tabi habang pinag mamasdan ang mga tao na ito. Habang nanunuod ako sa kanila ay napukaw ng aking mga mata ang dalawang magkasintahan na nag lalampungan sa ilalim ng puno. "Napakarumi sa paningin ng mga ginagawa nito!" galit na sambit ko. Lumipas pa ang ilang oras ay dumating na ang mga tauhan ko kaya bumalik na kami sa aming mundo. Napakaraming kaluluwa ang nakuha nila dahil sa walang bantay ang mundo ng mga tao ngayon. Napakasaya naming lahat dahil napakarami nito at mapupunan nito ang ilang araw naming pagkain.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD