ELLYSE MARIE ROMANO-DEL PIERRO “Ang talumpati ay isang uri ng pampublikong komunikasyon kung saan ipinapaliwanag nito ang isang paksa sa harapan ng maraming tao.” Kasalukuyang nage-explain ang aming professor tungkol sa topic namin ngayon sa subject na Filipino. “Ang layunin ng talumpati ay para humikayat, tumugon, mangatwiran, magbigay kaalaman sa lahat o ‘di kaya ay maglahad ng isang paniniwala.” All eyes are on him. Hindi nga maitatanggi na gwapo ang professor naming ito sa Filipino. Lahat kasi ng babae kong kaklase ay nakatingin sa kanya. Tila kumikinang na parang mga bituin ang kanilang mga mata habang tinitingnan ang propesor. Kung may tinatawag na campus heartthrob sa school, siya siguro ang matatawag na heartthrob professor. Habang nakikinig ako kay professor ay nakikita ko nama