THIRD PERSON Nakatayo nang tuwid si Yuri. Nakahalukikip ang kanyang mga braso. Poker-face lang siya habang may tinitingnan mula sa kinatatayuan niya. Hindi pinapansin ni Yuri ang mga babaeng estudyanteng parang kiti-kiting kinikilig habang tinitingnan siya. Wala sa kanila ang focus niya kundi na kay Ellyse na kanina pa niya diretsahang tinitingnan. ‘Sino naman kaya iyong kasama niya?’ sa isip-isip ni Yuri. Tinitingnan rin niya ‘yung lalaking kasa-kasama ni Ellyse. ‘Kung makangiti pa siya sa lalaking iyon. Hay! Hindi ba niya ako naiisip? Asawa kaya niya ako,’ dagdag pa niyang isipin. Mahinang pumalatak si Yuri. Humugot rin siya ng malalim na hininga saka bahagyang umiling-iling. ‘Ano bang pakiealam ko kung may kasama siya?’ sabi ni Yuri sa kanyang utak. Napaisip siya. ‘Tama. Ano nga ba