Chapter 3

2140 Words
CAMELLA/ CODE RED POV “May kalaban na nakapasok!” isang sigaw ng lalaki kaya agad akong tumakbo patungo sa entrance ng gusali na ito, wala akong pagpipilian kaya mabilis akong tumakbo patungo sa gate, kaunti lang naman ang nagbabantay doon, bawat ginawa kong hakbang ay doon naman napupunta ang bala na tinira sakin. “f**k!” “Bilisan niyo at baka makatakas!” sigaw ng lalaki. Takbo lang ako ng takbo at hindi alam kung saan pupunta at mas lalong hindi ko alam kung saang banda na ako ngayon. Pero pakiramdam ko ay medyo malayo na ako sa lugar na iyon, pero nakikita ko parin ang mga ilaw na dala nila na mukhang pinaghahanap parin ako, nagtatago ako ngayon sa malaking puno. Napatingin ako sa bitbit kong box, "How about this?” ani ko at tinitigan ang box at ang lupa na inapakan ko hinawakan ko ito at agad na napaisip ng plano. Malambot lang ang lupa at kung hu-hukayin ko ito ay mabilis lang, hindi na ako nag dalawang isip at agad na nag hukay hanggang tuhod ang lalim, mabilis ko lang talaga itong nahukay dahil sa lambot ng lupa hinubad ko ang suot na jacket at ginawang pam balot sa box bago ko inilibing at tinabunan ulit, bawat pagtabon ay tumitingin ako sa paligid, ang sipon at pawis ko ay sabay na tumutulo. "Oh God!“ usal ko ng tagumpay kong nailibing. Kumuha ako ng mga damo at mga tuyong dahon upang hindi mahalata. Malapit na sila kaya agad akong umalis, nahagip ang binti ko sa sanga kaya ako napasigaw, “s**t! ang binti ko.” umaagos na ang dugo mula doon. Napalakas yata ang hagip. “Boss doon banda! Doon ko narinig ang sigaw!” rinig kong sigaw ng nga tauhan. “Ayon ang babae boss!” sigaw nito at ilang sandali lang ay may mga bala ng lumipad patungo sakin. Kahit nasasaktan ako sa binti ko ay hindi ako sumuko at mas binilisan pa nga ito. Wala akong panahon upang makipag palitan ng bala, ang kailngan ko ngayon ay ang makatakas. Takbo lakad takbo ang ginagawa ko may nakita ako sa unahan na parang daan. “s**t sana merong sasakyan.” hiling ko. Nakarating na ako sa kalsada at rinig ko parin ang yapak ng mga kalaban, kaya hindi ako pwedeng magpahinga, pinagpatuloy ko ang pagtakbo. Isang puting sasakyan ang huminto sakin. Kaya naging alerto ako. “Code Red sakay!“ sigaw ng Isang boses. Kaya napalingon ako sa tao. Nang nakilala ko iyon ay agad akong napahinga at mabilis nitong pinaandar kaya hindi kami naabutan ng kalaban. “Nakuha mo'ba?” “What are you doing here? Bakit ka nakarating dito?” tanong ko imbes na sagutin ang kanyang tanong. "Supremo told me to rescue you red.” sagot nito. “So nakuha mo nga?” "Yeah.” “Patingin.” excited nitong ani sakin. Napabuntong hininga ako at kinuha ang isang USB. "Ang laman ng USB na ito ay ang ebidensiya.” "Weh? Akin na nga tingin ako.” ani nito sakin at agad na hinablot ang USB. Napatingin naman ako sa seatbelt niya dahil hindi ito nakakabit. “Yong seatbelt mo, ayusin mo.” Hindi niya ako sinagot at nginitian niya lang ako ng nakakaloko, "Ang tanga mo talaga red.” ani nito at agad na binuksan ang pintuan nito at tumalon. Hahawakan ko'na sana ang manibela ng huli na ang lahat. Tumalon na ang kotse na sinasakyan ko patungo sa bangin. “I'm dead for sure.” huling ani ko at ipinikit ang mata. 1 year later.... Nakaupo ako sa bangketa na nasa harapan ng bahay ni nanay Carmelita habang nagkakape. Kakagising ko palang at tinimplahan kaagad ako ni nanay ng kape. “Apo, maayos na'ba ang pakiramdam mo?” makulit na tanong ni nanay sakin. Isang Linggo na ang lumipas ng nagising ako mula sa mahabang coma. Ang sabi ni nanay saakin ay napulot niya ako sa gilid ng daan at mukha raw na nakaligtas ako sa isang aksidente, hindi naman matukoy ng mayor dito sa bayan kung saan ako galing dahil wala naman raw nag claim sakin. Kaya ang ginawa nila ay tinulungan nila si nanay sa mga gastusin, habang ako ay nakahiga sa kama sa loob ng bahay, hindi afford ni nanay ang hospital bill kaya ay nag disisyon siyang sa bahay nalang ako ilagay at meron naman daw na personal doctor ang mayor at iyon ang nagtitingin sakin tuwing Linggo. “Nay ayos lang po ako.” magalang kong sagot nito at bahagyang nginitian ito. "Kung ganon ay sumama ka sakin at titignan natin ang mga ibinilad kong mais kaninang umaga.” masayang ani nito upang maibsan niya ang nararamdaman ko. Pagkagising ko kasi ay wala akong maalala at sabi niya hanggang sa makaalala ako ay tatawagin nalang muna niya ako sa pangalang Camella. Nakakapagtaka naman kasi bakit ako na aksidente tapos walang pamilya na nag claim sakin? Hindi naman sa wala akong tiwala kay nanay Carmelita medyo hindi lang talaga ako sanay. “Sige po nay, mag aayos lang po muna ako.” sabi ko ay agad na tumayo upang makapag bihis sa silid, nakapang tulog pa kasi ako kaya kailangan talagang mag bihis ako. "Oh siya sige apo, maghahanda lang ako ng makakain natin doon.” magiliw parin nitong sabi sakin. Habang ako naman ay agad na umakyat sa pangalawang palapag ng bahay ni nanay, hindi naman ito malaki may pangalawang palapag lang talaga ito at dalawang kwarto rin tig-isa kami ni nanay, pagkatapos kong magbihis ng isang jogging pants at itim na t-shirt ay agad akong bumaba upang makaalis na kami. “Nay tapos na'po ako.” sambit ko ng nasa dulo na nang hagdanan. "Sandali nalang apo at malapit na akong matapos.” Kumunot naman ang noo ko dahil bakit nasa kusina parin ito, akala ko'ba ay kaunting pagkain lang? Hindi ako nagdalawang isip na puntahan si nanay sa loob ng kusina, pagkapasok ko ay nakita ko siyang inilagay na ang mga tupperware sa loob ng eco bag. “Nay bakit ang dami?“ “Na panga-kuan ko kasi ang tiya Isabel mo na dalhan ko siya ng paksiw na bangus.” “Tiya Isabel P-po?” Agad naman itong napabaleng sakin at napatampal sa sariling noo, “Ay nako, tulog ka pala non ng dumalaw iyon dito, si Isabel ay batang kapatid ng tatay lito mo kaya tiya Isabel ang tawag mo sa kanya.” Tumango na lamang ako at tinulungan sa mga dalahin, "Ako na'po ang magdadala nito nay.” Malapad naman itong ngumiti sakin, simula noong nagising ako ay sobrang palangiti ni nanay, para bang wala siyang problema at tsaka pansin ko siya na sobrang lapitin ng mga kapitbahay, minsan nga ay maghapon ang mga itong mag chikahan na hindi ko naman maiintindihan. Naglakad kami patungo sa bukid kung saan ang maliit na payag ni nanay at mga mais na bagong ani, sabi ni nanay ay malapit lang doon ang bahay ni tiya Isabel hindi naman sobrang layo kaya mabilis lang kaming nakarating. Malayo paman kami ay may dalawang bata ng nagsisigaw patungo sa'min. “Nanay! Nanay!” sigaw na sigaw ng dalawang batang babae at lalaki. Napatawa naman si naman si nanay dahil sa kakulitan ng dalawa, “Nay? May dala ka pong juice?” unang tanong ng batang babae. “Ano ka'ba naman ivanna, juice talaga ang unang itanong mo kay nanay? Hindi pwedeng kumusta?” pangangaral ng batang lalaki sa babae. Namewang naman agad ang babae at tumingin sa kuya niya, “Abah kuya sino ang atat satin kanina na makarating na si nanay? At tsaka hello nakalimutan mong humiling ka'pa nga kanina ng isdang tuyo.” Hindi ko'na napigilan ang tawa ko dahil sa dalawang nag bardagulan, “Nay anak ba sila ni tiya Isabel?” bulong kong tanong kay nanay habang ang mga mata nito ay nakatingin sa dalawang bata. "Hindi apo, apo iyan ng tiya Isabel mo, sobrang kulit no?” Tumango na lamang ako at tinignan ang dalawa na nag-irapan. “Abah ang cute niyo namang dalawa.” puri ko sa kanila na sana pala hindi ko nalang ginawa dahil sabay itong binaleng sakin na parehong salubong ang kilay. "Hindi kami cute! Maganda at gwapo kami.” sabay na sagot nilang dalawa sakin. Ngumiwi nalang ako dahil sa sobrang tinis ng kanilang boses, “Okay, okay, hindi na kayo cute.” pagsuko ko. Nang meron siguro silang napagtanto ay agad silang napatingin sakin, "Ha? Sino ka naman po?” intriga sakin ng batang babae habang ang lalaki ay nakatingin lang sakin. Sasagot na sana ako ng biglang may sumigaw sa hindi kalayuan, "Aba't mga impakta kayong dalawa, diyan pa talaga kayo mag-uusap hindi ba kayo naawa sa nanay Carmelita niyo at ate camella?!” sigaw ng boses babae. Napabaleng naman ako don at nakita ang Isnag babaeng medyo katabaan at may umuusok sa bibig? Sigarilyo? “Shes smoking? It's not good.” “N-nay ganyan ba talaga siya?” tanong ko ng pagkaupo namin sa bangketa na nasa labas ng bahay nila. Bumaling naman kaagad si nanay sakin at tinignan ako ng masinsinan. “Takot ka sa kanya?” Umiling ako, “Naninigarilyo po siya tapos mahilig din po siyang sumigaw.” mahinang bulong ko, agad akong napa-ayos ng upo ng nakita lumabas na ito mula sa loob ng bahay. "Ate Carmelita, pasensya na at ito lang ang maibibigay kong meryenda sa inyong dalawa.” nahihiyang ani ni tiya Isabel. "Hay nako Isabel sabi ko naman sayo na huwag muna kaming bigyan, May dala din kasi ako rito. Tsaka nga pala kumain na'ba kayo ng umagahan baka hindi nanaman ha?” Tahimik lang ako nakaupo katabi si nanay at nakikinig lang sa kanilang usapan. Tumawa muna si tiya Isabel bago sinagot ang tanong ni nanay Carmelita. "Tapos na kaming kumain ng umagahan ate.” sagot nito at inilapag ang dala niyang meryenda, dalawang cup na kape at dalawang puto-maya, bigla tuloy akong natakam ulit sa puto-maya masarap kasi yon, iyon din ang pares ng kape ko kanina. “Apo Camella gusto mo'bang magkape o juice nalang?” napatingin ako kay nanay ng tinanong niya ako, “K-kape lang po nay, masarap din po kasi ang puto-maya.” nahihiya kong sagot. Nagtawanan naman ang dalawa dahil siguro sa utal-utal kong pagsasalita, “Ineng, maayos na'ba ang pakiramdam mo? Ako pala ang tiya Isabel at yong dalawang bata kanina ay apo ko iyon.” ani nito sakin. Napatingin naman ako sa dalawang bata na naglalaro habang nakabilad sa araw, "Apo niyo po? Saan po ang mama nila?” tanong ko dahil dapat ay ang ina at ama ng mga ito ang mag-aalaga at hindi ang lola. Bumuntong hininga naman si tiya Isabel at malungkot na tumingin sa'kin, "Bata palang ang mga iyan ng iniwan ng anak ko sa'kin, naghiwalay kasi ito sa ka live-in at ang sabi ay mag tatrabaho upang may panggastos sa apo ko, pero hanggang ngayon ay wala na akong balita sa anak ko.” malungkot nitong pag kwento. "Pasensya na'po.” hinging paumanhin ko dahil nahalungkat pa ang hindi ka-aya aya na nakaraan. Wala naman itong sinagot sakin at ngumiti lang bago bumaling kay nanay at pinagpatuloy ang pag-uusap. Pagkatapos kong inumin ang kape at kainin ang puto-maya ay tumayo ako at tinungo ang dalawang bata na naglalaro parin ng bahay-bahayan, “Ate, alam mo bang ang ganda-ganda mo'po?” biglang tanong sakin ng batang babae na hindi ko man lang namalayan na nakalapit na pala ito sakin. Ngumiti ako sa bata, “Ilang taon kana Ivanna?” tanong ko rito at inayos ang buhok na tumatakip sa mukha nito. “Eight po kami ni kuya Ivan po.” magalang nitong sagot sakin habang malaki ang ngiti. Kumunot naman ang noo ko dahil bakit pareho sila ng edad. "Kasi po ate, kambal po kami ni kuya ivan.” sabi nito na para bang naintindihan ang pagtataka ko. “Ah okay.” Bumalik naman ito sa bahay-bahayan nila at nagpatuloy sa paglalaro, ilang sandali lang ay lumapit na si nanay sakin, “Apo halikana at alis na tayo, pupunta naman tayo doon sa payag ko upang matignan ko ang mga mais.” ani ni nanay sakin. Tumango lang ako at sumabay sa paglalakad niya. Hindi naman malayo ang payag nito sa bahay ni tiya Isabel, ang ganda pala rito, maraming tanim na mais at kamoteng kahoy at tsaka mga puno ng mangga. Umupo ako sa bangketa ni nanay rito sa labas ng payag niya habang ito naman ay tinignan ang mais na ibinalad sa araw. Habang nagtitingin ako sa paligid ay napadapo ang mata ko sa mga taong busy sa pagtatanim, ngunit isang pares ng mga mata ang nakakuha ng pansin ko. Isang matang hindi mo mababasa at naging dahilan ng pagtayo ng bawat balahibo ko sa katawan. “Sino siya?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD