Chapter 4

2294 Words
Camella/ code Red POV Maghapon kami ni nanay kahapon sa bukid kung saan ang payag niya, hindi ko nalang din pinansin yong lalaki na nakita ko dahil hindi naman yon importante diba? “Apo, sasama ka'ba ngayon sakin? Pupunta akong palengke kasi.” tanong ni nanay sakin habang inaayos nito ang bitbit na isang eco bag kung saan pwede upang lagay ang pinamili. “Ngayon na'po nay? Malayo ba?” Tumango ito, “Oo apo ngayon kasi kaunti nalang ang pagkain natin.” sagot nito sakin. "Saglit lang po.” ani ko at mabilis na tumakbo sa itaas upang magpalit ng pantalon. Pagkatapos ay agad rin naman akong bumaba at nilapitan si nanay Carmelita. "Tayo na'po nay, ako na'rin po ang magdadala nito.” ani ko. Naghintay kami sa waiting shed ng jeep, sabi kasi ni nanay ay medyo may kalayuan ang palengke kailangan pa naming sumakay ng jeep kasi lubak-lubak ang daan tapos pababa rin, bali kami ang purok tres ng old town city o lumang sitio nakakapagtaka nga dahil parang pang sosyal ang pangalan ng lugar pero bukid naman diba? Nang huminto ang jeep ay tinulungan kong umakyat si nanay upang hindi mahirapan at ako ang panghuli at Yong mga kasamahan naming naghihintay rin, kanina pa nga ako naiilang sa mga ito dahil panay tingin ito sakin. 45 minutes ng nakarating kami sa bayan kung saan ang palengke meron din silang gusali rito na nag bebenta ng kagamitan sa bahay kaso nasa mismong city ang mall. "Apo gusto mo'ba ng bagong damit? Pwede tayong bibili muna.” pag-alok sakin ni nanay pero agad akong umiling, marami din kasing damit na binili niya noong nasa coma palang ako at tsaka nahihiya ako kasi alagang-alaga niya ako tapos pagagastusin ko lang siya. Umi-iling ito ng tinanggihan ko ang alok niya kaya't dumeretso nalang kami sa palengke upang makabili sa mga kailangan, unang pinuntahan namin ang mga isda pangalawang libot namin sa isdaan stall ng sa wakas ay nakapag disisyon na si nanay kung ano nga'ba ang bibilhin nito. Kumuha siya ng tatlong bangus at galunggong paborito niya kasi iyon lalo na kapag prito tsaka niya huling kinuha ang maliit na isda, bulinaw yata ang tawag non. “Nay iyan lang ba lahat?” tanong ko at kinuha ang mga nabili upang mailagay sa dala kong eco bag. "Oo apo, iyan lang muna doon naman tayo sa karne, ano ba ang gusto mo? Gusto mong mag sinigang ngayong gabi?” tanong nito sakin habang naglalakad patungo sa karnehan. "Kahit ano po nay, wala naman po akong problema.” sagot ko at nagpatuloy sa paglalakad. "Oh siya sige mag sinigang tayo mamaya.' pinal nitong ani sakin at nagpatiuna na maglakad. Hindi pa ito nakakalayo sakin ng nakaramdam ako ng matang nagmamasid. Kaya mabilis kong inilibot ang paningin upang mahanap ito ngunit wala naman akong nakita. Nagkibit-balikat ako at nagpatuloy nalang sa paglalakad. "Apo may problema ba? Napahinto ka kasi.” tanong ni nanay sakin ng nakalapit ako sa kanya doon sa isang stall ng karnehan. "Wala po nay.” Tumango ito sakin at pinagpatuloy ang pagpili ng karne, isang belly cut at mga Paa ng baboy ang kinuha ni nanay, masarap raw kasi iyon sa sinigang wala naman akong ma e react dahil wala akong alam sa mga ganyan. Pagkatapos nanaman sa karne ay hinila nanaman ako ni nanay sa mga gulayan na pwedeng masahog sa pinamili namin. Kukulangin kasi ang gulay na nasa likuran ng bahay namin kaya kailangan ng mas marami. Habang namimili si nanay ay nakita ko nanaman ang mga mata katulad ng nakita ko kahapon. Kumunot ang noo ko dahil kahapon ay ganon rin ang laman ng kanyang mata at tsaka nagtayuan parin ang mga balahibo ko tuwing natitigan ko ang misteryoso niyang mata. "He's weird and kinda creepy.” “Nay?” tawag ko kay nanay habang nakatitig parin sa lalaki na binawi na ang tingin sakin. "Apo? Bakit?” tanong naman ni nanay sakin. "Nay kilala mo'ba yon?” tanong ko habang nginuso ang baba upang maituro ang lalaki. "Nakita ko'rin kasi siya doon kahapon sa payag kasama ang mga magsasaka.” dagdag ko. "Ah si Logan ba? Apo yan ng kapitan natin.” sagot nito sakin. "Ahh ganon po'ba okay po.” nakatitig parin ako pero may pagdududa parin talaga. Hindi ko nalang iyon pinansin at sumunod nalang kay nanay habang naglalakad kong saan ito patungo. Unknown POV Kahit nawalan na siya ng alala ay sobrang mabilis pa'rin nitong maging alerto sa paligid, napapansin niya parin ang mga taong nakatitig sa kanya. Nang nakita kong palabas na sila ng palengke ay agad akong lumabas rin sa kabilang daan, kinuha ko ang isang sako ng bigas na binili ko kahit naman marami pa akong bigas sa bahay, habang naglalakad sila ay sinusundan ko parin ito habang binubuhat ko ang Isnag sakong bigas. Sinadya ko talagang iwanan ang kotse ko sa malapit na paradahan ng jeep pabalik sa lumang bayan. Nang nakita ko silang paalis nanaman ay agad rin akong umalis at dumistansya sa kanila dahil nagmamasid rin ang babae sa paligid. "Hindi lang ba ako ang nagmamasid sa kanya? Meron pang iba?” agad dumagundong ng ka'ba ang dibdib ko at agad na inilibot rin ang tingin upang makita kong sino pa ang nagbabantay. Ngunit wala akong makita. Camella/ Code Red POV Inilibot ko ulit ang tingin ko dahil may nararamdaman nanaman akong sumusunod at tumitig sa'min O sa'kin. "Nay saan po tayo pupunta?” tanong ko dahil tapos na kaming bumili ng isda, karne at gulay at ibat ibang sahog ng lulutuin. "Sabi ko naman sayo bibili tayo ng ibang damit mo, tsaka gusto kong maghanap ng bagong kurtina dahil napaglumaan na iyong isa kong kurtina.” ani nito sakin. Hindi nalang ako umangal dahil alam ko'ng hindi ko naman ito mapipigilan. Habang pa-paliko kami sa isang kanto upang makapunta sa ukayan ay may tatlong lalaki ang humarang samin at dinidilaan pa ang dalang butilya nito. "TANDA AKIN NA IYANG BAG MO KUNG AYAW MONG MAMATAY!“ Singhal ng lalaki na nagmukhang tae este unggoy na walang ilong. “Dong, wala akong pera.” ani ni nanay at itinago ang bag sa likuran at mabilis na lumapit sakin at hinawakan pa ako sa braso upang protektahan mula sa mga lalaki. "Eh kung wala ka naman palang pera ito nalang apo mo tanda, mukhang masarap naman yan.” manyakis nitong ani at tumango tango pa ang mga kasamahan nito at sumang-ayon. "Huwag ang apo ko.” matigas na ani ni nanay at mas hinigpitan ang pagkakahawak sa braso ko. Lumapit naman ang nga ito kaya't napaatras kami. "Huwag ng maraming angal tanda ibigay muna iyang babae!“ sigaw nito at sasapakin na sana nito si nanay ng awtomatiko na sinangga ko ang kamay nito upang hindi masaktan si nanay. “Do you want to die?“ inis kong tanong at hinigpitan ang pagkakahawak sa pulso nito. "Aba pare lumalaban.” masayang ani nito sa mga kasamahan na para namang mga timang na tumatango kahit halatang natatakot na. Dahan-dahan nitong hinahaplos ang braso ko na nakahawak sa pulso nito patungo sa bandang dibdib ko, hindi ko'na makontrol ang emosyon ko at mabilis itong pinipilit, hindi pa ako nakuntento at agad na tinadyakan ang itlog nito na naging dahilan ng kanyang paghiyaw. "PARE TULONG!” Sigaw nito sa mga kasamahan na nagsi kanya-kanya ng takbo palayo. "Kawawa ka naman at iniwan kana ng mga kasamahan mo.” ani ko at agad na sinampal ng dalawang beses. Pabagsak ko rin itong binitawan kaya't napahiga ito sabay hawak sa kanyang naging scramble egg na yata. "Nay ayos kalang?” tanong ko kay nanay na tulalang nakatingin sakin. "A-apo h-huwag munang gawin yon ha? Baka matakot ang mga tao sayo.” ani nito sakin, tumango lang ako bilang pagsang-ayon pero may pagtataka parin ako sa sarili dahil bakit alam ko kung paano lumaban at may pa english pa akong nalalaman. Hinawakan ako ni nanay sa braso at ramdam ko ang lamig ng palad nito habang nanginginig parin, "Nay ayos na'po relax po kayo.” pag-alo ko at inakbayan ito habang hinahaplos ang likuran to give her comfort. Huminto kami sa isang ukayan at nagsimula ng mamili si nanay, habang ako ay salubong ang dalawang kilay, hindi ko talaga gusto ang ganitong idea I mean hindi sa ayaw ko sa ukay pero naiinis ako sa dami ng tao at tsaka may magtutulak pa sayo. "Apo ako na ang bahalang mamili dugo kalang sa tabi ko.” ani ni nanay sakin. Tumango lang ako at bawat paghatak ni nanay sa damit at ipinakita nito sakin kung nagustuhan ko'ba. Isang oras kaming nasa loob ng ukay-ukayan at ngayon ay napahinga ako ng malalim dahil sa wakas makakahinga ako ng preskong hangin. "Pagod kana ba? Gusto mong kumain muna tayo? May karenderya sa malapit rito.” pag-alok ni nanay. Doon ko lang naramdaman na gutom na pala ako kaya wala akong sinayang na oras at agad na tumango, napatawa naman si nanay sakin at napatitig sa noo ko, dali-dali nitong kinuha ang isang labakara sa loob ng sling bag nitong napaglumaan na, "Yuko ka kaunti apo at punasan ko lang ang pawis sa noo mo.” ani nito sakin. Yumuko naman ako upang maabot niya, ilang sandali lang ay natapos ito at ibinalik ulit ang labakara sa bag. "Salamat nay.” Pumasok kami sa isang maliit na karenderya at naghanap ng mauupuan, pero agad akong napahinto ng paglibot ng tingin ko ay nakita ko nanaman ang lalaking yon, "Sinusundan niya ba kami?” Napabuntong hininga nalang ako at agad na sumunod kay nanay at binalewala ang lalaki. "Anong sayo apo? May pancit at adobong manok sila rito.” "Adobo lang sakin nay at tsaka isang cup ng rice.” Tumango ito at agad na tinawag ang isang trabahante, "Ineng dalawang serve ng adobo at tsaka dalawang cup rin ng rice.” sabi ni nanay sa isang dalaga na babae. Siguro nasa 19 years old ito. "Okay po lola, kumusta po pala kayo?” pagtanong ng babae habang inilista ang order namin. “Tubig lang po lola? Wala na'pong drinks?” dagdag nitong tanong. Agad naman na bumaling sakin si nanay, “Ano sayo apo? Drinks soda o tubig lang?” “May Coke kayo miss?” tanong ko sa babae. Imbes na sagutin nito ang tanong ko ay nakatitig lang ito sakin at nakanganga, “N-nay may diyosa yata akong nakita.” parang timang na sambit nito at hinawakan pa ang braso ni nanay. Napahagikhik naman agad si nanay dahil sa naging reaksyon ng babae, “Ineng hindi engkanto ang apo ko.” natatawa na ani ni nanay sa babae. Ilang ulit pa itong napakurap-kurap at walang pagalinlangan na lumapit sakin at hinawakan ang dalawang pisngi ko. "H-hey get off me.” angal ko dahil nasasaktan ako sa klase ng kanyang paghawak sa pisngi ko. "Ano ang skincare mo? Ang labot naman ng pisngi mo at ang kinis.” baliw nitong tanong sakin habang nakahawak parin sa mukha ko. "Sabi ko BITAW.” matigas kong ani rito. Para namang napagtanto niyang nasasaktan niya na ako kaya agad niyang binitawan ang pisngi ko, “S-sorry.” nakayuko niyang tanong sakin. Napahinga naman ako ng malalim ng biglang— “Seryoso nga anong skincare mo? Share mo naman sakin.” tanong nito sabay lapit ng mukha niya sa mukha ko. Huminga ulit ako ng malalim at ipinikit ang mata, naiirita na ako sa babaeng 'to, “Can you please get what we ordered?” ani ko habang ang daliri ko ay tinulak ang noo nito. “Okay, okay pasensya na, pero sabihin mo sakin mamaya ha?” huling saad nito bago umalis upang asikasuhin ang order namin. Napapailing naman ako dahil sa kakulitan niya, "Pasensya kana kay Adeline apo, ganyan lang talaga yon sobrang kulit.” natatawa na ani ni nanay. Hindi naman nagtagal ay na e-serve na'rin ni Adeline ang order namin ni nanay Carmelita, "Nay kumusta po pala ang maisan mo? May nahanap kabang magdadaro?“ biglang tanong ni Adeline kay nanay. Kumunot naman ang noo ko dahil hindi ko maintindihan ang salitang binitiwan niya, “Whats mandadaro?” Kuryuso kong tanong. Mangha naman itong napatingin sakin, “Seryoso? Hindi mo alam kung ano ang magdadaro saang lupalop ka'ba nanggaling?” tanong nito sakin. Natahimik ako, “I don't know, hindi ko alam kung saan ako nanggaling at bakit ako na aksidente at wala man lang pamilyang naghahanap sakin.” "Adel hindi lahat ng lengwahe ang naiintindihan ni Camella.” pag pigil ni nanay kay Adeline na magtanong pa. “Oh siya sige nay, dadalaw po ako sainyo ngayong Linggo day off ko yan at tsaka kailangan ko ring uwiin si nanay doon at matignan ang kalagayan.” Tumango lang si nanay matapos magpaalam ni Adeline na babalik na sa trabaho. Kanina pa ako tapos sa pagkain habang nag uusap ang dalaw, "Nay, wala na'po ba tayong pupuntahan pagkatapos rito?“ tanong ko at inayos ang buhok na nagulo. "Wala na apo, kompleto naman ang nga nabili ko, tapos kana ba? Alis na tayo?” tanong nito sakin. Agad rin akong tumango at tumayo gusto ko ng umuwi upang makapag pahinga nangangalay na kasi ang binti ko kakalakad. Napahinga ako ng malalim ng nakaupo na kami sa loob ng jeep, "Sa wakas.” bulong ko sa sarili. Nagising lang ako ng may tumatapik sa pisngi ko, “Apo gising na andito na tayo.” ani ng malamyos na boses. Iminulat ko ang isang mata ko at nakita ang mukha ni nanay Carmelita. "Halika na at bababa na tayo.” muling ani nito at tumayo. Sumunod naman ako habang bitbit ang mga pinamili namin. "Nay! Regards po ako sa apo niyo!” sigaw ng konduktor ng umalis na ang jeep.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD