Camella/Code Red POV;
Hanggang ngayon ay natatawa parin ako sa lalaki kanina. What the F? Nag english ba naman rito sa baryo, hindi naman lahat ng tao rito magaling o nakakaintindi ng English, Basi sa pag obserba ko ay kung hindi tagalog ang kanilang lengwahe ay bisaya naman. Ito ang madalas rito na ginagamit sa mga tao ang bisaya o tagalog language lalo na kapag mga ultimo lang na mga tao, I mean yong mga taong walang pinag-aralan, hindi naman sa nanghuhusga pero marami talagang taga mindanao na hindi masyadong nakakaintindi ng English, Tagalog at bisaya marami.
“Heres your order maam, enjoy po.” the staff said at inilagay sa table ko ang order ko'na pagkain.
“Thank you miss.” tumango naman ito at mabilis na umalis, tinignan ko ang mga pagkain at natakam ng nasilayan ang mga ito.
“Lutong kusina ng mga taga mindanao andito na ako.“ sambit ko at mabilis na nilantakan ang pagkain.
Mula sa kilawin hanggang sa shrimp crabs at iba pa, meron pa nga silang tinatawag na lato or sea grapes, latok or green caviar o kung anong totoong tawag ng mga tao nito.
Ang mga ganitong klaseng pagkain ay makukuha sa lamang dagat yong bilog-bilog ang mga ito at kulay green. Ang madalas na pagluto nito ay “Ensaladang lato.” always popular sa mga Pinoy. Hinahanap hanap talaga ito lalo na iyong kilawin, sugba na karne. Masarap talaga ang mga ito lalo na kapag andito ka sa tabing dagat.
Napa dighay pa ako dahil sa kabusugan ko, “Ang sarap talaga.” puri ko at agad na binitbit ang dala, tapos na akong nag bayad sa mga kinakain ko kaya maaari na akong umalis.
Magiliw akong naglakad pabalik sa barong kung saan ako nag stay ngayon, maliit lang ito pero sapat na para sa'kin hindi ko naman kailangan ng malaki na espasyo. Pagpasok ko ay agad akong nagtaka dahil may kaunting pagbabago sa mga gamit ko, “Nalu-oban ba ako? Imposible.”
Agad kong tinungo ang isang bagay na importante, napahinga ako ng malalim ng nakitang andon lang at hindi nabago ang posisyon nito. Agad kong sinilip ang bintana at nagmasid sa mga taong dumadaan at nagbabakasakali na may makitang kahina-hinala na tao. “Mukhang may sumusunod sa'kin rito, s**t! Delikado ako.”
Ni-lock ko ang lahat ng bintana at pinto bago bumalik sa kama at binuksan ang laptop, I log-in my account to the website kung saan kami pwedeng mag-usap ng supremo. Pagkabukas ko ay agad kong nakita ang kanyang message.
“Ano na ang sitwasyon mo diyan Red?”
Agad akong nag-tipa upang pang reply, “Maayos supremo pero mukhang may umaaligid sakin ngayon rito, pero sa ngayon kontrolado ko'pa naman ang sitwasyon.”
Ilang sandali akong naghintay sa maging reply ngunit wala akong natanggap nakita ko naman na na view niya na ang message ko.
Napadaan ako sa team Group chat isang bagay na hindi ko nagustuhan, walang sino man ang nakakaalam na saakin ang isang account na nagngangalang code Black, ito ang ginagamit ko sa mga Group chat na hindi naman importante nababanas na kasi ako sa palagi nilang pinaparinig kesyo napaka arte ko kaya naisipan kong gumawa ng account bali dalawang account ko ang kasali sa GC.
Isang mensahe ni Code B ang nakakuha ng atensyon ko, sanay na ako sa bawa't insulto niya pero ang hindi ko matanggap ay ang sinabi niya sa GC, “Siguro jowa niya si supremo dahil palagi nalang siya ang nabibigyan ng misyon, sipsip na nga kumakapit pa sa patalim.” ito ang isang bagay o salita na ayaw ko para bang pinamukha niya sa ibang kasamahan namin na hindi ako lumalaban ng patas.
Ito namang mga maliliit rin ang utak na mga kasamahan namin ay sumang-ayon agad, sino ba kasi ang gugustuhin na bigyan sila ng misyon kung palagi namang palpak? Walang isang misyon na tagumpay tapos ang lakas nilang mag demand.
Inis kong ni log-out ang account ko at pabagsak na sinara ang laptop, "She's weird, sobrang liit talaga ng utak niya.”
Tumihaya ako at inisip kung ano ang unang magiging hakbang ko para bukas, “Kailangan ko'bang sundan ang lalaking yon? Siguro bukas pupuntahan ko ang lungga niya at kunin ang impormasyon. Nasa isang sikat na resort siya kaya pwede ko siyang mapasok doon.
Ang misyon ko ngayon ay kunin ang record ng kanyang negosyo, kailangan namin iyon upang gawing ebidensya laban sa kanya kung mahuhuli namin siya. Mula sa kanyang illegal at legal na negosyo. Isang malaking tao ito at kailangan talagang pagtuunan ng pansin at mabusisi na pag imbestiga. Ang sabi ay kumukuha ito ng mga dalagang babae at binenta sa ibang lugar lalo na sa Japan, dahil ito ang pinakaraming babaeng bayaran, kahit nga Pinoy ay gustong pumunta doon dahil malaki ang bayad kapag papasok ka sa isang bar doon bilang isang bayaran na babae. Sa madaling salita isa itong human trafficking.
Meron din itong negosyo sa black market kung saan ito nagbebenta ng mga armas at iba pang gamit, isa rin itong drug dealer.
Hanip diba? Sa dinami-dami na pwedeng gawing negosyo ito pa talaga ang kanyang napili, hindi niya talaga naisip meron pa naman siyang mga anak na babae.
Hindi ko namalayan na nakatulugan ko pala ang pag-iisip sa maging misyon.
Kinaumagahan ay maaga akong nagising dahil sa lakas ng hampas nang nga alon. Bumangon ako at nag timpla ng kape at lumabas, umupo lang ako sa buhangin at tinignan ang karagatan. “Magandang umaga ineng.”
Agad akong napalingon sa matandang babae, “Magandang umaga din po nay.” pagbati ko habang hinigop ang kape na hawak. Ngumiti lamang ito at nagpatuloy sa paglalakad, may dala itong balde at doon ko lang namalayan na naglalako pala ito ng isda. "Matanda na siya pero naglalako parin, asan kaya ang mga anak niya?”
Tumingin nalang ako sa araw na papasikat pa. “Mamayang alas singko ako magsimula sa misyon ko, sana lang maging maayos ang lahat.”
Buong hapon ay nakatambay lang ako sa kubo at nagmamasid sa mga tao, hindi naman sana ito kailangan dahil hindi naman nila alam ang mukha ko pero para iwas palpak ay kailangan ko paring maging alerto lalo na malaking tao ang magiging misyon ko ngayon.
Nag-alas singko na'nga at pakiramdam ko ay ang bilis lang ng oras, parang kani-kanina lang ay nag ka-kape pa ako sa labas at nag muni-muni habang nakabilad sa aaraw.
Agad kong kinuha ang gamit ko, tatlong baril ang dala ag nilagay ito sa tagiliran habang ang dalawa ay nasa gun vest ko inilagay. At lalong lalo na iyong importante kong dalahin ang information ng taong yon hindi ko pwede ito iiwan rito dahil kung sakali lang naman na may hindi magandang mangyari ay safety ito.
Suot ang isang leather jacket at pants ay lumabas ako sa baro at naghanap ng masasakyan patungo sa isang building na kung saan ka pwedeng mag renta ng kotse o motor kailangan ko ng motor upang makarating doon sa lugar. Dalawang oras ng nakarating ako sa resort kung saan ang target ko, pero agad napakunot ang noo ko ng nakitang maraming mga tauhan na nagkalat.
“Hindi ako basta-basta makapasok.”
Agad akong nagtago at pinagmasdan ang buong lugar, lagpas bente ang mga armadong lalaki na nagbabantay sa labas ng resort at kapag papasok ka naman sa entrance ay Che-Check nila ang dala mo. At ang nakakapagtaka din ay ang mga taong sibilyan na nagsi kanya-kanya ng labas. “What happened? Bakit sila naglabasan?”
Isang matandang babae ang palapit sa puwesto ko, "Nay pwede po bang magtanong?“
“Oo naman ineng, ano ba iyan?”
“Ano po bang nangyari at naglabasan kayo sa resort? Wala na'po bang bakante?” magalang kong tanong.
Bumuntong hininga ito tsaka niya sinagot ang tanong ko. “Ang sabi ay may nag rent ng buong resort kaya ang mga bayad namin ay ibinalik upang makaalis, nakakapanghinayang nga dahil matagal na kaming naghintay ng bakante at nasayang lang ang lahat.” sagot nito sakin.
Tumango ako at tinignan ulit ang entrance.
“Maraming salamat nay.” Umalis agad ako don at naghanap ng pwede ma tambayan, kailangan kong bantayan ang kilos nila.
Wala namang ibang ginagawa ang mga ito, kundi nagbabantay lang talaga sa paligid.
“Hindi kaya naging alerto sila dahil nalaman nilang may papasok ngayong gabi? Pero nakakapagtaka dahil ako at si supremo lang ang nakakaalam na ngayong gabi ako mag imbestiga.”
Exact 10 pm ng bigla nalang may itim na mga sasakyang lumabas sa entrance, “Lima? Andami naman, ano kaya ang gagawin nila. Lilipat ba?”
Mabilis akong umangkas sa motor at hinintay na makadaan sila sa banda ko. Binibilang ko ang sasakyan na dumaan malapit sa puwesto ko pero apa't lang ito kaya agad akong bumaling muli sa resort, “Aba't tatakas pa.”
Mabilis kong sinundan ang isang kotse na nag-iba ng daan, malayo-layo pa ang nilakbay namin, laking pasalamat ko din dahil merong sumasabay na mga kotse kaya hindi ako pagdudahan na sumusunod sa kanila. Napakunot ang noo ko ng pumasok ito sa malaking gate, “Mansyon niya? Pero hindi naman nagmukhang mansyon ang lugar dahil parang lumang bodega lang.“ pinarada ko ang motor sa hindi kalayuan at tinignan ang entrada.
“Limang tauhan.“ sumilip din ako sa kabilang side, “Tatlo.”
“Meron naman sigurong pwedeng pag-akyatan ko rito diba?” Naglakad ako patungo sa bandang likuran ng lugar, malaki pala ang lugar at medyo mataas ang pader. Mukhang ginawa talaga ito ng sadya upang iwas akyat bahay o akyat kalaban.
Walang kahit anong butas o kahit yong butas ng pwedeng madaanan ng aso. Nagtuloy-tuloy lang ako, nang napahinto ako sa isang puno.
“Pwede na siguro 'to.”
Agad akong umakyat upang makapasok na sa kabilang dako. Isang sanga ng puno ang maari kong daanan pero kailangan na maingat lang dahil payat na sanga ito mahirap ng mabali at baka sa ibaba ako pulutin. Napahinga ako ng malalim ng nagtagumpay akong makapasok sa kabilang dako.
Agad akong gumulong patungo sa malaking nagkumpulan na mga bulaklak dahil sa mga tauhan na nag lalakad at may dala pang ilaw.
"s**t! kahit pala sa loob ang higpit rin.”
Naghintay ako ng ilang minuto bago napagdesisyunan na pumasok sa parang bodega, tagumpay rin akong nakapasok, ma-ingat kong kinasa ang baril na may silencer, mahirap na at baka maunahan pa ako.
“Hindi naman ito bodega, para itong bahay sa loob.”
Dahan-dahan akong naglakad at lumiko sa isang pasilyo, "Anong lugar 'to?”
"Pre ganda ng isang babae na nakuha natin, kung hindi yon gagalawin ni boss pwede bang makaisa tayo?”
Rinig ko mula sa dalawang lalaki na nag-uusap habang binagtas ang pasilyo kong saan ako nakatago, “Mukhang may nakuha nanaman silang bagong ibenta.”
"Kung papayag si boss, bakit hindi diba? Ang sexy pa naman ng isang yon at ang kinis pa ng balat sarap dilaan.”
“Napaka manyak, kaya bagay talaga silang ilibing ng buhay.” ani ko, pagkalagpas nila sakin ng kaunti ay agad kong itinutok ang baril, pwede ko naman silang barilin dahil silencer ang dala ko. Ang ulo ang pinuntirya ko, “Yown sapol.” bulong ko'pa sa sarili.
Mahina ko silang hinatak papasok sa isa pang silid, na naging dahilan ng aking pagsinghab.
“A-ate t-tulong po.”
Agad akong napabaleng sa isang batang babae na nahihirapan sa kanyang lagay, nakagapos ang dalawang Paa at kamay nito habang dumudugo ang ulo, "f**k! Mga walanghiya talaga sila."
“A-ate u-unahin mo'po ako, kailangan kong dalhin ang kapatid ko sa hospital.” umiiyak naman na saad ng isang lang babae.
Hindi ko sila kayang itatakas dahil mabibisto ako at baka maging dahilan ng hindi ko makompleto ang misyon, kinuha ko ang dalang selpon at agad na kinuhanan sila ng video, “Can you please say something?” paki-usap ko bago cinancel ang unang video, tumango tango silang lahat, kung bibilangan ko ay mga lagpas bente ang mga ito halo-halo na mula sa minor de edad at mga legal na mga babae.
Bawat tapat ko sa kanilang mukha ay may sinasabi naman sila, pagkatapos kong ma video-han ay agad akong humarap sa kanila, “Huwag kayong maingay, dahil merong magliligtas sainyo, huwag niyong sabihin na merong nakapasok okay? Isa akong tauhan ng gobyerno kaya huwag kayong mag-alala.” ani ko, kahit naman ay walang kasiguraduhan na may makakatulong sa kanila.
Agad silang nag tangu-an matapos kong sabihin, “Huwag kayong maingay.” huling bilin ko at agad na lumabas sa silid na iyon, napatago naman ako ng merong isang grupong papalapit sakin.
“Pre may bagong dating na armas at drugs ngayon sabi ni boss check raw natin kung tama ba ang bilang.” ani naman ng isang kasamahan nila.
Agad nitong nakuha ang atensyon ko kaya patago akong sumusunod sa kanila, namalayan ko nalang na andito kami sa bandang likuran kong saan ako kanina dumaan pero isang malaking tambayan at maraming tauhan na may dalang mahahabang armas.
“Hey wazzup kumusta kayo?” bati ng lalaki na sinusundan ko kanina. Nagtago lang ako rito sa liblib na lugar at agad na inilabas ang selpon upang makuhanan ito ng video, I also set a airplane mode upang iwas ingay.
Dalawang malaking kahon ang nakita ko at isang sako na, "Ano yan? Drugs?”
"Binilin ni boss na e check namin at tikman na'rin yan.” ani ng Isang lalaki at tinuro pa ang isang sako.
"kaunti lang jugs baka kami ang malalagot.” banta naman ng isa pa.
Tapos ko'na silang kuhanan ng video kasali panga ang mga pagmumukha nila. Agad akong tumayo ngunit hindi ko namalayan na may tuyong sanga na naging dahilan ng ingay.
“Sino yan?!” rinig kong sigaw ng isang tauhan. “Lumabas ka kung ayaw mong mamatay!?” dagdag nitong sigaw.
Naipikit ko nalang ang mata ko at nagdasal na sana hindi na pakialaman iyon, “Hayaan muna jugs at baka isang daga lang 'yan.” ani naman ng isang tauhan. Napahinga ako ng malalim ng sinunod naman ng lalaki ang sinabi ng kasamahan.
Maayos akong nakaalis doon at ngayon ay nilakbay ko nanaman ang isa pang pasilyo, hindi ko alam kong saan ito patungo pero malakas ang kutob kong may ibang mangyayari dito. Malapit na ako sa isang silid ng may lumabas doon na limang lalaki.
“Boss, kailan babalik si sir? Alam mo naman baka pwede tayong maka score sa mga nakuha natin.” pagbibiro ng isang lalaki.
“Kakaalis lang niya at pabalikin mo agad? Gusto mo bang mamatay ng maaga Joseph?” inis na sagot ng boss raw nila.
Umalis? So wala ang hari nila ngayong gabi pumunta lang ito rito upang mag check? Mmm... mukhang mas maging maayos ang plano ko ngayon. Pagkaalis ng mga ito ay pumasok naman ako sa nilabasan nila kanina.
“Opisina siguro 'to ng matandang yon.” Agad akong lumapit sa lamesa ng may nakita akong computer, alam ko kung paano mag open ng computer kahit pa may password ito. Maraming files ang nakita ko at iniisa-isa kong binuksan ang mga ito, napasinghap ako ng makita ang mga larawan ng mga kababaihan na walang nga saplot at umiiyak ang mga mukha. “Human trafficking, drug dealer at gun seller.” usal ko.
Kailangan ko itong makuha upang gawing ebidensya, kinapkap ko ang katawan ko kung hindi ko'ba naiwala ang USB na dala-dala ko USB na naglalaman ng litrato ng pamilya ko.
Walang pagdalawang isip na sinaksak ko ito sa computer upang makakuha ng copy sa lahat ng files.
Alerto akong nagmamasid at nakikinig sa labas ng silid at baka biglang may mga tauhan na papasok rito. Pagkatapos kong nakuha ang files ay agad kong inilagay ito sa maliit na kahon, hindi ito basta-basta na kahon hindi ko alam kung saan ito galing basta ang dinampot ko lang ito sa ilalim ng lamesa. Inilagay ko ang USB at selpon upang gawing proteksyon para mamaya.
Aalis na sana ako ng may nasipat akong isang USB, “Kung sakali.” ani ko at kinuha ko rin iyon at lumabas na. Dahan-dahan at maingat akong naglakbay palabas ng biglang—