Logan Cruise POV
Palihim akong napangiti ng nakita kong namumula ang kanyang pisngi, “s**t ang cute niya.” parang timang kong ani sa isipan at umayos ng tayo ng bumaling sina Roco, Dominic at Maves sakin. Bigla nalang ngumiti ang tatlo na nakakaloko, nginuso pa ni Roco si Camella na nakaupo sa bato.
I raise my middle finger and, “f**k you.” ani ko sa walang boses.
Nagtawanan naman ang tatlo, "Mga baliw.”
Ang ibang mga babae ay nagkanya-kanyang langoy na habang si Camella at Adeline ay magkatabi na nakaupo sa malapad na bato.
“Hey girls, ayaw niyo bang lumangoy na?!” sigaw ni Dominic kina Camella. Tinignan ni Adeline ang kanyang katabi at napapailing nalang alam ko ang ibig-sabihin ni Adel, ayaw pang lumusong sa tubig si Camella.
“Roco hindi ako marunong lumangoy sa ilalim!” sigaw ni Sarah sa kaibigan ko. Akala ko ay hindi papansinin ni Roco si Sarah dahil may sama na loob parin ito sa babae pero nagkakamali ako. Agad itong nilapitan ng kaibigan ko at tinulungan. Napapailing nalang ako sa karupukan ng kaibigan ko.
Bandang alas dose ng nagyayang kumain ang iba, kaya agad akong tumayo at lumapit sa iba. “L-logan p-pwede mo'ba akong turuan na lumangoy?” pagsasalita ni Monica sa likuran ko.
I know her and I know what's her secret, hindi ako manhid upang hindi maramdaman na kakaiba ang pagtungo niya sakin at isa akong lalaki kaya alam ko.
“Dominic is vacant Monica, baka si Dominic nalang ang magturo sayo.” I said and walk away. Bago ako tumalikod kay monica ay nahagip ng tingin ko si Camella na nakayuko habang nakatingin sa tubig, “Anong nangyari sa kanya?” para kasi siyang naginginig habang nakatampisaw ang dalawang binti nito sa tubig. “Takot siya?”
Hindi na ako nagdalawang isip pa at agad itong nilapitan, "Hey you okay?” tanong ko mula sa likuran niya. Pero ilang minuto na ang lumipas ay hindi niya ako sinagot o lumingon man lang.
“Hey, Camella what's wrong?” tanong ko ulit pero wala talaga siyang sagot. Agad akong lumapit sa kanya at doon ko lang nakita ang kanyang mukha. Putlang-putla ito at kahit malamig naman rito ay malalaki ang kanyang pawis mula sa noo, “H-hey Camella.” ani ko at tinapik ang pisngi nito.
“Roco! Maves!” tawag ko sa dalawang kaibigan. Isang doktor si Roco na nagbakasyon kaya't nakarating dito.
sinandal ko si Camella sa balikat ko upang hindi ito matutumba, she's like a paralize or I don't know.
"Bro what happened?” humahangos na tanong sakin ni Roco.
“Can you check her?” tanong ko at ibinaling ang tingin sa babae na nakasandal sa balikat ko.
"Wait I need to get my penlight.” ani nito at agad na tumakbo pabalik sa gazebo upang kuhanin ang penlight nito. Habang si Maves ay pinagkulikot ang mga kamay ni Camella, upang makaramdam ito ng sakit at makapag response sa'min.
“L-logan anong nangyari?” naiiyak na tanong sakin ni Adel habang nakaluhod ito malapit kay Camella. Hindi ko ito sinagot at tinulungan ko si Maves na pisilin ang kamay nito.
"Adel excuse me.” humahangos na sambit ni Roco at agad na tinignan ang mga mata ni Camella, kita ko'pa pano nanginig ang kamay ni Roco, “Logan galing aksidente ba si Camella?” tanong sakin ng kaibigan ko.
“I don't know maybe?” sagot ko.
“Sa tingin ko ay may trauma siya, Basi sa nakita ko sa mata niya.” ani nito at pinatay ang penlight.
“Ano ang gagawin natin?” tanong ko.
“Hayaan lang siya, wala akong dalang gamot para sa mga ganitong karamdaman, babalik lang naman siya sa normal.” ani nito at dinampot ang towel.
Bubuhatin na sana ni Roco si Camella ng tinapik ko ang kamay nito, “Let me.”
Napapailing naman ito sakin, “Oops.“
Hindi ko nalang pinansin ang kanilang pangangansiyaw at agad na dinala sa gazebo si Camella na nakapikit habang hirap na huminga. Para kasi siyang huminto sa paghinga at bigla nalang hihigop ng hangin.
Dahan-dahan ko siyang inilapag sa upuan at sininyasan si Adel na bantayan niya ang kaibagan, “Logan anong nangyari sa kanya?” tanong ulit nito na para bang hindi nito narinig ang sinabi ni Roco kanina.
“May trauma siya sa tubig, baka hindi pa malala, anong sabi ni nanay Carmelita sayo? Wala ba?”
Umiling-iling ito sakin, “Siguro ito ang unang nangyari sakanya.”
Iniwan ko si Adel at Camella at tinungo ang bag ko at kinuha ang selpon. Naglakad ako sa hindi kalayuan habang dinayal ang isang numero, tatlong ring bago ito sinagot.
“Bro.” ani ng isang boses.
“Bro, I have something to ask you.”
Narinig ko itong humalakhak, “Logan Cruise is that you? Isang himala yata ito ngayon.” tumatawa parin nitong sabi.
Napa-irap nalang ako dahil sa pag-inarte ng kaibigan ko, “Are done laughing? Pwede na'ba akong magsalita?” inis kong sabi.
“Okay, okay, relax. What the matter by the way? Magpapaturo kana ba kung paano manligaw?”
Bumuntong hininga ako bago pinatay ang tawag, "Walang kwenta.” Bumalik nalang ako sa gazebo at nakita ko si Camella na bumalik na sa normal habang pinapaypayan siya ni Adel.
Camella/ Code red POV
Nag-aaliw ang mga kasamahan ko habang ako rito ay nakatingin lang sa tubig habang nilalabanan ang nararamdaman, para akong hinihigop ng tubig na naging dahilan ng pagbagal ng paghinga ko. “Whats wrong with me?”
Nagsimulang nag tuluan ang mga pawis ko mula sa noo kahit pa ramdam ko sa katawan ko ang lamig ng lugar. Ipinikit ko ang mga mata ko ng mas lumala ito, gusto kong ibuka ulit ang mga mata ko ngunit hindi ko magagawa, habang ang paghinga ko ay pabilis ng pabilis ang kawatan ko ay ramdam kong nagsimula na itong parang nanginginig hindi dahil sa ginaw meron pang ibang rason na hindi ko maintindihan.
Isang yapak ang narinig ko ngunit hindi ko ma-ibuka ang mga mata, “Hey, Camella what's wrong?” tanong nito sakin.
Hindi ko magawang ibuka ang bibig kahit ang mata ko ay hindi.
“H-hey camella.” rinig kong sa pangalawang tawag niya sa pangalan ko.
Hanggang sa para na akong nilamon ng kadiliman. Wala na akong ibang alam bukod sa narinig kong tinawag ni Logan ang kabang kaibigan.
“C-camella okay kalang ba talaga?” tanong ulit sakin ni Adeline na ramdam ko parin ang kanyang kaba.
Bumuntong hininga ako alam ko naman na nag-alala lang ito, “Im okay Adel, sige na maligo kana doon.” ani ko habang mas niyakap ang tuwalya, hindi naman pwedeng manatiling babantayan ako ng kaibigan ko kailangan niya ring mag enjoy at wala akong karapatan na ipagkait ito sakanya.
Hindi ko nga alam pano ako nabasa dahil sa pagkakaalala ko ay ang binti ko lang naman ang tinampisaw ko.
Nagtaka ako dahil sabay ang mga itong bumalik sa gazebo habang ang mukha ng mga babae ay naiinis na nanghihinayang, “Kung di dahil sa isa diyan sana mamaya pa tayo uuwi.” biglang parinig ni Sarah at alam ko kung sino ang tinutukoy nito.
“Sarah tumahimik ka.” reklamo naman ni Adeline sa babae. Hinawakan ko nalang ang kamay ng kaibigan ko at umi-iling upang iparating na hindi na papatulan wala rin namang saysay kung patulan pa.
“Totoo naman kasi! Kung sana hindi yan nag-inarte hindi pa sana tayo uuwi!” biglang sigaw nito sa mukha ni Adeline. At ang hindi ko nagustuhan ay tinulak pa nito ang balikat ng kaibigan ko na naging dahilan ng pagkasalampak, hindi kasi inaasahan ang ginawa ni Sarah.
Agad na dumapo ang palad ko sa mukha ni Sarah, natabingi pa ang mukha nito dahil na lakasan ko yata ang pagsampal.
"H-how dare you!” sigaw nito sakin at sasampalin sana niya ako ng inunahan ko siya sa kabilang pisngi, “Sumusobra kana!” galit nitong sigaw sakin habang hawak-hawak ang dalawang pisngi.
“Huwag na huwag mong itulak ang kaibigan ko! At baka hindi lang sampal ang gagawin ko sayo!” galit kong sigaw sa pagmumukha ni Sarah at agad na dinampot ang bag namin ni Adel at hinatak ito palayo sa gazebo ang binagtas ang daan paakyat patungo kung saan ang sasakyan na ginamit namin kanina.
“C-camella hindi ko sana yon ginawa.” sabi ni Adel habang umi-iling pa.
“Tumahimik ka.” inis kong ani atas binilisan ang lakad. Rinig oa namin ang sigaw ni Sarah sa ibaba na mukhang pinagalitan ng mga lalaki.
“M-mali kasi yon.” ani pa nito sakin.
Agad nag-landing ang masamang tingin ko kay Adeline, alam ko naman na nasaktan siya kanina dahil ang maliit na bato kung saan ito na salampak, “Ang pagiging mabuting tao Adel, hindi permi hindi yong kahit nasaktan at na insulto kana kaya mo parin siyang patawarin, hindi ka naman pinanganak na bingi o may kapansanan upang hindi makapag higante.” inis kong ani.
“P-pero—”
“Huwag ng maraming angal.” inis kong ani at napahinga ng agad naming narating ang sasakyan.
Ilang minuto pa bago nakarating ang mga kasamahan namin na ang una kong napansin ay ang sama na tingin ni Sarah sakin habang ang ibang pinsan nito ay umirap samin ni Adel. Hindi ko nalang pinansin ito at umayos nalang ng upo, hapon na at dahil bukid ito ay nagsimulang kumulimlim ang kalangitan “Mukhang uulan ngayon.” doon ko lang naalala ang mais na ibinilad ko kanina sana lang ay hindi pa uulan bago kami makarating.