Camella/ Code Red POV
Distansya palang sa payag ay kita ko si nanay na nag-aayos doon sa mga mais, “Nay!” sigaw ko habang kumakaway.
Agad naman akong narinig ni nanay dahil napabaleng ito sa kinatatayuan ko, “Apo, sana dumiretso kana lang doon sa bahay.“ sagot nito sakin. Umiling nalang ako, napasobra na talaga ang pag spoiled niya sakin, ayaw niya kasing mahirapan at mapagod ako ewan ko minsan pakiramdam ko ay pinagsisilbihan na ako ni nanay hindi na alaga na parang apo.
“Nay, tulungan ko na'po kayo riyan.” ani ko at hinawakan ang isang sako kung saan ipasok ang mga mais, ibebenta namin ito bukas kaya't kailangan na naming ilagay ito sa sako upang mas mabilis na makarga ng mga tauhan.
Malaki ang maisan ni nanay at kapag magtatanim ay maraming gustong magtrabaho lalo na ay bukid rito ang mga tao rito ay ganito lang ang hanap buhay, ma swerte ka nalang kong may lupain ka at mga may tanim. Ang lugar namin dito ay kung iisipin ay malaki hindi siya karaniwan kaso nga lang ay ang laki ng agwat bawat purok. Yong Baranggay namin ay nasa purok uno yon ang may mga kumbento, paaralan maliit na palengke, plaza isang maliit na pharmacy na halos kulang ang laman bale hindi kompleto ang mga gamot kaya't mas maganda talaga kong pupunta ka sa baryo namin kung saan ang mas maraming establishemento.
Pagkatapos naming ma-iligpit ang mga ginagamit namin ni nanay Carmelita ay agad kaming umuwi dahil dumidilim na, “Apo anong gusto mong ulamin ngayon?” tanong ni nanay sakin habang ang mga braso nito ay nakagapos sa mga braso ko.
"Nay baka pwedeng gulay naman po, lagi mo nalang akong pinapakain ng isda at karne.” natatawa kong sabi. Mahina naman itong natawa sa sinabi ko, "Ikaw talagang bata ka.”
Habang papauwi kami ay may nakita kaming isang lalaki na hirap maglakad, “N-nay sa likod po kayo.” ani ko at umihip ng sobrang lakas ang hangin.
“Apo ayos lang ako, baka naman hindi yan masamang tao.” ani ni nanay ngunit ramdam ko parin ang kakaibang tono nito.
Habang papalapit kami sa lalaki ay kumalabog ang dibdib ko, “Iho kailangan mo'ba ng tulong?” tanong ni nanay mula sa likuran ko.
Agad bumaling ang lalaki sa'min na naging dahilan ng pag-atras ko. “Nay mauuna kana.” bulong ko. Hindi ko alam pero iyon ang unang binanggit ko bago tinignan muli ang lalaki na nakangisi na sakin.
“Sa wakas at nakita rin kita...Code red.” ani nito sakin na mas ngumisi pa.
Kumunot ang noo ko dahil sa kakaibang pangalan na binanggit niya, “C-code red?” taka kong tanong sa lalaki.
Bigla-bigla nalang itong humalakhak habang bigla ring bumuhos ang ulan, “HAHAHAHA... Tama nga sila nawalan ka ng alala.” ani nito na parang demonyo.
Napaatras ako ng humakbang ito papalapit sakin, “W-what are you d-doing.” kinakabahan kong tanong habang umaatras parin.
“Kung wala ka rin naman palang maalala, ede mas mabuting patahimikin nalang kita diba?” ani nito sakin at biglang naglabas ng kutsilyo.
Napalunok pa ako habang nakatingin sa kutsilyo, "s**t hindi ako marunong makipaglaban.” ani ko'pa sa sarili. Pero agad napalaki ang mata ko ng agad nitong winasiwas sa harapan ko ang kutsilyo at walang pagdalawang isip na padaplisan ako.
Napaatras ako at napayuko upang maiwasan ang kutsilyo, ngunit hindi ko inaasahan na may isa pa pala siyang kutsilyo kaya't nagtagumpay siyang madaplisan ako sa balikat, "Abah! Abah! Magaling ka parin talaga kahit wala ka ng alala, pinabilib mo'ko code red.” ani nito sakin at bigla ulit na sumugod, bawat atake niya ay pilit kong iniiwasan, kahit ang pag suntok at sipa niya ay tagumpay kong inilagan.
"What's wrong with you! I don't know who you are!” inis kong sigaw at ako naman ang umatake, sinipa ko siya sa balikat na hindi niya nasangga, ang pangalawang atake ko ay imbes sa tagiliran ay ginawa ko sa mukha niya. Mukhang nababasa niya ang atake ko.
"f**k not my face!” sigaw nito sakin.
Agad akong napangiwi dahil sa reklamo niya, "Not hi's face?“ nagpapatawa yata siya.
Agad ako nitong sinugod habang bitbit ang kutsilyo, ngunit isang kamay ang hindi ko inaasahan, “L-logan?”
"Step back.” ani nito habang hawak-hawak parin ang kamay ng lalaki, “Umuwi na kayo, ako na ang bahala nito.” dagdag nitong sabi. Kahit ayaw ko pang umuwi ay hinila ako ni nanay pauwi.
"Nay saglit lang naman e.” reklamo ko habang ang mata ay nasa dalawang lalaki na nagtitigan habang nakatayo.
"Apo, huwag na tayong makigulo, please.“ pakiusap nito sakin.
Hindi nalang ako nag reklamo at agad na sumunod kay nanay.
Logan Cruise POV
Nang tumunog ang isang emergency light ko sa bahay ay agad akong tumayo upang makapunta, ngunit hindi paman ako nakakalayo sa bahay ay doon ko lang napagtanto na hindi ko alam kung saan ang lokasyon nilang dalawa ngayon, "s**t!”
Inilabas ko ang selpon at hinanap ang Isang files kong saan naglalaman ang isang tracking device na palaging dala-dala ni nanay Carmelita. Nang nakita ko kung saan sila ay mabilis akong tumakbo doon at nakita kung paano pilit na nilabanan ni Camella ang lalaki.
"GOD she's always good at fighting.” usal ko at tinignan muna kung ano ang susunod niyang gagawin. Napa-ngisi ako ng nasipa nito ang balikat at mukha ng lalaki na naging dahilan ng pag atras.
"That's my girl.” ani ko'pa sa sarili na nagpangiti lalo sakin. "Oh god.”
Kanina pa nakaalis sina Camella at nanay Carmelita pero hanggang ngayon ay nagkatitigan parin kami, “Oh anong nangyari Ramon? Tulala ka yata diyan?” malalim kong tanong sa lalaki.
Ngumisi ito sakin at biglang dinilaan ang kutsilyo nitong hawak-hawak, “Kung sinuswerte ka nga naman at dalawa pa talaga ang matatapos ko ngayon.”
Napa-ubo ako ng marinig ang kanyang sinabi, “Matatapos? Tulog ka'pa ba?” insulto kong tanong.
"Tumahimik ka!” ani nito sakin at agad na sinugod ako, isang suntok ang binigay ko sakanya habang ang hinawakan niya ako sa kamay, “Paano ba'yan Logan, mamatay rin Yong babae ngayon sa bahay nila.” ani nito sakin.
Doon ako na distract kaya't na sipa niya ako sa bandang dibdib, "Ugh!” Inis kong ani habang tinignan ko si Ramon, "Don't you dare!” inis kong ani.
"Asan na'yong mala bato na Logan Cruise? Bakit parang nag-iba kana yata ngayon....supremo.“
Hindi ko'na siya hinintay na sumugod sakin dahil ako mismo ang sumugod, sipa, suntok ang ginawa ko habang siya ay pilit na sinasangga ang ibinato kong suntok. "Sa oras na may mangyari sa babae, sisiguraduhin kong hindi ko bubuhayin ang pamilya mo Ramon, remember na nasa poder ko sila ngayon.”
“Wala akong pakialam sa kanila!” biglang sigaw nito na nagpahinto sakin, I forgot to end the call from his family, isa si Ramon na pinakamagaling sa spy, pero sinayang niya lang ang lahat, dahil magpa-alipin siya sa masamang tao o kalaban namin.
“Marie did you hear that? He said. He didn't care about you and your daughter.” sabi ko sa selpon ko.
Nakita ko kung paano lumaki ang mata ni Ramon, “W-wait what did you do!” siga anito sakin.
“I-ikaw na ang bahala sa kanya Logan.” huling sabi ng asawa ni Ramon sakin.
Ngumiti ako ng nakakaloko sa lalaking kaharap ko, "Now sabihin mo sa mga kasamahan mo na umalis sila at aalis kayo sa lugar na ito kung ayaw mong susundin ko ang utos ng asawa mo o baka naman baliktarin ko? Papatayin ko sila o aalis ka?” tanong ko.
"Hindi pa tayo tapos! Babalikan ko kayo!” sigaw nito sakin habang mabilis na tumakbo patungo sa mga kasamahan nila, mabilis rin akong sumunod at tinahak ang mas mabilis na daan.
Nasa bandang likuran ako ng bahay ng rinig ko ang sigaw ni Camella mula sa loob, "Why?! What did you do this nay?!” umiiyak nitong sigaw.
Agad akong pumasok sa loob at nakita si Camella habang yakap yakap ang matanda na nakahiga sa sahig habang nagkakalat ang dugo, “Camella anong nangyari?” agad kong tanong at lumuhod sa harapan nila.
"Kasalanan mo'to eh! Kung hindi mo sana kami pinapauwi hindi sana mawala si nanay sakin!” umiiyak nitong sigaw sakin at sinapak ako sa mukha na hindi ko naiwasan.
"I'm sorry, hindi ko agad na tapos yong laban.”
"Walang magagawa ang sorry mo! Wala na si nanay!” sigaw nito sakin at sinapak ulit ako.
Hindi ko naman magawang kalabanin ito dahil alam ko'ng nadala lang ito sa emosyon, “Paano pa kaya na malalaman mo ang totoo mong pagkatao.”
Camella/ code Red POV
Nakatulala ako rito ngayon sa labas ng bahay, kakatapos lang ng libing ni nanay Carmelita. I want to kill that guy. Bakit ba kasi kailangan pang barilin si nanay.
Muling tumulo ang luha ko habang nakatulala rito sa bakuran at nakatingala sa kalangitan, ramdam ko rin ang paghinagpis ng kalangitan sa pagkawala ni nanay.
"Camella, halika kain na tayo.” tawag sakin ni Adel habang may suot na apron.
“Mauuna kana Adel, mamaya na ako.” sagot ko at suminghot.
Rinig ko ang pag buntong hininga ni Adel mula sa likuran ko, ilang sandali lang ay naramdaman ko ang pag-upo niya sa tabi ko, “Hindi magugustuhan ni nanay Carmelita ang pagtanggi mo sa pagkain Camella, alam mo namang ayaw non na malipasan ka ng gutom.” malumanay nitong ani sakin.
“Mauuna kanang kumain adel.“ pag-uulit ko.
Hindi nalang ito umimik at tahimik nalang din na umupo habang katabi ko, “Ano ba ang nakaraan ko at bakit may gustong pumatay sakin? At paano ko alam ang pakikipaglaban?” sunod-sunod kong tanong sa sarili habang humihinga ng malalim.
Napatingin ako sa katabi ko ng naramdaman ang pagbigat ng kanilang balikat ko, "Tulog mantika talaga.” ani ko bago ko inayos ang ulo ni Adel sa balikat ko para naman hindi ito masasaktan.
Ganon ang posisyon namin ni Adel ng nakita ko ang tatlong anino mula sa malayo at kilalang kilala ko ang isa sa mga ito, “Logan.”
“H-ha? Logan asan?“ biglang tanong ni Adel habang ibinaling sa ibat ibang parte sa paligid, dahil ako ang nahirapan sa kanya ay hinawakan ko ang mukha nito ay pinahinto sa tatlong lalaki na nasa malayo pero kita muna ang mga anino.
“S-si Logan nga.” parang timang nitong ani sakin at ang chaka kinurot pa ako sa braso.
“Ano nanaman ang ginagawa nila rito?” kunot noo kong tanong na naging dahilan ng pagbaling ni Adel sakin.
“Nanaman? Pumunta sila rito lagi?” mangha nitong tanong sakin.