Camella/ Code Red POV
2 months later
Dalawang buwan na ang lumipas at wala namang ibang nangyari, hanggang ngayon ay hindi parin bumalik ang ala-ala ko. At sa ngayon maayos naman ang pamumuhay ko pwera doon sa lalaking palagi ko nalang makikita sa paligid, "Is he something a stalker? Or my secret admirer?” Nanindig naman agad ang balahibo ko ng matapos kong maisip ang posibleng rason.
Kasalukuyang andito ako ngayon sa payag ni nanay at nag presenta na ako ang mag babantay ng ibinilad na mais, ibibenta na kasi ito bukas. “That crazy girl.” ani ko ng nakitang tumatakbo si Adeline patungo sa puwesto ko, “Ano nanaman kaya ang sadya ng babaeng 'to.”
“Camella! Camella!”
Salubong ang dalawang kilay ko ng humarap sa humahangos niyang mukha, "I'm not deaf Adel, can you please lower your voice.”
Ngumiwi naman ito sakin, "Ito nanaman ang kaibigan kong may pa english english pang nalalaman, sama ka sa'min dali.” excited nitong ani sakin. Mas kumunot naman ang noo ko, “To where?”
Huminga ito ng malalim, “Na pag-usapan kasi ng buong barkada na maliligo raw ngayon sa water falls sa may purok sais, sama ka sa'kin please.” makaawa nitong ani sakin at may pa hawak-hawak pang nalalaman sakin. Kinuha ko ang kamay niyang nakakapit saking braso, “No thanks, ako ang magbabantay ng mais ngayon.” pag dahilan ko upang hindi makasama.
“Pumayag na si nanay Carmelita, sige na Camella samahan muna ako. Kawawa naman ko don.”
Bumuntong hininga ako, “Wala akong dalang pamalit.“ pag dahilan ko naman.
Ngumiti ito ng sobrang lapad, “Huwag kang mag-alala binigyan ako ni nanay ng pamalit mo, tsaka yong towel at sabon mo raw.” ani nito at pinakita ang dalang backpack na nakasuot sa likuran nito.
"Huwag kanang mag-alala Camella naka-ready na ang lahat eh.” pangungulit nanaman nito.
Wala naman akong magagawa kasi dala niya ang damit na pamalit may towel at sabon pa, "May magagawa pa'ba ako Adel? Pinaghandaan mo talaga 'to.” iiling-iling kong ani tsaka hinanap ang jacket.
“Ayieee ayan na! Sasama na siya.” parang tanga na sigaw ni Adeline.
Hawak-hawak niya ang kamay ko ng naglalakad kami patungo sa waiting shed kung saan naghihintay ang ibang kasamahan namin. "Marami ba talaga tayong aalis?”
Tumango ito, “Oo may nga pinsan kasi si monica na galing Maynila, mukhang bakasyon yata mula sa pag-aaral kaya gustong sumama sa paggala.”
“Mga babae ba? Hindi ba tayo magkaproblema diyan Adel?”
Kumunot naman ang noo nito ng bumaling sakin, “Kunti nalang talaga Camella, iisipin ko'nang praning ka sa lahat ng bagay.”
Napa-irap nalang ako dahil sa walang saysay nitong sinabi, mali ba ang isipin ko na baka magkaproblema talaga? Mga babae pa naman yon tsaka galing Maynila. Distansya palang kami sa waiting shed ng nakita ko ang isang grupo na nakaupo habang nagpabaling-baling na para bang may hinahanap, “Adeline bilisan niyo naman!” sigaw ng isang babae na kulot ang buhok at pandak maputi rin ang balat nito pero medyo may laman ang katawan.
“Camella bilis.” ani ni adel at hinatak ang braso ko upang mas mabilis kaming makarating.
“Adel sino siya?” maarte na tanong ng isang babae na matangkad at puti ang balat at tsaka may make-up? “Seriously? Kailangan bang mag make up?”
“Ah Sarah siya Yong sinasabi ko kanina na kaibigan ko at apo ni nanay Carmelita.” sagot ni Adel sa babae. Hindi ko ito pinansin at tumingin nalang sa kalangitan na sobrang linaw.
“Ahh, okay.” sagot ng babae, nakita ko'pa kung paano umirap ito ng ibinaling ko ang mukha nito.
“Tsk! Plastic.“
Nagtaka ako ng ilang minuto ang lumipas pero parang walang balak ang mga itong umalis, “Adel hindi pa'ba tayo aalis? Anong oras na kasi.” bulong kong tanong sa kaibigan.
Kumunot rin ang noo nito at nagpabaling-baling sa mga kasamahan. “Monica sino pa ang hihintayin natin?”
Lumingon naman ang babae sa banda namin at naitaas pa ang kilay, nang nakitang nakatitig ako ay biglang ibinaba ito, “Another plastic tsk!”
"Ah si Dominic at Roco kasi ay pinuntahan pa si L-logan.” sagot nito na nautal pa sa panghuling pangalan.
“Oww crush niya?“
Akala ko ay tatlong lalaki lang ang hinihintay namin ng nagdagsaan ang ibang kababaihan, kung kanina lukot ang mukha ni Sarah at monica ng nakita ako ay mas lukot pa ito ngayon.
“Insan akala ko'ba tayo-tayo lang ang pupunta bakit andami na natin?” rinig kong bulong ng babaeng nagngangalang Sarah.
"Ewan ko'ba baka si Roco nanaman ang nag imbeta ng iba.” sagot niyo pabalik.
“Insan looked, she's cute!” maarte na ani naman ng babaeng hindi ko alam kung ano ang pangalan, hawak-hawak nito ang mukha ng isang babae na nagmukha ng tuka ng pato ang nguso dahil na sobrahan yata sa pag kurot.
"She's not cute, she's ugly.” insulto na sagot ng pinsan.
Bumuntong hininga nalang ako at hindi nalang pinansin ang mga kababaihan, pero habang nakatayo at nagmamasid sa hindi kalayuan ay nakaramdam ako ng isang pares na matang nagmamasid rin sakin, “Eto nanaman ang pakiramdam na ito.”
Hindi ko napigilan at inilibot ko'na ang tingin upang mahanap ito, pero wala akong mahanap busy ang iba sa mga selpon habang ang iba ay nag-uusap.
“Logan, Yong sasakyan mo'ba ang dadalhin natin?” nakayukong tanong ni monica sa binata. Doon lang nawala sa utak ko ang paghahanap ng mga matang yon.
“I don't know, akala ko'ba jeep ang sasakyan ngayon?” sagot ni Logan.
Nakikinig lang ako habang nagmamasid sa hindi kalayuan, para kunyari hindi nakikinig diba?
“Bro! Bro!” sigaw naman ng isang lalaki na papalapit samin.
“Ano ba naman Maves huwag ka ngang sumigaw.” reklamo ni Sarah habang nakapamewang.
Hindi ito pinansin ng lalaki at nilagpasan lang ito, "Bro Logan, hindi ako makapag arkila ng jeep, baka pwedeng yung sasakyan mo ang gagamitin natin ngayon.” ani ng lalaki.
Wala naman akong narinig mula kay logan, naging mas tahimik ang lugar, ilang sandali lang ay kinalabit ako ni Adeline, “Camella sorry ha, nalagay ka'pa tuloy sa alanganin.” hinging paumanhin nito sakin at pinalibot ang braso nito sa braso ko.
“Oka—” hindi ko naituloy ang sasabihin ng biglang may huminto ng sasakyan sa harapan namin, nabigla pa ako ng hinatak ako ni Adeline sa likod upang doon pumwesto, pero si monica ay doon sa passenger seat.
Nakaakyat na kami sa likod at maaari ng umalis ngunit nagtaka kaming lahat na nasa likuran ng hindi umandar ang sasakyan. Ilang sandali lang ay biglang lumabas si Logan mula sa driver seat at pumalit doon si Maves.
Nakakunot ang noo ko ng nakamasid lang sa kanyang susunod na gagawin, kasama na ang mga kasamahan ko rito sa likod, nakatingin lang kami kay logan kung ano ang susunod nitong hakbang at ng nakapasok na si Maves sa driver seat ay akala namin doon siya sa uupo sa upuan kung saan galing Maves.
Bigla itong bumaling samin, “Adel, dito ka umupo.” ani nito kay Adel.
Napatingin naman ako kay Adel ng bigla nitong inayos ang buhok mula sa kabilang tainga, nang naramdaman niya sigurong nakatingin ako sa kanya ay bumaling siya na naging dahilan ng paglaki ng kanyang mata.
Nilakihan ko siya ng mata upang bantaan na huwag aalis sa kinauupuan. Pero ang tiyanak walang pagalinlangan na tumayo at bumaba, kahit anong tawag ko ay hindi nakikinig.
“Mamaya ka sakin.”
Si Logan pa mismo ang nagsara ng pintuan bago ito umakyat rito sa likod, ibinaling ko nalang ang tingin sa ibang tanawin upang maibsan ang kabang nararamdaman.
“Why I'm f*****g nervous na wala naman siyang ginagawa, bwisit.“ Mas dumagundong ang kaba ko ng umupo ito sa kung saan si Adel kanina. “s**t!”
TIMES SKIP...
Akala ko malapit lang ang purok sais ngunit ang layo pala at tsaka pa bukid ng pa bukid ang lugar, “Adel malayo pa'ba?“ tanong ko dahil hindi makapasok ang sasakyan sa kung saan mismo ang falls ay naglakad kami pababa at hindi ko alam ko'ng saang parte na ito.
“M-medyo camella.” nahihiyang ani ni adel sakin. Wala naman akong mapapala kung mag reklamo ako dahil andito na e, ano pa'ba ang silbi ng reklamo ko.
Malalaking bato ang dinaanan namin, “Girls mag ingat kayo may madulas na bato.” ani ni Roco samin.
Yung ibang lalaki ay nagkanya-kanyang hawak sa ibang babae habang kaming dalawa ni Adel ang naghawak-kamay, “Adel doon ka umapak medyo madulas ang isang 'to.” ani ko at tinuro ang bato na nasa harapan.
"Okay,”
Inapakan nga ni Adel ang bato na sinabi ko, isang bato na hindi madulas, ganon ang ginagawa namin hanggang sa nakita na namin ang falls, “Wow ang ganda pala rito insan!” pasigaw na ani ni Sarah sa pinsan nitong si Monica. Na panay tingin sa bandang likuran namin, kaya agad rin akong napabaleng sa bandang likuran upang makita kung sino ang tinitingnan nito.
Agad kong nabawi ang tingin ng nakitang si Logan pala ang nasa likuran namin, dahil sa taranta ko ay naapakan ko ang isang batong madulas, “S-s**t!” na isigaw ko nalang ng na out of balance ako. Pumikit ako upang hintayin ang pagbagsak ko ng ilang minuto ang lumipas ng wala akong naramdaman na sakit. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata at nakita ang mukha ni Logan na sobrang lapit. Ang kanyang kilay na makapal at ang matangos niyang ilong dagdagan pa sa kanyang balbas na patubo na Yong labi niyang mapula. “F-f**k!”
"Pwede kana bang umayos ng tayo? Nangangalay na ako sa posisyon natin.” paos nitong ani sakin.
Agad lumaki ang mata ko at walang pag alinlangan na umayos ng tayo, magka-untugan pa ang noo naming dalawa pero hindi ko'na iyon pinansin at agad na tinakbo ang pagitan namin ni Adel na nakanganga habang nakatingin samin at mas nakaramdam ako ng hiya ng lahat pala na mga kasamahan namin ay nakatingin kanina.
"s**t nakakahiya.” Ani ko sa sarili at yumuko. Nakita ko kasi si Roco, Maves at Dominic na nakangisi ng nakakaloko habang nakatingin samin.
“Camella ano yon? Ayiee masarap bang mahawakan ni Logan ng matagal?” bulong nito sakin kaya agad ko itong tinignan ng masama.
Baka akalain ng ibang kasamahan namin rito sinasadya ko ang nangyari kanina para lang mapansin ng lalaki.
“Ang talas pa naman ng tingin ni Monica sa'kin kanina. Mga babae nga naman.”