Wala akong matandaan sa mga nangyari kagabi. Maging ang pagtulog ko sa kwarto ni Senyorito Devin na magkatabi kami sa kama ay wala rin akong natatandaan. Mababaliw na ako sa kakaisip kung ano ba talaga ang nangyari kagabi at bakit ni katiting na alaala ay wala akong maalala. Sobrang lakas nga ng tahip ng aking dibdib nang magmulat ako ng aking mga mata at makitang magkatabi kami sa kama, tapos pareho kaming hubad na labis kong ipinagtataka. Iniyakan ko talaga ng sobra ang akala ko ay pagkawala ng virginity ko dahil sa aking katangahan. Salamat na lang at walang nangyari sa amin ni Senyorito Devin kung hindi katapusan ko na sa Nanay ko. Blanko talaga ang lahat sa akin kahit anong pilit kong alalahanin. Ang tanging naalala ko lang ay noong kasama na niya sina Sir Blue at Sir Storm na dum