Kabanata Tatlo

3018 Words
Kabanata Tatlo               Nanglalaki pa rin ang mga mata ni Ria nang bumitaw si Marcus sa halik nila. Napahawak pa siya sa mga labi niya.               "That's why you should be very cautious when I'm around, Ria. Hindi ka safe sa akin dahil gusto kita," paalala nito sa kanya.               "Teka. Lalo yata akong naguguluhan. Wait lang, ipaliwanag mo muna sa akin, bakit kailangan kong magpakasal sa’yo or sa kapatid mo para hindi ako ipapatay? Ano bang mayro’n sa isla na 'to? Oh my God? Gusto mo ako? Oh my God?! You kissed me? You f*****g stole my first..?" tinakpan na ni Ria ang bibig dahil kapag natataranta at naguguluhan siya ay hindi niya talaga mapigilan ang bibig niya.               "Because this island is not just your any typical island. Ordinary people can't be here. We don't do normal things here, Ria. At kapag nalaman mo, pwede kang tumakbo, o pwede mo akong kamuhian," simula ni Marcus.               "Kapag hindi mo pa ako diniretso, sa kapatid mo talaga ako magpapakasal!" inis na sabi ni Ria. Nagtagis ang bagang ni Marcus pero nagpatuloy ito sa pagpapaliwanag.               "This island is where pirate lives, Ria. Pirates steal things, kill people, ambush ships. Kaya hindi pwede ang ibang tao sa isla na 'to. We don’t trust other people not related to us," dugtong ni Marcus. Ilang segundong nakatitig si Ria kay Marcus. Hinihintay niyang sabihin na biro lang ang mga sinabi niya, pero wala. Seryoso ito.               "Woah. You are a pirate? As in? Kagaya ni Jack Sparrow? That’s cool! But, wait. You left this island twelve years ago. Dahil ba ayaw mo sa mga ginagawa niyo rito?" tanong niya. Nagkibit balikat si Marcus sa kanya.               "I just wanted to live a normal life. I wanted to study. Ayaw ni ama dahil gusto niyang ako ang sumunod sa yapak niya, kaya tumakas ako. Kasama ko sila Caloy at Buknoy nakipasapalaran sa labas ng isla na ‘to," paliwanag pa din ni Marcus.               "Why are you telling me all of these? Do you trust me that much?" tanong ni Ria. Napangisi si Marcus at bahagyang natawa.               "You were asking me. Galit ka na kanina dahil hindi ko sinasabi at pinapaliwanag, kaya ikinwento ko," nakatawang sabi ni Marcus. Natahimik si Ria. He was right. Nabu-bwisit na nga siya kanina kay Marcus dahil paliguy-ligoy ito.               "So, para maging taga-isla ako, I have to marry someone from here? Gets ko na ngayon," pagsa-salita ni Ria na tila kausap ang sarili.               "You don't have to. Bukas, mag-uusap ulit kami ni ama. Ipapaliwanag ko ang lahat sa kanya," sagot naman ni Marcus.               "We can just get married here," mabilis na sabi ni Ria.               "What?!" gulat na gulat na tanong ni Marcus. Umupo si Ria sa sofa na nakaharap kay Marcus bago ito sumagot.               "Ibigay natin ang gusto ng Dad mo. So, I could stay here for few months. Bakit mo pa kailangang magpaliwanag? Baka lalo lang akong ipapatay kapag nalaman na nagtatago ako dahil may mga humahabol sa akin at nasa panganib ang buhay ko?" tanong nito.               "Are you serious? Kasal ang usapan, Ria. Magiging asawa kita. Magiging asawa mo ako. Ayos lang sa’yo?" tanong ni Marcus.               "Ayaw mo?" mabilis na tanong ni Ria. Natahimik si Marcus sandali.               "Hindi ako sang-ayon dahil ayaw kong pilitin ka. Pero kung ako ang tatanungin. Siyempre, payag ako," tugon niya.               "Marcus, hindi ako magtatagal dito. I will just stay here for few months. Pero darating ang araw na kakailanganin kong umalis para bumalik sa tunay kong buhay at bawiin ang lahat nang dapat sa akin. We could simply hold the wedding just for show. Pero ayaw kong gamitin at abusuhin ang nararamdaman mo para sa akin. That's why I'm being honest now," paliwanag niya sa lalaki.               "I know. I know very well, Ria. Pero ayaw kong magpadalos-dalos ka sa mga desisyon mo. Pag-isipan mo muna ngayong gabi. Bukas, kausapin mo ako ulit. Magpahinga ka na. Sa sala nga pala ako matutulog. You can use the room," mahinahong sabi nito.               Hindi halos makatulog si Ria. Nag-iisip siya. Bakit parang mukhang galit si Marcus nang sabihin niya rito na magpakasal sila. Was she being insensitive? At dahil hindi siya makatulog, lumabas muna siya sa kwarto. Sinilip niya si Marcus kung tulog na ito ngunit nakita niyang nakaupo pa ito sa sala at tila umiinom ng alak. Naisipan niyang lumapit dito at umupo rin sa sofa na katapat nito.               "Sorry. Insensitive ako sa feelings mo. Sarili ko lang ang iniisip ko kanina. Hindi ko na ulit sasabihin ang tungkol sa kasal," simula niya. Nakatingin lang ito sa kanya.               "Hindi naman ako galit. Gusto ko lang na bukal sa loob mo ang mga bagay na gagawin mo, Ria. Hindi dahil gusto kita, ay aabusuhin ko ang sitwasyon mo para ikulong ka sa relasyong maaring pagsisihan mo. Paano kung pag-alis mo rito gusto mong mag-asawa at pakasalan ang lalaking mahal mo?" paliwanag ni Marcus. She was touched by what Marcus said to her. Sobrang bait nito dahil iniisip nito ang sitwasyon niya. Hindi lang sitwasyon niya ngayon, kundi pati ang magiging sitwasyon niya sa kinabukasan o sa mga susunod pang araw. Kung ibang lalaki siguro, sasamantalahin at aabusuhin ang kalagayan niya ngayon. Mali siya nang isipin niya noong unang kita nila sa bayan na barumbado ito.               "Thank you, Marcus. Masyado na akong nababaon sa utang na loob ko sayo. Baka hindi na ako maka-ahon," nakangiting sabi ni Ria.               "Huwag mong bilangin. Hangga't kaya ko, tutulungan kita. Umiinom ka ba? Gusto mo?" alok ni Marcus sa kanya sabay abot ng baso.               "Anong alak ito?" tanong niya.               "Lambanog. Sariling timpla ‘yang lambanog dito sa isla. Subukan mo muna kung kaya mo," dugtong pa nito.               Tinanggap naman ni Ria ang baso at sinalinan iyon ni Marcus. Tumikim muna siya nang kaunti. Ngunit nang malasahan niyang masarap ito, ay tinungga niya nang buo ang nasa baso.               "Dahan-dahan. Walang tama 'yan sa umpisa pero kapag tumayo ka, do'n mo mararamdaman 'yong tama ng alak," awat ni Marcus sa kanya. Nagthumbs-up si Ria sa kanya at sumenyas pa na lagyan siyang muli sa baso.               "Sarap ng alak niyo rito ah?" nakangiting sabi ni Ria. Ngayon pa lang siya nakatikim ng alak at mukhang hindi niya ito pagsisisihan.               "Pulutan?" alok ni Marcus.               "Ano 'yan?" tanong ni Ria.               "Isaw at paa ng manok. Paborito ko 'to. Subukan mo," tugon ni Marcus. No'ng una ay natakot siya sa itsura ng paa ng manok pero nang matikman niya ay nagustuhan niya rin ito. Muntik na nga siyang maghanap nang kanin. Nagkwentuhan sila ni Marcus. Nagpalitan ng tanungan tungkol sa mga gusto at ayaw nila. Hindi rin nila napansin ang oras.               "Naka-ilang girlfriend ka na?" tanong ni Ria. Umiling naman si Marcus.               "None. Wala pa akong naging girlfriend. But I had two flings before. Pero hindi seryoso. Naging busy rin kasi sa trabaho," mabilis na sagot ni Marcus matapos nitong tunggain ang alak sa baso.               "What? Why?! Siguro torpe ka? I can't believe na wala kang naging girlfriends. Teka. Alam ko na. Alam ko na! You're just lying. Tama. Okay lang naman. Tayu-tayo lang naman. Dali na. Ilan? Ten?" pangungulit ni Ria. Medyo makulit na siya at baluktot na din ang dila niya kaya medyo hindi na diretso ang salita niya.               "Wala nga. Why would I lie about that? Ikaw? Naka-ilang boyfriend ka na? You can be honest with me," bawing tanong ni Marcus.               "Twenty-four!" nakatawang sagot ni Ria. Nanglaki naman ang mga mata ni Marcus sa narinig.               "What?! Twenty-four? Sobrang dami naman yata?" nagtatagis ang bagang ni Marcus habang nagsasalita.               "Nah. I've rejected twenty-four men! Lahat nang sumubok manligaw sakin noon, basted!" tumatawang sagot ni Ria.               "So? No boyfriend since birth?" paglilinaw ni Marcus.               "NBSB! Fresh na fresh. Never been touched. Never been kissed! Oh, wait. I have been kissed? By you! Cheers!" tuwang tuwang sabi nito kay Marcus.               "You are drunk, Ria," nakatawang tugon ni Marcus habang nakikipag-cheers.               Tanghali na pero mahimbing pa din ang tulog ng dalawa sa sala. Madaling araw na sila natapos sa pag-inom at inabot na ng antok sa sala. Pinagkasya nila ang mga sarili sa sofa. Si Marcus ang nakahiga, at si Ria naman ay nakaibabaw kay Marcus na mahimbing at kumportableng nakatulog sa mga bisig ng lalaki. Naunang magising si Ria at nanglaki ang mga mata niya nang bumugad sa kanya ang malapit na mukha ni Marcus. Sinubukan niyang bumangon ngunit mahigpit ang kapit nito sa mga bewang niya.               "M-marcus," sinubukan niyang gisingin ang lalaki. Dikit na dikit ang mga katawan nila, ramdam na ramdam niya ang balat nito dahil wala itong saplot pang-itaas.               "Marcus, gising," tawag niya muli. Bahagya namang dumilat si Marcus pero muli itong pumikit at mas humigpit ang yakap nito sa kanya.               "Marcus, let go," sabi niya muli. Doon lamang nagising si Marcus. Tila nagulat din ito kaya napabitaw at napabangon siya bigla.               "Ano'ng nangyari?" tanong nito kay Ria. Napatingin naman si Ria sa leeg at dibdib ni Marcus na puno ng mga pula.               "Ano'ng nangyari sa leeg mo?" tanong niya ditto. Napatingin si Marcus sa bandang dibdib niya. At saka nalipat ang tingin nito sa leeg at dibdib din ni Ria na bahagyang nakalabas dahil nakalihis ang suot nitong pantulog na polo.               "Sa’yo rin?" turo ni Marcus. Napatingin din si Ria sa bandang dibdib niya. Tinakpan niya ito at napahawak sa ulo.               "What happened last night? s**t, ang sakit ng ulo ko," reklamo ni Ria.               "We got drunk. Nagkwentuhan tayo. Wait. I remember you told me that you want to know how to put a hickey," kwento ni Marcus.               "What?!!!" sigaw ni Ria.               "May masakit ba sa kahit anong parte ng katawan mo?" nag-aalalang tanong ni Marcus.               "Oo," mabilis na sagot ni Ria. Nanglaki ang mga mata ni Marcus sa naging tugon ni Ria sa kanya.               "f**k," bulong ni Marcus.               "Masakit 'yong sugat ko sa balikat. Medyo kumikirot," dugtong ni Ria. Parang nakahinga nang maluwag si Marcus sa narinig niya.               "Sugat lang ang masakit? Wala na bang iba? Sigurado ka?" paninigurado ni Marcus.               "Wala na. Itong sugat at ulo ko lang ang masakit. Ano pa ba ang dapat sumakit kapag naglalasing?" tanong ni Ria.               "W-wala naman. Naninigurado lang ako," tugon ni Marcus. Naninigurado si Marcus na hindi niya nagalaw si Ria dahil sobrang nalasing din siya.               "Pero tinuruan mo nga ako kung paano maglagay ng hickey?! Bakit? Bakit mo ‘ko tinuruan? Bakit ko tinanong 'yon sayo? Nakakahiya," naguguluhang tanong ni Ria. Nagtatakip pa siya ng mukha habang itinatanong ‘yon. *Flashback*               "May itatanong ako. Don't judge me ha? Curious lang talaga ako," simula ni Ria.               "Go ahead. Magtanong ka lang," sagot naman ni Marcus.               "Since mukhang may experience ka naman sa mga babae. I just wanna know why people put hickeys on their partners?" tanong ni Ria. Parang nagulat pa si Marcus sa tanong ni Ria sa kanya. Pero sumagot pa rin naman ito.               "Usually, men put hickeys on their partner as a love mark. He is marking you as his. Territorial. Gano'n. Pwede rin namang gigil lang," paliwanag ni Marcus. Tumango-tango naman si Ria habang nakikinig at nakatitig sa mukha ni Marcus.               "Bakit mo natanong?" tanong ni Marcus kay Ria.               "Wala naman. I told you, I was just curious. Madalas kasi akong may makasalubong sa public bathroom na mga babaeng may chikinini sa leeg," mabilis na tugon ni Ria bago muling tumungga ng alak.               "It's funny that you are asking a man like me," nakatawang sabi ni Marcus.               "Why? Who else would I ask? Wala akong pwedeng pagtanungan. If my Dad was alive and if I ask him, he would throw me out of the house. That's for sure!" paliwanag ni Ria.               "Right. You have a point. And other men might take advantage of you if you ask them questions like that," tugon ni Marcus.               "How about you teach me how to put a hickey?" suggest ni Ria.               "What?!" halos masamid si Marcus nang marinig niya ang sinabi ni Ria.               "Why? I know you are not going to take advantage of me. So, teach me," dugtong pa ni Ria. Marcus really dig his own grave. Dito masusubok ang self-control niya. Ria's curiousity will be the death of him. As much as he wants to enjoy moments like this, kailangan din niyang awatin ang sarili. Tinuruan niya si Ria by kissing and sucking her neck. Napasinghap pa ang dalaga sa ginawa ni Marcus sa kanya.               "Oh my god! Nakakakiliti! Gano'n lang pala 'yon?!" tili ni Ria. Nanglalaki pa ang mga mata ni Ria habang nagsasalita. Amaze na amaze talaga ito.               "As easy as that," tugon ni Marcus.               "Ako naman. Subukan ko sa’yo," sabi ni Ria na naging dahilan para tuluyan nang masamid si Marcus sa iniinom niya.               "Ria! Are you crazy? Susubukan mo sa akin?" tanong nito.               "Oo. Bakit naman hindi? Kanino ko pa ba susubukan? Kay Mario? Kay Caloy? Kay Buknoy?" inosenteng tanong ni Ria. Napamura si Marcus sa isip niya. Isang malaking tukso ang dalaga sa kanya. Baka hindi na niya maawat ang sarili kapag nagkataon. Lumapit si Ria sa kanya. Pagdampi pa lamang ng labi nito sa kanyang balat ay napapigil na siya nang hininga. Nagsisimula nang mag init ang katawan niya. But when Ria tried to suck his skin, natawa ito.               "Hahaha! Ba't gano'n? Ba't walang marka?" dismayadong sabi ni Ria.               "Para ka kasing humigop ng sabaw eh. Hindi gano'n! Nakadikit dapat. Ganito," turo muli ni Marcus. Hinila niya si Ria at muling minarkahan ito sa leeg.               "Wait! Ang bilis mo naman kasi. Hindi ko kaya nakikita 'yang leeg ko. Paano ako matututo kung di ko nakikita ang ginagawa mo?" reklamo ni Ria. Inulit muli ni Marcus. Pero hindi talaga makita ni Ria ang ginawa nito. Kaya mas ibinaba pa ni Marcus ang halik niya. Gumapang ang labi niya sa itaas na dibdib ni Ria.               "Ohh," napa-ungol si Ria sa ginawang ito ni Marcus. Kaya bahagyang nawala sa sarili si Marcus at ipinagpatuloy ang paghalik nito pababa sa malulusog na dibdib ni Ria. Unti-unting nag-init ang paligid nila.               "Marcus, ako naman," tawag ni Ria sa kanya. Doon lamang nagising si Marcus na masyado na siyang nadala sa init ng katawan. Bumitaw siya sa katawan ni Ria at hinayaan si Ria na halikan ang leeg niya.               "Ganito?" tanong ni Ria.               "Suck the skin harder," komento ni Marcus. Sumunod naman si Ria at naka-ilang subok pa bago nito magawang malagyan nang marka sa leeg si Marcus.               "Oh, I made it! You have the mark now! I'm so great!" tuwang tuwang sabi ni Ria habang pumapalakpak pa. Tatlong beses pa niyang inulit na nilagyan ng hickey si Marcus sa leeg.               "R-ia. Stop now. Or I might eat you alive," awat ni Marcus habang nakapikit ito.               "Wait lang. Hindi pa masyadong dark 'yong mark. Kailangan super lakas ng suck. Wait," sabi ni Ria at umulit pa ito. Marcus can no longer hold it back. He pushed Ria at inibabawan ito sa sofa. He gave her a deep kiss. He invaded Ria's mouth. Hindi naman makasabay ang dalaga sa paraan nang paghalik ni Marcus. Agresibo ito at mapaghanap. *End of Flashback*               "Magtitimpla ako ng kape. Gusto mo? Ipagtitimpla kita," alok ni Marcus. Tumango naman si Ria pero sapo pa din nito ang ulo at muli siyang bumalik sa pagkakahiga sa sofa. Hindi niya namalayan na nakaidlip siyang muli.               Nagising siyang muli na wala sa loob ng bahay si Marcus. May pagkain na din na nakahain sa lamesa. Kumain siya nang kaunti habang nagkakape. Hindi na din masyadong masakit ang ulo niya hindi kagaya kaninang unang gising niya. Matapos kumain ay naisipan niyang maglinis ng bahay ni Marcus. Nagpunas siya, nagwalis, at naghugas ng pinagkainan. Ilang oras ang lumipas na hindi niya namamalayan. Narinig na lamang niyang bumukas ang pinto kaya hininto niya ang ginagawa at sinalubong ang paparating.               "Ano? Napapayag mo na?" tanong niya kay Marcus. Napabuntong-hininga si Marcus bago sumagot.               "Lilipat tayo sa mansyon. Do'n muna tayo mananatili hanggang hindi pa nakakapili sa araw ng kasal," tugon ni Marcus.               "Ha?! Akala ko ba hindi na tayo magpapakasal? Sabi mo gagawan mo nang paraan at papaliwanagan ang Dad mo?" gulat na gulat na tanong ni Ria. Sumimangot lang si Marcus.               "Ayaw magpabago ng desisyon. Ginawa ko na ang lahat. You only have two options. Marry me? Or marry my brother, Mario? Siyempre hindi ako papayag na pakasalan mo ang kapatid ko," paliwanag niya. Natahimik naman si Ria. At tila naguluhan. Kahapon payag siyang magpakasal kay Marcus para makasurvive sa buhay dito sa isla. Pero nang ipaliwanag ni Marcus sa kanya ang mga maaaring mangyari kapag nagpakasal sila, saka lang niya naintindihan. Nagpabalik balik ito ng lakad sa harap ni Marcus. Tila nag-iisip ito. Tinititigan lamang siya nito habang nakaka-ilang ikot na.               "Okay! Lets go!" sabi ni Ria pagkahinto nito sa harap ni Marcus. Kumunot naman ang noo ni Marcus.Tila hindi ito makapaniwala sa mabilis na naging desisyon ni Ria.               "That's it? Payag ka na?" tanong nito sa kanya.               "Do I have a choice? Eh sabi mo I only have two options? Siyempre, I would choose you. Mukhang nananakit nang babae kaya ‘yong kapatid mo," paliwanag ni Ria. Napangiti naman si Marcus sa narinig niya. Ria would choose him. It makes his heart flutter.               "Wala naman akong masyadong damit at gamit na dadalhin. Ikaw? Kailangan mo bang mag-impake? Tutulungan kita. Tara na ba? Now na tayo lilipat?" tanong ni Ria.               "You look excited. Kanina lang ayaw mo, tapos ngayon parang gusting-gusto mo nang lumipat. Aren't you afraid of my Dad?" tanong ni Marcus.               "Takot. Siyempre. Hello? Sinabi niya kayang ipapapatay niya ako. Sino bang di matatakot? Pero nandiyan ka naman. You won't let me die. Kaya nga magpapakasal tayo diba? Let's go," aya pa ni Ria.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD