Kabanata Apat

2618 Words
Kabanata Apat Lumipat sila Ria at Marcus sa mansyon. Ilang damit lamang ang dala nila, wala rin naman kasing masyadong gamit si Ria kundi ang backpack lamang niya. Ang ibang suot nga niya ay mga damit ni Marcus. Wala naman itong kaso sa kanya. Mag-iinarte pa ba siya ngayong ni hindi nga niya alam ang maaring maging kinabukasan ng buhay niya? Ipinangako naman ni Marcus na bukas darating ang mga damit na ipinahanda niya para kay Ria. "Grabe. Sobrang laki pala talaga ng bahay niyo. Mukhang magandang negosyo ang maging pirata ah?" bulong ni Ria habang naglalakad sila papunta sa dating kwarto ni Marcus sa mansyon. Natawa naman si Marcus sa narinig na sinabi ni Ria. "Delikado, pero kapag sinwerte, tiba-tiba talaga. Lalo na kapag malaking barko ang nasaktuhan." paliwanag ni Marcus sa kanya. "Tapos? Kinukuha niyo lahat ng gamit ng barko? ‘Yong mga tao? ‘Yong barko? Anong nangyayari sa kanila?" tanong ulit ni Ria. Hindi niya napansin na nakapasok na pala sila sa loob ng kwarto. Napahinto lang siya nang makita ang lawak ng loob ng kwarto ni Marcus. "Wow." gulat na sabi ni Ria. Inilapag niya ang bitbit niyang bag sa lapag at inikot ang loob. "Make yourself at home. Ito ‘yong kwarto ko noon bago ako umalis. Katapat lang nito ang kwartong tutulugan ko habang hindi pa tayo naikakasal," sabi ni Marcus. "Ang laki ng kwarto mo. Infairness. May sariling banyo. Good," nakangiting sabi ni Ria habang palakad lakad pa sa paligid. Kulay puti lang ang kwarto nito at halatang alaga sa linis at pintura ang kwarto kahit matagal na nawala si Marcus sa isla. "Pahinga ka muna rito bago tayo bumaba para sumabay na kumain sa kanila," sabi ni Marcus "Okay, sige," sagot lang ni Ria habang nag iikot sa kwarto. Approve kay Ria ang kwarto ni Marcus. Maayos na maayos din ito kagaya ng pinanggalingan nilang bahay. Malinis at madaming kagamitan. Kumportableng tirahan. Makakatagal siya ng ilang buwan dito. Mas okay na ito kaysa sa pinanggalingan niya na barung barong noon. "Sabihan mo lang ako kung may kailangan ka ha? Huwag kang mahihiyang kumatok sa kabilang kwarto," sabi ni Marcus na kasalukuyang kumukuha ng damit sa cabinet. "Marcus, paano kapag kailangan ko nang umalis? Kapag kailangan ko nang harapin ang mga tinakasan ko? Makaka-alis pa ba ako rito?" buong lakas loob na tanong niya. Matagal tumahimik si Marcus bago nagbuntung hininga. "Oo naman. Itatakas kita rito sa isla at ihahatid kita pabalik. Walang kaso ro’n," tugon nito sa kanya. Nakipagsukatan ng tingin si Ria kay Marcus. Pinapakiramdaman niya ang binata. Bukod kay Marcus ay wala na siyang ibang maaasahan pang iba. "Promise?" tanong niya rito bilang pagsisigurado. Tumango naman ito bilang tugon sa kanya. "Salamat," tugon ni Ria at niyakap niya si Marcus bilang pasasalamat. Bumitiw rin naman siya agad dito. "Maliligo muna ako," paalam na niya rito. Sumapit ang gabi at nagharap harap silang muli sa hapag kainan matapos ang meryenda kanina. Hindi sumipot si Mario kanina sa kanila, ngunit ngayon ay nandito ito at masama ang tingin kay Ria. Ramdam na ramdam ni Ria ang tensyon sa hapag. Walang nagsasalita at nagpapakiramdaman lamang ang lahat. "Sa isang linggo ang kasal ninyo Marcus. Alam mo ang tradisyon dito sa isla. Pagkatapos ng kasal, kailangang magdalangtao agad ng iyong may bahay," bunyag ng ama ni Marcus. Halos masamid naman si Ria sa tubig na iniinom niya nang marinig ang sinabi ng ama ni Marcus. Tila mababaliw yata siya rito sa isla. Hindi pa nga sila naikakasal, ngayon naman ay kailangan niyang magdalang tao kaagad? "Opo, Ama. Ako po ang bahala. Ilan ba ang gusto niyong apo?" nakangising sagot naman ni Marcus sa ama. Nanglaki pang muli ang mga mata ni Ria. May mas ikakagulat pa ba siya? "Basta magkaroon ka ng tagapagmanang lalaki. Masaya na ako. Papatawarin ko na ang ginawa mong paglalayas noon," sagot naman ng ama nito. Lalong pinagpawisan si Ria. Malamig naman sa loob ng kabahayan pero pinagpapawisan siya. Pati kamay at paa niya, isama na rin ang singit ay tila pinagpawisan na. "Kapag hindi kayang bumuo agad ni Kuya, pwede naman ako," biglang sumingit sa usapan ang kapatid ni Marcus na si Mario. "Mag-asawa ka na din, tol," seryosong sabi ni Marcus sa kapatid. Natapos silang kumain na tahimik lang si Ria. Pero pag-akyat nila ng hagdanan, agad niyang hinila si Marcus papasok sa kwartong tinutuluyan nito. "Anyare? Kasal lang ang usapan, bakit may involved na pagbubuntis na rin?" nag-aalalalang tanong ni Ria. Hinarap naman siya ni Marcus. "Tradisyon kasi sa isla na pagkakasal, nagdadalang tao agad ang Misis. Hindi rin uso ang family planning dito. Ang pinaka kaunting anak ng mag-asawa rito, apat. Bukod sa amin ni Mario, may dalawang anak pa si ama sa ibang babae. Pero hindi rito tumutuloy," paliwanag ni Marcus sa kanya. "Why didn't you tell me? Nagugulat ako sa mga plano niyo sa buhay natin. Sa buhay ko. Saka pinaplano niyo na agad kung ano ang kayang i-produce ng matres ko?" nagpapanic na tanong ni Ria. "Because I know you would react this way. Di ko naman alam na imi-mention ni ama 'to ngayong gabi," paliwanag ni Marcus. Tila wala lang rito ang isyu niya sa buhay. "Di ako pwedeng magbuntis. Aalis ako rito sooner or later, Marcus. Saka di’ba nga palabas lang naman ang lahat?" tanggi ni Ria "I know. Hindi rin naman kita bubuntisin. Alam ko naman ang planong pag-alis mo." pagsang-ayon namn ni Marcus. "Why do we sound like we're going to have s*x but you won't get me pregnant? Teka, nakakatawa 'yong sinabi mong di mo ko bubuntisin. Iba ang dating sa pandinig ko," nakatawang sabi ni Ria. Nakangisi lang naman si Marcus habang nakatingin sa kanya. Kaya kumunot ang noo nito sa nakitang reaksyon ng binata. "Why aren't you saying anything?" nagtatakang tanong ni Ria rito. "Because I don't want to say I won't. Who knows? Isang payag mo lang, and I'll gladly comply," nakangising tugon nito sa kanya. Napa-atras naman si Ria palapit sa pinto. Pinihit niya iyon pabukas at nagpaalam na sa lalaki. "Inaantok na pala ako. Goodnight!" mabilis itong lumabas at nagtungo sa sariling kwarto. Napa-iling na lang si Marcus. He just want to be honest to Ria. Pero hindi naman niya gagawin iyon sa dalaga kung hindi naman nito gusto. Lumalim na ang gabi at tahimik na ang buong paligid nang maisipan ni Marcus na silipin si Ria kung tulog na ba ito. Mayroon siyang kopya ng susi ng kwarto ng dalaga kaya madali siyang nakapasok roon. Nakahiga na ito at nakakumot. Kumportable na itong mahimbing na natutulog. Umupo si Marcus sa tabi nito upang pagmasdan ito sa pagtulog. Wala siyang ibang intensyon kundi titigan lamang ang mukha ng dalaga. Napaka-amo ng mukha nito kaya libang na libang siyang pagmasdan ito. Umunat naman ng kamay si Ria at yumakap ito kay Marcus na nasa harapan niya. Isiniksik ni Ria ang mukha sa dibdib ng lalaki. Wala itong kamalay malay na may ibang katabi na pala siya sa kama. Naalimpungatan si Ria at bahagyang nagising. Naramdaman niyang may mabigat na nakadagan sa baywang niya. Dahan-dahan niyang iminulat ang mata at bumungad sa kanya ang makisig na mukha ni Marcus. Kumunot pa ang noo niya dahil iniisip niya kung bakit nasa tabi niya ito. Sinubukan niyang bumangon, ngunit mabigat ang braso ni Marcus na nakayakap sa bewang niya. "Marcus," bahagyang tawag niya rito ngunit wala itong nagging reaksyon. Sinubukan niyang ialis ang braso nito na nasa baywang niya ngunit hindi niya ito matanggal.Masyadong mahigpit ang pagkakayakap nito sa kanya. "Huy. Marcus. Gising na. Bakit dito ka natulog?" patuloy pa rin niyang paggising ditto. "Hindi kasi ako makatulog sa kabilang kwarto kagabi," sagot nito habang nakapikit pa rin ang mga mata "Marcus, 'yong kamay mo. Babangon na ako," sabi niya pero imbes na alisin nito ang kamay ay mas lalo pa nitong hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya. "Wait, I need five more minutes," bulong nito sa mismong tainga ni Ria. Hinayaan naman ito ni Ria, inisip niyang baka naninibago ito sa kwarto dahil matagal itong nawala sa mansion noon. At pinakiramdaman niya rin muna ang paligid. Isiniksik ni Marcus ang mukha sa leeg ni Ria kaya naman ramdam na ramdam niya ang hininga nito. Bahagyang nakiliti si Ria kaya napahagikgik ito. "Marcus," tawag nitong muli habang pilit nitong tinutulak palayo ang lalaki. Tapos na ang agahan nang makababa sila Marcus at Ria. Nakatulog pa kasing muli si Marcus at hinayaan naman ito ni Ria. Umidlip din tuloy ito saglit. Kaya nang magising sila, wala na silang kasabay sa agahan. "Marcus, ilibot mo mamaya ang iyong mapapangasawa dito sa isla. Mas mainam na maging pamilyar siya rito bago ang kasal ninyo. At para makilala rin siya ng mga mamamayan dito." Utos ni Ama "Opo, ama. Ako po ang bahala riyan," mabilis na tugon naman ni Marcus. Tahimik at mabilis na kumain naman si Ria. Kapag nasa paligid talaga ang ama ni Marcus ay hindi siya gaanong nagsasalita. Pakiramdam niya kasi ay bigla nitong ipag-uutos na ipapaslang siya kapag may mabitiwan lang siyang maling salita o may ikilos man siyang hindi nito magustuhan. Matapos kumain ay lumabas sila sa mansyon. Inilibot siya ni Marcus, ngunit masyadong malawak ang isla. Hindi niya pa rin gaanong natandaan ang ilang lugar. Nalilito rin siya dahil ilang bukid o kapatagan ang dinaanan nila. Pare-pareho ang itsura ng daan. Sumusunod lang siya kay Marcus. Lahat ng nadadaanan nilang bahay, lumalabas ang buong pamilya kapag nalamang nandito si Marcus. Lahat sila ay masayang malaman na nakabalik na pala ito sa isla. "Kailan ang kasal, Hijo? Ang ganda naman ng kasintahan mo. Sinong mag-aakalang sa ibang lugar ka pala makakapili ng may bahay mo? Akala ko talaga noon, kayo ni Anita," banggit ng isang matandang lalaki na kausap nila. Napataas naman ang kilay ni Ria sa narinig. Anita? Napaisip si Ria kung sino kaya ang binanggit ng matanda na Anita. "Tatang, huwag mo nang banggitin si Ate Anita kay Kuya Marcus. Nakakahiya sa mapapangasawa niya," bulong ng nakakabatang babae. Agad namang ngumiti si Ria sa kanila. "Naku. Wala hong problem sa akin 'yon. Malawak naman ho ang pang-unawa ko. Sino po ba itong si Anita? Ikwento niyo naman sa akin," nakangiting sagot niya sa mag-anak. Tinitigan lang siya ni Marcus at ng dalawang kausap niya. Parang hindi sila makapaniwala sa mga sinabi niya. Mukha ba siyang nagbibiro? "Saka ka na makipagkwentuhan, marami pa tayong pupuntahang lugar," sabi lang ni Marcus sa kanya. Inirapan na lamang siya ni Ria. Mukhang ayaw lang nitong pag-usapan. Malamang ex-girlfriend niya 'yon. Siguro hindi pa siya nakakamove on. Naisip niyang tuksuhin ito mamaya. Nagpatuloy na silang muli sa paglalakad. "So, sino si Anita? Siya ba ay the one that got away?" Tanong ni Ria habang naglalakad silang dalawa. Kumunot noo lang si Marcus sa kanya. "Anong the one that got away? Kababata ko lang si Anita," mabilis nitong sagot sa kanya. "Eh bakit akala daw nila 'yong Anita ang mapapangasawa mo? Siguro kaya ka umalis noon kasi broken hearted ka? Mapusok talaga ang puso ng mga kabataan noon pa man. Tsk Tsk," patuloy na komento pa rin ni Ria. Tinignan lang siya ni Marcus na parang hindi siya makapaniwala sa mga sinabi niya. Hindi ito umimik kaya nagpatuloy lang si Ria sa pagsasalita. "Alam mo, I have this crush since high school yata? No one knows this ha? Kasi lagot talaga ako sa Dad ko kung nalaman niya. Anak siya ng close friend ni Dad. Iniisip ko nga noon kung bakit hindi kagaya si Dad ng mga nasa teleserye? Bakit hindi niya ako pinagkakasundo sa anak ng kaibigan niya? You know, for stronger business? Di’ba gano’n ‘yong mga ginagawa sa palabas? Wala lang. Share ko lang, since nabanggit natin 'yong past mo with Anita," kwento naman ni Ria ng tungkol sa buhay niya. "Wala nga kaming past ni Anita, Ria. Ang kulit mo," tugon lang nito sa kanya. Hindi pa rin siya naniniwala. Magaling magdeny ang mga lalaki. Papaaminin niya ito. "Hindi ka man lang nagreact sa confession ko sa crush ko? Alam mo, malamang same situation kami ni Anita noon. Babae kami, kahit may gusto kami sa lalaki, hindi namin magawang magfirst move. Ano'ng iisipin niyo kapag gano'n? Madali kaming babae?" paliwanag niya pa rin kay Marcus. "Wala naman akong iisipin na gano'n. Kung ikaw ang magfirst move sa akin, it’s fine. I'll be glad," mabilis na sagot ni Marcus sa kanya. Bigla na lang napatid sa bato si Ria. Hindi niya alam kung nanghina lang ba ang tuhod niya sa mga sinabi ni Marcus sa kanya, o baka talagang hindi lang niya nakita 'yong bato? Mabilis naman siyang tumayo at pinagpagan niya agad ang tuhod niya. Buti hindi nakita ni Marcus ang nangyari sa kanya. Nakatayo na siya no'ng lumingon ito sa gawi niya. "Ayos ka lang? Ano'ng ginawa mo?" tanong nito sa kanya. Tumango siya kaagad "Wala. Hindi ko nakita 'yong bato," mabilis na tugon niya rito. Sumunod agad siya rito nang makabawi ang tuhod niya. Ipinakita nito na may batis pala sa di kalayuan. Ang lamig ng tubig at ang linis pa. Sa bandang baba raw ng batis, doon naglalaba ang mga kababaihan. Tapos dito sa itaas na parte naliligo ang karamihan. "Ang ganda. Bukas babalik ako rito. Dito ako maliligo," tuwang tuwang sabi ni Ria. Tumango naman si Marcus sa kanya. "We could take a bath here tomorrow, isama natin si Caloy," tugon nito sa kanya. "Anong we? Ako lang. Huwag ka nang sumama," mabilis niyang tanggi kay Marcus. Kumunot naman ang noo nito. "Natandaan mo ba kung paano ang papunta rito? Baka hindi ka na makabalik. Saka mahirap kapag mag-isa ka lang tapos babae ka pa," paalala nito sa kanya. "Saka na lang pala ako maliligo rito," biglang bawi naman ni Ria sa sinabi. Pagkagaling nila sa batis ay bumalik na rin sila kaagad sa mansyon. Kumain sila saglit ng merienda tapos dinala naman siya ni Marcus sa dagat. "Dito ang bagsakan ng nahuhuli ng mga mangingisda. Lahat ng huli, pinamamahagi sa bawat pamilya rito sa isla," paliwanag ni Marcus habang itinuturo ang sinasabi. "Parang ang hirap mangisda? Pwede kaya akong sumama sa kanila minsan?" tanong niya. Tinitigan na naman siya ni Marcus bago ito sumagot. "Seryoso ka ba? Talagang gusto mo?" tanong nito sa kanya. "Oo, bakit? Bawal ba?" tanong din ni Ria. Umiling naman ito sa kanya. "Hindi naman. Pwede naman. After ng kasal natin isasama kita sa pangingisda," tugon nito sa kanya. Napangiti siya nang Malaki sa narinig. Sobrang exciting! Kaso may bigla siyang naalala. "Kapag kasal na pala tayo ano na ang magiging silbi ko sa inyo? I mean? Ano ang magiging role ko?" tanong niya kay Marcus. Ngumiti naman ito sa kanya. "Misis ko. Kung ipamana sa akin ni ama ang pagiging pinuno ng isla, kailangang magbuntis at magsilang ka ng lalaking tagapagmana ko," simple at mabilis na sagot nito sa kanya. "Magbuntis at magsilang talaga? Hindi man lang magluto? Maglinis ng buong mansyon? Maglaba?" paglilinaw na tanong ni Ria kay Marcus ngunit umiling ito sa kanya. "Hindi. Ang mahalagang role ng asawa ng pinuno ng isla ay masiguro na may susunod na henerasyon ng mga pinuno," paliwanag nito sa kanya. "Paano 'yan? Kailangan mong humanap ng magbibigay tagapagmana mo?" nalulungkot na tanong ni Ria. "Bakit naman? Nandiyan ka naman. I can wait, no pressure," kalmado nitong tugon sa kanya. Napaatras siya habang kunut na kunot ang noo. Na-amnesia ba itong si Marcus? Anong ‘I can wait, no pressure.’? Alam naman nitong hindi siya magtatagal dito sa isla na ‘to. Sooner or later kakailanganin na ring umalis ni Ria rito para harapin ang mga kalaban na tinaguan niya, para resolbahin ang mga problema na iniwan niya. Hindi na lamang siya nakipagtalo pa rito baka naman kasi binibiro lang naman siya nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD