Kabanata Dalawa

2726 Words
Kabanata Dalawa               Isang linggo muli ang tahimik na lumipas sa buhay ni Victoria. Unti-unti na siyang nakaka-adjust sa kanyang pamumuhay sa probinsya. Hirap siya noong una dahil sanay siya sa marangyang buhay. Pero kinailangan niyang matuto dahil hindi pa siya maaring bumalik sa normal at marangyang buhay na mayroon siya.                 Dahil tahimik ang naging pamumuhay niya nitong mga nakaraang lingo ay inakala niyang maayos na sa wakas ang lahat. Naging panatag siya. Ngunit isang gabi, bago siya matulog ay nakarinig siya ng mga kaluskos at ingay galing sa labas. Agad siyang kinabahan, kaya sumilip siya mula sa bintana kung ano ang mga kaganapan sa labas. Nakaramdam siya ng takot nang makitang maraming lalaki ang nasa labas at nakapaligid sa bahay na tinutuluyan niya. Nagmamadali siyang nag-impake ng ilang damit at kinuha niya ang backpack na naglalaman ng mga importanteng gamit niya. Dahan-dahan siyang lumabas sa pinto sa likod ng kabahayan. Nakakailang hakbang pa lamang siya palayo ngunit nakita na siya ng isa sa mga lalaking nasa labas ng bahay niya.                 "Nandito si Victoria!" sigaw ng isang lalaki. Agad siyang tumakbo papalayo sa mga ito. Hindi niya na naman alam kung saan siya pupunta o magtatago. Magkakalayo ang mga bahay rito kaya wala siyang ibang mapagtataguan. Walang tigil siya sa pagtakbo at hindi siya lumulingon sa likod dahil sa takot na baka lalo siyang maabutan ng mga humahabol sa kanya. Pala-isipan din sa kanya kung paano ba siya natunton ng mga ito?                 Hindi niya namalayan na dinala nap ala siya ng mga paa niya sa bandang dalampasigan. Hindi niya alam na dagat pala ang parteng ‘yon. Ngayon lamang siya nagawi roon. Lagot na siya. Wala na siyang ligtas. Wala na siyang ibang tatakbuhan pa.                 "Tulong!" sigaw niya nang malakas. Sinubukan niyang tumakbo palusong sa dagat ngunit naabutan siya ng dalawang lalaki.                  "Bitiwan niyo ako! Kung sino man ang nag-utos sa inyo, sisiguraduhin kong mabubulok kayo sa kulungan! Lahat kayo! Wala akong patatawarin kahit isa sa inyo!" sigaw niya. Bigla siyang sinampal ng isa sa mga lalaki kaya natigil siya sa panlalaban. Sa lakas ng sampal sa kanya, pakiramdam niya ay nabingi siya at humiwalay ang kaluluwa niya sa katawan niya. Nanghina at nahilo siya ro’n.                 "Sumama ka sa’min! Huwag mo nang tangkaing tumakas dahil hindi kami magdadalawang isip na saktan ka kahit babae ka pa," banta ng isang lalaki sa kanya. Dinuraan niya sa mukha ang isang lalaki na sumampal sa kanya.                 "Mga hayop kayo! Buhay pa kayo pero nakalaan na ang pwesto niyo sa impyerno!" sigaw niyang muli sa mga ito. Tinadyakan niya sa p*********i ang isa sa mga ito at tinulak naman niya ang isa. Nakatakbo siya ngunit nahabol din siya kaagad ng isa sa mga ito. Hinila siya nito sa buhok at kinaladkad palapit sa mga kasama nito. Kinagat niya sa kamay ang lalaki, ngunit laking gulat niya nang biglang may sumaksak sa balikat niya na naging dahilan kaya bumagsak siya sa buhanginan.               Umiiyak siya habang hawak ang sugatang balikat. Namimilipit siya ngayon sa sakit. Iniisip niyang ito na nga yata ang katapusan niya. Susunod na rin siya sa kanyang ama. Ni hindi man lang siya nakalaban. Ni hindi man lang niya napakulong ang mga hayop na may pakana sa lahat ng ito. Mumultuhin na lamang niya lahat kapag namatay nga siya ngayon.                 "Sino kayo?! Bakit nanggugulo kayo sa bayan namin?" rinig niyang may sumigaw na lalaki mula sa hindi kalayuan.                 "Marcus! Sila 'yong nakita namin na nakapaligid sa bahay no'ng babaeng pinasundan mo," rinig niyang sabi pa ng isa. Hinila siya ng isang lalaki. Pinipilit siyang patayuin nito kahit nanghihina siya at namimilipit siya sa sakit.                 "Tulong! Tulungan niyo ako," sigaw niya nang makitang may tatlong lalaki na papalapit sa kanila. Nakita niyang lumapit ang dalawa at kinalaban nito ang dalawang lalaking humabol sa kanya. Mabilis nila itong natalo. Humandusay sa buhanginan ang dalawang lalaking kanina lang ay sinaktan siya. Pero nakita niyang paparating na ang iba pang kasama ng mga ito sa hindi kalayuan. Naaninag niya si Marcus. Ang lalaking nakilala niya sa bayan, na ngayon ay nagligtas sa kanya.                 "Tulungan mo ‘ko. Pakiusap, ilayo mo ako rito. Gagawin ko ang lahat. Ilayo mo lang ako ngayon dito," pakiusap niya. Nanghina at nanglamig ang katawan niya. Habang umiiyak siya at nakatitig sa mukha ng lalaking si Marcus ay unti-unti siyang nawalan ng malay. Ngunit narinig niya ang huling sinabi nito.                 "Caloy, ihanda niyo ang yate. Babalik na tayo sa isla," rinig niyang sabi ni Marcus bago siya tuluyang nablanko.                 Nagising siya dahil nakaramdam siya ng kirot sa katawan. Iminulat niya ang mga mata at bumungad sa kanya ang isang hindi pamilyar na lugar. Dali-dali siyang bumangon. Nakita niya ang isang puti at malinis na kwarto. May benda na rin ang sugat niya sa balikat. Inisip niyang baka nasa ospital lamang siya. Sinubukan niyang tumayo at lumabas sa kwartong ‘yon. Nagulat siya nang makitang isang malawak na lupain ang bumungad sa kanya paglabas niya sa ikalawang pinto mula sa kwarto. Wala siya sa ospital. Nasa probinsya pa rin siya. Pero hindi niya alam kung nasaan siya. Lumabas siya at nagsimulang lumakad upang tignan ang paligid. Pilit niyang inalam kung nasaan siya. May nakita siyang dalawang babae sa hindi kalayuan. Masama ang tingin nito sa kanya, kaya imbes na magtanong dito ay pinili na lamang niyang bumalik sa bahay na pinanggalingan niya. Umupo siya sa kama habang hawak ang balikat niyang bahagyang kumikirot. Narinig niyang bumukas ang pinto kaya muli na naman siyang napatayo at naisipan niyang dumampot ng bagay na maari niyang gamitin na pangproteksyon sa sarili.                 "Gising ka na pala? Kamusta naman ang sugat mo?" bungad ng lalaki sa kanya pagpasok nito sa kwarto. Agad naman niyang nabitawan sa kama ang hawak niyang vase nang makita niyang si Marcus ang dumating. Bahagya niyang naalala ang mga naging kaganapan kagabi.                 "Nasaan ako?" tanong niya. Nilapag naman ni Marcus ang mga dala niyang pagkain at gamot sa mesang nasa tabi ng kama.                 "Nandito ka sa Isla De Uno. Hindi ka masusundan dito noong mga humahabol sa’yo. Huwag kang mag-alala, ligtas ka rito," tugon nito sa kanya.                 "Maraming salamat sa pagligtas mo sa akin," mahinang sabi niya sa lalaki. Nakita naman niyang ngumiti  ito. Hindi niya alam kung tama ba na pagkatiwalaan ito, ngunit utang na loob niya ang buhay niya dito.                 "Hindi ako makatanggi. Lalo na no'ng sabihin mo sa akin na gagawin mo ang lahat, basta ilayo lang kita roon," nakangiting sagot nito sa kanya.                 "Gagantihan ko ang tulong na ginawa mo sa akin. Kapag natapos na ang lahat, kapag nakabalik ako nang maayos, bibigyan kita kahit magkano pa ang gusto mo," pagsisigurado niya dito.                 "Ngunit hindi naman pera ang kailangan ko," tanggi nito.                 "Kung hindi pera, ano? Sige kahit ano, ibibigay ko. Basta kaya ko," mabilis na naging tugon niya.                 "Talaga? Sige, tatandaan ko 'yan," nakangising sagot ni Marcus. Inalalayan siya ni Marcus na makakain at makainom nang gamot. Hirap pa din kasi siyang ikilos ang braso niyang nasugatan.                 "Hindi ko pa rin alam kung ano ba ang pangalan mo," biglang sabi ni Marcus.                 "Ria ang pangalan ko," mabilis naman niyang tugon dito. Napatango tango pa ang lalaki.                 "Ria, mamayang hapon ay pupunta ako sa mansyon ng may-ari nitong isla. Siguradong aabutin ako ng gabi roon, kaya huwag mo na akong hintayin kung magkataon. Ligtas ka rito sa bahay ko. Maaari ka ring lumabas kung gusto mo, pero sa lagay ng sugat mo, mas mabuti kung magpahinga ka muna siguro ng ilang araw. Huwag ka rin munang lumayo kapag wala ako rito," bilin nito sa kanya. Tumango naman siya rito bilang pagsang-ayon sa sinabi nito.                 "Maraming salamat ulit, Marcus. Sobrang laki ang utang na loob ko sayo," nahihiyang sabi niya rito. Tinugon naman siya nito ng ngiti.                 "Masaya akong mailigtas ang babaeng nais kong protektahan, Ria. Kahit na niloko mo ako noon nang sabihin mong may asawa ka na," pang aasar ni Marcus sa kanya. Nanglaki ang mga mata niya nang maalala ang kalokohan na ginawa noon para iwasan lamang si Marcus. Napatakip siya ng mukha sa sobrang kahihiyan.                 "Sorry. It wasn't really my intention. I was just... Oh! Sorry, hindi ako makapag-isip ng diretsong tagalog sa ganitong sitwasyon," hindi niya matuloy ang sinasabi.                 "Ituloy mo. I understand you. I have been away from this island for twelve years. Nakapag-aran naman ako at nakapagtapos rin ng kolehiyo. Hindi nga lang halata sa akin. Nauunawaan ko rin naman kung bakit mo ginawa 'yon noon. Natutuwa nga ako dahil iba sa mga babaeng nakilala ko. You look cute because of that, Ria," paliwanag nito.                 "You can understand english? My gosh! I have been stressing myself out for almost two months trying to straight my tongue by talking to people using straight Filipino language. At last! May makakausap na rin ako nang matino. Look at my tongue, baluktot na. And my nose? Kulang na lang, gabi-gabi yata magnosebleed!" masayang sabi niya sa kausap. Napa-iling na lang si Marcus sa sinabi ni Ria sa kanya.                 "Unang kita ko pa lang sayo, alam ko na kaagad na hindi ka taga rito. O kahit saang probinsya man na malapit dito. The way you talk, and the way you dress yourself. Kaya nga napukaw mo agad ang atensyon ko eh. I am sorry if I scared you. Hindi ako magtatanong o makikialam sa kung anong rason bakit may mga lalaking humahabol sa’yo. Pwede kang manatili rito sa isla hanggang gusto mo, walang ibang nakakapunta rito," paliwanag muli ni Marcus sa kanya.                 "Salamat," mahinang sabi muli ni Ria kay Marcus.                 Sumapit ang hapon at kinailangang umalis ni Marcus upang magpunta sa sinasabi niyang may-ari ng isla. Mag-i-isang oras na rin itong wala at mag-ga-gabi na. Narinig niyang may kumatok sa pinto mula sa labas. Alam niyang hindi iyon si Marcus dahil hindi na nito kailangan pang kumatok sa sariling bahay. Kaya maingat siyang nagtungo sa pinto.                 "Sino 'yan?" tanong niya.                 "Si Caloy 'to. Kaibigan ni Marcus," sagot naman ng nasa labas. Bahagya niyang binuksan ang pinto para silipin ito.                 "Kailangan mong sumama sa akin para makausap ang ama ni Marcus. Malaking g**o kapag nagkataon," bungad na balita agad nito sa kanya.                 "Bakit? Nasaan na ba si Marcus? Sabi niya sa akin kakausapin niya raw ang may-ari ng isla," tanong niya.                 "Yon nga ang problema. Ama ni Marcus ang may-ari ng islang ito. Labing dalawang taon kaming hindi umuwi rito mula ng talikuran ni Marcus ang buhay niya sa islang ito. Kaya ngayong bumalik siya bigla ay ginulat na naman niya ang lahat. Halika na, sumama ka na, saka na ako magpapaliwanag," paliwanag nito pero bandang huli ay isinama rin siya sa kung saan. Kusang loob naman siyang sumama. Hindi niya hahayaan na mapahamak si Marcus nang dahil lamang sa kanya. Tinulungan at iniligtas siya nito, kaya kung kaya rin niya itong iligtas ay gagawin niya.                 Dinala siya ni Caloy sa isang malaki at magarbong bahay. Mas malaki ang bahay na iyon kaysa sa bahay nila sa Maynila. Kaya lalo siyang naguluhan. Nasa probinsya siya at nasa isang liblib na isla pero may ganito kalaking bahay? May-ari ba ng Resort ang pamilya ni Marcus? Papasok pa lamang sila sa malaking pinto nang harangin sila ng tatlong lalaking nakasuot ng itim.                 "Padaanin niyo kami. Siya ang babaeng kasama ni Marcus," sabi ni Caloy habang tinutulak ang isa sa mga lalaking humarang sa kanila. Nang marinig 'yon ng tatlo ay agad sila nitong pinadaan. Tahimik sa loob nang bigla na lamang may sumigaw.                  "Anong kalokohan pa ba ang kaya mong gawin, Marcus?! Kung hindi ka magpapakasal, ay mabuti pang umalis ka na lang!" sigaw ng isang matipunong boses ng lalaki. Napahinto siya sa paglalakad dahil nakaramdam siya ng takot.                 "Ama, magpapakasal po ako, pero hindi dahil gusto niyo. Magpapakasal ako kapag mahal niya ako at mahal ko siya," rinig niyang tugon ni Marcus. Hindi niya nakikita ang pangyayari habang naglalakad sila papasok pero rinig na rinig niya ang usapan.                 "Lapastangan! Kung hindi pala kayo nagmamahalan, bakit mo siya dinala dito sa isla?! Alam mo ang patakaran! Hindi pwede ang mga taga-labas na manatili sa isla na ito maliban na lamang kung asawa mo siya. Kung hindi mo naman pala pakakasalan ang babaeng 'yon, mas mabuti pang ipapatay ko na lang siya!" dumagundong ang boses sa buong kabahayan. Nanglaki naman ang mata niya sa mga narinig. Siya ba ang tinutukoy na babae sa usapang iyon? Pati ba naman dito ay ipapapatay din siya? Kahit saan siya mapunta, sa bandang huli ipapapatay pa din siya?                 "Senyor Abraham, nandito na po ang babae," deklara ni Caloy nang marating nila ang malawak na sala ng buong kabahayan. Agad namang lumingon si Marcus at napatayo mula sa pagkakaluhod para lapitan sila.                 "Ria, anong ginagawa mo rito? Caloy? Bakit kasama mo siya?" naguguluhang tanong ni Marcus sa kanila.                 "Hindi ko hahayaang mapahamak ka dahil lang sa biglaang pagbabalik natin dito," mabilis na sagot ni Caloy sa kaibigan.                 "Hindi naman ako mapapahamak. Ria, magtago ka sa likod ko," agad na hinawakan ni Marcus ang kanyang kamay. Lalo tuloy siyang natakot nang itago siya ni Marcus sa likuran nito. Gano'n ba kalala ang sitwasyon? Dapat na ba siyang kabahan? Dapat na ba siyang tumakbo at tumakas?                 "Alam mo ang batas, Marcus. Ang sinumang mapapadpad sa isla na ito na hindi natin ka-miyembro ay papaslangin! Ibigay mo sa'kin ang babae! Gigilitan ko siya ng leeg!" galit na sabi ng ama nito. Nanglaki ang mga mata ni Ria. Pinagpawisan siya nang malamig at napakapit siya nang mahigpit sa braso ni Marcus.                 "Hindi mo siya kailangan paslangin, Ama. Kung hindi siya pakakasalan ni Marcus, ako na lang ang magpapakasal sa kanya," biglang may lumitaw na isa pang lalaki mula sa kabilang pinto. Lumapit ito sa kanila. Tinitigan siyang maigi ni Ria. Kahawig ito ni Marcus pero mukhang mas bata ito.                 "Magtigil ka, Mario. Hindi kagamitan si Ria na pagpapasa-pasahan at aangkinin ng kung sino," galit na sabi ni Marcus. Hinawakan naman ni Marcus ang kamay ni Ria. Mahigpit ang hawak niya dito.                 "Marcus, ano ba ang nangyayari?" bulong ni Ria kay Marcus.                 "Bukas na lang tayo ulit mag-usap, Ama," paalam ni Marcus sa Ama at hinila na siya nito palabas ng bahay. Gulung g**o ang isip ni Ria habang sumusunod lang sa paglalakad kay Marcus. Hindi pa rin niya maintindihan ang mga nangyayari. Nakakatakot ang Ama ni Marcus. Ano ba ang mayroon sa isla na ito?                 "Bakit bawal ang ibang tao rito sa isla niyo? Hindi ba ito Resort? Sorry. Medyo lost ako sa mga pangyayari. Ako ba 'yong tinutukoy na ipapakasal sayo?" sunud sunod na tanong niya rito. Naghintay siya ng sagot, ngunit hindi siya pinansin nito hanggang sa makarating sila sa bahay nito. Pagkapasok nila sa bahay ay inilock agad nito ang pinto at hinarap siya.                 "Ria, sinabi kong ligtas ka sa mga taong humahabol sayo mula sa labas. Pero hindi ibig sabihin, ay pwede kang sumama sa kung sinu-sinong lalaki dito sa isla. Paano kung ibang tao ang kumuha sayo at hindi si Caloy?" seryosong sabi nito sa kanya.                 "Sorry. Nataranta kasi ako sa sinabi niya. Akala ko napahamak ka na kaya sumama agad ako. Hindi na mauulit. Promise!" paliwanag niya. Napabuntong hininga si Marcus at muli siyang tinitigan nito.                  "Ayaw ko lang na mapahamak ka. Marami kasing ibang lalaki dito na maaring magka-interes sayo. Kagaya kanina. Nang makita ka ng kapatid kong si Mario, nagustuhan ka rin niya. He even wants you to marry him. Nakakagalit," paglilinaw ni Marcus.                 "Nagustuhan din? Din? Bakit? May iba pang may gusto sa'kin? Sino?" kunut-noong tanong niya. Napasabunot sa buhok si Marcus sa tanong ni Ria sa kanya.                 "I can't believe you are asking me that, Ria," tugon ni Marcus sa kanya.                 "Why?" kunut-noong tanong ulit ni Ria.                 "I really can't believe your cluelessness." dugtong pa din ni Marcus. Naiinis na si Ria sa mga sinasabi ni Marcus. Di niya kasi ito maintindihan.                 "Bakit nga? Why am I clueless?!" buwisit na tanong na ni Ria. Matagal siyang tinitigan ni Marcus sa mata. Humakbang siya palapit kay Ria at hinapit ito sa bewang at inilapit niya dito ang kanyang mukha.                 "I like you, Ria. I thought I made myself clear?" seryosong sabi nito habang magkalapit ang mukha nila ni Ria.                 "Aren't you just flirting? Because that's what most men do?" naguguluhang tanong ni Ria.                 "Not me," hindi pagsang-ayon ni Marcus. Sasagot pa lamang sana si Ria, nang hindi siya hayaan ni Marcus. Sinakop nito ang mga labi ng dalaga na naging dahilan nang pagsinghap nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD