Kabanata Labing Apat

2159 Words

Kabanata Labing Apat Inutusan na rin ni Marcus ang mga tauhan ng kanyang ama na tumulong sa paghahanap kay Ria. Ngunit wala itong nakita kahit anino man lang ng asawa niya. "Marcus, may nakita akong dugo sa malapit sa puno ng narra sa likod ng mansion," hinihingal na sabi ni Caloy. Nakaramdam ng pagkataranta si Marcus at agad nilang tinakbo papunta sa lokasyon na sinasabi ni Caloy. Nanginginig ang mga kamay ni Marcus nang makita ang dugo sa puno at sa lupa. "Buknoy, Caloy, narito lang sa malapit si Ria. Siguraduhin niyong mahahanap natin siya bago dumilim!" utos niya sa mga kaibigan. Sinundan ni Marcus ang mga kakaibang bakas sa lupa. Nakita niya ang isang malalim na hukay na may mga lamang tuyong dahon. Agad siyang kinabahan nang maisip na baka nasa ilalim ng hukay si Ria. Pero ipinag

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD