Kabanata Lima

2344 Words
Kabanata Lima Kinagabihan, pagod na pagod ang mga binti ni Ria pag-uwi nila sa mansyon. Maaga siyang nagpaalam kay Marcus na magpapahinga na. Kaso no'ng patulog na siya, biglang bumuhos ang malakas na ulan na may kasama pang kulog at kidlat. Napabalikwas siya ng bangon nang biglang nawalan ng ilaw saglit. Agad siyang lumabas sa kwarto at dumiretso sa kabilang kwarto kung nasaan si Marcus. Nabuksan niya ang pinto at dire-diretso siyang pumasok doon. Sakto namang kakalabas lang ni Marcus mula sa banyo. Nakatapis lang ito ng tuwalya. "Ria?" Nagtatakang tanong nito nang makita si Ria na hahangos hangos pa sa harapan niya ngayon. "Can I sleep here tonight?" paalam ni Ria kay Marcus. Lalo naman itong nagtaka. Pero hindi na nito hinintay na sumagot pa si Marcus. Agad nang pumwesto si Ria sa kama at nagtilakbong ito ng kumot. Hinayaan naman siya ni Marcus at nagpatuloy na lamang ito sa pagbihis. Pahiga na rin sana si Marcus sa kama nang biglang kumidlat at kumulog nang sobrang lakas. Napatili si Ria at napabangon. Tumalon at yumakap siya nang mahigpit kay Marcus. Si Marcus naman ay napaupo lang sa kama habang kandong si Ria na takot at nanginginig pa. Hinaplos haplos niya na lamang ito sa likod hanggang sa hindi pa rin tumitigil ang malakas na ulan. Lalong hindi bumitiw si Ria kay Marcus nang mawalan ng kuryente ang buong bahay. "Ria, it's okay. Pinapatay talaga ang power kapag ganito kalakas ang ulan. Babalik din ang kuryente mamaya kapag medyo tumila na at hindi na malakas ang hangin. Preventive measures lang ito sa isla," paliwanag niya pero hindi naman umimik si Ria. Hindi pa rin ito bumibitaw kay Marcus. Halos isang oras ang lumipas bago tuluyang humupa ang ulan. Pinakiramdaman ni Marcus si Ria, pero nang silipin niya ay nakita niyang nakatulog na pala ito sa ganitong posisyon. "How can you fall asleep in a situation like this? Samantalang ako, init na init na sa posisyon natin," nakangising sabi ni Marcus. Binuhat niya ito at dahan-dahang inilapag sa kama. Hinawi niya ang buhok nito at saka ito kinumutan. Napa-iling na lang siya. Ria is really an innocent woman, she’s very comfortable with him. Sumapit ang araw ng kasal nina Ria at Marcus. Abala ang lahat. Akala niya ay simpleng seremonya lang ang magaganap. Pero nabigla siya nang makitang abala ang lahat at maraming lamesa na may upuan sa labas ng mansyon. Hindi sila nagkita ni Marcus buong araw kahapon dahil naniniwala sa pamahiin ang mga taga-isla. Maghapon din tuloy siyang hindi lumabas ng kwarto. Ngayon nga ay nakasuot siya ng isang puting mahabang bestida. Wala siyang kahit na anong kolorete sa mukha. Hindi iyon uso sa mga kababaihan dito sa isla. Natural ang mamula mulang pisngi at mapulang labi niya kaya kahit paano ay may kulay at sigla ang kanyang mukha. Sinundo siya sa kwarto para magtungo sa labas ng mansyon kung saan idaraos ang seremonya ng kanilang kasal. Paglabas niya sa pinto ng mansyon, agad niyang nakita si Marcus na nasa dulo ng lalakaran niyang pasilyo. Natuwa siya nang makitang maraming pula at puting rosas ang nasa sahig na nagsisilbing direksyon papunta kung nasaan si Marcus. Maraming klase ng bulaklak din ang nakalagay sa gilid na kanyang nilalakaran. Tulips, sunflower, rose. Nakakataba ng puso. Hindi niya akalain na ganito ang magiging kasal nilang dalawa. Hindi man sila nagmamahalan, at hindi man totoo ang lahat ng ito dahil aalis din siya, natutuwa ang puso niya sa effort ng lahat. Sa kabilang banda, nakakaramdam din siya ng lungkot, dahil alam niya ngang aalis din naman siya. Hindi naman ito pangmatagalan. Tumingin siya sa direksyo ni Marcus at nakita niyang nakangiti ito. Napatugon din siya ng ngiti dito. Sumagot naman ito ng kindat kaya napahagikgik siya habang lumalakad papalapit. Sinalubong siya ni Marcus no'ng malapit na siya. Agad naman niyang ipinulupot ang kamay niya sa braso ni Marcus. "Nervous?" Tanong ni Marcus sa kanya. "I don't know what to feel," tugon lang rin naman ni Ria. "This will be a very long day," deklara ni Marcus. Umupo sila at nakinig sa mga salita ng ama ni Marcus. Ito ang magkakasal sa kanila. Inanunsyo muna nito ang pagbabalik ng panganay na anak na ilang taon ding nawala. At ngayon, ay ikakasal na. Tinapos ang seremonya ng kasal sa kanilang mga pangako sa isa't isa. Hindi alam ni Ria kung saan nanggaling ang mga salitang binitiwan at ipinangako nila ni Marcus sa isa't isa. "Sa dagat man o sa lupa, sa probinsya man o sa siyudad, kahit saan mang parte ng mundo. Kung nasaan ka, ay doon lang din ako. Ipagtatanggol ka, iintindihin ka, at higit sa lahat, mamahalin ka. Ikaw lang, Ria," huling parte ng mga pangakong binitiwan ni Marcus Tinapos nila ang seremonya ng kasal sa isang mainit at matamis na halik. Mahigpit ang yakap ni Marcus kay Ria habang sinisiil ito ng malalim na halik. "Sobrang ganda mo ngayon," bulong ni Marcus pagkatapos niyang siilin ng halik si Ria. "Wala namang pinagkaiba. Puting bestida lang ang kaibahan pero wala naman akong make-up ngayon," nagtatakang paliwanag ni Ria. "Ayon na nga eh," simpleng tugon ni Marcus sa kanya. Nagsalu-salo ang lahat. Lahat ng bisita ay nilapitan si Marcus. Kinamusta ang naging buhay niya at kung anu-ano pa. May ilang kumausap at nakipagkwentuhan din sa kanya.  Apat na litson ang handa at maraming ibang putahe pa. Pumapak siya ng balat habang naghihintay kay Marcus. Meron din siyang iniinom na masarap na juice. Kakaiba ang lasa nito pero matamis. Kinagabihan, patuloy pa rin ang kasiyahan sa isla. May inuman at sayawan. Natutuwa si Ria na makitang nagkakasiyahan ang lahat. Nakita niyang papalapit na si Marcus sa kanya. Kanina ay kausap nito ang mga kababata kaya hinayaan niya muna ang mga ito na makapagkamustahan at kahit paano ay makapagbonding. "Kumusta? Pagod ka na ba?" tanong nito sa kanya. Umiling naman siya kaagad. "Sakto lang. Nag-e-enjoy pa akong manood sa kanila," tugon niya naman rito. "Mas mag-eenjoy ka kung sasayaw rin tayo," nakangiting sabi ni Marcus sa kanya. Hinakawan nito ang kamay ni Ria at iginayak na magpunta sa gitna kung saan nagkakasayahan ang mga sumasayaw. Nagsimulang sumayaw si Marcus dahil mabilis ang tugtog. Marunong itong sumayaw. Mala-Bruno Mars ang galaw nito. Tawa naman nang tawa si Ria dahil hindi niya alam kung kikiligin ba siya dahil ang seksi sumayaw ni Marcus. "Anong sayaw 'yan?" natatawang biro niya kay Marcus "Imbento ko lang. Sayaw na," mabilis na sagot ni Marcus habang tumatawa rin. Sinayawan niya sa gitna si Ria. Pero hindi pa rin ito sumayaw. Tawa lamang ito ng tawa hanggang matapos ang tugtog. "Ayaw ko! Iinom na lang ako kaysa sumayaw," tanggi pa rin ni Ria sabay tungo sa lamesa kung nasaan nakalagay ang mga baso na may alak. "Naku po," iiling-iling na bulong ni Marcus. Bumalik si Ria na may bitbit na dalawang baso pa. "Let's toast, Mister ko," sabi ni Ria sabay abot ng isang baso kay Marcus. "Cheers to forever ba ito, Misis ko?" tanong nito sa kanya. "Walang forever eh. So, cheers to our moment now, maybe?" nakangiting tugon ni Ria sabay taas sa baso niya. "Looking forward to our tomorrows," sagot lang ni Marcus at nakipagcheers na ito sa asawa. Nakailang baso pa lang ng alak si Ria, at sumasayaw na ito ngayon. Kaninang hindi pa ito nakainom ay halos hindi ito mapilit ni Marcus na magsayaw. Pero ngayon na nakainom na, inaawat naman ito ng asawa. Gumigiling na kasi ito nang mapang-akit. "Ria, akyat na tayo sa kwarto. Lasing ka na," bulong ni Marcus habang payakap na inaawat sa pagsasayaw ang asawa niya. "Anong lasing? Sino? Ako? Lasing ako? Hindi ah," tanggi nito at nagpatuloy sa ginagawa. "Okay. Hindi ka nga lasing. Samahan mo muna ako sa kwarto, may kukunin lang tayo," tugon na lamang ni Marcus kay Ria para mapapayag lang ito na umakyat. "Ano ba ang kukunin mo?" tanong naman ni Ria sa kanya. Mapungay na ang mga mata nito. Kaya kailangan na rin talagang mapa-akyat ni Marcus si Ria para makapagpahinga. Pero bago pa man ito sumunod kay Marcus ay kumuha at tumungga pa ulit ito ng alak. Sarap na sarap kasi si Ria sa tinimplang alak na iyon. Pinaghalo halo daw kasi iyon. "Ria, tama na ‘yan," patuloy na saway ni Marcus sa asawa niya. Agad namang sumunod si Ria sa asawa. Ngunit no'ng nasa hagdan na sila ay bigla na lamang itong tumumba. Agad naman siyang inalalayan ni Marcus. "Lasing ka na talaga eh," sabi niya rito. "Hindi ko lang nakita na hahakbang na pala. Akala ko patag pa," paliwanag pa ni Ria pero baluktok na ang dila nito sa pagsasalita. Binuhat na lang siya ni Marcus hanggang sa kwarto nito. Inilapag niya ito sa kama pero bumangon itong muli. "Ang init," reklamo ni Ria. Inilihis nito ang strap ng suot na damit. At unti-unting hinubad iyon. Nanglaki naman ang mga mata ni Marcus at pilit na iniwas ang tingin. Humiga si Ria sa kama padapa matapos niyang alisin ang bestida niya. Lumapit si Marcus para kumutan ang katawan nito. Nagpalit lang din siya ng pangtulog na boxer at sando bago tumabi kay Ria. Agad na luminggis ng yakap si Ria kay Marcus pagtabi nito. Tinitigan naman siya ni Marcus. "Ria?" tawag niya rito. Nakapikit na ito at hindi na sumagot. Nasa dibdib ni Marcus ang kanang kamay ni Ria. Matutulog na din sana siya nang maramdaman niyang biglang gumapang pababa ang kamay nito. Gumapang ito papunta sa boxer ni Marcus. Agad niya naman itong hinawakan para pigilan. Bumalikwas siya ng upo. Bumangon din si Ria na mapungay ang mga matang nakatitig sa kanya. Lasing talaga ito. "What?" tanong nito kay Marcus. "Anong what ka riyan? Ria, huwag mo kong tuksuhin. Baka magsisi ka." banta naman ni Marcus kay Ria. Ngumisi naman si Ria at kumandong paharap kay Marcus. Hinaplos haplos pa nito ang dibdib ng asawa. "Damot naman ng Mister ko. Honeymoon naman eh," paglalambing pa nito. Muling humiga si Marcus at nagtilakbong ito ng kumot. Pumikit siya at pinilit ang sarili na antukin. Napapikit nang mariin si Marcus. Pilit na tinitimbang ang mga pangyayari. Pinapaalala niya sa sarili kung ano ba ang tama. "Marcus, kiss me," utos ni Ria. Bumangon siyang ulit para harapin at kausapin ito. "Ria, lasing ka lang. If you are not drunk, you wouldn't even touch my chest," pigil muli ni Marcus ditto. "Naman eh," reklamo lang nito na parang bata. Akala ni Marcus ay titigil na si Ria. Pero nagulat siya nang bigla siyang siilin nito ng halik sa mga labi. Lahat ng pagpipigil niya kanina, at lahat ng mga pagtitimbang niya sa kung ano ba ang tama at mali, lahat nabura sa isip niya. Tinugon niya ang halik ni Ria. Niyapos niya ito kaya lalong nag init ang paligid nang magdikit ang mga balat nila. Hinalikan niya si Ria pababa sa leeg nito. "Ohh," halinghing ni Ria nang kagatin siya sa leeg ni Marcus. Bumaba pa hanggang sa dibdib ni Ria ang mga halik ni Marcus. He sucked her left breast. Gigil na gigil ito. Napapaliyad pa si Ria dahil sa kiliting nararamdaman nito. Inihiga siya ni Marcus sa kama at umibabaw ito sa kanya. He removed the remaining clothes she has. Then, he continue to kiss her. Lalo pang bumaba ang halik ni Marcus. Nagtungo ang halik nito pababa sa puson, hanggang sa pagitan ng mga hita ni Ria. "You smell so delicious, Ria. You're making me crave for more," sabi ni Marcus bago sambahin ang pagkakababae ni Ria. Napasinghap naman si Ria sa ginawang ito ni Marcus. Napakabit siya sa buhok nito. Sunud-sunod din ang naging ungol niya at hindi niya mapigilan ang sarili na mapaliyad. Ang sarap. Pakiramdam niya ay maaabot niya ang langit. Sukdulan ang pinalalasap ni Marcus sa kanya. Hindi na nga niya matukoy kung panaganip ba ang nangyayari o katotohanan? Lutang siya sa alapaap. Lunod siya sa sarap. "Marcus!" Tili niya nang manginig ang buong katawan niya. Hingal na hingal siya matapos no'n. Naramdaman niyang niyakap na siya ni Marcus sa kama. "Your first juice taste sweet. Ria, binabaliw mo ako," bulong nito sa tainga niya. Ngumiti naman si Ria at niyakap din nang mahigpit si Marcus. "I wanted to do so much more with you, pero ayaw kong samantalahin na lasing ka. Let's do more when you are sober," bulong nito sa misis niya. Kinumutan niya nang muli si Ria at niyakap itong muli nang mahigpit hanggang sa makatulog silang dalawa. Kinabukasan, nagising si Marcus na wala na sa tabi niya si Ria. Mabilis siyang bumangon at lumabas ng kwarto para hanapin ang asawa. Natagpuan niya itong nasa kusina at tumutulong sa paghahanda ng almusal. "Manang, ano pa po ang kailangang hiwain?" tanong ni Ria sa matandang kasambahay. "Kamatis saka sibuyas na lang, Hija. Para sa itlog na maalat. Salamat," sagot naman ni Manang Silvia "Sige po. Ako na po," masiglang sagot naman ni Ria sa matanda. Pinagmasdan lamang siya ni Marcus sa malayo habang masaya itong tumutulong sa kusina.  Pagtapos nitong tumulong at maghugas ng kamay, lumabas na rin si Ria sa kusina. At doon niya nakita na nakatayo sa bandang pintuan si Marcus "Good morning," masayang bati sa kanya ni Ria. Napangiti naman si Marcus. "Mukhang good mood tayo ah?" asar naman ni Marcus. "Hindi ko nga alam eh. Maganda ang gising ko kanina. Walang headache. Ayos 'yong nainom ko kagabi, walang hangover sa umaga," natutuwang kwento pa ni Ria. Kumunot naman ang noo ni Marcus sa narinig. "So, hindi mo naalala 'yong ginawa mo kagabi?" tanong ni Marcus dito. "Ginawang ano?" nagtatakang tanong naman ni Ria. Ngumisi naman si Marcus at hindi na sumagot pa. Lumapit pa sa kanya si Ria para magtanong. "Ano ba 'yon? May ginawa ako? Luh? Wait," sabi nito at tila nag isip "Base sa ngiti mo, hmm. Hinalikan kita??" tanong niya. Lalong ngumisi si Marcus bago tumugon. "Yes, but you did more than that," nakangiting tugon ni Marcus. Nanglaki ang mga mata ni Ria at napatakip ito sa bibig. "We had s*x?!" pabulong na tanong naman nito. Natawa si Marcus at pa-iling iling na tinalikuran si Ria.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD