Kabanata Anim

2330 Words

Kabanata Anim Buong umagang pilit inaalala ni Ria kung ano bang ginawa niya kay Marcus kagabi. More than kiss? Iniisip niyang s*x lang naman ang more than kiss? May iba pa ba? Iyon lang naman. Dahil doon ay iniwasan muna ni Ria si Marcus buong umaga matapos nilang kumain ng almusal. Lumabas siya sa mansyon at naghanap ng ibang bagay na pagkaka-abalahan. Hindi pa man siya nakakalayo sa paglalakad ay nakasalubong na niya ang kapatid ni Marcus na si Mario. Napansin niyang nakatitig ito sa kanya. Lalagpasan na lamang sana niya ito pero hinarang siya nito. "Ako dapat ang pinili mong mapangasawa eh. Wala namang silbi ang isang 'yon," seryosong sabi nito sa kanya. Napakunot naman ang noo niya sa narinig niyang sinabi nito. Sa ilang linggo niyang pananatili rito, ngayon lang siya nito kinausap.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD