Kabanata Labing Dalawa

2334 Words

Kabanata Labing Dalawa Lumipas ang dalawang araw, dinatnan na si Ria. Sobrang dismayado naman si Marcus pero hindi nito masyadong pinahalata sa asawa. Sobrang sakit ng puson ni Ria sa unang araw niya. Namimilipit siya sa kirot. Hindi naman siya gano’n kapag dinadatnan noon. Umalis saglit si Marcus dahil may kailangan silang asikasuhin. Pinilit niyang bumaba sa kusina upang kumuha ng mainit na tubig na iinumin. Para kahit papaano sana ay maibsan ang kirot ng puson niya. Pero pagkakakita sa kanya ni Manang Silvia ay nilapitan siya nito kaagad. "Hija, pwede ba akong magtanong?" bungad sa kanya ni Manang. "Oo naman, Manang. Bakit ho? May problema po ba?" tanong din naman niya. "Nakita ko kasi itong bote ng gamot sa aparador. Ito ba 'yong iniinom mo gabi-gabi?" tanong ni Manang sabay pakita

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD