Sumapit ang gabi hinatid na ni Hayden si Glenda sa bahay ng kanyang tita. Ang sabi ni Glenda medyo matagal pa raw siya dito sa Manila kaya naman sobrang saya nito dahil magkakasama pa raw kami ng matagal. Sa totoo lang kahit ganito si Glenda ay sobrang bait nito mana kay Mang Tony. “Grabe pala iyong anak ng amo mo akala ko may relasyon ka’yo. Kung makasigaw wagas akala mo naman pagmamay-ari ka niya.” Natatawang sabi ni Glenda habang nakatitig ito sa akin.. “Huwag mo na lang siya pansinin ganun lang siguro ang ugali noon, isa pa baka nagulat iyon dahil bigla na lang may babae sa bahay nila.” Sabi ko dito nasa daan ang mata ko. Ilang saglit lang ay narating namin ang malaking bahay na kulay blue ang gate. Mabilis bumaba si Glenda at agad pinindot ang doorbell. Ako naman ay nakatayo lang sa