Chapter 1
Hayden
“Mano po lola, may dala po akong pagkain puwidi na po ta’yong kumain.” Kararating ko lang galing sa trabaho nadatnan ko si lola na naka-upo sa aming maliit na balkonahe na gawa sa kawayan. Nakangiti ko itong nilapitan sabay halik sa kanyang noo, may katandaan na si Lola Amy ngunit hindi pa rin kumukupas ang kagandahan nito. Ang sabi niya mana raw sa kanya si mama kaya minsan napapaisip ako na maganda pala ang aking ina. “Kaawaan ka ng panginoon apo sana lahat ng bata ay katulad mo mabait, at magalang.” Sabi pa nito sa akin hawak ko ang kamay ni lola at sabay na kaming pumasok sa aming munting tahanan. Kahit mahirap ang buhay namin ni lola ay puno ng saya ang aming mga puso hindi mahalag sa akin kung ano ang istado namin sa buhay,
ang mahalaga mahal namin ang isa’t isa.
“Ako na ang maghahanda niyan umupo ka na doon alam kong pagod ka.” Saway sa akin ni Lola ngunit imbis na pakinggan ko ito ay nagpatuloy ako sa aking ginagawa. “Lola, maupo na kayo huwag mo akong alalahanin matigas ang aking mga buto kumpara sa iyo.“ Sabi ko dito. At napangiti ako dahil umupo na ito. Habang hinahanda ko ang pagkain ay nakatingin si Lola Amy sa akin.
“Lola, may problema ba?” Nakita ko kasi na malungkot ang mukha nito alam ko na may hindi ito sinasabi sa akin. “Iniisip ko lang kung may pera lang ta’yo ay baka ngayon nagpatuloy ka na sa iyong pag-aral at sana hindi ka mahihirapan nang ganyan. Ilang taon mo nang sinasabi sa akin na mag-aaral ka ngunit hanggang ngayon ay hindi mo pa rin ginawa naawa na ako sa iyo apo.” Malungkot na sabi ni lola. Mahina naman akong natawa sabay yakap ko dito. “La, huwag mo akong intindihin kapag makaraos ta’yo alam mo na kung ano ang uunahin ko. Maghahanap muna ako ng trabaho para may pang araw-araw ta’yo. At para makapag-ipon na rin para sa aking pag-aaral, hindi naman puwiding pagsabayin ni Hayden ang pag-aaral dahil pa extra-extra lang ito sa kanyang trabaho. Walang tumatanggap sa binata dahil wala raw itong natapos kaya lahat ng ena-aplayan niya ay hindi nila tinanggap. Tanging si Mang Tony lamang ang kumuha may Hayden para makapasok sa constraction. “Basta lola, hayaan mo ako ang gumawa ng paraan.” Bago ako umupo ay niyakap ko muna ito. “Apo, malaki ba ang kita mo ngayon? Bakit nakabili ka ng maraming ulam?” Tanong lola habang pinagsilbihan ko ito ganito ko kamahal si lola ayaw ko itong mapagod dahil matanda na siya.
“Binigay ito nang porman namin lola kaarawan daw ng anak ng amo namin kaya marami raw silang pagkain ayon inuwi niya ang iba at binigay sa akin.” Napatango naman si lola mabait si Mang Tony kung hindi dahil sa kanya ay wala akong trabaho ngayon. Kahit pa extra lang ako ay ayos lang ang mahalaga sa akin kumikita ako araw-araw. Pagkatapos namin pagsaluhan ang masarap na pananghalian ay ako na ang naghugas ng pinggan. Malapit lang naman ang construction na pinagtatrabahoan ko kaya ayos lang. “ Apo, magpahinga ka muna ako na diyan.” Saway ni Lola sa akin mabuti na lang tapos na ako sa paghuhugas. Nagpahinga ako ng kinse minutos at pagkatapos ay nagpaalam na ako kay lola upang bumalik na sa aking trabaho. Habang naglalakad ako ay nakita ko si Glenda na anak ni Mang Tony napangiti ako sabay bati ko dito. “Ang aga mo naman nagpapahinga pa si papa.” Aniya nito sabay irap sa akin asar na asar ito sa akin dahil hindi ko siya gusto. Ayaw kong masaktan si Glenda isa lang akong hamak na construction worker kaya ayaw kong magsisi ito sa bandang huli.
Sa hirap ng buhay ngayon hindi ko na iniisip ang magkaroon
nang nobya masyadong mahal ang bilihin kaya naman uunahin ko ang paghahanap-buhay.
“Nakakainis ka sexy naman ako, bakit hindi mo ako magugustohan? Sabay lapit ni Glenda sa akin at idinikit ang kanyang mabilog na s**o. Mabilis akong umilag ayaw kong magkasala baka mamaya makita kami ni Mang Tony ay ito pa ang dahilan na mawalan ako ng trabaho. Napangiti ako sabay iling iniwan ko na si Glenda na nakasimangot.
Pagdating ko sa site nakahiga pa ang mga kasamahan ko hindi ko na sila hinintay naglagay na ako ng buhangin sa sako. Hindi ko pa nakalahati ang sako ay may biglang pumarada na magandang sasakyan sa tapat ko. Nagulat ako dahil natumba ang sako na nilagyan ko ng buhangin. “Kapag minalas ka nga naman hindi ako hayop para hindi makita ng nagmamaneho nitong sasakyan.” Bulong ko at kakatukin ko na sana ang pinto ngunit mabilis bumaba ang salamin ng sasakyan. At bumungad mula doon ang isang napakagandang babae na sa tingin ko ay nasa bente pataas ang edad nito.
“Nasaktan ka ba? I’m sorry hindi ko sinasadya.” Narinig ko ang pag bukas sara ng kabilang pinto tanda na bumaba ang babae.
“Are you hurt?”
Pag-uulit nito sa akin sabay hawak sa sako na nasagasaan niya.
“Ma’am Olla, napasyal ka? Hindi pa dumating si papa.” Sabi pa ni Jay-ar nataranta ito dahil nadatnan sila nang magandang babae na nakahiga pa. Kapag wala kasi si Mang Tony si Jay-ar ang nagdadala sa mga trabahante dito sa site. “Wala naman akong kailangan napadaan lang ako dito.” Hindi nakakilos si Hayden napatulala sa ganda ng babaeng nasa harapan niya ngayon hindi man lang ito nandiri sa sako at pinatayo niya pa ito.
“Boy, ayusin mo iyan huwag ka kasing tanga-tanga tingnan mo tuloy nagkalat ang mga buhangin, kumilos ka na nakakahiya kay ma’am. Sigaw ni Jay-ar sa akin at pinandilatan pa niya ako ng mata. Kung hindi ko lang talaga kailangan ang trabahong ito at kung hindi lang mabait si Mang Tony ay matagal na akong umalis dito. Hindi na ako nakipagtalo kay Jay-ar dahil alam ko hindi ako mananalo sa kanya dahil feeling boss ito. Ganito naman ito umasta parang amo kahit hindi naman. “Ganyan ka ba umasta sa mga trabahador? Alam ba ito ni daddy? At alam ba ng daddy ko na nakahiga kayong lahat samantalang siya ay kanina ko pa nakikita na naglalagay siya ng buhangin sa mga sakong iyan? Nasaan ang papa mo? Alam ba niya ang ginagawa mo?” Rinig kong sermon ng babae kay Jay-ar, hindi ko na sila pinakinggan doon na lang muna ako sa likod ng building may mga buhangin rin sa likuran nito kaya iyon na lang muna ang uunahin ko. Marami naman akong nakikitang magagandang babae pero kakaiba ang ganda ng babaeng iyon. Anak pala siya ng may-ari nang building na ito napangiti ako sabay iling.
Hindi ko namalayan ang oras ay sampung sako na pala ang nalagyan ko ng buhangin. Umupo muna ako tatapusin ko muna dito at babalikan ko iyong nasa harapan kanina. Huwag lang akong kantihin ni Jay-ar baka masagot ko na talaga ito. Halos magkasing edad lang kami ni Jay-ar pero kung makapagsalita ito akala mo may-ari. Pareha lang naman kaming nagtatrabaho ang pinagkaiba lang namin ay papa niya ang nag hawak nang mga tao dito sa site. Ayos lang sa akin na pagsalitaan ako ni Jay-ar nang kung ano-ano huwag lang niya akong saktan.
“Ahem!” Napatingin ako sa taong tumikhim mula sa aking likuran kasalukuyan akong umiinom ng tubig. Mabilis kong inilapag sa cemento ang baso at hinarap ang babaeng nasa harapan ko ngayon. Pakiramdam ko nanghihina bigla ang aking tuhod sobrang ganda pala niya sa malapitan.
“Ma’am, may kailangan ba kayo?” Tanong ko na halos manginig pa ang aking boses. “Ikaw ang kailangan ko puwidi mo ba akong samahan doon.” Turo nito sa bakanting lote na pagmamamay-ari rin nila. “Ah, maam may trabaho pa po ako baka po magalit si Jay-ar at hahanapin ako ni Mang Tony.” Magalang kong sagot dito sabay yuko tanda ng pag-galang ko sa kaharap. “Sino ba ang amo mo dito ang daddy ko o si Mang Tony?” Nakita ko ang inis sa kanyang mukha marahil ayaw nito sa sinabi ko. “Ma’am, baka po mawalan ako ng trabaho kung sasama ako sa iyo?”
Depensa ko naman sa aking sarili dahil kapag matanggal ako dito ako ang kawawa, mayaman siya kaya hindi niya alam ang iniisip ko ngayon. Napahawak ito sa kanyang ulo dahil hindi naman talaga ako puwidi sumama sa kanya at iwan na lang basta-basta ang gagawin ko dito. Napatingin ako sa kamay nito na ngayon ay hawak na niya ang magaspang kong kamay. Napakalambot ng kamay nito na akala mo balat ng sanggol na bagong silang. Mabilis ko inagaw ang aking kamay, puno iyon ng buhangin kaya nakaramdam ako ng hiya.
“Magandang hapon ma’am Olla, may utos ka’yo?” Tarantang tanong ni Mang Tony dito ako naman nakatayo lang sa tabi niya. “Mang Tony isama ko muna siya doon sa bakanteng lote.” Napangiti naman si Mang Tony sabay tapik sa aking balikat. “Hayden, sige na ako na ang bahala dito. Alam ko nag-alala ka, si sinyorita Olla anak ni boss kaya samahan mo na siya.” Bulong sa akin ni Mang Tony na mabilis ko naman tinanguan.
Tahimik lang akong nakasunod kay miss Olla halos naririnig ko na ang t***k nang aking puso sa sobrang bilis nito.
“Hayden right?”
Agad akong napahinto ng marinig ko ang malamig nitong boses. “Yes po ma’am.” Magalang kong sagot dito kumunot ang kanyang noo.
“Ganun na ba ako ka tanda para e po mo ako? Puwidi mo naman tanggalin ang po? Feeling ko tuloy sobrang tanda ko sa’yo.” Ramdam ko ang inis habang nagsasalita ito.
Sumilay ang ngiti sa aking labi sabay lingon ko dito nauna na kasi ako hindi ko kayang tingnan ang mga titig ng dalaga.
“Anak ka ng may-ari kaya dapat lang na igalang kita, hindi porket pinu-po kita ay matanda ka na, pagbibigay galang ang po at opo.” Paliwanag ko dito mabilis naman itong tumango sabay ngiti sa akin. Pakiramdam ko tuloy umabot sa centro ng aking puso ang matamis nitong ngiti.