Eight Months Later Alas-dos nang hapon lumapag ang eroplanong sinasakyan nina Raya. Nakangiti ang dalaga habang nakatanaw sa mga taong abala sa pagkukuha ng kanilang mga bagahe. “I’m finally home.” Bulong ni Raya sa kanyang sarili masaya ang dalaga dahil bumalik na sa normal ang buhay niya at makakalakad na ulit siya. Kung noon pa niya ito ginagawa ay sana noon pa hindi na ito nahirapan. Pakiramdam ni Raya ay bagong silang siya sa mundo dahil sa kalagayan niya ngayon. Pagkalabas nila sa airport ay agad hinanap ni Raya ang kanilang driver na si Bog’s. Hindi niya maintindihan ang kanyang sarili kumakabog ng malakas ang dibdib nito. “Magandang hapon po senyorita.” Bati ni Bogs sabay bukas ng pinto. “Magandang hapon po kuya Bogs, kumusta po ka’yo? Hindi na ito nag-abalanag tingnan ang ka