6

1947 Words
"Bullshit!" Nag-echo sa loob ng apat na sulok ng modernong opisina ni Lorenzo ang sunud-sunod na pagmumura niya. He is more than furious. Margaux is gone and nobody could tell where she is. Nasipa ni Lorenzo ang pa ang mesa. At muntikan na niyang ibato sa kung saan ang cellphone. Kung hindi pa niya naisipang magpadala ng bulaklak sa tauhan para kay Margaux ay di niya malalamang umalis ito. Kabilin-bilinan niya sa tauhan na personal na iabot ang regalo sa dalaga at hindi kung kani-kanino lang. Niluwagan niya ang kwelyo. He felt his chest tightening. Suddenly, pinangangapusan siya ng hininga. A week since his engagement and his bride ran away. Malaking insulto sa buo niyang pagkatao ang nangyari. Naikuyom niya ang kamao. He has to get to the bottom of this. "Cancel all my appointments," utos niya sa assistant at mabilis na tinungo ang rooftop kung saan nakahimpil ang helicopter sa helipad at nagpahatid sa hacienda. Habang nasa himpapawid ay naglalaro ang mga isipin sa utak niya. 'Wala kang karapatang ipahiya ako, Margaux.' She has to be found. Malaking kahihiyan ito sa pamilya oras na lumabas sa press ang paglalayas nito. Tumiim ang mga bagang niya. Kung sino man ang tumulong kay Margaux, malilintikan sa kanya. Nang makapalapag sa hacienda ay kaagad siyang lumulan sa hummer na nakaparada sa garahe at kasunod ang isa pang sasakyan ng mga tauhan na tinungo ang mga Samonte. "Lorenzo." Halata ang tension ni Deo. Margaux's absence is as much a loss to Deo. Pag hindi natuloy ang kasal ay walang merger na magaganap. He needs their family. "Hindi ko ugaling maghabol ng babae, Tito but I must find her. Pare-pareho tayong malalagay sa kahihiyan pag nagkataon. And I will personally get to the bottom of this." Sinimulan nila ang paghahanap at pag-imbestiga sa mga tauhan. Lahat ng tauhan sa mansion, ininterogate niya at kahit ang mga cellphones ng lahat ng mga tauhan sa hacienda ay isa-isa niyang kinumpiska ngunit walang palatandaan na may kinalaman nga ang mga ito. "Si Elisa?" Instinct told him na may alam ito. "Ilang beses ko na siyang tinanong," si Deo ang sumagot. "Loyal iyon kay Margaux pero takot iyon sa akin." "Huwag kang pakasisiguro Tito." He could strangle that woman's neck oras na napatunayang may kinalaman nga ito at malakas ang kutob niya na meron nga. ********* Tensionado ang buong hacienda bunsod ng pagkawala ni Margaux. Lahat sila ay nakatikim ng init ng ulo ni Sir Deo ngunit siya ang mas higit na nababagabag sa lahat. Maaaring napapanindigan pa niya kahapon ang pagsisinungaling sa mga tanong ni Sir Deo pero hindi niya alam kung hanggang saan ang tatag niya. She is a bad liar, after all. Bakit nga naman hindi siya kabahan kung siya ang tumulong kay Margaux na makaalis ito. Siya ang bumili ng ticket nito sa barko. Mas madaling matrace ni Sir Deo kapag eroplano ang sasakyan nito. Kinailangan pa niyang lagyan ng pampatulog ang inumin ng dalawang bodyguards ni Margaux habang inaantabayanan ng mga ito ang babae habang ininterview ito ng isang reporter mula sa isang sikat na bridal magazine. Higit sa lahat siya ang nagpuslit kay Margaux sa truck na siyang nagdadala ng mga aning tubo sa isang milling facility sa Bacolod. Kinailangan pa niyang kunwari ay makikisakay sa delivery truck at kausapin ng kausapin ang driver at pahinante. The rest is history. Papalapit na siya sa bahay nang matanaw mula sa gate ang dalawang sasakyan na nakaparada sa labas ng bahay. Kinabahan siya nang makita na isa sa mga iyon ay kay Lorenzo. Kay daling nakaabot rito ng balita. Patunay lang ng lawak ng impluwensiya nito. Aatras pa sana siya pero mas paghihinalaan siya kung iiwas naman lalo pa at nakita na siya ng mga ito na nasa porch. Magkatabi sina Lorenzo at Deo na kapwa napipintahan ng dilim ang mga mukha. 'Umakto ka lang ng normal, Elisa,' paalala niya sa sarili. "Magandang gabi po, Sir." "Elisa, come here." Kinakabahan man ay lumapit siya. Palapit siya ng palapit sa mga ito ay palakas naman ng palakas ang pagkabog ng dibdib niya. Pakiwari niya ay nasa gitna siya ng dalawang mababangis na leon. "Anong alam mo sa pag-alis ni Margaux?" Bumabaon ang mga titig ni Lorenzo sa kanya. Hindi niya ugaling tinititigan ito ng tuwid sa mga mata pero sa pagkakataong ito ay matapang niyang sinalubong ang mga titig nito. "Wala akong alam." Umasim ang ekspresyon ni Lorenzo. "Bullshit!" Bahagya siyang napaatras nang marinig ang pagmumura nito. Nakita na niya kung paano magalit si Lorenzo ngunit iba ang nakapintang galit sa mukha nito ngayon. "Ikaw lang ang kasa-kasama niya and I find it hard to believe na wala kanga lam. You may fool Tito Deo but not me." "Ilang beses na kitang tinanong. Elisa." "Wala po akong alam, Sir." Sa kabila ng takot ay nagawa pa niyang sabihin kay Sir Deo. "Mando, kunin ang cellphone niya." Sa sinabing iyon ni Lorenzo mas sumidhi ang kaba niya. Lihim na gumawa ng kalkulasyon ang utak niya kung nabura ba niya ang lahat ng usapan nila ni Margaux. Sana naman. "I could strangle your neck kapag napatunayan kong may kinalaman ka sa nangyari at nagsinungaling ka." Kinuha ng tinawag nitong Mando ang bag niya at hinanap ang cellphone. Gusto niyang bawiin ang cellphone ngunit natuod na siya sa kinatatayuan. "Nothing or sadyang magaling ka lang magtago." Ibabalik na sana sa kanya ni Lorenzo ang cellphone nang tumunog iyon. Unregistered number. Right at that moment ay alam niya kung sino ang caller. "Akin na :yan." Tinitigan lang niya ng masama ni Lorenzo at itinuon sa tenga ang cellphone with his eyes fixed on her. Inantabayanan nitong magsalita ang nasa kabilang end. Sinadya pang iloud speaker ni Lrenzo nang marinig ng lahat ang sasabihin ng anonymous caller. "I'll call you as soon as nasa Cebu na ako." Bakit ngayon ka pa tumawag, Margaux, kung ikaw nga ito? "Thanks for your help, Eli. Nandito na ako." Napalunok siya sa narinig. "Pag tinanong ka ni dad sabihin mo lang na wala kang alam." Nalaglag ang luha niya. Right at that moment, alam niyang wala na siyang kawala pa sa dalawang lalaking mabalasik ang anyong nakatingin sa kanya. Nasukol na siya. Paano pa ng aba niya pasusubalian ang lahat? Kasunod ng pagkaputol ng linya ni Margaux ay ang malakas na sampal ni Sir Deon a dumapo sa kanyang pisngi. "How dare you!" Nahintakutan siya sa mabalasik na anyo ni Deo. "How could you do this to us, Elisa? Didn't I ask you properly kung may alam ka ba sa paglalayas ni Margaux?" "Sorry po." Nahilam na siya sa luha. "Wala kang utang na loob." Akmang sasakalin siya ni Deo nang maagap na napigilan ito ni Lorenzo. Pansamantalang nawala ang atensyon ng dalawa sa kanya. Mabilis na umandar ang utak niya. tumalilis siya ng takbo palabas ng gate. "Habulin siya!" Narinig pa niyang turan ni Deo sa tauhan nito. "Ako na ang bahala sa kanya, Tito." Nang humarang ang gwardiya sa kanya ay mabilis niya itong natuhod. Nakalabas siya ng gate. Sa nag-aagaw na liwanag at dilim ay walang tigil siya sa pagtakbo. Di na niya alam kung saan na siya napadako. Namalayan na lang niyang napadpad na siya sa tubuhan. Ang balat niya ay nagkandasugat-sugat na pero di niya iyon alintana. Ang tanging mahalaga lang sa kanya ay ang makalayo. Hanggang sa tuluyan na ngang yumakap ang dilim. Pagod na siya. Habol ang hiningang naupo siya ngunit ilang sandali pa man ay nauulinigan niya ang mga kaluskos sa kanyang likuran. "Dios ko. Tulungan ninyo po ako." Pero tila pinagsakluban siya ng langit at lupa. Hindi dininig ng Dios ang panalangin niya. Gaano man niya naising lumayo ngunit nilalapit siya ng tadhana kay Lorenzo. ********** Sa pagmulat ng mga mata ni Elisa ay nasa ibang pook na siya. Sa isang estrangherong silid. Inilibot niya ang mga mata sa paligid. Sa tantiya niya ay bodega ang kinaroroonan niya na sa lahat ng sulok ay may nakainstall na CCTV. Tinangka niyang bumangon ngunit nalilyo ang pakiramdam niya. Frustrated siyang nayakap ang sarili at isinubsob sa pagitan ng mga tuhod ang mukha at umiyak ng umiyak. Gusto lang naman niyang makatulong kay Margaux pero heto siya ngayon bihag ni Lorenzo. Lumukoba ang kaba sa puso niya nang mabuhay sa kanyang isipan ang mukha nito. Nang bumukas ang pinto ay kaagad siyang nag-angat ng mukha. Di niya pinagkaabalahang pahirin ang luha at napasiksik sa kama nang si Lorenzo ang pumanhik. Dati-rati, hindi siya nangingilag kay Lorenzo pero ngayon helpless ang pakiramdam niya. "Anong gagawin mo sa akin?" Naiintimidate man ay sinikap niyang magmukhang matapang sa harapan nito. Imbes na sumagot ay humakbang ito palapit sa kinaroroonan niya. Sa mukha nito ay nakapinta ang madilim na ekspresyon. Napasiksik sa isang sulok. Sa sugatang mga binti niya nakatuon ang pansin ng lalaki. Siguro ay nagbubunyi ito sa paghihirap na nakikita. Napaurong siya nang makitang mas lumapit ito at naupo sa gilid ng kama. "Nasaan si Margaux?" "Hindi ko alam." Tumiimbagang ito at mariing hinawakan ang baba niya. "Save your energy from lying." "Hindi ko nga alam eh," naiiyak niyang turan. Nang siyang pagpasok naman ng tinawag nitong Mando. Bitbit nito ang cellphone ng amo at tila may kausap sa kabilang linya. Pabalag siya nitong binitiwan na halos mapangudngod siya sa kama. "Tito?" Kung ibang tao lang sana ang nasa kabilang linya, malamang ay nagsisigaw na siya para humingi ng tulong ngunit batid niya ang galit ng amo sa kanya. Kung tutuusin ay kasalanan ng mga ito ang nangyari. Bakit ba kasi kailangang ikulong nila si Margaux sa kasunduang labag naman sa kalooban nito? "What do you intend to do that woman?" Siya ang pinag-uusapan ng mga ito. That woman. May pangalan siya. Pumatlang ang katahimikan. Nagpapalit-palit ang ekspresyong nakapinta sa mukha ni Lorenzo. Malamang pinagpalanuhan na nila kung anong gagawin sa kanya. Sa isiping iyon ay nanginig siya. Muli siyang napasubsob sa mga tuhod. Naiiyak siya. Gaano man niya pigilan ang luha, kusa iyong nglalandas sa kanyang mga mata. "I'll tell you when I finally find her." Ibig sabihin di pa alam ni Sir Deo na nasa mga kamay siya ni Lorenzo? Bakit? Narinig na lang niya ang mga papalayong yabag. Lumabas si Lorenzo sa silid at nasundan na lang niya ito ng tingin. ******** "What do you intend to do to that woman?" "I'll kill her myself or di kaya ay ipapain ko siya sa mga tauhan ko kung wala akong makuhang matinong kasagutan sa kanya kung nasaan si Margaux." He knows Deo. Kapag sinabi nito, ginagawa nito. Hindi malayong sapitin ni Elisa ang malagim na kahihinatnan. All he wanted is to extract information from Elisa. He has all the power to hurt her or maybe end her life. But he is no murderer. "Sir, anong gagawin natin sa kanya? Ibabalik na ba natin siya kay Sir Deo?" "Mando, no one has to know na naririto siya." Hindi niya maunawaan kung bakit ganon ang nabuo niyang desisyon. Of all people siya ang mas dapat na nagagalit rito but despite his anger, kakatwang may sumungaw na pag-aalala sa maaaring sapitin ng babae when in the first place hindi siya likas na maawain. Tinitigan niya ang monitor ng CCTV. Elisa is silently sobbing. So helpless, so vulnerable. He was supposed to hate her but he feels otherwise. Instead, he feels the responsibility to take her away from Deo, to protect her. "This is not acceptable." Pero kaya bang dalhin ng kunsensya niya kung saka-sakaling may mangyaring masama rito? Napatingin siyang muli sa monitor, sa naiiyak na si Elisa. Habang tinititigan ang luhaang mukha nito ay palakas naman ng palakas ang sundot ng kanyang kunsensya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD