Sa tantiya ni Elisa ay tatlong beses siyang nagpalipat-lipat ng sasakyan. Nakapiring man ay sinikap niyang makiramdam sa paligid. Mula sa silid na kinaroroonan niya ay lumulan sila sa kotse at lumipat sa isang sa tingin niya ay eroplano. Nararamdaman niya ang pressure. Nang makababa sa eroplano ay sumakay naman sila sa isa pang sasakyan na siyang nagdala sa kanya sa kinaroroonan ngayon.
Nasisilaw siya sa liwanag na tumambad sa kanyang mga mata nang tuluyang tanggalan siya ng piring ngunit sinikap niyang i-adjust ang paningin sa paligid.
"Mama, nasaan na ho ba tayo?"
Wala siyang sagot na nakuha. Iginala niya ang paningin sa paligid. Nasasadlak man sa hindi kaaya-ayang sitwasyon ngunit nakuha pa niyang hangaan ang bahay na kinaroroonan. Maganda ang bahay. Modern. Classy. Minimalist ang tema. Magandan ang interior. Parang katulad ng mga nakikita sa mgazine.
Buong akala niya ay isosoli siya ni Lorenzo kay Sir Deo. Relief iimbes na takot ang maramdaman. Kakatwa man ngunit tila nabawasan ang takot niya sa mga tauhan ni Lorenzo. Kahit naman kasi may sukbit itong baril ay hindi naman goon ang habas ng mukha nito.
Dinala siya ni Mando sa isang silid sa pinakaunang palapag ng malaking bahay na kinaroroonan nila.
"Sandali." Akmang lalabas na ng silid ang lalaki nang pigilan niya. "'Yon nga palang bag ko. Makikisuyo sana ako kung maaari akin na."
Muli ay tinapunan lang siya nito ng tingin at humakbang na ito palabas ng pinto.
"Mama, salamat nga pala ha."
Hindi niya alam kung bakit siya nagpapasalamat. Basta ang malinaw lang sa kanya ay mas natatakot siya sa hacienda kesa dito. Nakita na niya kung paanong magalit si Sir Deo. May mga pagkakataong may sinasaktan itong mga tauhan nang dahil sa hindi masunod ng tama ang mga utos nito. Minsan pa nga ay may trabahador na isinugod sa hospital nang hindi makayanan ang pambubugbog ng mga tauhan ni Deo. Nanlalamig ang pakiramdam niya sa kung ano ang maaaring kahinatnan niya sa mga kamay nito.
Sa kawalan ng mapagbuntunan ng sisi sa kasalanang gawa nito at ni Lorenzo ay siya ang napagbabalingan.
Naupo siya sa gilid ng folding mattress at nayakap ang sarili. Kumakalam na ang sikmura niya.
Thankfully ay may pumasok na may edad ng babae. Nagpakilala itong si Aling Cora. May bitbit na tray ng pagkain at isang paper bag na may kung anong laman.
"Napagod ka marahil sa biyahe."
May kabaitan ang habas ng mukha ng babae.
"Kumain ka na."
Natatakam man sa pagkain ngunit hindi siya tuminag.
"Walang lason yan."
Hinamig niya ang sarili at sinimulan ang pagkain. Nagugutom na rin talaga siya
"Ito nga pala ang mga damit na maaari mong ipampalit. May mga underwear na rin diyan na hindi pa nagagamit. Pagpasensyahan mo na at mga duster lang ang mga damit na meron ako."
Sa pagitan ng pagnguya ay nagawa niyang mangusap, "Salamat ho."
Nakita niya kung paanong natitigilan si Aling Cora at napangiti ng bahagya.
"Nakukuha mo pa talagang magpasalamat."
Isa sa mga bagay na itinuro ng nanay niya, magpasalamat sa lahat ng bagay, sa lahat ng oras.
"Siya, maiiwan na muna kita."
Muli siyang napag-isa at nalulungkot na nakatitig sa nakapinid na pintong pinasukan ng babae.
Ipinagpatuloy niya ang pagkain. Kailangan niyang magpalakas. 'Di na niya binigyang-pansin ang tila komosyon na nangyayari sa labas.
Patapos na siya nang biglang bumukas ang pintuan at iniluwa roon ang isang maganda at sopistikadang babae. Kilala niya ito. Si Audrey, kapatid ni Lorenzo, ang nagtanggol sa kanya noon mula sa kapatid. Sa pagkakaalam niya ay sa Europe na ito naninirahan at matagal na panahon nang hindi nagagawi sa hacienda.
"Who the hell is this woman?" galit na tanong nito sa nakabuntot na si Mando habang nakatutok sa mga sugat niya ang mga mata. Nataon pa naman na halos isubo niya ang malaking slice ng ulam. Pulubi at kaawa-awa ang tingin nito sa kanya.
Bago pa man siya makahuma ay nahila na ni Mando at ng isa pang bodyguard si Audrey.
"Take your hands off me!" Galit nitong ipiniksi ang kamay na pumipigil rito.
Saka pa lang din siya nakabawi sa kabiglaan. Tinakbo niya ang pagitan nila ngunit ang sumaradong pintuan na ang sumalubong sa kanya, sa mismong mukha niya.
"Ma'am Audrey, tulungan ho ninyo ako. Si Elisa ito. Natatandaan ninyo pa ba ako?"
May naulinigan siyang ingay sa labas ngunit hindi niya iyon masyadong maaninag. Napu-frustrate na napasandal na lang siya sa dahon ng pinto.
"Ano ba talaga ang balak ni Lorenzo sa akin?"
Parang mababaliw na niyang kausap sa sarili habang nakatingin sa dingding.
*********
"What the hell was that?"
He is expecting for Audrey to barge in. Kanina pa ibinulong ng sekretarya niya na naghihintay ang kapatid sa opisina at mukhang mainit ang ulo nito. Hindi nito ugaling pumarito sa opisina lalo at hindi maganda ang relasyon nito sa mga magulang nila. For Audrey to have come here, may mahalaga itong pakay. By the looks of it, she is furious over something.
"Ganito ba talaga ang greeting mo sa akin, ha, sis? Matapos nating hindi magkita ng matagal-tagal?" Kakauwi lang nito mula sa Europe.
Kung nagkataong good mood ito, malamang na sumugod na ito ng yapos sa kanya. Sa buong pamilya niya, si Audrey ang pinakamalapit sa kanya.
Niluwagan niya ang pagkakabuhol ng kurbata at naupo sa swivel chair at minwestrahan ang kapatid na maupo sa katapat na upuan. Instead, nagpalaka-lakad ito sa harapan niya habang nakapameywang. Ang magandang mukha ay napipintahan ng kunot.
"Where's Caleb?"
Ang pamangkin niya ang tinatanong niya sa kapatid.
"Why are you detaining Elisa?" Naningkit ang mga matang balik-tanong nito.
"You've been to my house?" His tension is building na nais niyang magmura ng malakas.
"Yes, you idiot! Alam mo namang sa bahay mo kami dumidiretso 'pag nasa Pilipinas kami."
Kabilin-bilinan niya kina Mando na walang papapasuking kahit sino sa bakuran. s**t! Dapat ay walang nakakaalam na nasa poder niya si Elisa and worst si Audrey pa na ipinaglihi sa moralidad at prinsipyo. Magkapatid sila pero sobrang malayo ang personalidad nila.
"Is she your s*x slave?"
Napahumindig siya sa narinig. "Hell no!" He loosened his tie. "That's ridiculous."
"Then, why the hell you're keeping her?"
Wala na siyang ibang choice kundi ang sabihin ang totoo.
"She will help me lead to Margaux's whereabouts."
"Why, what happened?"
Nabawasan ang balasik ng anyo nito kanina.
"She ran away."
Audrey successfully painted a mocking expression on her face.
"Who would not? Kung ako ang nasa katayuan ni Margaux I would do the same. Sapilitan ka ba namang ipakasal sa taong hindi mo mahal."
"Be careful with all the insults, sis."
Kahit papano ay tinatablan siya.
"Bakit, tinatablan ka ba? I don't think so."
Matigas ang tingin sa kanya ng mga tao. Malupit. Well, he needs to.
"God, this is kidnapping. Paano kung magreport ang babaeng iyon sa police ha? Alam na alam mo kung ano ang magiging reaksyon ni Dad. Palalayain mo ang babaeng yon or else, mapipilitan akong makipag-usap sa ama natin at sasabihin sa kanya ang totoo."
Doon siya napatayo. "You'll never do that."
Sa lahat ng tao sa ama lang siya takot. If there's any person in the whole world he doesn't want to disappoint, that would be his dad. All his adult life, he has always sought for his approval. Lagi na lang kasi nitong nakikita si Cedrick. Ito ang mabait, ang responsible. While he on the other hand, is the trouble maker, a pain in the ass. Ayaw niyang isipin nitong pagpapakasal nga lang ay palpak pa siya. He couldn't fail. Sawa na siyang ikumpara sa mga achievements ni Cedrick o kahit kay Audrey.
In his teens ay rebellious siya, attention-seeker. Nang gusto na niyang magtino ay saka naman nawalan ng tiwala ang ama niya. Nagmarka na rito ang mga kamalian. Na kahit nang namatay si Cedrick ay nakikipagkumpetensya pa rin siya rito.
Cedrick has always been the first rate son. His father's favorite, ang responsable at mapagkakatiwalaan.
"What's the catch? Bakit gusto mong magpakasal talaga kay Margaux? Well, she is beautiful, educated, mayaman, disente. A trophy wife to be exact. But I can surely say, you don't love her."
"How can you be so absolutely sure?"
"Why, haven't you bedded a lot of women? Kung sinu-sino ang nakarelasyon mo. Kilala kita, alam ko, hindi mo siya mahal. You are just too obsessed with the idea of marrying her dahil sa pangako ni dad na ikaw ang papalit sa kanya oras na pinakasalan mo siya. No, Enzo, you don't love her and I believe na ni misan, you haven't truly loved someone."
He smirked. Ayaw niyang amining may nasaling na katotohanan sa dibdib niya.
"You are marrying her for all the selfish reasons and that is disastrous my brother."
"Look at you, married for love. What happened?"
Hindi ito nakakibo. Audrey was a straight A student. Until she met Patrick, isang rank in file na tauhan ng kumpanya. Nag-asawa ng maaga. Sa galit ng ama ay itinakwil ito. Perhaps, kung hindi sana nag-asawa ng maaga si Audrey at hindi nagalit ang ama, siguro mas ipagkakatiwala pa ng ama ang kumpanya rito kesa sa kanya.
He had always been a spare tire.
Nakakapagod na rin.
And marrying Margaux would be his last ace para makamit ang hinahangad at maipakita sa ama na karapat-dapat din siya.
"Stop this nonsense, Lorenzo."
Pinulot ni Audrey ang Chanel bag at walang-likod na lumabas ng opisina.
Shit!
Simpleng pagtatanong at interogasyon lang naman sana ang ginawa niya kay Elisa but things seemed to be gotten out of control. Nagiging kumplikado ang lahat. He hates complication. Wala na yatang ibang idinulot ang babaeng iyon sa buhay niya kundi kamalasan.
"Ipapain ko siya sa mga tauhan."
Parang nanlilimahid ang mga kalamnan niya sa katotohanang pagpapasasaan ng ibang lalaki ang inosenteng si Elisa. Other men would kiss those plump lips.
Damn it!
Bakit bigla na lang umuukilkil ang halik na yon?
"You're getting crazier by the minute, Lorenzo."
Kinuha niya ang cellphone na nakapatong sa executive desk at denial ang numero ni Audrey.
"Keep it between us until such time na mahanap si Margaux. She couldn't go back to Hacienda Helenita."
Alam niyang kakampi niya si Audey palagi pero sa tama ito laging pumapanig.