Sa nakalipas na dalawang araw na nananatili siya sa bahay ni Lorenzo ay walang nagbago sa sitwasyon niya. Nakakulong pa rin siya sa isang silid. Bagama't hindi sinasaktan ay nakakaramdam pa rin siya ng pangamba.
"Kain na."
Napatingin siya sa pagkain. Gaano man yon kasarap tingnan pero wala siyang gana.
"Mando, yong bag ko. Kailangang-kailangan ko lang talaga yon. Please."
Sandali siyang iniwan ni Mando, nang magbalik ay dala na nito ang bag niya. Kaagad niyang hinalungkat ang nasa loob at ganoon na lang ng tuwa niya nang matagpuang intact ang laman niyon at naroroon ang pinakaimportanteng laman.
"Hello!"
Isang mestisuhing batang lalaki na sa tingin niya ay nasa anim na taong gulang ang bigla na lang bumulaga. May resemblance ito kay Audrey at Lorenzo.
Awtomatikong napatitig si Mando sa bata.
"Nalintikan na. Boyong, bakit naririto yan?" tukoy ni Mando sa kasamahang nakasunod sa bata na ngayon ay nakangiting napatingin sa kanya.
Napapakamot sa ulo ang tinatawag na Boyong. "Bigla na lang hong iniwan ni Ma'am Audrey sa labas ng gate. Pinapasok ko na baka mapano pa yong bata."
"I'm Caleb, and you are Tita Elisa right?" Inosenteng tanong ng bata na bigla na lang ay naupo ang bata sa tabi niya.
Problemado ang mukha ng mga tauhan ni Lorenzo. Nahihirapan ang mga ito kung ano ang gagawin sa bata.
"Mommy Audrey told me to stay by your side."
Nabuhayan siya ng loob. At least, sa kahit ganitong paraan ay tinutulungan pa rin siya ni Audrey.
Kung papano nagkaroon ng ganito kabait at kainosenteng pamangkin batang kadugo si Lorenzo at mabait na kapatid ay malaking himala. Pag-asa ang nararamdaman niyang hatid ng bata sa sitwasyon niya.
********
"Are you out of your freaking mind?"
Halos madurog na sa kamay ni Lorenzo ang hawak na cellphone sa diin ng pagkakahawak niya. nanlilitid ang ugat niya sa leeg at noo.
"If there is someone who is losing his sanity, ikaw yon."
Sinusukat talaga ng kapatid ang pasensya niya.
"Just be thankful na si Caleb lang ang nasa bahay mo. What if it's Dad? Isa pa, Caleb's presence is a healthy reminder for you not to do hideous things."
"Like?"
"Pagsamantalahan ang babaeng yon?"
"For God's sake, Audrey hindi ako rapist if that's what you are implying. At mas lalong hindi ako mamamatay tao."
Audrey chuckled.
"Hindi pa but almost. Mabuti nang nasa iyo si Caleb. Magiging kunsensya mo siya. Alam naman natin na kay Caleb ka lang bumabait. Isa pa, alangan namang sa DSWD ko siya iiwanan."
"May yaya ang bata."
"I am more at ease pag nasa sa'yo siya."
Yon lang at nawala na sa kabilang linya ang kapatid.
"Audrey!"
Bullshit! Naibato niya sa couch ang aparatu.
Nagiging mas kumplikado na nga ang lahat.
"Sir, naghihintay na ho ang Bridal magazine sa conference room," imporma ng kapapasok na assistant.
Backing out from the interview is impossible at this time. Mas maigi sana kung nagback out na lang siya sa interview. A day after their well-publicized engagement ay nagset ng appointment ang naturang magazine. Bad impression ang kalalabasan pag nireset niya ang appointment. It would stir rumors at nakikini-kinita na niya ang magiging headlines ng mga tabloids at entertainment portals knowing na pareho silang kilala ni Margaux.
All the more na mas sumidhi ang hangarin na makita si Margaux.
"And you will lead me to her, Elisa."
Tumagal din ng isang oras ang interview. With all his composure ay sinagot niya ng maayos ang mga tanong ng reporter.
"Margaux and you, you seemed to be an odd couple. You were never seen together so we were very surprised when your wedding was set."
Isa lang sa mga katanungang ibinato sa kanya.
"We intend to keep everything private.
"Gaano mo kamahal si Margaux?"
For a while, he was held speechless. Madali lang namang sabihing mahal na mahal ito at sanay siyang magkunwari sa iba pero bakit tila may bikig sa lalamunan nang sabihin niyang "so much."
Napabuntunghininga siya at itinutok sa labas ng bintana ang pansin. Sa billboard sa unahan ay nakaflash ang nakangiting mukha ni Margaux sa isang cosmetics ad.
"When did you decide that she's the one?"
The one. It has always been decided for both of them simula noong mga bata pa sila.
Ipinagpatuloy ang pagmamaneho hanggang sa marating niya ang bahay. Nasorpresa ang mga tauhan pagkakita sa kanya.
"Si Caleb?"
Napansin niya ang pagiging aligaga ni Boboy at kahit si Aling Cora.
"Nasa garden ho boss."
Inilang hakbang niya lang ang hardin. To his surprise, magkasama sina Caleb at Elisa. Binabasahan ni Elisa ng story si Caleb.
How convenient.
"Sinong nagpalabas sa kanya?" to no one in particular, he inquired.
Biglang natahimik si Elisa. Tuwid na napatayo at napatingin sa kanya. Bumadya ang pag-aalala sa mukha nito nang titigan niya ng masama ang mga tauhan.
"Mando?"
"Ako ho boss," pag-amin ni Mando na napatungo sa sahig.
"Alam na alam mo Mando kung paano ako magalit."
It was a direct threat. Mababakas sa mukha at kontrolado niyang boses.
"Pasensya na ho Boss."
Nakita niyang sininop ni Elisa ang mga gamit. "Sige na Mando, samahan mo na ako pabalik sa silid." Saka nito tinapunan ng tingin si Caleb. "Sorry, Caleb, kailangan ko nang bumalik sa room ko."
"Why are you keeping her locked?"
Nagtatanong ang mga matang nakatitig ng bata sa kanya. Nahihirapan siyang sagutin ang pamangkin.
"Tito?"
With Caleb's questioning eyes, napaawang na lang ang bibig niya. Just as Audrey was planning. Caleb is the only person na nagpapalambot ng puso niya, no one else.
"We're just playing at ako ang taya."
Nasorpresa siya sa sinabi ni Elisa.
"Like Rapunzel in the tower? The one we were reading?"
"Yes," pilit na nilangkapan ni Elisa ng tawa ang sinabi.
"And you, Tito, is the prince?"
Ridiculous. If this was a fairy tale, siya ang kontrabida, never the prince.
"But no one should be locked."
And how could a seven-year old child knows more about morals than he does?
"Siya ang magiging kunsensya mo."
Nilapitan nito si Elisa kasunod ng paghaplos nito sa mga sugat sa balat nito.
Caleb was so tender. And he feels terrible.
"We could read next time."
Nagsimula na sa paghakbang si Elisa. Walang anumang nilampasan siya. Nasundan na lang niya ito ng tingin. Ang di niya maunawaan ay may kung anong bahagi ng puso niya ang lumalambot na lang kapag nakikita ang mga sugat nito and he is always drawn back to that moment na hinabol niya ito.
Her teary eyes. Her helplessness and vulnerability.