Chapter 9

1345 Words
Kanina pa nakapasok sa silid nito si Caleb. Inihahabilin niya ito kay Aling Cora. Bumaba siya ng hagdanan at tinungo niya ang silid ni Elisa. Kailangan niyang makausap ng masinsinan ang babae. Once and for all, nang matapos na ang lahat ng ito at bumalik sa normal ang lahat. "We need to talk." Tinitigan lang siya ng babae. Hinintay ang anumang sasabihin niya. "You'll help me find her." Straightforward niyang turan. "Bakit kita tutulungan?" He could have bluffed. Papatayin kita. Pipilipitin ko yang leeg mo. But for some unknown forces ay nanatiling nasa likod ng kanyang utak ang mga iyon. "Freedom." May malungkot na ngiting sumilay sa mga labi nito. "Bakit mo siya pakakasalan?" Nanunukat ang mga titig ni Elisa. Bumalik na ang dating Elisa na hindi nangingilag sa kanya. "Mahal mo ba siya?" What is it with women and the idea of love? Mahal nga ba niya si Margaux? He had always been so sure of marrying her and he never dared question his feelings. Basta ba natanim sa utak niya na sila ang magkakatuluyan balang araw. "Does it matter to you?" "Oo." Inilipat nito sa labas ng bintana ang pansin. "Hindi ka mahal ni Margaux. At kahit ano pa man ang gagawin mo sa akin, di kita tutulungan." "I'd kill you." Ngumiti ito ng mapakla. "Lahat naman tayo namamatay." May kung anong kalungkutan sa mga mata nito. "Bakit mo ito ginagawa? To the extent na mapahamak ka?" Naroroon na naman ang malungkot na ngiti nito. "Alam ko ang nangyayari sa hacienda. Nahahawakan at nababasa ko ang financial records ng lupain. Over the years ay dahan-dahang lumalaki ang liabilities kesa sa income ng mga Samonte. Kung hindi maagapan ay magiging bankrupt si Sir Deo. Pera at ang possible merging ng mga lupain ninyo ang pinakamalaking dahilan kaya masidhi ang hangarin niya na ipakasal sayo si Margaux. Halos ipagtulakan na nga siya sa iyo. Hindi ka niya mahal. Magiging miserable lang ang buhay niya sa piling mo. Alam mo yan kahit sa sarili mo. Hindi ka nga mapirmi sa isang babae." Dapat ba siyang ma-flatter at alam nito ang detalyeng iyon sa buhay niya? "And so you are playing the hero card?" "Maiksi lang ang buhay. If it means na gumawa ng mga bagay na nararapat, gagawin ko para sa mga taong mahal ko. Si Margaux, hindi ko lang siya basta amo. Kababata, pamilya, kaibigan, kapatid. Siya ang kaisa-isang taong nagparamdam sa akin na sapat ako. Sa kabila ng agwat namin sa buhay, minahal niya ako bilang kapatid. At habangbuhay kong tatanawing utang na loob yon. Kaya, lahat ng makapagpapasaya sa kanya, gagawin ko. Yon ang magiging legacy ko habang nabubuhay ako." Elisa spoke with conviction, with so much love in her heart. Tila may nasaling sa kanyang pagkatao nang dahil sa sinabi nito. May tila mainit na kamay na humaplos sa kanyang puso. Muli nitong ibinaling sa labas ng bintana ang pansin. Sign of dismissal. Maaari niya namang pilipitin ang leeg nito pero hindi niya gagawin. Like he said, he is no monster. Lumabas siya ng silid. May bukas pa naman para tanungin ang babae. Bago tuluyang lumayo ay binilinan niya si Mando. "Hayaan mo na siyang gumala sa bakuran basta ba bantayan mo lang siya. Huwag palapitin sa gate." Nagtungo siya sa kusina. Kumuha ng apat na bote ng canned beer at nagpasyang magpalipas ng oras sa labas. Sa gilid ng pool niya mas piniling tumambay, sa madilim na bahagi at tahimik na uminom. Kalahating oras na siyang mag-isang nakaupo nang matanaw niya sina Elisa at Mando. Magkasunod na naglalakad. Of all coincidences, sa pool din ang direksyon nito. "Eli, doon lang ako sa banda ron ha?" "Sige Mando. Salamat talaga. Promise, hindi ako tatakas." "Talagang di ka makakatakas, di mo naman kayang akyatin ang pader." Kung susumahin parang magkaibigan lang na nag-uusap ang dalawa. Ilang saglit pa ay napag-isa si Eli. Naupo ito sa gilid ng pool, sa bahaging naaabot pa ng liwanag ng terrace. If only she knew na nasa isang sulok lang siya at tahimik niyang minamanmanan ang bawat kilos nito. Eli is savoring the stillness of the night. Sa langit lang nakatutok ang atensyon nito. Hindi man nakangiti but there is some sense of peacefulness na mababanaag sa mukha nito. How could she act this way despite her dilemma? Nang bigla ay marahang umihip ang hangin. Mula sa pagkakaipit sa clamp ay napulas ang mga hibla ng buhok nito. Napapikit ito at bahagyang nagquarter turn ang mukha daan upang magsalimbayan sa kung saan ang buhok na tumabing sa mukha nito. Odd. But she finds her beautiful. Mesmerizing, she was mesmerizing. Gusto niyang matawa sa sarili dahil heto siya ngayon buong-buong nakuha nito ang atensyon just by her silence. Nang bigla ay nasagi niya ang isang lata ng beer. Lumikha iyon ng matunog na ingay daan upang magulantang ang pananahimik ni Elisa. Bigla itong napatayo. Ngunit nawalan ito ng panimbang at nabuwal sa pool. Huli na nang makahuma siya. Tuluyan nang nalaglag si Elisa sa tubig. Nagkakawag ito. God, hindi siya marunong lumangoy. Before he knew it, tinalon na niya ang pool at sinaklolohan ang nagkakawag na babae. Hinila niya ito patungo sa gilid ng pool at iniahon sa tubig. Sa liit ni Elisa ay madali niya lang itong nadala at naiahon sa tubig. Panay ang naging pag-ubo nito. "What were you thinking, huh? Pupunta-punta ka sa gilid ng pool ni hindi ka man lang marunong lumangoy." Panay ang naging pagbayo niya sa likod nito. "s**t!" Bakit ba ganito na lang katindi ang concern niya sa babae? Yakap-yakap ni Elisa ang sarili kapagkuwan. Giniginaw ito. Kahit siya man ay nakakramdam ng lamig. "Sir, anong nangyari?" "Go, get some towel." Mabilis ang kilos ni Mando. Nang bumalik ito ay bitbit na nito ang puting tuwalya. Mabilis niyang ibinalot sa dalaga ang tuwalya at inalayayan itong makatayo at akmang aakayin ito papasok sa loob nang magsalita ito. "Kaya ko na." Parang napapaso ito na iniumang pa ang palad tanda na pinapalayo siya. Off all oddities, nakaramdam siya ng pingas sa ego niya. Nasundan na lang niya ito ng tingin, katabi si Mando na papasok sa loob. ******* Deo Samonte. Unexpected guest. Kausap nito ang ama sa opisina nito. "I never expected to find you here, Tito." "Binibisita ko lang ang mamanugangin ko." Maliban sa kanila ay walang kaide-ideya ang mga magulang sa pagkawala ni Margaux. Both of them have something to bargain. Ang napipintong pag-akyat niya sa kasalukuyang posisyon ng ama. Sa parte ni Deo ay ang merger ng dalawang lupain oras na maikasal sila ni Margaux. Ipinagduduldulan nito ang anak sa kanya para lang maisalba ang papalugi nitong negosyo. Well, pareho lang din sila ni Deo. Pinangungunahan ng pansariling mga dahilan. He does what he thinks is best for himself. He is selfish as hell as Deo. Tumagal lang naman ng ilang minuto ang pag-uusap nila at nagpaalam na ito. "Walk Deo outside, Lorenzo." Inihatid niya hanggang sa elevator ang panauhin. "Margaux is nowhere to be found." Nang naglalakad na sila patungo sa elevator ay wika nito. "What about Elisa?" "I didn't find her, Tito." Paninindigan na niya ang pagsisinungaling. "Don't you think we should leave her aside?" "No!." umiba ang timpla ng mukha nito. "She is as guilty as Margaux. I never thought na matapos namin siyang kupkupin at pag-aralin ay ganito pa ang igaganti niya sa amin." "What if your daughter doesn't really wanna be found?" "Then that means you are saying goodbye to your ambition." Totoo yon. Bago ipapasa ng ama sa kanya ang pamamahala ng negosyo ay kinailangan muna niyang dumaan sa butas ng karayom. He has never been the first choice for his father. Had Cedrick been alive, he wouldn't even get the slightest chance to become na COO of their own company. Trouble. Yon ang laging tingin sa kanya ng mga magulang. "We'll both find her. So much is at stake with this marriage. Hahayaan mo na lang bang ibigay ng ama mo sa ibang tao ang pamamahala sa negosyo ninyo?" Pinakahuling sinabi ni Deo bago tuluyang sumara ang pinto ng elevator. Naiiwan siyang napapaisip.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD