Malaya na siyang nakakagala at nakakakilos sa bahay. Ngayon nga ay nagagawa na niyang pumanhik sa kusina at makitulong kay Aling Cora sa paghahanda ng pagkain. Hinahanap talaga ng katawan niya ang mga ganitong household chores. Naroroon pa rin si Mando, nakaantabay at hindi siya pinahahawak ng kutsilyo. Takot na maghuremintado siya.
"What are you cooking, Nanay Cora?"
"Igado."
"Igado?" may twang na tanong ni Caleb habang nangungunot ang noo.
"Naku, Eli, ikaw na nga ang magpaliwanag sa batang ito at dumudugo ang ilong ko."
Natawa sila ni Mando sa sinabi ni Aling Cora na exaggerated pang umaktong sumasakit ang sentido.
"It's an Ilocano dish, Caleb." Ipinaliwanag niya ang mga sangkap sa putahe at napatangu-tango naman si Caleb.
"Who taught you how to cook, Tita Eli?" curious na tanong ni Caleb sa kanya. Puno ng lambing ang boses nito.
"My nanay," nakangiti niyang sagot.
"Where is she now?"
"Up there." Itinuro niya ang itaas.
"In the ceiling?"
Naging maugong ang tawanan sa loob ng kusina. Si Mando man na laging seryoso ay nakihalakhak na rin. 'Yon ang tagpong napasukan ni Lorenzo. Awtomatikong nahinto ang tawanan. Si Manang Cora ay umaktong naghahalo ng kung ano sa stove habang si Mando ay tumuwid ng tayo at balik seryoso ang ekspresyon.
"Hi Tito."
Dumausdos si Caleb mula sa pagkakaupo sa mesa at lumapit kay Lorenzo. Kaagad naman itong kinarga ni Lorenzo at hinalikan sa bumbunan. Kailanman ay hindi niya nakita ang soft side nito.
"Tita Eli and Manang Cora are making Igado."
Napadako ang tingin ni Lorenzo sa kanya. Alam niyang magagalit ito kaya inunahan na niya. "Pasensya ka na. Walang kasalanan sina Mando at Aling Cora."
Akmang aalisin na niya ang apron nag mangusap ito.
"Carry on."
Napaawang ang bibig niya sa narinig.
Saka lumabas ng kusina si Lorenzo. Nakatalikod na at lahat si Lorenzo at naglalakad palayo ngunit nanatiling nakapako ang mga mata niya rito.
Sumagi sa utak niya ang mukha ni Lorenzo kagabi. Ang pag-aalalang nakabalatay sa mukha nito nang sagipin siya sa pagkakalunod sa pool. Kagabi, nakita niya ang kakaibang Lorenzo. Yong Lorenzong may puso. Somehow, somewhere, ay may mabait na Lorenzo din palang nagtatago sa katauhan nito.
Nang bigla ay may sumikdo sa kanyang dibdib.
Bakit ganito ang reaksyon ng puso niya?
"Carry on daw," si Manang Cora na siniko pa siya.
"O-oo, Manang."
Odd.
********
"Why isn't she eating with us, Tito?"
Si Elisa na naman ang hinahanap ni Caleb.
"She is already resting, Caleb."
"Sayang. I like to eat with her pa naman sana."
"Why do you like her so much?" Naalala niya na kahit si Margaux ay halos isumpa siya kapag inaagrabyado niya noon si Elisa. Even Audrey, once, sa kaisa-isang beses na napilit itong sumama sa Hacienda Samonte.
"She is nice. No. Super-duper nice."
Natapos nga ang dinner at bago umakyat si Caleb sa silid nito ay dinaanan muna nito si Elisa.
"Good night, Tita."
"Good night, Caleb."
He didn't mean to spy pero nakikinig siya sa maikling pag-uusap ng dalawa. And that genuine smile for Caleb. Napakadaling ngumiti ni Elisa sa ibang tao pero sa tuwina kapag napapadako ang tingin sa kanya ay awtomatiko iyong nawawala. Ang kaibahan nga lang ay wala ang disgust sa expression nito
"Lorenzo."
Napalingon siya. Sa buong buhay niya ay ito ang pangalawang beses na tawagin nito ang buo niyang pangalan. Matapos ang ilang sandalin pag-aatubili ay nangusap ito.
"Salamat."
Kung tungkol kagabi ay wala iyon sa kalingkingan ng mga perwisyong nagawa niya.
"Salamat kagabi."
Lahat pinasasalamatan kahit hindi naman dapat.
How could this woman remain so kind despite of this unbecoming circumstance?
Kahit papano ay nakaramdam siya ng hiya sa sarili.
*********
"Alone on a Saturday night? You must be feeling lucky. I am alone too."
Tahimik siyang umiinom sa bar nang mag-isa nang lumapit ang isang di kilalang babae. Naglakbay ang mga titig niya sa estrangherang gumagambala sa kanyang katahimikan. She looks so provocative in her almost bare-skin outfit. Naaaninag ang malulusog na dibdib sa see through garment sag awing cleavage nito. She looks game and willing to be smitten by him.
How many times had he done this? Bedding strangers. Tumigil lang naman siya nang ianunsyo ang engagement nila ni Margaux and he never felt guilty kahit na nga alam niyang may unofficial fiancée na siya.
Sinunggaban niya ang babae at siniil nang halik sa mga labi, tasting his mint-flavored lip color. Walang inhibisyong pinasok niya ang dila sa nakabukang bibig nito. Under normal circumstances ay ikakama na kaagad niya ito but to his dismay ay may lumitaw na imahe sa kanyang balintataw. And it was not his fiancée's. It was Elisa's.
"s**t!"
Naitulak niya ang babae na ikinagulat nito at muntikan na nga itong masuray.
"What is wrong with you?"
Galit ang rumehistro sa mukha nito.
"Idiot!"
Pabalag na hinablot ng babae ang LV purse nito na nakapatong sa ibabaw ng counter at naglakad palayo.
"s**t!"
Napalingon ang kahanay niyang mga customer sa malakas niyang pagmumura.
Si Margaux ang fiancée niya pero si Elisa itong pumapasok sa isipan niya.
Aaminin niya simula noong matikman niya ang mga labi ng dalaga ay hinahanap na ito ng subconscious niya. Hinahanap niya yong bibig na di nagpasindak at nagpadala sa husay niyang humalik. But he always brushed those feelings aside.
Jesus Christ! He is f*****g crazy.
Kumuha siya ng bill sa pitaka at naglakad patungo sa parking area at mabilis na pinaharurot ang sasakyan palayo. Sa gabing ito ay mas pinili niyang sa condo muna manatili. Kapag umuwi siya sa bahay baka tuluyan nang mawala ang katinuan niya because God knows kung ano ang pumapasok sa kanyang isipan.
Things seem odd.
Ridiculous.
Unbelievable.
"You're losing grip of reality, Lorenzo."
*********
Nababaliw na yata siya. Bigla na lang kasi siyang napapalingon sa gawing maindoor at hinintay ang papasok doon only to be disappointed nang si Mando ang makita. Dalawang araw nang hindi napapagawi si Lorenzo sa bahay nito. Pakiwari niya ay sobrang tagal na. Napabuntunghininga siya. Bakit ba kasi nakakaramdama na lang siya bigla ng pananabik at pagkamiss sa binata, sa mismong abductor niya?
"Baliw ka na nga talaga, Elisa."
"Baliw? Crazy?"
Saka niya lang napagtanto na napapalakas na pala ang boses niya.
"I'm just talking to myself, Caleb."
Nasa kusina sila kasama si Aling Cora at Caleb at kasalukuyang gumagawa ng dough.
"Mando, bakit problemado yang mukha mo?"
Pansin ni Aling Cora sa kapapasok na si Mando para palitan si Boboy sa pagbabantay sa kanya.
"Problema. Yong anak ko nasa ospital daw sa probinsya at malubha. Tumawag si Misis. Wala pa naman kaming ipon."
Di niya maiwasang sumabat sa usapan. Kahit papano naman kasi ay nag-uusap na sila ng magaang ni Mando at ng ibang bodyguards.
"Bakit di ka humingi ng tulong sa amo mo."
Napakamot si Mando. "Nakakahiyaan kong sabihin kagabi nang dumaan siya. Mainit kasi ang ulo. Mukhang nakainom."
"Nandito siya?"
"Oo, sandali lang. Tsinek si Caleb at ikaw."
So, si Lorenzzo ba ang may-ari ng bulto ng katawan na tila natanaw niyang papalabas ng silid niya nang maalimpungatan siya? Groggy man ang pakiramdam ay may hinala siyang may kung anong mainit na kamay na dumantay sa pisngi niya. Masuyo at mainit.
Ah, nababaliw na nga talaga siya.
"Sandali."
Kasunod si Mando na tinungo niya ang silid at may hinlungkat sa duffel bag niya.
"Pagtiyagaan mo na lang kung magkano lang ang laman niyan."
"Pero.."
Atubili at nakakahiyaan nitong kunin ang ATM na iniabot niya pati na ang anumang natitirang laman ng wallet.
"Sige na. Hindi yan bribe at hindi ko hihilingin na tulungan mo akong tumakas kapalit niyan. Gusto ko lang talagang tumulong." Binuntutan niya ng tawa ang sinabi para mapalagay ang loob nito.
"Nakakahiya talaga pero susunggaban ko na."
Napangiti siya. Kahit naman nasa isang hindi magandang sirkumstansya siya ay mas pipiliin pa rin niya ang gumawa ng tama para sa inosenteng batang yon. Isa pa, aanhin naman niya ang pera. At kung tatakas din naman siya, saan siya pupunta? At baka abutin pa siya nang..
Di niya gustong ituloy ang nasasaisip.
Hangga't maaari.
"Sige na."
Nang makabalik siya sa kusina ay saka naman umalis si Mando at ipinagbilin siya sa ibang dalawa pang tauhan. Siya naman ay binalikan si Caleb sa kusina.
"Tita Eli can you read me stories instead?"
Nakakatuwang tingnan ang isang batang kagaya ni Caleb na marunong magsinop ng sariling mga gamit.
"I'll get my storybook upstairs."
Bago pa man siya nakasagot ay kusa nang nagtatakbo patungo sa itaas ang bata.
"Caleb, huwag kang masyadong magtatatakbo."
Nasa kalagitnaan na ng hagdanan ang bata nang bigla itong napahinto. Biglang napahawak sa gawing dibdib at tila pinangangapusan ng hininga.
"Caleb!"
"T-tita...Eli.."
Parang kidlat niyang inilang hakbang ang hagdanan at dinaluhan ang bata na tumuba sa kanyang mga bisig.
Maputla su Caleb at iba ang ritmo ng paghinga.
"Aling Cora hanapin moa ng bag ni Caleb baka may medication siya." Baling niya sa matanda na nasa tabi na niya. "Mario, ilabas moa ng kotse."
Sa isang kumoas niya lang ay tumalima ang mga kasama. Habang siya ay inaplayan ng first aid ang asthma attack ni Caleb.
"Manang, halungkatin mo ang bag baka may nebulizer siya diyan."
May nebulizer nga pero wala nang laman.
"Caleb," nahihintakutang karga-karga niya ang bata patungo sa garahe at lumulan sa kotse habang si Mario ang nagdadrive."
Surreal. Sa pinakaunang beses simula nang sapilitan siyang isinama ni Lorenzo ngayon lang siya nakaapak sa labas ng gate. Pagkakataon na niya ang tumakas. But then, there is Caleb. Naramdaman niya ang paghigpit ng hawak nito sa kamay niya.
"Please, don't leave me."