Chapter Four

2098 Words
Chapter Four Naging maayos ang pagkakabalikan nina Troy at Quinn. Suportado siya nito sa negosyo at minsan pa nga ay kasama niya ito sa mga live selling sa f*******: page niya. Minsan naman ay kargador niya ito ng mga items na ipapa-ship niya courier. "Babe, mamaya lunch out tayo? Magpahinga ka naman. Parang pansin ko, wala kang rest day? Kahit linggo, abala ka pa rin sa negosyo mo," sabi pa ni Troy sa kanya. "Gano'n naman talaga kapag negosyo. On call ka palagi. Di mo pwedeng pabayaan. Pero sige, dahil inaaya mo akong mag-date, sasama ako sa'yo. Ang pogi mo kaya. Tatanggi pa ba ako?" nakangiting tugon ni Quinn. Nagsama sila ni Troy mula nang magkaayos sila. Madalas ay sa kanya ito umuuwi. Dalawang beses sa isang linggo lamang kung umuwi ito sa bahay ng mga magulang. Ang totoo, wala namang masyadong alam si Quinn sa buhay ni Troy. Alam lamang niya na may trabaho ito sa opisina, may isang nakatatandang lalaking kapatid at may kaya ang pamilya nila. Pero bukod do'n? Wala na. Hindi rin naman siya nagtatanong dito. Wala rin naman sa kanya kung mahirap ba o mayaman ito. "Babe, wait lang. Bili muna ako ng milktea," sabi niya kay Troy habang naglalakad sila sa mall. "Milktea agad? Eh kakain pa nga lang tayo ng lunch?" tanong naman nito sa kanya. "Drinks lang naman. Kakain pa rin naman ako ng kanin," mabilis na paliwanag naman niya sa nobyo. "Sige. Basta kakain nang marami, ha. Baka mamaya kaunting kain mo pa lang, sasabihin mo busog ka na agad. Ganyan ka sa bahay eh," paalala pa nito. "Yes po. Kakain nga. Ang kulit," tugon naman kaagad niya rito.  Nagtungo na siya sa pila ng bilihan ng milktea. Nagpadagdag pa siya ng creamcheese at agad niya iyong tinikman pagkaabot sa kanya. "Tikman mo. Ang sarap," nakangiting alok pa niya kay Troy. "Ayaw ko. Hindi ako mahilig sa ganyan," tanggi naman nito kaagad. "Killjoy," bulong niya naman na may kasamang pag-irap pa. "Babe, I prefer redhorse over milktea. Sasakit lang ang tiyan ko sa milktea eh," paliwanag naman ni Troy sa kanya. Narinig pala siya nito kaya napadila lang siya sa nobyo. "Wala ka rin namang mapapala sa alak. Tara na nga, kain na tayo," aya na lang niya sa nobyo. Nagdine-in sila sa isang Filipino buffet restaurant. Panay kain ng sisig si Quinn. Halos 'yon lang ang inulam niya. "Bakit ayaw mo ng ibang ulam?" natatawang tanong ni Troy sa kanya. "Ewan. Hindi ko bet. Pero masarap 'yong crispy kangkong nila, ha," komento pa ni Quinn sa nobyo. "Masarap naman lahat ah? Baka nabusog ka lang sa milktea?" tanong pa nito sa kanya.  "Mas bet ko talaga 'tong sisig nila eh. Mamaya maghalo-halo naman ako," nakangiting sabi lang niya. Habang kumakain siya ng dessert niyang halo-halo ay inaantok naman siya. Nakatatlong hikab na siya nang mapansin siya ni Troy. "Mukhang puyat ka na naman kagabi," sabi pa nito. "Sakto lang. Alam mo naman kami no'ng mga bakla kong staff. After namin maglive selling, nag-i-invoice pa kami at nagpa-pack ng items," paliwanag niya pa sa nobyo. "Pero huwag ka rin magpakapagod sobra. Alam ko namang sobrang enjoy ka sa business mo. Pero huwag mo naman pabayaan ang sarili mo, ha?" bilin din naman nito sa kanya. "Oo naman! Kapag pwede, bumabawi naman ako ng tulog. Saka hindi kami nagpapalipas ng gutom. Don't worry, Babe," assurance naman niya sa nobyo. "Good. Alam mo namang madalas akong wala, weekend ko lang nakikita or gabi ang mga gawa ninyo. Kaya kapag may free time ka, kakain tayo sa labas para mapahinga naman ang isip mo at siyempre, para makapagdate na rin tayo,"  tugon pang muli ni Troy sa kanya. Matapos nilang kumain ay nag-ikot pa sila ni Troy sa department store. Binilhan siya nito ng damit. Sabi kasi nito sa kanya, matagal na raw nitong gusto ipag-shopping siya. Ayaw nga sana niya dahil hindi naman siya umaalis madalas ng bahay pero mapilit naman ito kaya hinayaan na niya. Sabi nito siya raw kasi ang boss sa negosyo kaya gusto raw nito na may mga bago rin siyang damit na susuotin. Magre-reklamo at tatanggi pa ba siya? Eh libre naman. Nagtake-out sila ng pagkain para sa tatlong staff niya na naiwan sa pwesto. Araw-araw rin kasing abala ang mga 'yon, pero mas madalas na gabi talaga sila abala. Hands on siya sa business niya lalo na sa kaperahan. Pero pinagkakatiwalaan naman niya ang mga staff niya at sinasanay na rin niya ang mga ito na magsagot sa mga inquiries. Mayroon din siyang isa na pinapa-handle ng inventory at sales. Habang nasa biyahe sila pauwi ay napahikab na naman siyang muli. "Pag-uwi natin mamaya itulog mo na 'yan, ha. Pang-ilang hikab mo na 'yan," bilin ni Troy sa kanya. "Kaya nga eh. Idlip ako mamaya. Wala naman na kaming gagawin mamaya kapag napa-ship na nila Baks 'yong orders," mabilis naman niyang tugon. Nang makauwi sila sa bahay ni Quinn ay nandoon ang tatlong staff niya na sina Angela, Jessica at Duday. Si Duday lamang ang babae sa tatlo. Ang dalawa ay mga Beki na. Nagkagulo pa ang tatlo nang makitang may pasalubong na dala para sa kanila. Agad inihinto ng mga ito ang trabahong ginagawa para sunggaban ang pagkaing dala sa kanila. "Hoy, Duday huwag kang matakaw. Wala ka pa masyadong nagawa ngayong araw. Dapat kapag kaunti lang ang na-trabaho, kaunti lang din ang kain," saway ni Angela kay Duday. Nagsimula nang kumain ang mga ito ng dalang pizza at Macao milktea. Si Quinn naman ay nagpaalam na magpapahinga muna sa kwarto. Hinayaan naman siya ni Troy. Nakikain din siya ng merienda sa mga staff ni Quinn at nakipagkwentuhan na rin nang kaunti.  Matapos naman nilang kumain ay sinundan na ni Troy ang nobya niya sa kwarto. Nakita niyang nakahiga na ito at nakakumot hanggang sa baba nito. Nakabukas ang aircon at nakabukas rin ang electric fan pero nakatodo kumot naman si Quinn. Natawa na lamang siya habang napapa-iling. Ibang trip na naman ang naisip ng nobya niya. Nilapitan niya ito at hinawakan sa pisngi. Pinagmasdan niya itong matulog. Napapangiti pa siya kapag naririnig niya itong humihilik. Malalim na nga ang tulog nito kaya hinayaan na niya itong mas makapagpahinga. Gabi na nang magising muli si Quinn pero hihikab hikab pa rin ito nang lumabas sa kwarto. "Bakit hindi mo ako ginising? Alas quatro pa no'ng nag-idlip ako. Ang haba ng tulog ko," reklamo ni Quinn nang makita niya ang nobyo sa sala. Alas siete na kasi ngayon, at ngayon pa lamang siya nagising. "Ginising kita kanina bandang 5:30 kaso masarap pa rin ang hilik mo saka hindi ka kumikibo kaya hinayaan na kita. Minsan ka lang naman makatulog nang mahaba sa hapon eh," paliwanag naman ni Troy. Napakamot naman si Quinn sa ulo habang tumatabi siya kay Troy na nakaupo sa sala ngayon at nanonood ng TV. Pumikit pa siyang muli habang nakasandal sa balikat ng nobyo. "Umalis na 'yong tatlo? Natapos sila kaagad?" tanong niya habang nakapikit ang mga mata. "Kakaalis lang din nila halos. Hapon na kasi dumating 'yong truck ng courier na nag-pick-up sa mga items niyo. Pinakain ko na rin sila ng hapunan. Ikaw? Gutom ka na malamang. Kumain ka na. Sabay na tayo," tugon naman nito at akmang tatayo ngunit pinigilan siya ni Quinn. "Mamaya na. Five minutes pa. Wait lang parang tulog pa kasi ako," pagpigil naman ni Quinn sa nobyo. "Parang tulog ka pa? Haha. Ang cute mo rin talaga eh. Sige lang. Wala namang problema sa akin kung gusto mo pang umidlip," nakangiting tugon naman ni Troy. At nakaidlip pa ngang muli si Quinn. Halos 30 minutes din itong nakatulog habang nakasandal sa balikat ni Troy. Naalimpungatan na lamang ito nang pareho nilang marinig na kumulo na ang tiyan nito sa gutom. Napabalikwas tuloy ng tayo si Quinn. "Kain na tayo," mabilis na sabi nito. Iiling-iling na tumayo rin naman si Troy at nagtungo na sa kusina kasunod ang nobya niya. Hinainan ni Quinn si Troy ng pagkain. Yumayakap pa sa kanya ang nobyo habang nagsasandok siya ng ulam para rito. "Huwag kang maharot diyan. Ang sakit ng katawan ko. Next time nga kapag inaya mo ako sa mall, magpapa-massage na rin ako," saway ni Quinn sa nobyo. "Ako na lang ang mag-massage sa'yo mamaya," bulong pa nito sa kanya. "No, thanks. Dede ko lang ang ima-massage mo eh," diretsahang sagot naman ni Quinn sa nobyo. "Hoy. Feelingera siya oh," saway rin naman ni Troy sa kanya. "Oh, bakit? Hindi ba?" balik tanong din naman ni Quinn sa nobyo. "Hindi lang naman dede mo eh. Pwet saka keps na rin. Ayan nanggigigil na naman ako. Pahalik nga muna?" paliwanag pa nito sabay lambing. Hinila niya si Quinn paupo at kinandong niya ito sa mga hita niya. Hinalik halikan pa niya ito sa leeg pero agad namang tumayo at kumalas si Quinn.  "Hoy, ha? Kakain pa lang tayo ng hapunan pero may nanunusok na sa akin," sawat muli ni Quinn sa nobyo.  Tatawa tawa lang naman si Troy sa bintang ng nobya niya. Masaya silang kumain habang nag-aasaran pa. Hindi nagpapatalo si Quinn sa tuwing inaasar siya ng nobyo. Palagi rin siyang may pangbawi na sagot dito. Sa paglipas pa ng dalawang linggo na pagsasama nila Quinn at Troy inakala niyang tuluyan nang naayos ang gusot at hindi nila pagkakaintindihan noon. Ngunit muli na namang nasubok ang pangako ni Troy sa kanya. Nagulat na lamang siya nang magpaalam ito na aalis at mawawala ng isang linggo dahil pupuntahan daw nito si Yoko na nangangailangan di umano ng tulong niya. Pinayagan niya si Troy dahil maayos naman itong nagpaalam sa kanya.  Kasabay ng pag-alis ni Troy ay binayo naman ng bagyo ang buong Metro Manila. Hindi inasahan ni Quinn na babahain ang lugar na tinutuluyan niya. Ngayon pa lamang siya nakaranas ng lagpas taong baha. Sobrang bilis ng mga pangyayari. Nagising siya ng madaling araw para lamang sana magbanyo ngunit nataranta siya nang makitang hanggang tuhod na ang tubig sa buong kabahayan. Mag-isa lamang siya no'ng mga panahong 'yon. Tumataas ang tubig. Nagmadali siyang kuhain ang mga importante niyang gamit na nasa cabinet. Dinampot din niya ang cellphone niya na nasa tabi ng kama. Sinubukan niyang tawagan si Troy sa messenger pero hindi ito sumasagot. Nagulat na lamang siya nang makitang umabot na hanggang sa baywang niya ang tubig baha. Nagmadali siyang lumabas sa pinto ng tinutuluyan niyang bahay. Sumigaw siya at humingi ng tulong. "Tulong! Mga kapitbahay! Ang taas na ng baha!" sigaw niya. Mabuti na lamang at tinawag siya ng isa sa mga kapitbahay niya na may second floor. Pina-akyat siya ng mga ito sa itaas. Umiiyak siya habang pinagmamasdan sa baba na unti-unti lalong tumataas ang baha at nilulunod nito ang bahay na tinutuluyan niya kasabay ng mga gamit na na-ipundar niya sa loob ng ilang buwan. "Malas," bulong niya habang humihikbi. Sinubukan pa niyang contact-in muli si Troy pero wala pa rin itong naging sagot. Hanggang sa naisipan niyang mag-send na lamang ng mensahe rito. "Sana nasa maayos na kalagayan ngayon si Yoko. Sana natulungan mo siya sa problema niya. Mag-iingat ka palagi. Mahal kita, Troy. Pero I think, hindi ka pa rin handang palitan si Yoko sa puso mo. Follow what your heart wants you to do," pikit mata niyang isinend ang mensahe.  Pinatay niya ang cellphone at tahimik na umiyak. Gusto lang naman niyang sumaya. Pero bakit parang ang hirap-hirap naman yatang gawin no'n? Nagsisimula pa lamang siya sa buhay at negosyo niya rito sa Pilipinas pero nangyari naman ang trahedya na ito. Gano'n din sila ni Troy. Kaka-ayos pa nga lang nila. Kakabitaw lamang nito ng pangakong hindi na siya nito sasaktan. Pero naulit na naman.  Bakit ba sa tuwing kakailanganin ni Yoko ang tulong ng nobyo niya, ay nasasabay na kailangan din niya ito? Pero madalas, siya 'yong talo. Siya 'yong palaging walang kasama. Daig pa niya 'yong walang boyfriend eh. May nobyo nga siya, pero sa mga sitwasyon ng kagipitan nasa piling naman palagi ito ng iba? Mukhang mas mainam pa na wala na lang siyang nobyo para wala siyang inaasahan. Mas sigurado siya na hindi pa siya masasaktan. May label nga sila ni Troy. Magkasintahan nga sila, pero parang pagdating talaga kay Yoko, nakakalimot na ito basta. Parang sa hierarchy ng priority list ni Troy, Yoko muna bago iba. Parang kahit gaano naman sila kasaya nitong mga nakaraang linggo, parang lahat ng 'yon bigla na lang nabubura kapag tinawagan o tinext na siya ng kaibigan niyang si Yoko. Napaka-unfair para kay Quinn. She's trying her best to fully win his heart. Pero paano naman ang puso niya?  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD