Chapter Three
Akala ni Quinn ay hindi na mauulit pa ang nangyari noon na pag-aaway nila dahil noong kailanganin niya si Troy ay nagkataon na kinailangan din ito ng kaibigan nitong si Yoko. Pero mali pala siya ng inakala.
Naulit pang muli ang gano'ng pangyayari. Nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan niya at ng isang costumer nila sa fastfood. Siya lang naman ang naghatid ng pagkain na inorder. Pero nagalit ang costumer nang mali ang hinatid sa kanya. Nagwala kaagad ito at nag-cause pa ng scene. Nasampal pa siya nito dahil lang sinubukan niyang magpaliwanag.
Umiyak siya nang umiyak at chinat niya si Troy kung nasaan ito at kung susunduin ba siya nito, dahil usually naman ay palagi siya nitong sinusundo sa gabi kapag nandito ito. Pero hanggang sa makauwi na lamang siya sa apartment ay hindi na naman ito nagparamdam. Kinabukasan na nang tumawag ito at nagsabing dinala raw niya si Yoko sa ospital dahil mataas daw ang lagnat nito. At ayon daw sa diagnosis ay may UTI raw ito.
Sa pangalawang pagkakataon, naramdaman na naman ni Quinn na second choice lang talaga siya. Isa siyang option at hindi priority. Mas lalo siyang naiyak. Hindi dahil sa sampal ng costumer nila kanina, kundi dahil sa katotohanang kahit siya ang nobya ni Troy, hindi pa rin niya magawang matabunan ang nararamdaman nito para sa kaibigang minahal nito. Mas masakit pa 'yon kaysa sa sampung sampal.
Pinalagpas niyang muli ang pangalawang beses. Nagkaaway sila pero mabilis din naman nilang naayos at kaagad din namang nakipag-ayos sa kanya si Troy.
Sa pangatlong beses ay celebration nila ng monthsary, pero hindi siya nasipot ni Troy dahil nasa police station daw si Yoko. Napaaway raw ito sa mga babaeng kapitbahay na kinu-question ang pagiging Asian nito. Dalawang oras naghintay si Quinn sa restaurant na si Troy mismo ang nag-reserve. Halos pasara na ang restaurant nang mag-text ito na hindi na pala makakapunta. Nagmukha siyang tanga. Excited siya dahil first time sana nilang magsi-celebrate ng monthsary nang magkasama. Si Troy pa nga ang nag-aya at nag-arrange ng date nilang dalawa.
Hanggang sa umabot ng isang taon ang relasyon nila. Nakaramdam ng pagod si Quinn sa pag-intindi kay Troy at sa uri ng relasyon na mayroon ito sa kaibigang si Yoko. Nag-book siya ng flight pauwi sa Pilipinas, at nagsabi siya kay Troy na kakausapin niya ito. Pero muli na naman nitong ginawa ang bagay na nagpapasakit nang paulit-ulit sa kalooban niya. Nag-reply ito sa chat niya na baka bukas pa ito makapunta sa apartment niya dahil tinutulungan daw nito si Yoko na maglipat ng mga gamit sa bago nitong tutuluyan. So, she was left with no choice. Nagbilin na lamang siya sa landlady niya na kapag may naghanap sa kanya ay sabihin na umalis na siya at hindi ba babalik pa.
Bumalik siya sa Pilipinas para muling magsimula sa pangalawang pagkakataon. Malayo pa rin sa pamilyang umampon sa kanya, at malayo kay Troy na lalaking minahal niya. Mukhang ganito na ngang mamumuhay si Quinn. Kung may bagay o taong patuloy na nagbibigay ng pasakit o pahirap sa kanya sa kabila ng kabutihang ginagawa at sa paulit ulit na pag-intindi niya.
Nangupahan si Quinn sa isang maliit na bahay sa Quezon City. Tinitipid niya ang naipong pera noon habang nasa abroad siya. Nagsimula rin siya ng maliit na negosyo. Nakakuha siya ng supplier ng bulto ng gowns. Nagtitinda siya via f*******: live. Matumal ang unang linggo niya, pero unti-unting nakilala ang f*******: page niya. Mula sa 50 likes ay naging libo-libo ang likers at followers niya. Every other day siya kung mag-live selling, para mayroon din siyang araw para mag-ayos ng mga orders at magpa-ship. Nagkaroon siya ng tatlong staff na kapitbahay lang rin niya.
Sa loob lamang ng anim na buwan ay napalago niya ang maliit niyang negosyo. Marami na siyang buyers. Bukod sa mga naibebenta niya na retail gowns online, ay nakakabenta at nagsu-supply na rin siya ng bulto ng gowns sa iba na kagaya niya na gusto rin na mag-business. Hindi niya akalain na ang kinikita niya noon sa abroad ay kaya pala niyang kitain sa Pilipinas sa pamamagitan lang ng negosyo.
Naging tahimik ang pamumuhay ni Quinn. Ngunit nagulat na lang siya nang isang araw ay biglang dumating sa harap ng bahay na inuupahan niya si Troy.
"Hi, Babe," nakangiting bati nito sa kanya.
Akala niya noong una ay namamalikmata pa siya dahil kagigising lang niya at kasalukuyan siyang nakatulala sa kawalan habang nagkakape. Ngunit nang hindi ito nawala ay napatayo siya bigla.
"Troy?" gulat na sambit niya pa.
"Bakit parang gulat na gulat ka? Hindi mo ba ako na-miss? Kasi ako? Miss na miss kita," nakangising tugon nito habang humahakbang pa ito palapit sa kanya.
Napa-atras naman siya. Hindi niya naisip na magkikita pa ulit sila. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin dito.
"Bakit nandito ka? Paano mo nalaman kung nasaan ako?" tanong din niya.
Nagulat siya nang hapitin siya nito sa baywang.
"I have my ways, Babe. Hindi mo yata kilala kung sino ang boyfriend mo. Mas makapangyarihan ako lalo rito sa Pilipinas. Natagalan lang, pero at least, nahanap pa rin kita," nakangising tugon nito.
"Bakit mo naman ako pinahanap? Tapos na tayo. Natapos tayo nang piliin mo si Yoko kaysa sa akin nang paulit-ulit," tugon niya.
Pilit niyang iniiwas ang tingin. Masyado kasing magkalapit ang mga mukha nila sa isa't isa. Ramdamdam niya ang paghinga nito. Halos dinig din niya ang t***k ng puso nito mula sa dibdib. Mabilis iyon. Mukhang galit nga ito sa kanya.
"Paanong natapos? Walang pagtatapos na naganap sa pagitan nating dalawa, Quinn. Inisip mo lang na nakipaghiwalay ka sa akin, pero pumayag ba ako? Hindi, di'ba? Kasi bigla ka na lang umalis," tiim bagang na tugon nito sa kanya.
"Sa ayaw mo man o sa gusto, tinapos ko na ang relasyon nating dalawa noon. Kung mahal mo ang kaibigan mo, siya ang ligawan at suyuin mo. Tapos na ako sa pagiging second option mo lang, Troy. If you are going to choose her over and over again, siguro naman may karapatan akong masaktan, umayaw at mapagod, di'ba? Kasi puso ko naman 'to? Sabi mo naman noon subukan natin? Nasubukan ko na, okay na ako ro'n sa pa-trial version mo. Ayaw ko nang mag-extend. Thank you, next," umiiyak na sabi niya.
Niyakap lang siya nang mahigpit ni Troy. Hinagod hagod siya nito sa likod na tila pinapakalma siya nito. Sa lumipas na anim na buwan, inakala niyang nakalimot at naka-move on na siya. Pero hindi pala. Naging abala sa negosyo, oo. Pero 'yong sugat, kirot at hapdi? Naroon pa rin pala. Hindi niya napagaling kahit lumayo na siya.
"I'm sorry, Babe. Please, give me another chance. Hindi na ako uulit. Hindi na kita sasaktan. Hindi ko na siya pupuntahan sa Australia kung 'yon ang gusto mo," pakiusap ni Troy sa kanya.
Masikip ang dibdib niya habang umiiyak.
"Ayaw ko na," humihikbing pagtanggi niya.
"Babe, nasasabi mo lang 'yan ngayon dahil galit ka pa sa akin. Alam kong mahal mo pa rin ako. Kaya, please? Ayusin natin 'to?" pakiusap nitong muli.
"Alam mong mahal kita, kaya paulit-ulit mong nagagawa na saktan ako. Hindi naman privelege pass ang pagmamahal ko. Porket mahal kita, entitled ka na rin na saktan ako? Mahal kita pero mahal ko rin ang sarili ko, Troy," mabilis na tugon niya sabay talikod rito.
Nagtungo si Quinn sa kwarto niya at nagkulong doon. Umiyak siya nang umiyak hanggang sa wala nang luhang lumalabas pa sa mga mata niya. Hindi pala pinakamasakit na part ang break-up. 'Yong pagpapaliwanag pala sa taong nanakit sa'yo ang mas masakit na part. Ilang beses na ba niyang binigyan ng pagkakataon si Troy noon? Lagpas na sa dalawa. Pero paulit-ulit nitong pina-priority si Yoko kapag kailangan rin niya ang presensya ng nobyo niya. Madalas nitong makalimutan na mayroong Quinn na mag-aalala o maghahanap sa kanya, bago 'yong Yoko na naaalala at tinatawagan o tinitext lang si Troy kapag may kailangan ito sa nobyo niya.
Hindi siya galit sa kaibigan ni Troy na si Yoko. Galit siya sa sarili niya dahil sa loob ng isang taon, hindi niya nahigitan si Yoko sa puso ng nobyong si Troy. Ibig sabihin, may kulang sa kanya. Hindi siya ang nararapat para kay Troy dahil kung sapat na siya, hindi ipaparamdam sa kanya ni Troy ang mga insecurities na naramdaman niya noon. 'Yan ang unang-unang kalaban ng babaeng nagmamahal sa isang lalaki, insecurities.
Kinabukasan ay muli na naman siyang dinalaw ni Troy. Nagdala pa ito ng bulaklak, tsokolate at regalong mga alahas sa kanya. Siya tuloy ang naging laman ng usap-usapan ng mga chismosa sa kanto. Sinasabi ng mga ito na ginayuma raw ni Quinn ang lalaking manliligaw. Masyado raw kasi itong makisig at mukhang mayaman.
Pinatuloy niya ito at hindi naman niya itinaboy. Kahit paano naman ay may pinagsamahan pa rin silang dalawa.
"Wala akong maipa-pangako sa'yo, Troy. Sa ngayon, sarado pa ang puso at isip ko. Buo rin ang desisyon ko na ayaw kong maging isa lang sa option sa multiple choices mo," walang emosyong sagot niya rito.
"Alam ko. Naiintindihan ko pero hindi kita susukuan. Maayos ko rin 'to. Kaya please? Hayaan mo akong suyuin ka, Babe?" pagsang-ayon naman nito sa kanya.
"Papayagan kita kung hindi mo ako tatawaging Babe. Since, hindi pa naman ako nakikipagbalikan sa'yo," pagtama nito sa tawag sa kanya.
"Okay, Sweetheart," nakangising tugon pa nito.
"f**k you," inis na tugon niya na may pag-irap pa.
Tumayo naman si Troy at nilapitan siya.
"Babe, you know I can't f**k myself. So, let me just f**k you, instead," bulong pa nito habang hinihimas ang braso niya.
"Gago ka, Troy ha," reklamo niya.
Pinipigilan niyang matawa dahil alam niyang iisipin ni Troy na hindi siya seryoso sa mga pinagsasabi niya ngayon pero nabigo siya. Napangisi na siya kaya niyakap siya ni Troy nang mahigpit.
"Pangako, hindi na kita sasaktan. Let's try again this time, alright?" bulong nito habang nakayakap pa rin sa kanya.
Hindi niya alam kung bakit siya napatango na lang sa tanong na 'yon ni Troy sa kanya. Ganito ba talaga niya kamahal si Troy o talagang tanga lang siya? Hindi niya alam. Pinangako niya sa sarili na kung masaktan siyang muli ay ititigil na niya ang kabaliwan niyang ito. Sana lang ay hindi siya nagkamali ng desisyon.