Chapter Five

1426 Words
Chapter Five Dalawang araw ang lumipas bago tuluyang humupa ang baha sa lugar nila Quinn. Matagal na hanggang baywang ang tubig baha kaya karamihan ay hirap kumilos at maglinis ng mga kabahayan nila. Nanatiling kalmado si Quinn. Sa loob ng dalawang araw ay nag-isip lamang siya at buo na ang desisyon niya. Nagpaalam siya sa tatlong staff niya. Nagsabi siya na aalis muna siya at hindi na magtutuloy sa pagne-negosyo. Inabutan din niya ng kaunting tulong pinansyal ang tatlo na naging biktima rin ng baha dahil sa bagyo. Umalis siya na walang kahit na anong bitbit na damit o gamit bukod sa mga importanteng papeles at bank accounts na naisalba niya noon bago tuluyang tumaas ang tubig sa kabahayan. Itinapon na rin niya ang sim card niya. In-uninstall din niya lahat ng applications na gamit niya.  She will start anew for the third time. Sisiguraduhin niyang sa pagkakataong ito, hindi na siya mahahanap pa ni Troy. Hindi siya galit, nasaktan lang siya. She wanted to have Troy all by herself. Ayaw niya na parang hiram niya lang ito na sa isang iglap lang ay bigla na lang itong babawiin at mawawala sa kanya. Ayaw niyang mabuhay sa relasyon nila na may takot. Hindi siya confident. Kaya habang hindi pa lubog na lubog ang dalawang paa niya, lalayo na lamang siya. Mananahimik at hindi na lang magpapakita pa. Nagmamadaling bumalik si Troy sa Pilipinas nang mabalitaan niya ang nangyaring pagbaha sa ilang parte ng Metro Manila. Kasama sa nabanggit ang Barangay kung saan nakatira si Quinn. Ayon sa balita ay lagpas tao raw ang inabot ng tubig baha noong kasagsagan ng bagyo. Inabot din ang bubong ng kabahayan. Sinubukan niyang tawagan ang nobya pero hindi na niya ito ma-contact. Nagsend pa ito ng mensahe sa f*******: messenger niya na tila nagpapaalam na hindi niya maintindihan. Mukhang nagtampo na naman ito dahil pinuntahan niya na naman si Yoko kahit na nagpaalam naman siya rito.  Humupa na ang baha nang makarating si Troy sa bahay ni Quinn ngunit mga gamit lamang nito ang naabutan niya. Wala kahit anino ng nobya. Ayon sa mga kapitbahay nito ay ilang araw na itong hindi bumabalik at baka raw nag-evacuate ito sa mas ligtas na lugar matapos humupa ng baha dahil sobrang gulo nga ng mga kabahayan dahil sa naiwang putik ng baha.  Sinubukan niya pang kausapin ang tatlong staff ni Quinn sa negosyo pero ang sabi ng mga ito ay nag-iwan lamang ito ng pera sa kanila at nagsabing aalis muna pero wala raw itong nabanggit kung saan pupunta at kung kailan babalik. Nag-aalala na si Troy. Hindi na naman niya alam kung saan magsisimulang maghanap. Nang umalis ito noon sa Australia ay ganitong-ganito rin ang pakiramdam niya. Naiwan sa ere. Sa tuwing umuuwi siya sa bahay ng magulang ay lalo lamang nag-iinit ang ulo niya kapag nakikita niya ang nakatatandang kapatid na si Travis. Ito ang dahilan ng pasakit ng kaibigan niyang si Yoko. Gusto niya itong sisihin pero mas pinipili na lamang niyang huwag itong kibuin. Sumasakit na ang ulo niya sa kakaisip kung nasaan ba si Quinn. Sinubukan niya itong hanapin sa Australia dahil naisip niyang baka bumalik ito roon, pero wala. Hinanap niya ito sa buong Metro Manila at pinahanap niya rin ito sa mga kalapit na probinsya pero walang bakas siyang nakita. Sinubukan din niyang pamanmanan ang pamilyang kumopkop dito noon pero kahit doon ay hindi nagagawi ang kanyang nobya.  Nakaramdam na rin siya ng pagod sa paghahanap. Napuno na lamang ng galit ang puso niya. Inihinto niya ang pagpapahanap kay Quinn at hinayaan na lamang niya ito na magtago. Pero isa lang ang sisiguraduhin niya, kapag nagkita silang muli, pagsisihan nito na umalis ito noon at iniwan siya. Mabilis na lumipas ang tatlong taon. Nagpatuloy si Troy sa buhay at sa kanyang trabaho na akala mo ay walang nangyari na kahit na ano. Sa paniniwala niya kasi, dahil si Quinn ang nang-iwan, wala na siya ngayong pakialam sa dating kasintahan. Hindi niya ito kawalan. February 23, 2020  Nang bumalik si Yoko sa Pilipinas para maghiganti sa umapi sa kanya. Wala siyang alam sa plano nito pero kung ano man 'yon ay suportado niya ang kaibigan. Matagal na rin naman niyang natanggap na hanggang kaibigan lang talaga ang turing ni Yoko sa kanya. Wala na siyang isyu pa ro'n. Masaya silang magkaibigan at wala silang nililihim sa isa't isa. He knows, Yoko still loves his brother. Hindi na siya makikialam pa sa dalawa. Sapat na siguro na ilang taon silang hindi nagkibuan magkapatid. Pero galit pa rin siya sa Kuya niyang si Travis. But he will just step back. Dahil kung ano man ang maging desisyon ni Yoko ay igagalang niya 'yon Pa-minsan minsan ay tinititigan niya ang mga lumang litrato nila ni Quinn na naka-save pa rin sa cellphone niya kahit na ilang beses na siyang nagpalit. He is angry because he was left alone again without any explanation. Sino ba namang hindi, di'ba?  Naging abala na lamang si Troy sa pag-manage ng negosyo nila. Siya ang kasalukuyang CEO ng Maghari Malls na mayroong kabuuang labinglimang branch sa buong Metro Manila. Ang kapatid niyang si Travis ang CEO ng Maghari Empire na isang Construction and Realty company naman. Hindi nila naranasan na mag-away o mag-agawan sa kumpanyang mamanahin dahil parehong magulang nila ay nagmula sa mga negosyanteng pamilya na may kanya-kanyang kumpanyang hinahawakan din. Ang pinag-awayan pa nga nilang magkapatid ay babae. Pero sa bandang huli, hindi rin naman siya ang pinili.  Ina-assist niya si Yoko sa tuwing kailangan nito ng tulong niya habang narito ito ngayon sa Pilipinas. Kagaya na lamang ng pag-proseso nito ng lisensya, dahil ang lisensya na mayroon ito ay pang-ibang bansa lang. Tinulungan niya rin ito na maghanap ng ahente para sa gusto nitong bilhin na kotse. Wala namang kaso sa kanya. He is glad that he can help her in anyway. Yoko will always be his first love. Unang beses pa lamang niyang makita ang litrato nito sa resume nang magawi siya noon sa opisina ng kapatid na si Travis, alam niyang iba ang magiging ambag nito sa buhay niya. Kaya kahit hindi naman siya dapat nakikialam sa hiring ng kumpanya ng kapatid niya, nakialam siya noon para si Yoko ang mapiling OJT ng secretary ng kapatid. Medyo naging wrong move lang dahil nagustuhan din ng kapatid niya si Yoko noon at doon na nagsimulang magkagulo. Troy became that one guy friend who is always one call away for Yoko. Alam niya ang mga dinanas nitong hirap noon nang piliin nito ang kapatid niya. She was brokenhearted by his brother. Nagdalangtao rin ito noon, ngunit sa kinasamaang palad ay nakunan. It was the darkest days for Yoko. He made everything he could to help her somehow ease the pain. Pero alam niyang hindi naman siya ang makakagamot sa sugat na hindi siya ang may gawa.  "So, what is really your relationship with Yoko? Todo deny ka noon na wala kang alam kung nasaan siya, pero tama naman pala ang hinala ko?" tila galit na tanong sa kanya ng kapatid na si Travis. Nagkibit balikat muna siya rito habang nakangisi. "I was just protecting her, Travis. You have hurt her more than enough. Hindi ka pa rin ba talaga titigil?" simpleng tugon naman niya sa kapatid. "It wasn't intentional, Troy! Hindi ko ginustong saktan siya! Gusto kong itama ang lahat pero pinipigilan mo kami! Itinago mo siya sa akin, para masolo mo siya. Pero hindi ka pa rin naman nagtagumpay, di'ba? Hindi pa rin naman ikaw ang pinili niya. Kaya nga siya bumalik dito, di'ba?" sumbat ng kapatid niya. Nagpantig ang tainga ni Troy sa narinig niya. Sinapak niya ang kapatid at ginantihan naman siya nito. Hawak siya ngayon ng Kuya niya sa kwelyo ng damit niya. "Hindi ikaw ang dahilan ng pagbabalik niya. Kaya huwag kang umasa. Masasaktan ka lang," nakangising tugon niya sa kapatid. Binitiwan naman siya nito sa kwelyo at bahagya pang itinulak palayo. Tinawanan lamang siya ng kapatid niya. "Watch me take her back. I will take her back, Troy. Papatunayan ko sa'yo na nagsayang ka lang ng pagod na ilayo siya sa akin. Sana lang hindi mo maranasan ang kagaya ng ginawa mo sa akin kapag ikaw naman ang nagmahal. Dahil tatawanan talaga kita, at hindi kita tutulungan. Tandaan mo 'yan," seryosong sambit pa ng kapatid niya sa kanya bago siya nito talikuran at iwanan. It was more like a curse. Tumagos sa kalooban niya ang mga binitiwang salita ng kapatid. But no, he did not loved Quinn. Galit siya rito. Hindi niya ito mahal. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD