Chapter Two

2243 Words
Chapter Two 15 years ago. Pitong taong gulang pa lamang si Quinn nang unti-unti siyang mamulat sa realidad ng buhay niya sa kumbento bilang isa sa mga batang kinupkop at inaaruga ng mga Madre. Nasaksihan niya noon na isa-isa inaampon at pinipili ng mga mag-asawang walang anak ang mga kaibigan niya. Umiiyak siya sa tuwing kailangan na niyang magpaalam sa mga batang kaibigan dahil aampunin na ang mga ito at hindi na niya makikita pang muli. Mula noong apat na taon pa lamang siya, maraming beses na siyang umiyak dahil naiiwan siya. Hindi siya napipili ng mga mababait na mag-asawa. Palaging ang mga kaibigan o kalaro niya sa kumbento ang napipili. At siya palagi ang naiiwang nakatingin at umaasang sana ay dumating din ang araw na siya naman ang magpapaalam at aalis. Nakatingin lamang siya palagi sa hindi kalayuan habang masayang sumasama ang mga kaibigan niya sa bago nilang magiging pamilya. Naisip ni Quinn na malamang may mali sa kanya kaya hindi siya napipili. May kulang sa kanya kaya hindi siya ang nagugustuhan ng mga mag-asawang nagpupunta sa kumbento para mag-ampon ng bata. Inisip niya rin na kaya siguro siya iniwan sa kumbento ng mga totoong magulang dahil may hinahanap ang mga ito sa kanya na hindi nila nakita kaya inayawan din siya ng mga ito.  Gabi-gabi niyang iniiyakan ang mga bagay na 'yon. Hanggang sa dumating ang pamilya Loyzaga at napili siyang maging bunsong anak ng mga ito. May dalawa itong anak. Isang lalaki at isang babae na parehong mas matanda sa kanya. Sobrang saya niya nang malaman na may pamilya nang mag-aampon sa kanya. Pakiramdam niya ay iyon na ang pinakamasayang araw sa buong buhay niya dahil sa wakas, magkakaroon na siya ng isang bagong pamilya. Buong pamilya na akala niyang tuluyan nang kukumpleto sa pagkatao niya.  Dalawang buwan siyang excited noon. May kaya ang pamilyang kumupkop sa kanya. Nabilhan kaagad siya ng mga bagong damit, sapatos at mga laruan. Kaagad din siyang nakapag-enroll sa isang magandang paaralan. Marami siyang mga nakilalang bata na mayroon ding mga magulang. Masaya siya. Pakiramdam niya ito na ang sagot sa mga matagal na niyang dasal mula pa noon. "Nini, sabi ng teacher mo sa akin, hindi ka raw nagpa-participate sa mga recitations sa subjects niyo?" tanong ng Mama Eva niya sa kanya. Napasimangot naman siya. "Opo, kasi marami naman pong iba na gustong sumagot. Kaya hinahayaan ko na lang sila," mabilis na paliwanag naman niya sa Mama Eva niya. "Anak, kung alam mo ang sagot dapat nakikipag-unahan kang magtaas ng kamay. Ikaw dapat ang maunang matawag. Para makasama sa with honors kapag final grading na. Sina Kuya at Ate mo noong kasing edad mo pa, palagi akong umaakyat sa stage para magsabit ng medals sa kanila. Dapat gano'n ka rin, ha? Huwag mong bibiguin si Mama," bilin naman nito sa kanya. Sumapit din noon ang Disyembre at nasa mall sila para mamili ng bagong damit na gagamitin nila sa Christmas party sa school. May nakita siyang puting rubber shoes. Pangarap na niya noon pa ang magkaroon ng gano'ng rubber shoes. 'Yon na lamang ang gusto niyang ipabili sa mga magulanh ngayong pasko. "Anak? Rubber shoes? No, ito na lang doll shoes ang sa'yo. Saka may napili rin akong dress na susuotin po sa party niyo ha? Ikaw dapat ang mangibabaw sa lahat ng mga classmates mo," nakangiting sabi pa rin ng Mama Eva niya. Kinuha nito ang puting rubber shoes mula sa kanya at inilapag iyon sa gilid, ibig sabihin ay hindi na nila iyon bibilhin. Napabuntung hininga na lamang siya. Malungkot siya, pero kahit paano ay mayroon pa rin naman siyang bagong damit at sapatos ngayong pasko. Ayaw nga lang sana niya ang magsuot ng bestida dahil nahihirapan siyang kumilos nang maayos kapag gano'n ang suot niya. Lalo na at maiksi karamihan ang mga bestida na binibili ng Mama Eva niya. Mula pagkabata, alam na niya ang mga bagay na gusto niya. Pero alam din niyang hindi naman lahat ng gusto niya ay makukuha niya. Bagay man o tao.  * Hindi man makapaniwala si Quinn, pero naging magkasintahan sila ni Troy. Sabi nga nila, susubukan nila. She also wanted to try. Ito ang unang beses na nagkagusto siya sa isang lalaki. May nakita siyang kakaiba kay Troy. Hindi niya nga lang alam kung ano 'yon. But she wanted to make things work between them. Masaya siya rito.  Nang umuwi si Troy sa Pilipinas ay nanatili ang komunikasyon nila thru social media. Madalas silang magka-chat at magkatawagan sa videocall. She had that butterflies in the stomach. Pakiramdam tuloy niya ay ngayon pa lang siya nagdadalaga kahit na bente dos naman na siya.  Aminado siya, late bloomer siya pagdating sa pagkakaroon ng crush o love. Wala naman kasi siyang panahon noon sa mga lalaking kaklase niya dahil abala siya sa pag-aaral. May ilang sumubok na lumapit sa kanya noon at nagparamdam pero hindi niya 'yon tinanggap. Paano ba naman kasi, kung hindi mukhang totoy, mukha namang sanggano ang nagkakagusto sa kanya noon.  "Kumusta ka?" tanong ni Troy mula sa screen ng cellphone niya. "Ayos lang naman. Kakauwi ko lang. Ikaw ba, kumusta?" tanong din naman niya. "Nasa office pa. Nami-miss na kita," paglalambing pa nito sa kanya kaya naman mas napalawak tuloy ang ngiti niya. "Nangbola pa," komento niya lang. "Aba? Hindi mo ko namiss?" tila inis na tanong pa nito sa kanya. "Siyempre, na-miss!" mabilis na tugon naman niya. "Ayon naman pala eh. Akala ko may ibang lalaki ka na diyan kaya hindi mo ko nami-miss. Umayos ka diyan habang wala ako, ha?" bilin pa nito. "Nge? Bakit naman ako magkakaroon ng iba rito? Hello? Sa dalawang taon ko nga rito, ni hindi nga ako nagkaroon ng jowang Australiano?" paliwanag din naman kaagad niya. Nakita naman niyang tumango tango pa si Troy sa kanya. "Very good. Akin ka lang. Akin lang 'yan," nakangiting sabi pa nito habang tinuturo ang katawan niya. Natawa at napailing na lang naman si Quinn sa narinig niyang sinabi sa kanya ni Troy. Masaya sila, at kahit na magkalayo ay nagagawa naman nilang unawain ang isa't isa.  Halos every three months kung dumalaw sa kanya si Troy. Pero kapag magkasama sila, mas madalas silang mag-away, kumpara sa tuwing magkalayo sila. Hindi niya akalain na mararanasan niyang muli na hindi mapili nang paulit ulit.  Dalawang beses niyang sinubukan na tawagan si Troy habang nasa trabaho siya. Habang nasa opisina kasi ay bigla na lang siyang nangatog sa ginaw kahit na nakasuot naman siya ng jacket. Nandito naman ang nobyo niya, ngunit hindi niya nga lang ito ma-contact. Gusto sana niyang magpasundo rito pero wala. Umuwi siya nang mag-isa kahit na nahihilo at nangangatog pa siya sa ginaw.  Nang makarating siya sa apartment niya, sakto kakainom lang niya ng gamot nang biglang may matanggap siyang mensahe mula sa nobyong si Troy. "Sorry, I couldn't answer your call. May emergency lang kay Yoko," sabi lang nito sa mensahe. She felt a pang in her chest when she saw Yoko's name from her boyfriend's message. May emergency rin sa sitwasyon niya. May sakit siya, pero ang nobyo niya ay nasa piling ng iba? Hindi man lang siya nito sinubukang tawagan pagbalik? Hindi man lang nito magawang itanong kung bakit siya tumatawag ng ilang beses sa kanya?  Humiga siya sa kama niya at ipinikit ang mga mata. Namalayan na lang niyang may pumapatak na palang luha sa mga mata niya. Ayaw niyang mag-demand kay Troy dahil bago pa lang sila. Ilang buwan pa lang silang magkarelasyon, at bago pa maging sila ay kaibigan na nito si Yoko. Pero nasasaktan kasi siya.  Kinabukasan ay pinuntahan siya ni Troy. Medyo maigi na ang pakiramdam niya dahil nakapahinga na siya at panay tulog lang naman ang ginawa niya.  "Hi, Babe," nakangiting bati nito pagbukas niya ng pinto. Hindi siya kumibo. Pinapasok lang niya ito at tinalikuran na. "May problema ba? Bakit parang namumutla ka yata?" nagtatakang tanong nito sa kanya. "Wala naman," mabilis niyang tanggi na lang. Nagtungo siya sa kusina para kumuha ng tubig na maiinom. "Paanong wala? Sobrang putla kaya ng mukha mo?" tanong pa nitong muli. Nilapitan pa siya nito at hinawakan pa nito ang mukha nita habang tinititigan. "Parang iba 'yong init ng katawan mo?" tanong pa nito. "Wala. Magaling na ako. Trinangkaso lang ako kahapon," mabilis na sabi niya. "Kahapon? Nagkatrangkaso ka? Bakit hindi mo ako sinabihan?" tila nag-aalalang tanong nito sa kanya. Nagkibit balikat ito sa kanya. "Sinubukan kitang tawagan eh. I was chilling while I'm at the office yesterday. Magpapasundo sana ako sa’yo, kaso cannot be reach ka naman. Kahit sa viber or messenger hindi kita ma-contact. So, ayon," mabilis niyang kwento. "Tapos hindi ka man lang nag-reply sa text ko?" tanong nito. "Nahihilo na nga ako, di'ba? May sakit na nga ako at hindi stable ang paningin ko sa sobrang hilo. So, gusto mo pa akong mag-text sa'yo? Saka sabi mo may emergency si Yoko. Eh di hinayaan na lang kita. Kaya ko naman eh. Hindi mo naman ako responsibilidad," kibit balikat na sagot niya sa nobyo. "Ano ba 'yan? Bakit ka ganyan magsalita? So sinasabi mo bang responsibilidad ko si Yoko, tapos ikaw hindi?" tila galit na tanong nito sa kanya. "Ikaw ang nagsabi niyan, ha. Hindi ako," nakangising tugon lang niya. "May problema ka ba sa akin o kay Yoko?" tanong pa nito sa kanya. Tinitigan naman niya si Troy. Hindi siya makapaniwala sa tanont nito sa kanya. "Wala. Di'ba nga? Kaya hinayaan kita nang sabihin mong may emergency siya. Kung may issue ako sa'yo o sa kanya, eh di sana nagwala na ako o pinagbawalan kita?" tanong din naman niya rito. "Hindi ko maintindihan kung ano ang nasa isip mo. Bahala ka," tila inis na tugon na sa kanya ni Troy. "Bahala naman talaga ako, di'ba?" gatong pa niya habang lumalakad ito palayo at palabas ng pinto niya. Hindi niya alam kung bakit parang masama pa rin siya? Siya na nga ang hindi nag-demand. Siya na nga itong nasaktan at nagpaubaya dahil emergency nga raw. Ano ba kasing laban niya sa gusto ng taong mahal niya?  Hinayaan niya si Troy. Hindi niya ito pinigilan na umalis. Hindi niya rin ito chinat o tinawagan. Hanggang sa lumipas ang dalawang araw. Sinundo siya ni Troy sa pinagta-trabahuan niyang fastfood. Nagulat pa siya nang makita ito sa labas. "Kumusta na ang pakiramdam mo?" tanong nito nang salubungin siya nito sa labas. "Ayos na ako. Sabi ko naman sa'yo, kaya ko naman ang sarili ko," mabilis niyang sagot. "Quinn naman. Ayaw ko nang makipag-away. Kaya nga ako nandito, kasi gusto kong makipag-ayos. Ayusin natin 'to," kumbinsi nito sa kanya. "Wala naman akong sinabi noong nakaraan. Ikaw lang naman ang nagalit sa akin," walang emosyon niyang sagot. "Sorry na. Nainis lang naman ako kasi hindi mo ako sinabihan na may sakit ka. Usually naman, wala kang nililihim sa akin," paliwanag pa nito. "Hindi ako naglihim. Kaya nga kita tinawagan para makapagsabi sa'yo. Hayaan mo na. Tapos na 'yon. Past is past," mabilis na tugon din naman niya. Nagulat siya nang bigla siyang yakapin nito habang naglalakad sila. Hinalikan pa siya nito sa pisngi. "Bati na tayo. Huwag ka nang magtampo. Sorry. Fault ko," pag-ako nito sa kasalanan. "Wala akong sinisisi. Ikaw ang kusang umako niyan ha," tugon lang din naman niya sa nobyo. "Kaya nga. Fault ko naman talaga. Bati na tayo? Hindi mo ba ako namiss? Sa isang linggo, uuwi na naman ako. Huwag na tayong magsayang ng araw sa pagtatampo, please?" lambing pa nito sa kanya. "Hoy ha. Ikaw ang nag-walk out. Hindi ako. So, ikaw ang nagsayang ng mga araw," paalala pa niya sa nobyo. "Ako na nga ang matampuhin. Kaya nga sorry na. Dali na, uwi na tayo. Babawi ako sa'yo," nakangising tugon pa nito sa kanya sabay pisil sa dibdib niya. Nanglaki pa ang mga mata niya sa ginawa nitong kaharutan habang nasa kalsada sila. "PDA ka! Huwag kang malandi sa daan!" saway niya. Tumawa lang naman ito nang malakas.  "Namiss ko lang talaga ang Babe ko. Pero babawi talaga ako mamaya. Kasi ilang buwan na naman akong tigang pag-uwi," nakangising sabi pa rin nito. "Eh di wow. Tinanong mo ba muna ako kung gusto ko ng paraan ng pagbawi mo? Paano kung ayaw ko?" mapang-asar na tanong din niya sa nobyo. "Kapag ayaw mo, gagawa ako ng paraan para mapapayag ka. Alam mo na. Kaunting kalabit  kaunting himas at halik," mapanuksong tugon pa lalo nito sa kanya. Hindi na siya umimik dito. Magkahawak kamay silang umuwi sa apartment niya. Hindi pa man sila tuluyang nakakapasok ay agad na siyang siniil ng halik ni Troy. Mapaghanap ang halik nito. Napaka-init ng mga labi ng kanyang nobyo. At alam naman niya sa sarili niya na kahit kailan ay hindi niya magagawang tanggihan ito. Sinasabi lang niya na hindi siya papayag pero iba naman ang gusto at tugon ng katawan niya. Hindi na sila umabot pa sa kwarto. Sa sala pa lamang ay hinubaran na siya nito. Kumandong siya kay Troy at agad naman nitong pinagapang ang halik pababa sa malulusog niyang dibdib. Ramdam na ramdam niya ang pagkasabik nito sa kanya. Habol niya ang hininga dahil sa kiliti at init na nararamdaman niya. Sa gano'ng posisyon siya inangkin ni Troy. Nagulat pa siya dahil kanina lang ay nilalaro lamang nito ang p********e niya nang bigla na lamang siya nitong angkinin. Tila nanggigil na naman ito.  "Akin ka lang, Quinn. Tandaan mo. Ako ang una at huli," bulong nito sa kanya habang mahigpit ang kapit nito sa bewang niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD