Chapter One
May 20, 2015
Pangalawang taon na ngayon ni Quinn sa Australia. Masaya siyang nagta-trabaho at pakiramdam niya ay unti-unti na siyang nagiging tunay na masaya. Wala siyang contact sa mga magulang at kapatid niya simula nang umalis siya sa Pilipinas. Alam niyang galit na galit ang mga ito sa kanya ngayon. Sinubukan naman kasi niyang magpaalam na magre-resign at mag-aaral muli. Pakiramdam kasi niya ay para siya sa pagluluto. Gusto niyang maging isang Chef. Pero hindi pa rin naman niya natutupad ang pangarap niyang 'yon hanggang ngayon.
Kasalukuyan siyang helpdesk support sa isang IT company sa Australia. Suma-sideline din siya ng ilang oras sa isang fastfood restaurant bilang crew. Hindi naman siya short sa pera. Pero gusto lang talaga niyang mag-ipon. Para kung babalik man siya sa Pilipinas, makapagtayo na lang siya ng negosyo roon. Hindi naman niya planong habangbuhay mamasukan sa opisina o sa restaurant. Gusto rin niyang makapagpundar, para sa pagtanda niya, kahit hindi na siya kumilos ay kikita pa rin siya.
Mayroon siyang nakilalang isang gwapong lalaki noong nakaraang linggo. Pinoy rin ito at naka-kwentuhan niya ito dahil saktong tapos ng trabaho niya nang matapos din itong kumain.
"Nagta-trabaho ka ba rito?" tanong niya sa lalaki habang naglalakad sila.
"Nope. I was just here for a friend. Dito sa malapit lang din naman siya nakatira," mabilis na tugon naman nito sa kanya.
"Friend? A guy friend?" tanong pa niya.
"Girl. She was brokenhearted by my older brother. Nagpapagaling siya ng puso rito ngayon," kwento naman nito sa kanya.
Napahinto siya saglit sa paglalakad. He looks very concerned. His eyes looks sad while saying those words. Nakaramdam din tuloy siya ng lungkot.
"So, aalis ka rin ba agad kapag makita mong ayos na ang kaibigan mo?" tanong muli ni Quinn sa lalaki.
"Hindi ko pa alam. Saan ba ang punta mo ngayon?" tanong naman nito sa kanya.
"Pauwi na. Pauwi ka na rin ba?" tanong din naman niya.
"Dadaanan ko muna siya. Nag-take out ako kanina sa restaurant niyo," nakangiting tugon nito sa kanya habang pinapakita ang paperbag na hawak nito.
Napangiti na lang din siya. His friend is very lucky to have him. Friends lang ang label pero iba ang level ng pag-aalala at pag-aaruga. Mapapa-sana all ka na lang talaga. Samantalang siya, walang ibang masasandalan kundi ang sarili niya. Pero naisip niya, kaya siguro siya pinalakas at pinatibay ng Diyos kasi nakalaan ang tadhana niya na mamuhay na mag-isa. Kayang-kaya naman niya. Hindi naman siya nalulungkot na walang kasama.
Naulit pang muli ang pagkikita nila ng lalaking 'yon. Madalas itong makipagkwentuhan sa kanya. Masarap itong kausap dahil mahilig itong magbiro. Ngayon na lang ulit siya nakakatawa nang halakhak. Matagal niyang hindi nagawa iyon dahil bukod sa puro mga Australiano ang kausap niya ay hindi rin siya basta-basta makapagbitaw ng mga banat na biro sa mga ito dahil baka hindi ito sanay o baka ma-offend ang mga ito.
Madalas pa siya nitong i-treat sa mga inuman. Sabi kasi nito gusto nitong makalimot.
"Hanggang kailan ka rito sa Australia?" tanong nito sa kanya.
Napakibit balikat naman kaagad siya nang marinig ang tanong na iyon. Hindi naman kasi niya napa-plano pa.
"Hindi ko pa alam. Kapag nakaipon nang sapat? Hindi ko rin alam kung magkano ba 'yong sapat na ipon dapat," simpleng tugon din naman niya rito.
"You are a very strong independent woman. You know what you want. Hindi mo nga lang alam ang limit ng gusto mo. But still, that's a good goal," nakangiting tugon naman ng lalaki sa kanya.
"I know, right? Eh ikaw? Kumusta naman ang kaibigan mo rito? Hanggang kailan siya magtatago at magpapahilom ng sugatan niyang puso?" tanong din naman niya.
Oo, curious siya sa babaeng kaibigan nito. Napangiti lang naman ito sa kanya.
"She is doing fine. Very fine. She's coping up. Umiiyak madalas but I think, that is what will make her stronger. Sana maging kastulad mo siya," nakangiting tugon pa rin nito sabay tungga sa bote ng alak na iniinom.
'I wish I was her.'
Biglang pumasok sa isipan niya na sana siya na lang ang babaeng 'yon. Kung magkakaroon ng lalaking kagaya nito na mag-aalala palagi sa kanya? Hindi niya ito ifi-friendzone. Hindi ito 'yong tipo ng lalaki na dapat ay kaibigan lang. Ito 'yong tipo na pang-kasintahan. Ramdam niya na mabuti ito.
"Wala kang girlfriend?" paniniguradong tanong niya.
Umiling naman ito kaagad.
"Bakit hindi mo na lang siya ligawan?" tanong niyang muli.
Para niyang binubuhusan ng asin ang sarili niyang sugat sa mga itinatanong niya ngayon sa lalaki.
"Sinubukan ko naman. Pero hindi niya ako nakikita in a romantic way kagaya ng sa kapatid ko. Maybe she just need some time? Kaya ko pa namang maghintay," seryosong tugon pa nito sa kanya.
Nakaramdam siya ng kirot sa puso niya. Aminado siya, na-love at first sight talaga siya sa lalaking 'to. At sa tuwing nakakasama niya ito, tila mas nahuhulog pa siya lalo.
"Ayaw mong tumingin sa iba habang naghihintay ka? Malay mo, hindi naman siya ang para sa'yo. Saka ex-girlfriend na ng kapatid mo. Bakit jo-jowain mo pa?" tanong pa niya.
"Saan naman ako titingin? Saka dapat ba hinahanap 'yon?" tanong din naman nito sa kanya.
"Tingin ka sa akin? Malay mo hindi mo na pala kailangang hanapin. Malay mo natagpuan mo naman na pala?" seryosong tugon niya ngunit na imbes na seryosohin ay tinawanan lamang siya ng kausap.
"Hahaha! Ang galing mong bumanat! Joker ka rin pala!" natatawang sabi pa nito sa kanya.
Bumagsak ang balikat niya nang marinig ang reaksyon nito lalo na ang malakas nitong tawa na akala mo ay yumurak sa pagkatao niya. Wala pa man siyang nagagawa ay nabara at nasupalpal na kaagad siya. Inisang lagok na lamang niya ang natitirang alak na nasa bote niya.
"Mauuna na ako. Maaga pa ang pasok ko bukas," paalam na niya rito.
Sinubukan niya nang iwasan ito ng ilang araw. Sa tuwing nagpupunta ito sa restaurant ay nagtatago siya at ibinibilin niya sa mga kasamahan na sabihing naiba na ang oras ng trabaho niya. Ayaw na niya itong makausap. Alam niyang lalo lang siyang aasa kung itutuloy pa niya ang pakikipagkaibigan niya rito. Hindi naman na niya kailangan pang magdagdag ng kaibigan. Natatakot siya para sa sarili, para sa puso niya. Kaya kung kaya naman niyang iwasan ang lalaking estranghero ay gagawin niya na lang. Alam naman niyang hindi magtatagal ay uuwi na rin naman ito sa Pinas. Kaya kahit gusto niyang makipagkita rito, mas pinili na lamang niyang magpanggap na wala sa mundo nito.
Saktong kaka-out lang niya at pauwi na siya nang biglang may humarang sa tapat niya.
"Sabi ko na nga ba, hindi naman talaga nagbago ang oras ng pasok mo," nakangiting sabi ng lalaki sa kanya.
"Bakit nandito ka pa?" tanong naman niya.
"Hinintay talaga kita. Malakas lang ang kutob ko na parang umiiwas ka eh. Bakit mo ako iniiwasan? May nagawa ba ako? Nagalit ka ba sa akin?" sunud sunod na tanong naman ng lalaki sa kanya.
Pinilit niyang mag-iwas ng tingin.
"Wala naman. Hindi naman ako umiiwas. Abala lang talaga ako sa trabaho nitong mga nakaraang araw," mabilis na palusot niya.
"So, I am disturbing you?" tanong pa nitong muli.
Hindi naman na siya kumibo. Bakit kailangan pa kasi siyang hintayin nito sa labas? Bakit kailangan nila ulit magkitang dalawa? Binibigyan lang siya nito ng false hope eh.
"Yes, a bit," tipid na tugon naman niya rito.
"Kaya nga saka lang ako pumupunta kapag alam kong tapos na ang duty mo eh," paliwanag pa nito sa kanya.
"Eh bakit kailangan mo pa akong hintayin? Bakit kailangan mo pa akong puntahan?" tanong niya rin muli.
"Because we are friends? We should check each other from time to time if we can?" mabilis na paliwanag naman nito.
"I'm good. I am fine. And you look fine too. Now, we have checked each other. Okay na?" tanong niya pa.
"Galit ka ba?" naguguluhang tanong nito sa kanya.
"Hindi ako galit. Naiinis ako sa'yo kasi gusto kita, pero alam ko naman kasing may gusto kang iba kaya mas lamang ‘yong inis ko sa sarili ko," pag-amin na niya.
Tila natigilan naman ang lalaki sa narinig na sinabi niya.
"What did you just say? Gusto mo ako? Paano?" tanong nito.
"Huwag mo nga akong matanong tanong ng 'Paano?'. Sa mga ipinapakita mong kabutihan, pag-aalala. Sa mga simple gestures mo, sa tingin mo hindi ako mahuhulog do'n? Any woman will fall if some guy came and be very nice to her," paliwanag niya pa.
"Pero alam mo namang may iba akong gusto, di'ba?" tanong nito sa kanya na parang pinapaalala pa.
"Alam ko. Kaya nga sabi ko naiinis ako sa'yo, di'ba? Kaya nga umiiwas sana ako sa'yo, di'ba? Kaso punta ka naman nang punta," inis na sagot na niya rito.
"Hindi ko naman kasi alam na gusto mo pala ako? I don't mean anything and I don't want to hurt you," mabilis na sabi nito sa kanya.
"If you don't want to hurt me, then why don't you try to focus on me? Ako gusto kita, pero 'yong babaeng gusto mo, gusto ka rin ba? Hindi naman, di'ba?" kampanteng sabi pa niya.
Napa-atras ito sa kanya. At tila nabigla na naguluhan.
"I don't know if I could turn my back at her. She needs me the most this time," pabulong na tugon nito sa kanya.
Matapos nitong sabihin iyon ay tinalikuran na siya nito. Umalis ito at iniwan siyang nakatayo at nakatulala na lang. Napangiti at bahagyang natawa na lang siya sa mga nangyari. Hindi niya alam kung saan niya nakuha ang lakas ng loob para magtapat ng nararamdaman sa lalaking 'yon. Kung tutuusin ay dalawang linggo pa lang naman silang magkakilala. Para sa iba, hindi pa gano'n kalalim ang pundasyon ng pinagsamahan para masabi mong may gusto ka na sa isang tao. Pero siya? Sigurado siya sa nararamdaman. She haven't felt that way before. Nagiging totoo lang naman siya sa sarili niya. Ayaw niyang magpaliguy-ligoy pa. Ayaw niyang magsinungaling sa sarili. Kaya nagtapat siya. Kahit natanggihan siya, at least nasabi niya ang nararamdaman niya.
Gano'n naman dapat sa buhay, di'ba? Huwag kang matakot sumubok. Mas matakot ka kung hindi mo sinubukan, nagsayang ka ng pagkakataon tapos habang buhay mong iisipin na paano kung sinubukan mo? Pero huli na, pinalagpas mo na ang pagkakataon. Hindi mo na maibabalik pa ulit ang oras.
Nagpatuloy sa buhay si Quinn. Araw-araw nagta-trabaho at pumapasok sa sideline sa fastfood. Tuloy pa rin ang buhay niya na akala mo ay walang naganap na pag-reject sa confession niya. Hindi naman niya dinibdib 'yon. Naisip naman talaga niya noon na matatanggihan siya. Kasi nga may gusto namang iba ang lalaking nagustuhan niya. So, kahit paano ay naihanda rin naman niya ang sarili at ang damdamin niya. No, hard feelings.
Tahimik na lumipas ang tatlong araw niya. Papasok sa IT company sa umaga, mag-out ng hapon, diretso pasok naman sa fastfood restaurant as crew tapos saka uuwi at magpapahinga. Unti-unti naman siyang nagpa-plano ng para sa kinabukasan niya. Noong nakaraan ay inilista niya kung magkano na ba ang naipon niya at kung ano ang maaari niyang mabili sa kasalukuyang ipon niya. 'Yan ang pampaantok niya sa gabi. Ang pag-iisip na maabot niya ang pangarap.
Naghahanda na siyang matulog nang gabing iyon nang marinig niyang may kumatok mula sa labas ng pinto ng apartment niya. Napatingin siya sa orasan, pasado alas onse na ng gabi. Sino naman ang pupunta sa kanya ng ganitong oras? Naglakad siya patungo sa pinto. Nagdalawang isip pa siya no'ng una kung bubuksan ba niya ito, pero sa bandang huli ay pinagbuksan pa rin niya ang kung sino.
"I'm leaving tomorrow. Babalik na ako sa Pinas," sabi ng lalaking nasa harap niya ngayon.
Natulala muna siya nang ilang segundo bago nakasagot.
"Ah, okay. Have a safe flight," mabilis na tugon niya nang makabawi.
Tinitigan lamang siya nito nang matalim.
"That's it? That's all you have to say?" nagtatakang tanong nito.
"Ano pa ba dapat? Ah. Okay. Goodbye?" tanong niya naman.
"Akala ko ba gusto mo ako?" tanong muli ng lalaki sa kanya.
Napatango naman siya kaagad.
"That's right. I like you, but you like someone else. You turned your back at me. So, that's a way of saying no, right?" balik niya rin ng tanong.
"That's it? Really? Hindi ka man lang ba malulungkot na aalis ako? At hindi mo na ako makikita?" tanong pa nito.
"Tama nga naman, nakakalungkot nga kapag aalis ka. But what can I do? I know I can't stop you. But I think I can handle the sadness," mabilis na tugon niya pa.
"I can't believe you are saying those words. I can't believe you said you like me, but you look okay when I'm leaving you," tila dismayadong sabi pa ng lalaki sa kanya.
"Eh, ano ba ang gusto mong gawin ko? Iyakan kita? Aalis ka lang naman. Hindi ka pa patay. Saka alam kong babalik ka, nandito pa 'yong babaeng gusto mo, di'ba?" naiinis na sabi niya.
"What if I ask you to give it a try?" seryosong tanong nito sa kanya.
"Try what?" tila naguguluhang tanong niya naman sa lalaki.
"You and me? You said, you like me, right? Paano kung sabihin kong attracted rin ako sa'yo?" paglilinaw pa nito sa kanya.
Napa-atras siya papasok sa apartment niya. Hindi niya alam ang isasagot ngayon dahil hindi naman niya in-expect ang sasabihin nito sa kanya ngayon. She conditioned herself to accept that he will not like her back dahil nga may iba naman itong gusto. Naba-blangko siya at natatanga.
"Bakit hindi ka sumasagot? You don't want it?" tanong nitong muli.
Humakbang na pala ito palapit sa kanya. Tuluyan na rin itong nakapasok sa loob ng apartment niya.
"Gusto ko, siyempre. Hindi ko lang in-expect na sasabihin mo 'yan. I was just telling myself before you came knocking on my door that it's okay. At least I told you what I feel. So, ngayon, nandito ka. Ginugulo mo ang isip ko," tila naguguluhan na paliwanag niya rin naman.
"So, is it really a yes or no?" tanong pa nitong muli.
"Yes? Of course?" tila patanong pa niyang tugon.
"Good choice," nakangising sagot nito sa kanya.
Nagulat na lang siya nang bigla siyang hapitin nito sa baywang at bigyan nang malalim na halik. Napasinghap siya ngunit nakulong ang singhap niya sa mga mainit na labi nito. Hindi na siya pumalag pa. Bagkus ay tinugon niya ang mga halik nito sa kanya. Binuhat siya nito at kaagad naman niyang ipinulupot ang mga hita niya paikot sa baywang nito. Tila nawala na sa katinuan si Quinn. Sumusunod na lamang siya sa gustong ipagawa ng lalaking kayakap niya ngayon.
Namalayan na lamang niyang nasa kama na silang dalawa at pareho na silang walang saplot. Napasinghap siya at napangiwi nang angkinin siya nito sa unang pagkakataon.
"You are still a vir.." hindi na pinatapos pa ni Quinn ang sasabihin ng lalaki at muli niya itong hinalikan sa mga labi.
Nagpatuloy naman ang lalaki at dahan-dahan siyang inangkin nito. Ang mga hapdi at kirot ay kaagad din namang napalitan ng sarap at kiliti hindi kalaunan. Hindi niya alam kung bakit ang bilis niyang ibinigay ang sarili niya nang gabing 'yon. Kasing bilis kung paano nahulog ang loob niya sa lalaking 'yon.
Ang lalaking habangbuhay niyang matatandaan at hindi na nga yata niya mabubura pa sa kanyang puso at isipan. Si Troy Maghari.