HINDI makatingin sa akin si Shanta habang nasa loob na kami ng sasakyan. Nang dumating si Gilbert ay inayos ko na ang mga gamit na inimpake nila dahil uuwi na daw ang mga ito.
Nauna kong inihatid si Gilbert at pagkatapos naman ay inihatid ko si Shanta sa bakery ng Tita Cora nito. Tinapos ko na muna ang lahat ng trabaho ko bago ako umuwi sa apartment na tinutuluyan ko.
Kumuha ako ng apartment na malapit lamang sa bakery nila Shanta. Iyon ang tanging naisip ko para mabantayan ko si Shanta at pati na rin makita ko si Cora.
Hindi ko alam kung tama na ipinagtapat ko ang pag-ibig ko kay Shanta. Mahal ko siya... mahal na mahal at hindi ko na iniisip pa ang p'wedeng mangyari kung isang araw malaman nito ang totoo.
Nakaramdam ako kanina ng sobrang selos habang nakatingin ako kina Shanta at Vlad na mukhang maghahalikan. Hindi ko alam kung seryoso ba si Shanta nang sabihin nito na mahal niya ako o isa lang iyong pakikipaglaro sa damdamin ko para sa kanya.
Hindi ko siya tinawagan o iti-next man lang ngayon araw. Tiniis ko na huwag muna siyang kausapin upang humupa ang inis na nararamdaman ko para sa kanya.
Iniwasan ko na gumamit ng cellphone sa trabaho ko para sandaling makalimutan si Shanta. Busy siya sa pag-aaral niya at ganoon din ako sa aking trabaho. Kailangan kong mag-doble sipag para mas malaki ang maipadala ko sa Maynila.
Isang linggo ang lumipas na hindi ko nakausap si Shanta. Hindi rin ako gumagamit ng cellphone ko at panay ang overtime ko sa trabaho.
Inisip ko na mas mabuti na lamang ito para matiyak ko ang sarili ko kung totoo ba talaga ang pagmamahal na nararamdaman ko para kay Shanta.
Pauwi na ako galing sa trabaho nang makita ko na may isang babae na nakatayo sa harap ng apartment na tinutuluyan ko.
Sa kilos pa lang nito ay alam ko na si Shanta ang babaeng naghihintay sa akin. Alas syete na ng gabi at may mga tambay pa na panay nag tingin dito.
Mabilis ko siyang nilapitan nang hindi nito namamalayan.
"Kanina ka pa ba?" seryosong tanong ko sa kanya. Inilabas ko ang susi ko at ipinasok iyon sa padlock. Nang mabuksan ko iyon ay pumasok na ako sa loob ngunit nanatiling nakatayo si Shanta sa labas.
Ibinaba ko ang bag ko bago muling magsalita. "May sadya ka ba? May importante ka bang sasabihin sa akin?"
Pumasok na ito ng loob ng apartment ko at isinara ang pinto.
"Bakit hindi ka man lang tumawag sa akin o mag-text man lang?" madamdaming tanong nito sa akin.
"May karapatan ba ako para gawin iyon?" Inalis ko ang damit ko at saka kumuha ng puting sando sa loob ng kuwarto ko.
"Warren!"
"Shanta, ayoko ng pinaglalaruan lang ang feelings ko. Alam ko na bata ka pa at hindi ko alam kung pinaglalaruan mo lang ba ako. Kung sinagot mo na si Vl---"
"Hindi kami! Walang kami! At hindi magiging kami kahit kailan!" ramdam ko ang inis sa boses nito.
Dumiretso ako sa kusina ngunit sinundan pa rin ako ni Shanta.
"Iiwasan mo ba talaga ako? Hindi ka man lang nagre-reply sa akin. Naiinis ako dahil hinihintay ko na puntahan mo ako sa bakery pero hindi mo man lang ako pinuntahan."
"Busy ako sa trabaho, at marami akong ginagawa."
"Warren, sabihin mo nga sa akin. Hindi ba totoo na tayo ng dalawa?"
Hinarap ko si Shanta at saka ako sumandal sa may lababo. "Kaya ka ba nandito?"
"Ha?"
"Sa beach? Hindi mo ba ipapaliwanag kung bakit ko kayo nakita ni Vlad sa ganoong sitwasyon? Hahalikan ka na ba niya noon o dapat may ibang nangyari pa?"
"A-Anong sinabi mo? Sinasabi mo ba na---"
"Umuwi ka na, hindi ka dapat nagpupunta sa bahay ng lalaki na dis oras na ng gabi"
"Hindi ako katulad ng babaeng iniisip mo, Warren. Siguro nga tama ka! Siguro nga dapat hindi na lang ako nag-confess sa iyo dahil ganyan pala kasama ang ugali mo."
Bumuga ako nang malalim at tumingin kay Shanta. Masakit ang mga salitang binitawan ko laban sa kanya. Alam ko na hindi ko dapat iyon sinabi dito pero gusto kong malaman nito na hindi ko gusto ang ginawa nito sa beach.
"I'm sorry."
Tumingin sa akin si Shanta na umiiyak na pala.
"Nagalit lang talaga ako dahil hindi ko alam kung seryoso ka ba talaga sa akin. Alam mo kung gaano kita kamahal, nagseselos ako at naiinis ako sa sarili ko."
"Siguro nga talagang hindi dapat tayo---"
Nilapitan ko si Shanta at niyakap nang mahigpit.
"Ayokong mawala ka sa buhay ko. Natatakot lang talaga ko na magkagusto ko kay Warren at iwan mo ako."
"Kaya mo ba iniisip na pinaglalaruan kita?"
Tumingin ako sa mga mata ni Shanta. Pinahid ko rin ang luha sa kanyang mga mata.
"Inaamin ko na iyon ang nararamdaman ko. Promise. Hindi na ito mauulit. Uunawain ko na lang at iintindihin ang mga ginagawa mo. Bata ka pa at alam ko na marami ka pang bagay na hindi alam. Mahal kita." Bumaba ang aking mga mata sa mga labi nito na namumula. "Mahal na mahal kita." Dinampian ko ng magaan na halik ang mga labi ni Shanta.
Muli akong tumingin sa mga mata niya. Pumikit ito at hinayaang gawaran ko ulit siya ng halik.
Gumalaw ang ibabang labi ni Shanta. Lumalim ang halik ko sa kanya. At tinutugon naman nito ang paggalaw ng aking mga labi.
Hinapit ko ang bewang niya at iniupo sa ibabaw ng lamesa. Nag-iinit ang aking katawan sa paghaplos nito sa aking batok.
Nararamdaman ko na rin ang paninikip ng suot kong brief habang magkahinang ang aming mga labi.
"I love you..." mahinang usal ko bago muling sakupin ang mga labi nito.
Tumitig ako sa mga mata ni Shanta.
"I love you too..." mahinang sambit nito sa akin at hinagkan ang aking mga labi.
Magaling humalik si Shanta. Malambot ang mga labi nito at napakatamis. Hindi ko tuloy mapigilan ang pag-iinit ng aking katawan.
Inilayo ko ang aking sarili kay Shanta.
"Gusto mo bang kumain?"
Nahihiya pa itong tumango sa akin. "Sorry, talaga."
"Wala iyon... sorry din kung iniisip mo na tinitiis kita. Wala akong alam na gawin kun'di iyon dahil galit ako. Mas mabuti nang hindi na lang muna kita kausapin kaysa mag-aaway lang tayo katulad nito. Pagkatapos nating kumain, ihahatid na kita sa inyo. Baka hinahanap ka na nh Tita Co-Cora mo."
"Wala si Tita Cora, Warren. Nagpunta siya ng Maynila para asikasuhin ang ipapatayo niyang branch doon. Si Tita Carol ko ang magaasikaso no'n para may pagkakakitaan si Tita Carol at mabantayan pa niya palagi ang mga anak niya."
"Kaya ka ba nandito?"
"Na-miss kita. Nag-aalala ako dahil hindi mo ako tinatawagan kaya nagpunta na Ko rito. Nakakakinis ka dahil kailangan mo pa talaga akong husgahan para lan---"
Mabilis kong hinagkan ang mga labi ni Shanta.
"I'm sorry, okay? Ipagluluto na lang kita para hindi ka na magalit sa mga sinabi ko kanina."
Bumaba ito ng lamesa at lumapit sa akin sa lababo.
"Tutulungan na kit---"
Naibuhos ko kay Shanta ang hinahalo kong itlog na nasa bowl dahil sa biglang paglapit nito sa akin.
"Tsk, ayan mukha ka tuloy omelette niyan," tumatawang sabi ko rito.
"Paano na ako ngayon?" natatawang tanong nito sa akin habang nakatingin sa sarili. Kumalat ang scrambled egg sa blouse na suot nito hanggang short.
Pinatalikod ko siya at pinapasok sa loob ng banyo. "May extrang t-shirt ako diyan sa loob iyan na muna ang gamitin mo."
Isinara ko ang pinto ng banyo nang nakangiti at iniwan si Shanta na hindi naman maipinta ang mukha.