Kabanata 12

1028 Words
"Kuya!" malakas na bulyaw ko sa kanya. Kahit naman nakainom ako ay alam ko pa rin naman ang ginagawa ko. At isa pa hindi naman ako sobrang lasing na lasing. Sinundan ko siya patungo sa isang kubo. "Shanta, huwag kang maingay. Bumalik ka na sa cottage ninyo at doon ka matulog. Bakit ka ba nandito? Hindi ba sinabi mo na kanina na hindi kita dapat pakialamanan dahil hindi mo naman ako boyfriend at hindi mo rin naman ako kaibigan." Sa tono ng pananalita ni Warren ay talagang galit siya sa akin. Umupo na lamang ako sa upuan ng kubo at saka nangalumbaba sa harapan nito. Hindi na ako nagsalita at nanatili na lamang na nakatingin dito. Nakatingin din siya sa akin pero mukhang inis na inis sa akin. Ipinatong ko ang mga braso ko sa lamesa na nasa tabi ko at saka ko iniyuko ang aking mga ulo. "Sorry na... nakaisang stick lang naman ako ng sigarilyo kanina," mahinang sabi ko. Narinig ko lang na bumuga siya ng malalim at saka ito umupo na malayo sa akin. Siguro mga isang metro ang layo niya sa akin. "Lasing na lasing ka lang kaya ka humihingi ng sorry sa akin. Pagkatapos paggising mo bukas parang walang nangyari dahil nakalimutan mo na nag-sorry ka." "Grabe ka naman sa akin. Pakinggan mo nga ako. Diretso pa naman ako magsalita... Ku-Kuya Warren." Nararamdaman ko na talagang nahihilo na talaga ako. Ipinatong ko ang aking ulo sa lamesa at ginawang unan ang aking mga braso. "Sinungaling. Hindi naman ako bulag, Shanta. At tigilan mo nga ang pagtawag sa akin ng Kuya Warren." "Sorry na nga kasi... nabigla lang talaga ako. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko kanina. Hindi ko nga alam kung natuwa ba ako dahil nakita kita o naiinis lang ako sa sarili ko dahil pinipilit ko na lumayo sa iyo dahil iyon ang tama." Napatingin ito sa akin kaya umiwas ako ng tingin dito. "Baka hinahanap ka na ng mga kaibigan mo sa---" "Gusto ko lang na mag-sorry dahil sa ginawa ko kanina. Alam ko naman na hindi ko dapat iyon sinabi sa iyo dahil kaibigan ang turing mo sa akin at binasted na kita." Sumimangot na lamang ako at ipinikit ang aking mga mata. "Wrong timing kasi ang dating mo sa buhay ko, e. Nag-aaral ako tapos... dumating-dating ka! Hindi nga tuloy ako makapag-focus sa pag-aaral ko dahil sa iyo. At naiinis ako sa sarili ko dahil doon... kaya gusto ko na lumayo na lang sa iyo para naman hindi masayang ang pagpapaaral sa akin ng Tita Cora ko." "Iniisip mo ba na kapag nagustuhan mo ako masisira na ang pag-aaral mo, ganoon ba? Ganoon mo na ba ako kilala para sabihin mo iyan sa akin?" Hindi ko siya tinignan, nanatili na lamang akong nakapikit dahil ayokong makita ang reaksyon niya. Mukhang galit pa rin talaga siya sa akin. "Iniwan ko ang boyfriend ko sa Maynila para lang makapag-aral ulit dito sa Nueva Ecija. At para sundin ang mga pangaral sa akin ng mga auntie's ko. Gusto nila na matupad ko lahat ng mga pangarap sa akin ni Nanay bago siya mamatay. At si Tita Cora, ayokong mabigo ko siya dahil lang sa..." "Dahil sa ano, Shanta?" Iminulat ko ang aking mga mata at saka tumingin dito. Nakatingin pala ito sa akin at nagtama ang aming mga mata. Ibinangon ko ang aking ulo at saka umupo ng matuwid. "Sige na, babalik na ako sa cott---" Hinawakan nito ang kamay ko at lumapit sa akin. "Gusto mo na ba ako?" Kinagat ko ang ibabang labi ko at saka tumango. Ayokong patuloy na pigilan ang puso ko na mahalin si Warren. Gusto ko talaga siya. Kahit na umiwas pa ako at ipagtabuyan ko siya sa isip ko... patuloy pa rin akong nakakaramdam ng sakit sa puso ko. "Shanta, huwag mong isipin na magiging sagabal ako sa pag-aaral mo at sa kinabukasan mo dahil hindi iyan totoo. Huwag mo akong ipagtabuyan. Please. Shanta, hindi pa rin nagbabago ang pagtingin ko sa iyo. Hindi pa rin nagbabago ang katotohanan na gusto pa rin kita." Hinaplos nito ang aking kaliwang pisngi. "Hindi lang kita gusto... mahal na kita, Shanta. Gusto kong protektahan ka... gusto kong matulungan ka sa pag-aaral mo at gusto kong maalagaan kita." "Warren." "Huwag mong pigilan ang sarili mo na mahalin ako." Inilapit nito ang mukha sa mukha ko at tumingin sa aking mga mata. "Huwag mong pilitin na lumayo sa akin." Niyakap niya ako nang mahigpit. "Ma... mahal na din kita, Warren." Gumanti ako ng mahigpit na yakap sa kanya. Mabilis ang t***k ng puso ni Warren at ganoon din ang sa akin. Hinagkan niya ang noo ko at muling niyakap nang mahigpit. Alam ko... nararamdaman ko na seryoso ang pag-ibig sa akin ni Warren. "Wala akong gagawin na ikakasira ng kinabukasan mo, mahal ko. Magiging inspirasyon mo ako at araw-araw kong ipaparamdam sa iyo kung gaano kita pakaiingatan at mamahalin. Mahal na mahal kita, Shanta." "I love you too, Warren." Tumingin ako sa kanyang mga mata. Hinintay ko na halikan niya ako sa aking mga labi ngunit hindi nito iyon ginawa. Marahil iniisip nito na kapag ginawa nito iyon ay hindi ito makapagpigil. Niyakap lamang niya ako ng mahigpit at saka niya ako inihatid sa cottage na tinutuluyan namin ng mga kaibigan ko. "Sige na... pumasok ka na sa loob. Magpahinga ka na, okay." "Warren..." "I love you. Sige na isara mo na ang pinto at matulog ka na." Ngumiti na lamang ako sa kanya at sinunod ang iniutos nito sa akin. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na kiligin sa sobrang saya. Nasabi ko na kay Warren gusto kong sabihin sa kanya. Pagbubutihin ko ang pag-aaral ko habang nakikipag-relasyon ako kay Warren. Si Tita Cora... hinding-hindi ko siya bibiguin. Humiga ako sa tabi ni Rosie na hindi mawala ang ngiti sa aking mga labi. Kami na ni Warren, sinabi kong mahal ko na siya at sinabi din niyang mahal niya ako. Ako ang nag-confess ng nararamdaman ko at sobrang gaan na ngayon ng pakiramdam ko. Ang tanging iisipin ko na lang ay ang sasabihin ko sa aking mga tita dahil napako ang pangakong binitawan ko sa kanila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD